< 箴言 13 >

1 智慧子聽父親的教訓; 褻慢人不聽責備。
Ang matalinong anak ay nakikinig sa tagubilin ngunit ang manunuya ay hindi makikinig sa pagtutuwid.
2 人因口所結的果子,必享美福; 奸詐人必遭強暴。
Mula sa bunga ng kaniyang bibig, sa mga mabubuting bagay ang isang tao ay nasisiyahan, pero ang gana ng taksil ay para sa karahasan.
3 謹守口的,得保生命; 大張嘴的,必致敗亡。
Ang binabantayan ang kaniyang bibig ay pinapangalagaan ang kaniyang buhay, pero sisirain ang sarili nang nagbubukas ng labi ng maluwang.
4 懶惰人羨慕,卻無所得; 殷勤人必得豐裕。
Ang gana ng taong tamad ay nananabik nang labis pero walang makukuha, pero ang gana ng mga taong masisipag ay masisiyahan nang masagana.
5 義人恨惡謊言; 惡人有臭名,且致慚愧。
Napopoot sa mga kasinungalingan ang siyang gumagawa ng tama, pero ang isang masamang tao ay ginagawang kamuhi-muhi ang sarili, at ginagawa niya kung ano ang kahiya-hiya.
6 行為正直的,有公義保守; 犯罪的,被邪惡傾覆。
Silang walang kapintasan sa kanilang landas ay ipinagtatanggol ng katuwiran, ngunit ang kasamaan ay inililigaw ang mga gumagawa ng kasalanan.
7 假作富足的,卻一無所有; 裝作窮乏的,卻廣有財物。
May isang tao na pinayayaman ang sarili, pero halos walang-wala, at may isang tao na pinamimigay ang lahat ng bagay, pero siyang tunay na masagana.
8 人的資財是他生命的贖價; 窮乏人卻聽不見威嚇的話。
Ang taong mayaman ay maaaring tubusin ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga ari-arian, pero ang taong mahirap ay hindi makatatanggap ng ganiyang uri ng pagbabanta kailanman.
9 義人的光明亮; 惡人的燈要熄滅。
Ang ilaw nang gumagawa ng matuwid ay nagsasaya, pero papatayin ang lampara ng masama.
10 驕傲只啟爭競; 聽勸言的,卻有智慧。
Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng pag-aaway-away, pero mayroong karunungan para sa mga nakikinig ng mabuting payo.
11 不勞而得之財必然消耗; 勤勞積蓄的,必見加增。
Ang kayamanan ay nauubos kapag mayroong labis na kalayawan, pero ang siyang kumikita ng salapi sa pamamagitan ng pagtatrabaho gamit ang kaniyang kamay ay mapapalago ang kaniyang salapi.
12 所盼望的遲延未得,令人心憂; 所願意的臨到,卻是生命樹。
Kapag ang pag-asa ay ipinagpaliban, dinudurog nito ang puso, pero ang isang natupad na pananabik ay isang puno ng buhay.
13 藐視訓言的,自取滅亡; 敬畏誡命的,必得善報。
Ang nagsasawalang-bahala ng tagubilin ay magiging sakop pa rin nito, pero ang nagpaparangal sa utos ay gagantimpalaan.
14 智慧人的法則是生命的泉源, 可以使人離開死亡的網羅。
Ang katuruan ng isang matalinong tao ay bukal ng buhay, ilalayo ka mula sa patibong ng kamatayan.
15 美好的聰明使人蒙恩; 奸詐人的道路崎嶇難行。
Kagandahang-loob ang tinatamo ng mabuting pananaw, pero ang daan ng taksil ay walang katapusan.
16 凡通達人都憑知識行事; 愚昧人張揚自己的愚昧。
Ang taong marunong ay kumikilos sa bawat pagpapasya mula sa kaalaman, pero pinapangalandakan ng isang mangmang ang kaniyang kamangmangan.
17 奸惡的使者必陷在禍患裏; 忠信的使臣乃醫人的良藥。
Ang isang masamang tagapagbalita ay nahuhulog sa gulo, pero ang isang tapat na sugo ay nagdadala ng pagkakasundo.
18 棄絕管教的,必致貧受辱; 領受責備的,必得尊榮。
Magkakaroon ng kahirapan at kahihiyan ang hindi pumapansin sa disiplina, pero karangalan ang darating sa kaniya na natututo mula sa pagtutuwid.
19 所欲的成就,心覺甘甜; 遠離惡事,為愚昧人所憎惡。
Ang pananabik na nakamit ay matamis sa gana ng panlasa, pero ang mangmang ay nasusuklam na tumalikod mula sa masama.
20 與智慧人同行的,必得智慧; 和愚昧人作伴的,必受虧損。
Lumakad kasama ang mga matatalinong tao at ikaw ay magiging matalino, pero ang kasamahan ng mga mangmang ay magdurusa ng kapamahakan.
21 禍患追趕罪人; 義人必得善報。
Sakuna ang humahabol sa mga makasalanan, pero silang mga gumagawa ng tama ay gagantimpalaan ng kabutihan.
22 善人給子孫遺留產業; 罪人為義人積存資財。
Nag-iiwan ng mana para sa kaniyang mga apo ang taong mabuti, pero ang kayamanan ng makasalanan ay inipon para sa gumagawa ng matuwid.
23 窮人耕種多得糧食, 但因不義,有消滅的。
Ang hindi pa nabubungkal na bukirin na pag-aari ng mahirap ay maaaring magbunga ng maraming pagkain, pero ito ay natangay dahil sa kawalan ng katarungan.
24 不忍用杖打兒子的,是恨惡他; 疼愛兒子的,隨時管教。
Ang hindi dinidisiplina ang kaniyang anak ay napopoot dito, pero ang nagmamahal sa kaniyang anak ay maingat na disiplinahin ito.
25 義人吃得飽足; 惡人肚腹缺糧。
Ang gumagawa ng tama ay kumakain hanggang masiyahan ang kaniyang gana, pero laging nagugutom ang tiyan ng masama.

< 箴言 13 >