< 尼希米記 2 >

1 亞達薛西王二十年尼散月,在王面前擺酒,我拿起酒來奉給王。我素來在王面前沒有愁容。
Sa buwan ng Nisan, sa ikadalawampung taon ni Haring Artaxerxes, siya ay pumili ng alak, at kinuha ko ang alak at ibinigay ito sa hari. Ngayon ako ay hindi kailanman naging malungkot sa kaniyang harapan.
2 王對我說:「你既沒有病,為甚麼面帶愁容呢?這不是別的,必是你心中愁煩。」於是我甚懼怕。
Kaya sinabi sa akin ng hari, “Bakit malungkot ang iyong mukha? Hindi ka naman mukhang may sakit. Marahil ito ay kalungkutan ng puso.” Pagkatapos nito, ako ay lubos na natakot.
3 我對王說:「願王萬歲!我列祖墳墓所在的那城荒涼,城門被火焚燒,我豈能面無愁容嗎?」
Sinabi ko sa hari, “Nawa mabuhay ang hari magkailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha? Ang lungsod, ang lugar ng mga libingan ng aking ama, ay nananatiling giba, at ang mga tarangkahan nito ay winasak sa pamamagitan ng apoy.”
4 王問我說:「你要求甚麼?」於是我默禱天上的上帝。
Pagkatapos sinabi sa akin ng hari. “Ano ang gusto mong gawin ko?” Kaya ako ay nanalangin sa Diyos ng kalangitan.
5 我對王說:「僕人若在王眼前蒙恩,王若喜歡,求王差遣我往猶大,到我列祖墳墓所在的那城去,我好重新建造。」
Tumugon ako sa hari, “Kung mabuti ito para sa hari, at kung ang iyong lingkod ay gumawa ng mabuti sa iyong paningin, maaari mo akong ipadala sa Juda, sa lungsod ng libingan ng aking mga ninuno, para maitayo ko itong muli.”
6 那時王后坐在王的旁邊。王問我說:「你去要多少日子?幾時回來?」我就定了日期。於是王喜歡差遣我去。
Tumugon ang hari sa akin (at ang reyna ay nakaupo rin sa tabi niya), “Gaano katagal kang mawawala at kailan ka babalik?” Ang hari ay nagalak na isugo ako matapos kong maibigay sa kaniya ang mga petsa.
7 我又對王說:「王若喜歡,求王賜我詔書,通知大河西的省長准我經過,直到猶大;
Pagkatapos sinabi ko sa hari, “Kung makalulugod sa hari, nawa bigyan ako ng mga liham para ibigay sa mga gobernador sa kabilang ilog, para ako ay pahintulutang makaraan sa kanilang mga lupain sa aking pagpunta sa Juda.
8 又賜詔書,通知管理王園林的亞薩,使他給我木料,做屬殿營樓之門的橫樑和城牆,與我自己房屋使用的。」王就允准我,因我上帝施恩的手幫助我。
Mangyaring mayroon din sanang liham para kay Asaf ang tagapag-ingat ng kagubatan ng hari, nang sa gayon ay maaaring niya akong bigyan ng troso para gawing mga biga sa mga pintuan ng tanggulang kasunod sa templo, at sa pader ng lungsod, at sa aking bahay na aking pananahanan.” Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin, ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking mga kahilingan.
9 王派了軍長和馬兵護送我。我到了河西的省長那裏,將王的詔書交給他們。
Pumunta ako sa mga gobernador sa kabilang ilog, at ibinigay sa kanila ang mga liham ng hari. Ngayon ang hari ay nagpadala ng mga opisyal at mga mangangabayo para samahan ako.
10 和倫人參巴拉,並為奴的亞捫人多比雅,聽見有人來為以色列人求好處,就甚惱怒。
Nang marinig ito nina Sanballat na Horonita at ni Tobias na lingkod na Ammonita, sila ay labis na nayamot na may isang taong dumating para tulungan ang bayan ng Israel.
11 我到了耶路撒冷,在那裏住了三日。
Kaya nagpunta ako sa Jerusalem, at nanatili roon ng tatlong araw.
12 我夜間起來,有幾個人也一同起來;但上帝使我心裏要為耶路撒冷做甚麼事,我並沒有告訴人。除了我騎的牲口以外,也沒有別的牲口在我那裏。
Bumangon ako ng gabi, ako at ilan sa mga kalalakihang kasama ko. Hindi ko sinabi kahit kanino kung ano ang inilagay ng aking Diyos sa aking puso na gagawin para sa Jerusalem. Wala akong ibang hayop na kasama, maliban sa isa na aking sinasakyan.
13 當夜我出了谷門,往野狗井去,到了糞廠門,察看耶路撒冷的城牆,見城牆拆毀,城門被火焚燒。
Lumabas ako ng gabi sa Tarangkahan ng Lambak, malapit sa Bukal ng Dragon at sa Tarangkahan ng Dumi, at siniyasat ang mga pader ng Jerusalem na nasira at ang mga tarangkahang kahoy na nawasak ng apoy.
14 我又往前,到了泉門和王池,但所騎的牲口沒有地方過去。
Pagkatapos pumunta ako sa Tarangkahan ng Bukal at sa paliguan ng hari. Napakasikip ng lugar para daanan ng hayop na aking sinasakyan.
15 於是夜間沿溪而上,察看城牆,又轉身進入谷門,就回來了。
Kaya umakyat kami ng gabing iyon sa lambak at siniyasat ang pader, bumalik ako at pumasok sa Tarangkahan ng Lambak, gayundin pabalik.
16 我往哪裏去,我做甚麼事,官長都不知道。我還沒有告訴猶大平民、祭司、貴冑、官長,和其餘做工的人。
Hindi alam ng mga namumuno kung saan ako pumunta o kung ano ang ginawa ko, at hindi ko pa ipinaalam sa mga Judio, maging sa mga pari, mga maharlika, mga namumuno, at maging sa mga iba pang gumawa ng trabaho.
17 以後,我對他們說:「我們所遭的難,耶路撒冷怎樣荒涼,城門被火焚燒,你們都看見了。來吧,我們重建耶路撒冷的城牆,免得再受凌辱!」
Sinabi ko sa kanila, “Nakikita ninyo ang kaguluhan kung saan tayo naroroon, kung paano nananatiling giba ang Jerusalem at ang mga tarangkahan nito ay winasak ng apoy. Halikayo, itayo nating muli ang pader ng Jerusalem, para hindi na tayo kailanman mapahiya.”
18 我告訴他們我上帝施恩的手怎樣幫助我,並王對我所說的話。他們就說:「我們起來建造吧!」於是他們奮勇做這善工。
Sinabi ko sa kanila na ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin at tungkol din sa mga salita ng hari na kaniyang sinabi sa akin. Sinabi nila “Tayo nang bumangon at magtayo.” Kaya pinalakas nila ang kanilang mga kamay para sa mabubuting gawain.
19 但和倫人參巴拉,並為奴的亞捫人多比雅和阿拉伯人基善聽見就嗤笑我們,藐視我們,說:「你們做甚麼呢?要背叛王嗎?」
Pero nang marinig nila Sanballat na Horonita, at ni Tobias ang Ammonitang lingkod, at Gesem na taga-Arabya ang tungkol dito, pinagtawanan nila kami at nilait, at sinabi nila, “Ano ang ginagawa ninyo? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?”
20 我回答他們說:「天上的上帝必使我們亨通。我們作他僕人的,要起來建造;你們卻在耶路撒冷無分、無權、無紀念。」
Pagkatapos sinagot ko sila, “Bibigyan kami ng Diyos ng kalangitan ng katagumpayan. Kami ay kaniyang mga lingkod at babangon kami at magtatayo. Pero kayo ay walang bahagi, walang karapatan, at walang kasaysayang pinanghahawakan sa Jerusalem.”

< 尼希米記 2 >