< 尼希米記 13 >
1 當日,人念摩西的律法書給百姓聽,遇見書上寫着說,亞捫人和摩押人永不可入上帝的會;
Nang araw na iyon binasa nila ang Aklat ni Moises na naririnig ng mga tao. Natuklasan nila na nakasulat doon na walang Ammonita o Moabita ang dapat sumali sa kapulungan ng Diyos, magpakailanman.
2 因為他們沒有拿食物和水來迎接以色列人,且雇了巴蘭咒詛他們,但我們的上帝使那咒詛變為祝福。
Ito ay dahil hindi sila lumapit sa mga mamamayan ng Israel nang may tinapay at tubig, sa halip binayaran nila si Balaam para sumpain ang Israel. Gayumpaman, ginawa ng ating Diyos na isang pagpapala ang sumpa.
Nang narinig nila ang Batas, pinaalis nila mula sa Israel ang bawat dayuhan.
4 先是蒙派管理我們上帝殿中庫房的祭司以利亞實與多比雅結親,
Bago nito, si Eliasib na pari ay itinalaga sa mga imbakan ng tahanan ng ating Diyos. Siya ay kamag-anak ni Tobias.
5 便為他預備一間大屋子,就是從前收存素祭、乳香、器皿,和照命令供給利未人、歌唱的、守門的五穀、新酒,和油的十分之一,並歸祭司舉祭的屋子。
Naghanda si Eliasib ng isang malaking imbakan para kay Tobias, kung saan pinaglalagyan dati ng mga handog na pagkaing butil, ng insenso, mga kagamitan, at ng mga ikapu ng butil, bagong alak, at ng langis, na itinalaga para sa mga Levita, mga mang-aawit, mga tagapagbantay ng tarangkahan, at ang mga ambag para sa mga pari.
6 那時我不在耶路撒冷;因為巴比倫王亞達薛西三十二年,我回到王那裏。過了多日,我向王告假。
Pero wala ako sa Jerusalem nang mga panahong ito. Dahil pumunta ako sa hari ng Babilonia na si Artaxerxes sa kaniyang ika-tatlumpu't dalawang taon. Pagkatapos ng ilang panahon ay humingi ako ng pahintulot sa hari para umalis,
7 我來到耶路撒冷,就知道以利亞實為多比雅在上帝殿的院內預備屋子的那件惡事。
at bumalik ako sa Jerusalem. Nabatid ko ang kasamaan na ginawa ni Eliasib sa pagbibigay kay Tobias ng isang imbakan sa patyo ng bahay ng Diyos.
8 我甚惱怒,就把多比雅的一切家具從屋裏都拋出去,
Nagalit ako nang lubos at itinapon ko ang lahat ng mga kagamitan sa bahay ni Tobias palabas ng imbakan.
9 吩咐人潔淨這屋子,遂將上帝殿的器皿和素祭、乳香又搬進去。
Iniutos ko na gawin nilang dalisay ang mga imbakan, at ibinalik ko sa loob ng mga ito ang mga kagamitan sa tahanan ng Diyos, ang mga handog na pagkaing butil, at ang insenso.
10 我見利未人所當得的分無人供給他們,甚至供職的利未人與歌唱的俱各奔回自己的田地去了。
At nalaman ko na ang mga bahaging nakatakda para sa mga Levita ay hindi naibigay sa kanila, kaya naman mabilis nilang nilisan ang templo, ang bawat isa sa kani-kaniyang bukid, tulad din ng ginawa ng mga mang-aawit.
11 我就斥責官長說:「為何離棄上帝的殿呢?」我便招聚利未人,使他們照舊供職。
Kaya hinarap ko ang mga opisyales at sinabi, “Bakit napabayaan ang bahay ng Diyos?” Tinipon ko sila at inilagay sila sa kanilang mga puwesto.
12 猶大眾人就把五穀、新酒,和油的十分之一送入庫房。
Pagkatapos, dinala ng buong Juda ang ikapu ng butil, ng bagong alak, at ng langis sa mga imbakan.
13 我派祭司示利米雅、文士撒督,和利未人毗大雅作庫官管理庫房;副官是哈難。哈難是撒刻的兒子;撒刻是瑪他尼的兒子。這些人都是忠信的,他們的職分是將所供給的分給他們的弟兄。
Itinalaga ko bilang mga tagapag-ingat yaman sa mga kamalig na imbakan si Selemias, ang pari, at si Sadoc, ang eskriba, at mula sa mga Levita, si Pedaias. Sunod sa kanila ay si Hanan na anak ni Zacur na anak ni Matanias, dahil itinuring silang mapagkakatiwalaan. Ang kanilang mga tungkulin ay ang ibigay ang mga panustos sa kanilang mga kasamahan.
14 我的上帝啊,求你因這事記念我,不要塗抹我為上帝的殿與其中的禮節所行的善。
Alalahanin mo ako, aking Diyos, tungkol dito, at huwag niyo ng burahin ang mga ginawa kong magaganda para sa tahanan ng aking Diyos at ang mga pakinabang nito.
15 那些日子,我在猶大見有人在安息日醡酒,搬運禾捆馱在驢上,又把酒、葡萄、無花果,和各樣的擔子在安息日擔入耶路撒冷,我就在他們賣食物的那日警戒他們。
Sa mga araw na iyon nakita ko sa Juda ang mga taong umaapak sa mga pigaan ng ubas sa Araw ng Pamamahinga at nagpapasok ng mga tumpok ng butil at isinasakay ang mga ito sa mga asno, at pati alak, mga ubas, mga igos, at lahat ng uri ng mga mabibigat na pasanin, na dinala nila sa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga. Tinutulan ko sila sa pagtitinda ng pagkain sa araw na iyon.
16 又有泰爾人住在耶路撒冷;他們把魚和各樣貨物運進來,在安息日賣給猶大人。
Ang mga lalaking mula sa Tiro na nakatira sa Jerusalem ay nagdala ng mga isda at lahat ng uri ng mga kalakal, at itininda nila ang mga iyon sa Araw ng Pamamahinga sa mga mamamayan ng Juda at sa lungsod!
17 我就斥責猶大的貴冑說:「你們怎麼行這惡事犯了安息日呢?
Kaya hinarap ko ang mga pinuno ng Juda, “Ano itong masamang bagay na inyong ginagawa, nilalapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga?
18 從前你們列祖豈不是這樣行,以致我們上帝使一切災禍臨到我們和這城嗎?現在你們還犯安息日,使忿怒越發臨到以色列!」
Hindi ba ito ang ginawa ng inyong mga ama? At hindi ba nagdala ang ating Diyos ng lahat ng kasamaang ito sa atin at sa lungsod na ito? Ngayon nagdadala kayo ng mas higit pang poot sa Israel dahil sa paglalapastangan ng Araw ng Pamamahinga.”
19 在安息日的前一日,耶路撒冷城門有黑影的時候,我就吩咐人將門關鎖,不過安息日不准開放。我又派我幾個僕人管理城門,免得有人在安息日擔甚麼擔子進城。
Nang dumilim na sa mga tarangkahan ng Jerusalem bago ang Araw ng Pamamahinga, iniutos ko na ang mga pinto ay isara at hindi dapat buksan ang mga ito hanggang sa matapos ang Araw ng Pamamahinga. Inilagay ko ang ilan sa aking mga lingkod sa mga tarangkahan para walang kargada ang maipasok sa Araw ng Pamamahinga.
20 於是商人和販賣各樣貨物的,一兩次住宿在耶路撒冷城外。
Ang mga mangangalakal at tagapagtinda ng lahat ng uri ng paninda ay nanatili sa labas ng Jerusalem ng isa o dalawang beses.
21 我就警戒他們說:「你們為何在城外住宿呢?若再這樣,我必下手拿辦你們。」從此以後,他們在安息日不再來了。
Pero binalaan ko sila, “Bakit kayo nananatili sa labas ng pader? Kung uulitin niyo iyan, pagbubuhatan ko kayo ng kamay!” Mula nang panahong iyon hindi na sila pumunta sa Araw ng Pamamahinga.
22 我吩咐利未人潔淨自己,來守城門,使安息日為聖。我的上帝啊,求你因這事記念我,照你的大慈愛憐恤我。
At inutusan ko ang mga Levita na gawing dalisay ang kanilang mga sarili, at lumapit at bantayan ang mga tarangkahan, para gawing banal ang Araw ng Pamamahinga. Alalahanin mo rin ako dahil dito, aking Diyos, at kaawaan mo ako dahil sa katapatan ng pangako mo na mayroon ka para sa akin.
23 那些日子,我也見猶大人娶了亞實突、亞捫、摩押的女子為妻。
Sa mga araw na iyon nakita ko rin ang mga Judio na nag-asawa ng mga babae mula sa Asdod, Ammon, at Moab.
24 他們的兒女說話,一半是亞實突的話,不會說猶大的話,所說的是照着各族的方言。
Kalahati sa kanilang mga anak ang nakakapagsalita ng wika ng Asdod, pero hindi sila makapagsalita ng wika ng Juda, liban sa isang wika ng ibang mga bansa.
25 我就斥責他們,咒詛他們,打了他們幾個人,拔下他們的頭髮,叫他們指着上帝起誓,必不將自己的女兒嫁給外邦人的兒子,也不為自己和兒子娶他們的女兒。
Kaya hinarap ko sila, at isinumpa, at sinaktan ko ang iba sa kanila at sinabunutan ko sila. Pinasumpa ko sila sa Diyos, na nagsasabing, “Hindi niyo dapat ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki, o kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, o para sa inyong mga sarili.
26 我又說:「以色列王所羅門不是在這樣的事上犯罪嗎?在多國中並沒有一王像他,且蒙他上帝所愛,上帝立他作以色列全國的王;然而連他也被外邦女子引誘犯罪。
Hindi ba si Solomon na hari ng Israel ay nagkasala nang dahil sa mga babaeng ito? Sa maraming mga bansa walang haring tulad niya, at siya ay minahal ng kaniyang Diyos. At ginawa siya ng Diyos na hari ng buong Israel. Gayunpaman, ang kaniyang mga dayuhang asawa ang nagtulak sa kaniyang magkasala.
27 如此,我豈聽你們行這大惡,娶外邦女子干犯我們的上帝呢?」
Dapat nga ba kaming makinig sa inyo at gawin ang lahat ng malaking kasamaang ito, at kumilos ng may pagtataksil laban sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa ng mga dayuhang babae?”
28 大祭司以利亞實的孫子、耶何耶大的一個兒子是和倫人參巴拉的女婿,我就從我這裏把他趕出去。
Isa sa mga anak ni Joiada anak ni Eliasib na punong pari ay manugang na lalaki ni Sanbalat ang Horonita. Kaya, inalis ko siya sa aking presensya.
29 我的上帝啊,求你記念他們的罪;因為他們玷污了祭司的職任,違背你與祭司利未人所立的約。
Alalahanin mo ang mga ito, aking Diyos, dahil sa nilapastangan nila ang kaparian, at ang tipan ng kaparian at ang mga Levita.
30 這樣,我潔淨他們,使他們離絕一切外邦人,派定祭司和利未人的班次,使他們各盡其職。
Kaya nilinis ko sila mula sa lahat ng dayuhan, at itinatag ang mga tungkulin ng mga pari at ng mga Levita, bawat isa sa kani-kanyang mga tungkulin.
31 我又派百姓按定期獻柴和初熟的土產。我的上帝啊,求你記念我,施恩與我。
Naglaan ako para sa handog ng mga kahoy sa itinakdang mga oras at para sa mga unang bunga. Alalahanin niyo ako, aking Diyos, magpakailanman.