< 尼希米記 12 >
1 同着撒拉鐵的兒子所羅巴伯和耶書亞回來的祭司與利未人記在下面:祭司是西萊雅、耶利米、以斯拉、
Ito ang mga pari at mga Levita na umakyat kasama sina Zerubabel na anak ni Sealtiel at kasama ni Josue: sina Sereias, Jeremias, Ezra,
Secanias, Rehum, at Meremot.
Naroon sina Ido, Ginetoi, Abijas,
Semaias, at Joiarib, Jedaias.
7 撒路、亞木、希勒家、耶大雅。這些人在耶書亞的時候作祭司和他們弟兄的首領。
Sina Saul, Amok, Hilkias, at Jedaias. Ito ang mga pinuno ng mga pari at kanilang mga kasamahan sa mga araw ni Josue.
8 利未人是耶書亞、賓內、甲篾、示利比、猶大、瑪他尼。這瑪他尼和他的弟兄管理稱謝的事。
Ang mga Levita ay sina Josue, Binui, Kadmiel, Serebias, Juda, at Matanias, na siyang tagapangasiwa sa mga awit ng pasasalamat, kasama ang kaniyang mga kasamahan.
9 他們的弟兄八布迦和烏尼照自己的班次與他們相對。
Sina Bakbukuias at Uno, ang kanilang mga kasamahan, ay nakatayo sa tapat nila habang may gawain.
10 耶書亞生約雅金;約雅金生以利亞實;以利亞實生耶何耶大;
Si Josue ang ama ni Jehoiakim, si Joiakim ang ama ni Eliasib, si Eliasib ang ama ni Joiada,
si Joiada ang ama ni Jonatan, at si Jonatan ang ama ni Jadua.
12 在約雅金的時候,祭司作族長的西萊雅族有米拉雅;耶利米族有哈拿尼雅;
Sa mga araw ni Jehoiakim ito ang mga pari, ang mga pinuno ng mga ama ng mga pamilya: Si Meraias ang pinuno ni Seraias, si Hananias ang pinuno ni Jeremias,
si Mesulam ang pinuno ni Ezra, si Jehohanan ang pinuno ni Amarias,
si Jonatan ang pinuno ni Maluqui, at si Jose ang pinuno ni Sebanias.
Sa pagpapatuloy, si Adna ang pinuno ni Harim, si Helkai ang pinuno ni Meraiot,
si Zacarias ang pinuno ni Ido, si Mesulam ang pinuno ni Gineton, at
17 亞比雅族有細基利;米拿民族某;摩亞底族有毗勒太;
si Zicri ang pinuno ni Abijas. Mayroon ding pinuno si Miniamin. Si Piltai ang pinuno ni Moadias.
Si Samua ang pinuno ni Bilga, si Jehonatan ang pinuno ni Semaias,
si Matenai ang pinuno ni Joiarib, si Uzi ang pinuno ni Jedaias,
si Kalai ang pinuno ni Salai, si Eber ang pinuno ni Amok,
si Hashabias ang pinuno ni Hilkias, at si Nathanael ang pinuno ni Jedaias.
22 至於利未人,當以利亞實、耶何耶大、約哈難、押杜亞的時候,他們的族長記在冊上。波斯王大流士在位的時候,作族長的祭司也記在冊上。
Sa mga araw ni Eliasib, ang mga Levitang sina Eliasib, Joiada, Johanan, at Jadua ay naitala bilang mga pinuno ng mga pamilya, at ang mga pari ay naitala habang naghahari si Dario ang Persiano.
23 利未人作族長的記在歷史上,直到以利亞實的兒子約哈難的時候。
Ang mga kaapu-apuhan ni Levi at ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya ay naitala sa Aklat ng mga Salaysay hanggang sa mga araw ni Johanan na anak ni Eliasib.
24 利未人的族長是哈沙比雅、示利比、甲篾的兒子耶書亞,與他們弟兄的班次相對,照着神人大衛的命令一班一班地讚美稱謝。
At ang mga pinuno ng mga Levita ay sina Hashabias, Serabias, at Josue na anak ni Kadmiel, kasama ang kanilang mga kasamahan na nakatayo sa tapat nila para magbigay ng papuri at magbigay ng pasasalamat, tumutugon ng pangkat sa pangkat, bilang pagsunod sa utos ni David, ang lingkod ng Diyos.
25 瑪他尼、八布迦、俄巴底亞、米書蘭、達們、亞谷是守門的,就是在庫房那裏守門。
Sina Matanias, Bakbukuias, Obadias, Mesulam, Talmon at Akub ay mga tagapagbantay ng tarangkahan na nakatayong nagbabantay sa mga bodega ng mga tarangkahan.
26 這都是在約撒達的孫子、耶書亞的兒子約雅金和省長尼希米,並祭司文士以斯拉的時候,有職任的。
Naglingkod sila sa mga araw ni Joiakim na anak ni Josue na anak ni Jehozadak, at sa mga araw ni Nehemias ang gobernador at ni Ezra ang pari at eskriba.
27 耶路撒冷城牆告成的時候,眾民就把各處的利未人招到耶路撒冷,要稱謝、歌唱、敲鈸、鼓瑟、彈琴,歡歡喜喜地行告成之禮。
Sa pagtatalaga ng pader ng Jerusalem, hinanap ng mga tao ang mga Levita saanman sila nanirahan, para dalhin sila sa Jerusalem para magdiwang ng pagtatalaga ng may kagalakan, may pasasalamat at umaawit na may mga pompiyang, alpa, at may mga lira.
28 歌唱的人從耶路撒冷的周圍和尼陀法的村莊與伯‧吉甲,又從迦巴和押瑪弗的田地聚集,因為歌唱的人在耶路撒冷四圍為自己立了村莊。
Ang samahan ng mga mang-aawit ay sama-samang nagtipon mula sa distrito sa paligid ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng mga taga-Netofa.
Sila ay nagmula rin sa Beth Gilgal at mula sa mga kabukiran ng Geba at Azmavet, dahil ang mga mang-aawit ay gumawa ng mga nayon para sa kanilang mga sarili sa paligid ng Jerusalem.
30 祭司和利未人就潔淨自己,也潔淨百姓和城門,並城牆。
Ang mga pari at ang mga Levita ay dinalisay ang kanilang mga sarili, at pagkatapos ay dinalisay nila ang mga tao, ang mga tarangkahan, at ang pader.
31 我帶猶大的首領上城,使稱謝的人分為兩大隊,排列而行:第一隊在城上往右邊向糞廠門行走,
Pagkatapos ay kasama ko ang mga pinuno ng Juda na umakyat sa taas ng pader, at nagtalaga ako ng dalawang malaking pangkat ng mang-aawit na magbibigay pasasalamat. Ang isa ay pumunta sa kanan ng pader patungo sa Tarangkahan ng Dumi.
Si Hoshaias at kalahati ng mga pinuno ng Juda ay sumunod sa kanila,
at pagkatapos nila ay pumunta sina Azarias, Ezra, Mesulam,
Juda, Benjamin, Semaias, Jeremias,
35 還有些吹號之祭司的子孫,約拿單的兒子撒迦利亞。約拿單是示瑪雅的兒子;示瑪雅是瑪他尼的兒子;瑪他尼是米該亞的兒子;米該亞是撒刻的兒子;撒刻是亞薩的兒子;
at ilan sa mga anak ng mga pari na may mga trumpeta, at si Zacarias na anak ni Jonatan na anak ni Semaias na anak ni Matanias na anak ni Micaias na anak ni Zacur, ang kaapu-apuhan ni Asaf.
36 又有撒迦利亞的弟兄示瑪雅、亞撒利、米拉萊、基拉萊、瑪艾、拿坦業、猶大、哈拿尼,都拿着神人大衛的樂器,文士以斯拉引領他們。
Naroon din ang mga kamag-anak ni Zacarias, sina Semaias, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Nathanael, Juda, Hanani, na may instrumento sa musika ni David ang lingkod ng Diyos. Si Ezra ang eskriba ay nasa harap nila.
37 他們經過泉門往前,從大衛城的臺階隨地勢而上,在大衛宮殿以上,直行到朝東的水門。
Sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Bukal, sila ay pumanhik sa pamamagitan ng mga hagdanan sa lungsod ni David paakyat ng pader, sa itaas ng palasyo ni David, patungo sa Tarangkahan ng Tubig sa silangan.
38 第二隊稱謝的人要與那一隊相迎而行。我和民的一半跟隨他們,在城牆上過了爐樓,直到寬牆;
At ang ibang pangkat ng mang-aawit na nagbigay pasasalamat ay pumunta sa ibang direksiyon. Sinundan ko sila sa pader kasama ang kalahati ng mga tao, sa itaas ng Tore ng mga Pugon, sa Malapad na Pader,
39 又過了以法蓮門、古門、魚門、哈楠業樓、哈米亞樓,直到羊門,就在護衛門站住。
at sa itaas ng Tarangkahan ng Efraim, at sa pamamagitan ng Lumang Tarangkahan, at sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Isda, at ng Tore ni Hananel at ng Tore ng Sandaan, patungo sa Tarangkahan ng mga Tupa, at huminto sila sa Tarangkahan ng Bantay.
40 於是,這兩隊稱謝的人連我和官長的一半,站在上帝的殿裏。
Kaya ang parehong mga pangkat ng mang-aawit na nagbigay pasasalamat ay pumunta kung saan sila nakatalaga sa tahanan ng Diyos, at pumunta rin ako kung saan ako nakatalaga kasama ang kalahati ng mga pinuno.
41 還有祭司以利亞金、瑪西雅、米拿民、米該亞、以利約乃、撒迦利亞、哈楠尼亞吹號;
At ang mga pari ay pumunta rin kung saan sila nakatalaga: sina Eliakim, Maaseias, Miniamin, Micaias, Elioenai, Zacarias, at Hananias, na may mga trumpeta,
42 又有瑪西雅、示瑪雅、以利亞撒、烏西、約哈難、瑪基雅、以攔,和以謝奏樂。歌唱的就大聲歌唱,伊斯拉希雅管理他們。
sina Maaseias, Semaias, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malquijas, Elam, at Ezer. Ang mga mang-aawit ay umawit kasama si Jezrahias bilang tagapanguna.
43 那日,眾人獻大祭而歡樂;因為上帝使他們大大歡樂,連婦女帶孩童也都歡樂,甚至耶路撒冷中的歡聲聽到遠處。
At naghandog sila ng maraming mga alay ng araw na iyon, at nagsaya, dahil dinulot ng Diyos na sila ay magdiwang ng may labis na kagalakan. Ang mga babae rin at mga bata ay nagsaya. Kaya ang kagalakan ng Jerusalem ay maririnig mula sa malayo.
44 當日,派人管理庫房,將舉祭、初熟之物和所取的十分之一,就是按各城田地,照律法所定歸給祭司和利未人的分,都收在裏頭。猶大人因祭司和利未人供職,就歡樂了。
Sa araw na iyon ang mga lalaki ay itinalaga na maging tagapangasiwa sa mga silid-imbakan para sa mga kontribusyon, mga unang bunga, at mga ikapu, para ipunin nila ang mga bahagi na hiningi ng kautusan para sa mga pari at para sa mga Levita. Ang bawat isa ay inatasang magtrabaho sa mga bukirin malapit sa mga bayan. Dahil ang mga taga-Juda ay nagsaya para sa mga pari at mga Levita na nakatayo sa harapan nila.
45 祭司利未人遵守上帝所吩咐的,並守潔淨的禮。歌唱的、守門的,照着大衛和他兒子所羅門的命令也如此行。
Naisagawa nila ang paglilingkod sa kanilang Diyos, at sa gawain ng pagdadalisay, bilang pagpapanatili sa utos ni David at ni Solomon na kaniyang anak, at gayundin ang mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan.
46 古時,在大衛和亞薩的日子,有歌唱的伶長,並有讚美稱謝上帝的詩歌。
Sa mahabang panahon, sa mga araw ni David at Asaf, ay mayroong mga tagapamahala ng mga mang-aawit, at mayroong mga awiting papuri at pasasalamat sa Diyos.
47 當所羅巴伯和尼希米的時候,以色列眾人將歌唱的、守門的,每日所當得的分供給他們,又給利未人當得的分;利未人又給亞倫的子孫當得的分。
Sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias, lahat ng mga Israelita ay nagbigay ng kanilang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan. Itinabi nila ang bahagi na para sa mga Levita, at ang mga Levita ay itinabi ang bahagi para sa mga kaapu-apuhan ni Aaron.