< 利未記 11 >

1 耶和華對摩西、亞倫說:
Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron, nagsasabing,
2 「你們曉諭以色列人說,在地上一切走獸中可吃的乃是這些:
“Magsalita kayo sa bayan ng Israel, sabihin ninyo, ' ito ang mga bagay na buhay na maaari ninyong kainin sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.
3 凡蹄分兩瓣、倒嚼的走獸,你們都可以吃。
Maaari ninyong kainin ang alinmang hayop na hati ang kuko at gayundin ang ngumunguya ng pagkain.
4 但那倒嚼或分蹄之中不可吃的乃是:駱駝-因為倒嚼不分蹄,就與你們不潔淨;
Gayunman, ang ilang mga hayop maging ang ngumunguya ng pagkain o may hati ang kuko, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, mga hayop tulad ng kamelyo, dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko. Kaya marumi ang kamelyo para sa inyo.
5 沙番-因為倒嚼不分蹄,就與你們不潔淨;
Gayundin ang liebre na nakatira sa batuhan: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi rin ito para sa inyo.
6 觠子-因為倒嚼不分蹄,就與你們不潔淨;
At ang kuneho: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi ito para sa inyo.
7 豬-因為蹄分兩瓣,卻不倒嚼,就與你們不潔淨。
At ang baboy kahit hati ang kuko, hindi ito ngumunguya, kaya marumi ito para sa inyo.
8 這些獸的肉,你們不可吃;死的,你們不可摸,都與你們不潔淨。
Hindi ninyo dapat kainin alinman sa kanilang karne, ni hawakan ang kanilang patay na katawan. Marumi ang mga ito para sa inyo.
9 「水中可吃的乃是這些:凡在水裏、海裏、河裏、有翅有鱗的,都可以吃。
Ang mga hayop na nabubuhay sa tubig na maaari ninyong kainin ay iyong may mga palikpik at may mga kaliskis, maging nasa karagatan man o nasa mga ilog.
10 凡在海裏、河裏,並一切水裏游動的活物,無翅無鱗的,你們都當以為可憎。
Ngunit lahat ng mga nabubuhay na nilikha na walang mga palikpik at kaliskis na nasa karagatan o mga ilog, kasama ang lahat ng mga gumagalaw na nasa tubig at lahat ng mga nabubuhay na nilikha na nasa tubig—maging kasuklam-suklam ang mga ito para sa inyo.
11 這些無翅無鱗、以為可憎的,你們不可吃牠的肉;死的也當以為可憎。
Dahil ang mga ito ay dapat kasuklaman, hindi ninyo dapat kainin ang kanilang laman; gayundin, dapat kasuklaman ang mga patay na katawan ng mga ito.
12 凡水裏無翅無鱗的,你們都當以為可憎。
Anumang mga walang mga palikpik o mga kaliskis na nasa tubig ay dapat ninyong kasuklaman.
13 「雀鳥中你們當以為可憎、不可吃的乃是:鵰、狗頭鵰、紅頭鵰、
Ito ang mga ibong dapat ninyong kasuklaman at hindi dapat kainin: ang agila, ang buwitre.
14 鷂鷹、小鷹與其類;
ang halkon, anumang uri ng palkon,
15 烏鴉與其類;
bawat uri ng uwak,
16 鴕鳥、夜鷹、魚鷹、鷹與其類;
ang kuwagong may sungay at ang malaking kuwago, ang tagak at ang anumang uri ng lawin.
17 鴞鳥、鸕鶿、貓頭鷹、
Dapat din ninyong kasuklaman ang maliit na kuwago at ang malaking kuwago, ang maninisid-isda,
18 角鴟、鵜鶘、禿鵰、
ang puting kuwago at kuwagong kamalig, ang ibong ospri,
19 鸛、鷺鷥與其類;戴鵀與蝙蝠。
ang tagak, anumang uri ng bakaw, ang ubabila at gayundin ang paniki.
20 「凡有翅膀用四足爬行的物,你們都當以為可憎。
Dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na kulisap na lumalakad gamit ang mga paa.
21 只是有翅膀用四足爬行的物中,有足有腿,在地上蹦跳的,你們還可以吃。
Gayunman maaari ninyong kainin alinman sa lumilipad na mga kulisap na lumalakad din gamit ang paa, kung may mga binti sila sa itaas ang kanilang mga paa, na ginagamit upang tumalon sa lupa.
22 其中有蝗蟲、螞蚱、蟋蟀與其類;蚱蜢與其類;這些你們都可以吃。
At maaari rin ninyong kainin ang anumang uri ng balang, lukton, kuliglig o tipaklong.
23 但是有翅膀有四足的爬物,你們都當以為可憎。
Ngunit dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na mga kulisap na may apat na paa.
24 「這些都能使你們不潔淨。凡摸了死的,必不潔淨到晚上。
Magiging marumi kayo hanggang sa gabi kung hahawakan ninyo ang patay na katawan ng isa sa mga ito.
25 凡拿了死的,必不潔淨到晚上,並要洗衣服。
Dapat labhan ang damit ng sinumang pumulot ng isa sa mga patay na katawan ng mga ito at manatiling marumi hanggang sa gabi.
26 凡走獸分蹄不成兩瓣、也不倒嚼的,是與你們不潔淨;凡摸了的就不潔淨。
Marumi para sa inyo ang bawat hayop na hindi ganap na nahati ang kuko o hindi ngumunguya ng pagkain. Magiging marumi ang bawat isa na hahawak sa kanila.
27 凡四足的走獸,用掌行走的,是與你們不潔淨;摸其屍的,必不潔淨到晚上。
Marumi para sa inyo ang anumang naglalakad sa mga pangamot nito sa lahat ng hayop na lumalakad gamit ang lahat na apat na paa. Magiging marumi hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa ganoong patay na katawan.
28 拿其屍的,必不潔淨到晚上,並要洗衣服。這些是與你們不潔淨的。
Dapat labhan ang kaniyang mga damit at maging marumi hanggang sa gabi ang sinumang pumulot sa ganoong patay na katawan. Marumi para sa inyo ang mga hayop na ito.
29 「地上爬物與你們不潔淨的乃是這些:鼬鼠、鼫鼠、蜥蜴與其類;
Sa mga hayop na gumagapang sa lupa, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo: ang bubuwit, ang daga, bawat uri ng malalaking butiki,
30 壁虎、龍子、守宮、蛇醫、蝘蜓。
ang tuko, ang bayawak, ang butiki, ang bubuli at ang hunyango.
31 這些爬物都是與你們不潔淨的。在牠死了以後,凡摸了的,必不潔淨到晚上。
Sa lahat ng mga hayop na gumagapang, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo. Sinumang humawak sa mga ito kapag namatay, magiging marumi hanggang sa gabi.
32 其中死了的,掉在甚麼東西上,這東西就不潔淨,無論是木器、衣服、皮子、口袋,不拘是做甚麼工用的器皿,須要放在水中,必不潔淨到晚上,到晚上才潔淨了。
At kung alinman sa mga ito ang namatay at nahulog sa anumang bagay, magiging marumi ang bagay na iyon, kahit gawa ito sa kahoy, tela, balat o telang magaspang. Anuman ito at anuman ang mga gamit nito, dapat itong ilagay sa tubig; magiging marumi ito hanggang sa gabi. Pagkatapos magiging malinis na ito.
33 若有死了掉在瓦器裏的,其中不拘有甚麼,就不潔淨,你們要把這瓦器打破了。
Sapagka't bawat palayok na mahulugan ng anumang maruming hayop, magiging marumi anuman ang nasa palayok, at dapat ninyong wasakin ang palayok na iyon.
34 其中一切可吃的食物,沾水的就不潔淨,並且那樣器皿中一切可喝的,也必不潔淨。
Lahat ng malinis na pagkain at pinahihintulutang kainin, ngunit kung nabuhusan ng tubig mula sa isang maruming palayok, sa gayon magiging marumi ito. At anumang bagay na maaaring maiinom mula sa bawat palayok ay magiging marumi.
35 其中已死的,若有一點掉在甚麼物件上,那物件就不潔淨,不拘是爐子,是鍋臺,就要打碎,都不潔淨,也必與你們不潔淨。
Magiging marumi ang lahat ng bagay na mabagsakan ng anumang bahagi ng patay na katawan ng maruming hayop, kahit isang pugon ito o mga lutuang palayok. Dapat itong basagin sa pira-piraso. Marumi ito at dapat maging marumi para sa inyo.
36 但是泉源或是聚水的池子仍是潔淨;惟挨了那死的,就不潔淨。
Mananatiling malinis ang Isang bukal o hukay kung saan naiipon ang inuming tubig kung mahulog ang ganoong mga nilalang dito. Ngunit kung sinumang humawak sa patay na katawan ng isang maruming hayop sa tubig, magiging marumi siya.
37 若是死的,有一點掉在要種的子粒上,子粒仍是潔淨;
Kung anumang bahagi ng isang maruming patay na katawan ang nahulog sa mga butong itatanim, mananatiling malinis ang mga butong iyon.
38 若水已經澆在子粒上,那死的有一點掉在上頭,這子粒就與你們不潔淨。
Ngunit kung nabasa ng tubig ang mga buto at kung anumang bahagi ng isang maruming patay na katawan ang nahulog doon, sa gayon magiging marumi ang mga ito para sa inyo.
39 「你們可吃的走獸若是死了,有人摸牠,必不潔淨到晚上;
Kung mamamatay ang anumang hayop na maaari ninyong kainin, sa gayon ay magiging marumi hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa katawan ng patay na hayop.
40 有人吃那死了的走獸,必不潔淨到晚上,並要洗衣服;拿了死走獸的,必不潔淨到晚上,並要洗衣服。
At kung sinuman ang kumain sa katawan ng patay na hayop na iyon ay lalabhan niya ang kaniyang damit at magiging marumi hangggang gabi. At sinumang pumulot sa gayong patay na hayop ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at magiging marumi hanggang sa gabi.
41 「凡地上的爬物是可憎的,都不可吃。
Ang bawat hayop na gumagapang sa lupa ay kasuklaman ninyo, hindi ito dapat kainin.
42 凡用肚子行走的和用四足行走的,或是有許多足的,就是一切爬在地上的,你們都不可吃,因為是可憎的。
Anumang gumagapang gamit ang kanilang tiyan at anumang lumalakad gamit ang kanilang apat na paa o anumang may maraming paa—ang lahat ng mga hayop na gumagapang sa lupa, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, dahil sila ay kinasusuklaman.
43 你們不可因甚麼爬物使自己成為可憎的,也不可因這些使自己不潔淨,以致染了污穢。
Hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili sa anumang nabubuhay na mga nilalang na gumapang; hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili dahil sa kanila, na dapat kayong gawing marumi sa pamamagitan nila.
44 我是耶和華-你們的上帝;所以你們要成為聖潔,因為我是聖潔的。你們也不可在地上的爬物污穢自己。
Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos. Samakatuwid ialay ang inyong sarili sa akin at magpakabanal dahil ako ay banal. Hindi ninyo dapat dungisan ang inyong sarili sa anumang uri ng hayop na gumagalaw sa lupa.
45 我是把你們從埃及地領出來的耶和華,要作你們的上帝;所以你們要聖潔,因為我是聖潔的。」
Dahil ako si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, para maging inyong Diyos. Samakatuwid dapat kayong maging banal, dahil ako ay banal.
46 這是走獸、飛鳥,和水中游動的活物,並地上爬物的條例。
Ito ang batas tungkol sa mga hayop, sa mga ibon, bawat nabubuhay na nilalang na gumagalaw sa mga tubig at ang bawat nilalang na mga gumagapang sa lupa,
47 要把潔淨的和不潔淨的,可吃的與不可吃的活物,都分別出來。
kung saan gagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng marumi at ng malinis, at sa pagitan ng nabubuhay na mga bagay na maaaring kainin at ang nabubuhay na mga bagay na hindi maaaring kainin”

< 利未記 11 >