< 士師記 21 >

1 以色列人在米斯巴曾起誓說:「我們都不將女兒給便雅憫人為妻。」
Ngayon gumawa ng isang pangako ang mga kalalakihan ng Israel sa Mizpa, “Wala sa amin ang magbibigay ng kaniyang anak na babae para ipakasal sa isang Benjaminita.”
2 以色列人來到伯特利,坐在上帝面前直到晚上,放聲痛哭,
Pagkatapos nagpunta ang mga tao sa Bethel at umupo sa harapan ng Diyos hanggang gabi, at labis silang umiyak na may malakas na tinig.
3 說:「耶和華-以色列的上帝啊,為何以色列中有這樣缺了一支派的事呢?」
Sinigaw nila, “Bakit, nangyari ito sa Israel, Yahweh, Diyos ng Israel, dapat bang mawala ang isa sa aming mga lipi sa araw na ito?”
4 次日清早,百姓起來,在那裏築了一座壇,獻燔祭和平安祭。
Nagising ng maaga ang mga tao nang sumunod araw at nagtayo ng isang altar doon at naghandog ng susunuging alay at mga handog ng pangkapayapaan.
5 以色列人彼此問說:「以色列各支派中,誰沒有同會眾上到耶和華面前來呢?」先是以色列人起過大誓說,凡不上米斯巴到耶和華面前來的,必將他治死。
Sinabi ng mga tao ng Israel, “Alin sa lahat ng lipi ng Israel ang hindi dumalo sa pagpupulong para kay Yahweh?” Dahil gumawa sila ng isang mahalagang pangako tungkol sa sinumang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa. Sinabi nila, “Tiyak na ipapapatay siya.”
6 以色列人為他們的弟兄便雅憫後悔,說:「如今以色列中絕了一個支派了。
May malasakit ang mga tao ng Israel sa kapatid nilang si Benjamita. Sinabi nila, “Ngayong araw isang lipi ang ititiwalag mula sa Israel.
7 我們既在耶和華面前起誓說,必不將我們的女兒給便雅憫人為妻,現在我們當怎樣辦理、使他們剩下的人有妻呢?」
Sino ang magbibigay ng mga asawang babae para sa mga naiwan, dahil mayroon tayong ginawang isang pangako kay Yahweh na hindi natin hahayaan ang sinuman sa kanila na maipakasal sa ating mga anak na babae?”
8 又彼此問說:「以色列支派中誰沒有上米斯巴到耶和華面前來呢?」他們就查出基列‧雅比沒有一人進營到會眾那裏;
Sinabi nila, “Alin sa mga lipi ng Israel ang hindi nagpakita kay Yahweh sa Mizpa?” Nakitang wala ni isa ang pumunta sa kapulungan mula sa Jabes Galaad.
9 因為百姓被數的時候,沒有一個基列‧雅比人在那裏。
Dahil nang binilang ng mga tao sa isang maayos na paraan, masdan ninyo, wala sa mga naninirahan sa Jabes Galaad ang naroon.
10 會眾就打發一萬二千大勇士,吩咐他們說:「你們去用刀將基列‧雅比人連婦女帶孩子都擊殺了。
Nagpadala ang kapulungan ng 12, 000 sa kanilang pinakamatatapang na tauhan at inutusang magtungo sa Jabes Galaad at salakayin at patayin sila, kahit ang mga kababaihan at mga bata.
11 所當行的就是這樣:要將一切男子和已嫁的女子盡行殺戮。」
“Gawin ito: Dapat ninyong patayin ang bawat lalaki at bawat babaeng nakipagsiping sa isang lalaki.”
12 他們在基列‧雅比人中,遇見了四百個未嫁的處女,就帶到迦南地的示羅營裏。
Nakita ng mga kalalakihan ang apat na daang kababaihan na naninirahan sa Jabes Galaad na hindi pa nasipingan ng isang lalaki, at dinala sila sa kampo ng Silo, sa Canaan.
13 全會眾打發人到臨門磐的便雅憫人那裏,向他們說和睦的話。
Nagpadala ng isang mensahe ang buong kapulungan at sinabi sa mga tao ng Benjamin na naroon sa bato ng Rimon na sila ay nag-handog ng kapayapaan.
14 當時便雅憫人回來了,以色列人就把所存活基列‧雅比的女子給他們為妻,還是不夠。
Kaya bumalik ang Benjaminita sa panahon na iyon at binigyan sila ng kababaihan sa Jabesh Gilead. Dahil hindi sapat ang kababaihan para sa kanilang lahat.
15 百姓為便雅憫人後悔,因為耶和華使以色列人缺了一個支派。
Nalungkot ang mga tao sa nangyari kay Benjamin, dahil gumawa si Yahweh ng isang pagkakahati-hati sa pagitan ng mga lipi ng Israel.
16 會中的長老說:「便雅憫中的女子既然除滅了,我們當怎樣辦理、使那餘剩的人有妻呢?」
Pagkatapos sinabi ng mga namumuno ng kapulungan, “Paano natin aayusin ang mga asawang babae para sa mga Benjamita na naiwan, simula nang pinatay ang mga kababaihan ni Benjamin?”
17 又說:「便雅憫逃脫的人當有地業,免得以色列中塗抹了一個支派。
Sinabi nila,” Dapat na mayroong isang pamana para sa mga nakaligtas na Benjaminta, para hindi mawasak ang isang lipi mula sa Israel.
18 只是我們不能將自己的女兒給他們為妻;因為以色列人曾起誓說,有將女兒給便雅憫人為妻的,必受咒詛。」
Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin.”'
19 他們又說:「在利波拿以南,伯特利以北,在示劍大路以東的示羅,年年有耶和華的節期」;
Kaya sinabi nila, “Alam ninyong may isang pista para kay Yahweh sa bawat taon sa Silo (na nasa hilaga ng Betel, silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang Sechem, at timog ng Lebona).”
20 就吩咐便雅憫人說:「你們去,在葡萄園中埋伏。
Binigyan nila ng tagubilin mga kalalakihan ni Benjamin, sinasabing, “Humayo at magtago ng palihim at maghintay sa mga ubasan.
21 若看見示羅的女子出來跳舞,就從葡萄園出來,在示羅的女子中各搶一個為妻,回便雅憫地去。
Bantayan ang pagkakataon kapag lumabas na ang mga kababahan para sumayaw mula sa Silo, magmadaling pumunta sa mga ubasan at dapat na kumuha ng isang asawa mula sa mga kababahan ng Silo ang bawat isa sa inyo, pagkatapos bumalik sa lupain ng Benjamin.
22 他們的父親或是弟兄若來與我們爭競,我們就說:『求你們看我們的情面,施恩給這些人,因我們在爭戰的時候沒有給他們留下女子為妻。這也不是你們將女子給他們的;若是你們給的,就算有罪。』」
Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”'
23 於是便雅憫人照樣而行,按着他們的數目從跳舞的女子中搶去為妻,就回自己的地業去,又重修城邑居住。
Iyon nga ang ginawa ng mga tao ni Benjamin, kinuha nila ang bilang ng mga asawang kinakailangan nila mula sa mga kababaihan na sumasayaw, at sila ay dinala nila palayo para maging kanilang mga asawa. Sila ay umalis at bumalik sa lugar na kanilang minana; muli nilang itinayo ang mga bayan, at doon sila namuhay.
24 當時以色列人離開那裏,各歸本支派、本宗族、本地業去了。
Pagkatapos iniwan ng mga tao ng Israel ang lugar at umuwi, bawat isa sa kaniyang sariling lipi at angkan, at bawat isa sa kaniyang sariling mana.
25 那時,以色列中沒有王,各人任意而行。
Sa mga panahon na iyon walang hari sa Israel. Ginawa ng bawat isa kung ano ang tama sa kanilang sariling mga paningin.

< 士師記 21 >