< 士師記 16 >
1 參孫到了迦薩,在那裏看見一個妓女,就與她親近。
Pumunta si Samson sa Gaza at nakita siya doon ng isang babaeng bayaran at sumama siya kasama ng babae sa kama.
2 有人告訴迦薩人說:「參孫到這裏來了!」他們就把他團團圍住,終夜在城門悄悄埋伏,說:「等到天亮我們便殺他。」
Sinabi sa mga taga-Gaza “nagpunta dito si Samson.” Pinaligiran ng mga taga-Gaza ang lugar at lihim na naghintay sila sa kaniya ng buong magdamag sa tarangkahan ng lungsod. Wala silang gianwang pagkilos nang gabing iyon. Sinabi nila, “Maghintay tayo hanggang sa lumiwanag ang araw, at pagkatapos patayin natin siya.”
3 參孫睡到半夜,起來,將城門的門扇、門框、門閂,一齊拆下來,扛在肩上,扛到希伯崙前的山頂上。
Nakahiga si Samson sa kama hanggang hatinggabi. Nang hatinggabi tumayo siya at kaniyang hinawakan ang tarangkahan ng lungsod at ang dalawang poste nito. Binunot niya ang mga ito sa ilalim ng lupa, ang rehas at ang lahat, inilagay niya ang mga ito sa kaniyang mga balikat, at dinala ang mga ito paakyat sa itaas ng burol, sa harap ng Hebron.
Pagkatapos nito, napaibig si Samson sa isang babae na naninirahan sa lambak ng Sorek. Ang kaniyang pangalan ay Delilah.
5 非利士人的首領上去見那婦人,對她說:「求你誆哄參孫,探探他因何有這麼大的力氣,我們用何法能勝他,捆綁剋制他。我們就每人給你一千一百舍客勒銀子。」
Pinuntahan siya ng mga pinuno ng mga Palestina, at sinabi sa kaniya, “Linlangin mo si Samson para makita kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding lakas at sa anong paraan maaari natin siyang matatalo, para maaaring natin siyang maigapos para alipustahin siya. Gawin ito, at bawat isa sa amin ng ay bibigyan kayo ng 1, 100 piraso ng pilak”
6 大利拉對參孫說:「求你告訴我,你因何有這麼大的力氣,當用何法捆綁剋制你。」
At sinabi ni Delilah kay Samson, “Pakiusap, sabihin mo sa akin kung bakit napakalakas mo, at kung papaano ka matatalian ng sinuman, para mapigilan ka?”
7 參孫回答說:「人若用七條未乾的青繩子捆綁我,我就軟弱像別人一樣。」
Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo, sa gayon magiging mahina ako at magiging tulad ng sinumang tao.
8 於是非利士人的首領拿了七條未乾的青繩子來,交給婦人,她就用繩子捆綁參孫。
Pagkatapos nagdala ang mga pinuno ng Palestina kay Delilah ng pitong sariwang tali ng pana na hindi pa natutuyo at tinalian niya si Samson sa pamamagitan nito.
9 有人預先埋伏在婦人的內室裏。婦人說:「參孫哪,非利士人拿你來了!」參孫就掙斷繩子,如掙斷經火的麻線一般。這樣,他力氣的根由人還是不知道。
Ngayon mayroong mga lalaking lihim niyang itinatago, namamalagi sa sulok ng kaniyang kuwarto. Sinabi niya sa kaniya, “Ang mga Palestina ay papunta sa iyo Samson!” Pero naputol niya ang mga tali ng pana katulad ng isang sinulid ng estambre kapag nadikit sa apoy. At hindi nila nalaman ang lihim ng kaniyang lakas.
10 大利拉對參孫說:「你欺哄我,向我說謊言。現在求你告訴我當用何法捆綁你。」
Pagkatapos sinabi ni Delilah kay Samson, “Sa ganitong paraan mo ako nilinlang at nagsabi sa akin ng mga kasinungalingan. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung papaano ka maaaring malupig.”
11 參孫回答說:「人若用沒有使過的新繩捆綁我,我就軟弱像別人一樣。」
Sinabi niya sa kaniya, “Kung tatalian nila ako sa pamamagitan ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit sa trabaho, magiging mahina ako at gaya ng sinumang tao.”
12 大利拉就用新繩捆綁他,對他說:「參孫哪,非利士人拿你來了!」有人預先埋伏在內室裏。參孫將臂上的繩掙斷了,如掙斷一條線一樣。
Kaya kumuha si Delilah ng dalawang sariwang lubid at tinalian siya sa pamamagitan ng mga ito, at sinabi sa kaniya, “Ang mga Palestina ay patungo sa iyo, Samson!” Nakahiga ang mga lalaki na naghihintay sa sulok ng kuwarto. pero natanggal ni Samson ang mga lubid mula sa kaiyang mga braso na para lamang isang sinulid ang mga ito.
13 大利拉對參孫說:「你到如今還是欺哄我,向我說謊言。求你告訴我,當用何法捆綁你。」參孫回答說:「你若將我頭上的七條髮綹,與緯線同織就可以了。」
Sinabi ni Delilah kay Samson, “Hanggang ngayon nilinlang mo ako at nagsabi sa aking nga kasinungalingan. Sabihin mo sa akin kung papaano ka malulupig.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Kapag tinirintas mo ang pitong hibla ng aking buhok sa isang tela na nasa isang panghabi, at pagkatapos ipinulupot ito sa panghabi, magiging katulad ako ng sinumang tao.”
14 於是大利拉將他的髮綹與緯線同織,用橛子釘住,對他說:「參孫哪,非利士人拿你來了!」參孫從睡中醒來,將機上的橛子和緯線一齊都拔出來了。
Habang natutulog siya, pinag isa ang pitong tirintas ng kaniyang buhok ni Delilah sa isang tela sa loob ng panghabi at ipinulupot ito sa panghabi, at sinabi sa kaniya, “Papunta sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Pero gumising siya mula sa pagkakatulog at kaniyang hinila ang tela at ang aspile mula sa panghabi.
15 大利拉對參孫說:「你既不與我同心,怎麼說你愛我呢?你這三次欺哄我,沒有告訴我,你因何有這麼大的力氣。」
Sinabi niya sa kaniya, “Papaano mo nasasabing, 'Mahal mo ako,' Hindi mo nga ibinabahagi ang mga lihim mo sa akin? Hinamak mo ako ng mga tatlong beses at hindi mo sinabi sa akin kung papaano ka nagkaroon ng matinding lakas.
Araw-araw pinipilit niya siya sa pamamagitan ng kaniyang mga salita, at pinipilit niya siya nang lubusan na hiniling niyang siya ay mamatay na.
17 參孫就把心中所藏的都告訴了她,對她說:「向來人沒有用剃頭刀剃我的頭,因為我自出母胎就歸上帝作拿細耳人;若剃了我的頭髮,我的力氣就離開我,我便軟弱像別人一樣。」
Kaya sinabi ni Samson sa kaniya ang lahat ng bagay at sinabi sa kaniya, “Hindi pa kailanman naaahitan ng labaha ang buhok sa aking ulo dahil naging isang Nazareo ako para sa Diyos mula sa sinapupunan ng aking ina. Kung ang aking ulo ay aahitan, sa gayon mawawala ang aking lakas, at magiging mahina ako tulad ng ibang tao.
18 大利拉見他把心中所藏的都告訴了她,就打發人到非利士人的首領那裏,對他們說:「他已經把心中所藏的都告訴了我,請你們再上來一次。」於是非利士人的首領手裏拿着銀子,上到婦人那裏。
Nang makita ni Delilah na nagsabi siya ng katotohanan tungkol sa lahat ng bagay, ipinadala at pinatawag niya ang mga pinuno ng mga Palestina, na nagsasabing, “Umakyat kayong muli, dahil sinabi na niya ang lahat ng bagay sa akin.” Pagkatapos umakyat ang mga pinuno ng Palestina sa kaniya, dala-dala ang mga pilak na nasa kanilang mga kamay.
19 大利拉使參孫枕着她的膝睡覺,叫了一個人來剃除他頭上的七條髮綹。於是大利拉剋制他,他的力氣就離開他了。
Pinatulog niya siya sa kaniyang kandungan. Tumawag siya ng isang lalaki para ahitin ang pitong tirintas sa kaniyang ulo, at sinimulan niya para paamuhin siya, dahil nawala ang kaniyang lakas.
20 大利拉說:「參孫哪,非利士人拿你來了!」參孫從睡中醒來,心裏說:「我要像前幾次出去活動身體」;他卻不知道耶和華已經離開他了。
Sinabi niya, “Patungo sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Gumising siya sa kaniyang pagkakatulog at sinabi, “Makakawala ako gaya ng dati at aalugin ang aking sarili na malaya. “Pero hindi niya alam na iniwan na siya ni Yahweh.
21 非利士人將他拿住,剜了他的眼睛,帶他下到迦薩,用銅鍊拘索他;他就在監裏推磨。
Binihag siya ng mga Palestina at tinanggal ang kaniyang mga mata. Dinala nila siya pababa sa Gaza at tinalian siya ng mga tansong kadena. Ipinapaikot niya ang gilingang nasa mga kulungang bahay.
Pero nagsimulang tumubo ulit ang mga buhok sa kaniyang ulo pagkatapos itong ahitan.
23 非利士人的首領聚集,要給他們的神大袞獻大祭,並且歡樂,因為他們說:「我們的神將我們的仇敵參孫交在我們手中了。」
Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng Palestina para mag-alay ng dakilang handog para kay Dagon na kanilang diyos, at para magsaya. Sinabi nila, “Natalo ng ating diyos si Samson, ang ating kaaway at inilagay siya sa ating pamamahala.
24 眾人看見參孫,就讚美他們的神說:「我們的神將毀壞我們地、殺害我們許多人的仇敵交在我們手中了。」
Nang makita siya ng mga tao, pinuri nila ang kanilang diyos, dahil sinabi nila, “Tinalo ng ating diyos ang ating kaaway at ibinigay siya sa atin—ang maninira ng ating bansa, na pinatay ang marami sa atin.”
25 他們正宴樂的時候,就說:「叫參孫來,在我們面前戲耍戲耍。」於是將參孫從監裏提出來,他就在眾人面前戲耍。他們使他站在兩柱中間。
Nang nagdiriwang sila, sinabi nila, “Ipatawag si Samson, na maaari niya tayong patawanin.” Tinawag nila si Samson mula sa kulungan at pinatawa niya sila. Pinatayo nila siya sa gitna ng mga haligi.
26 參孫向拉他手的童子說:「求你讓我摸着托房的柱子,我要靠一靠。」
Sinabi ni Samson sa batang lalaki na nakahawak sa kaniyang kamay, “Pahintulutan mo akong hawakan ang mga haligi kung saan nakasandig ang gusali, ng sa gayon makakasandal ako laban sa mga ito.”
27 那時房內充滿男女,非利士人的眾首領也都在那裏。房的平頂上約有三千男女觀看參孫戲耍。
Ngayon ang bahay ay punung-puno ng mga lalaki at mga babae. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Palestina. Sa itaas ng bubong humigit kumulang na tatlong libong mga lalaki at mga babae, na nanunuod habang sila ay inaaliw ni Samson.
28 參孫求告耶和華說:「主耶和華啊,求你眷念我。上帝啊,求你賜我這一次的力量,使我在非利士人身上報那剜我雙眼的仇。」
Tinawag ni Samson si Yahweh at sinabi, Panginoong Yahweh, isipin mo ako! Pakiusap palakasin mo akong muli ngayon, O Diyos, para makapaghiganti ako sa isang ihip sa Palestina sa pagkuha nila sa aking dalawang mata.”
29 參孫就抱住托房的那兩根柱子:左手抱一根,右手抱一根,
Hinawakan ni Samson ang gitna ng dalawang haligi kung saan nakasandig ang gusali at sumandal siya laban sa mga ito, isang haligi sa kaniyang kanang kamay, at ang isa sa kaniyang kaliwang kamay.
30 說:「我情願與非利士人同死!」就盡力屈身,房子倒塌,壓住首領和房內的眾人。這樣,參孫死時所殺的人比活着所殺的還多。
Sinabi ni Samson, “Hayaan akong mamatay kasama ng mga Palestina!” Itinulak niya sa pamamagitan ng kaniyang lakas, at bumagsak ang gusali sa mga pinuno at ang mga tao na nasa loob nito. Kaya ang mga tao na kaniyang napatay nang namatay siya ay mas marami kumpara doon sa kaniyang napatay sa panahon ng nabubuhay pa siya.
31 參孫的弟兄和他父的全家都下去取他的屍首,抬上來葬在瑣拉和以實陶中間,在他父瑪挪亞的墳墓裏。參孫作以色列的士師二十年。
Pagkatapos bumaba ang kaniyang mga kapatid at ang lahat na kasama sa bahay ng kaniyang ama, at siya ay Kinuha nila, at dinala siya pabalik at inilibing sa gitna ng Zora at Estaol, sa lugar ng libingan ng Manao, na kaniyang ama. Humatol si Samson sa Israel sa loob ng dalawangpung taon.