< 約書亞記 21 >

1 那時,利未人的眾族長來到祭司以利亞撒和嫩的兒子約書亞,並以色列各支派的族長面前,
Pagkatapos pumunta ang mga pinuno ng mga angkan ng mga Levita kina Eleazar na pari, Josue na anak ni Nun, at sa mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno sa loob ng bayan ng Israel.
2 在迦南地的示羅對他們說:「從前耶和華藉着摩西吩咐給我們城邑居住,並城邑的郊野可以牧養我們的牲畜。」
Sinabi nila sa kanila sa Silo sa lupain ng Canaan, “Inutusan kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises na bigyan kami ng mga lungsod para manirahan, kasama ang mga lupang pastulan para sa aming mga alagang hayop.”
3 於是以色列人照耶和華所吩咐的,從自己的地業中,將以下所記的城邑和城邑的郊野給了利未人。
Kaya sa pamamagitan ng utos ni Yahweh, ibinigay ng bayan ng Israel sa mga Levita mula sa kanilang minana ang mga sumusunod na lungsod, kabilang ang kanilang mga lupang pastulan, para sa mga Levita.
4 為哥轄族拈鬮:利未人的祭司、亞倫的子孫,從猶大支派、西緬支派、便雅憫支派的地業中,按鬮得了十三座城。
Ibinigay ang resulta ng palabunutang ito para sa mga angkan ng mga Kohatita: ang mga pari— ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na mula sa mga Levita— tumanggap ng labing tatlong lungsod na ibinigay mula sa lipi ni Juda, mula sa lipi ni Simeon, at mula sa lipi ni Benjamin.
5 哥轄其餘的子孫,從以法蓮支派、但支派、瑪拿西半支派的地業中,按鬮得了十座城。
Ang mga natirang angkan ng mga Kohatita ay tumanggap ng sampung lungsod sa pamamagitan ng mga palabunutan ng sampung lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi ni Efraim, Dan, at mula sa kalahating lipi ni Manases.
6 革順的子孫,從以薩迦支派、亞設支派、拿弗他利支派、住巴珊的瑪拿西半支派的地業中,按鬮得了十三座城。
At binigyan ang mga taong mula sa Gerson sa pamamagitan ng palabunutan ng labintatlong lungsod mula sa mga angkan ng mga lipi nina Isacar, Aser, Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Bashan.
7 米拉利的子孫,按着宗族,從呂便支派、迦得支派、西布倫支派的地業中,按鬮得了十二座城。
Ang bayan na mga kaapu-apuhan ni Merari ay tumanggap ng labindalawang lungsod mula sa mga lipi nina Ruben, Gad, at Zebulon.
8 以色列人照着耶和華藉摩西所吩咐的,將這些城邑和城邑的郊野,按鬮分給利未人。
Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
9 從猶大支派、西緬支派的地業中,將以下所記的城給了利未支派哥轄宗族亞倫的子孫;因為給他們拈出頭一鬮,
Mula sa mga lipi ng Juda at Simeon, nagtalaga sila ng lupain sa mga sumusunod na mga lungsod, nakalista rito ang bawat pangalan.
Ibinigay ang mga lungsod na ito sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, na kabilang sa mga angkan ng mga Kohatita, na nagmula naman sa lipi ni Levi. Dahil natapat sa kanila ang unang mga palabunutan.
11 將猶大山地的基列‧亞巴和四圍的郊野給了他們。亞巴是亞衲族的始祖。(基列‧亞巴就是希伯崙)。
Ibinigay ng mga Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (si Arba ang naging ama ni Anak), ang parehong lugar gaya ng Hebron, sa maburol na lupain ng Juda, kasama ang mga lupang pastulan sa paligid nito.
12 惟將屬城的田地和村莊給了耶孚尼的兒子迦勒為業。
Pero ibinigay na kay Caleb na anak ni Jepunne ang mga bukid ng lungsod at ang mga nayon nito, bilang pag-aari niya.
13 以色列人將希伯崙,就是誤殺人的逃城和屬城的郊野,給了祭司亞倫的子孫;又給他們立拿和屬城的郊野,
Ibinigay nila ang Hebron sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari kasama ang mga lupang pastulan nito—na isang kanlungang lungsod para sa sinuman na nakapatay sa iba ng hindi sinasadya—at Libna kasama ang mga lupang pastulan nito,
14 雅提珥和屬城的郊野,以實提莫和屬城的郊野,
Jattir kasama ang mga lupang pastulan nito, at Estemoa kasama ang mga lupang pastulan nito.
15 何崙和屬城的郊野,底璧和屬城的郊野,
Ibinigay din nila ang Holon kasama ang mga lupang pastulan nito, Debir kasama ang mga lupang pastulan nito,
16 亞因和屬城的郊野,淤他和屬城的郊野,伯‧示麥和屬城的郊野,共九座城,都是從這二支派中分出來的。
Ain kasama ang mga lupang pastulan nito, Jutta kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet-Semes kasama ang mga lupang pastulan nito. Mayroong siyam na lungsod na ibinigay mula sa dalawang liping ito.
17 又從便雅憫支派的地業中給了他們基遍和屬城的郊野,迦巴和屬城的郊野,
Mula sa lipi ni Benjamin ibinigay ang Gabaon kasama ang mga lupang pastulan nito, ang Geba kasama ang mga lupang pastulan nito,
18 亞拿突和屬城的郊野,亞勒們和屬城的郊野,共四座城。
Anatot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Almon kasama ang mga karatig-pook nito—apat na lungsod.
19 亞倫子孫作祭司的共有十三座城,還有屬城的郊野。
Ang mga lungsod na ibinigay sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron, ay labintatlong lungsod lahat, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
20 利未支派中哥轄的宗族,就是哥轄其餘的子孫,拈鬮所得的城有從以法蓮支派中分出來的。
Para sa natirang pamilya ng Kohat—ang mga Levitang kabilang sa pamilya ng Kohat—mayroon silang mga lungsod na ibinigay sa kanila mula sa lipi ni Efraim sa pamamagitan ng mga palabunutan.
21 以色列人將以法蓮山地的示劍,就是誤殺人的逃城和屬城的郊野,給了他們;又給他們基色和屬城的郊野,
Sa kanila ibinigay ang Secem kasama ang mga lupang pastulan nito sa maburol na lupain ng Efraim—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isang tao nang hindi sinasadya—Gezer kasama ang mga lupang pastulan nito,
22 基伯先和屬城的郊野,伯‧和崙和屬城的郊野,共四座城;
Kibzaim kasama ang mga lupang pastulan nito, at Bet Horon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
23 又從但支派的地業中給了他們伊利提基和屬城的郊野,基比頓和屬城的郊野,
Mula sa lipi ni Dan, ibinigay sa angkan ng Kohat ang Elteke kasama ang mga lupang pastulan nito, Gibbeton kasama ang mga lupang pastulan nito,
24 亞雅崙和屬城的郊野,迦特‧臨門和屬城的郊野,共四座城;
Ajalon kasama ang mga lupang pastulan nito, Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
25 又從瑪拿西半支派的地業中給了他們他納和屬城的郊野,迦特‧臨門和屬城的郊野,共兩座城。
Mula sa kalahating lipi ni Manases, ibinigay ang Taanac sa angkan ng Kohat kasama ang mga lupang pastulan nito at Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod.
26 哥轄其餘的子孫共有十座城,還有屬城的郊野。
May sampung lungsod lahat para sa mga natirang mga angkan ng Kohatita, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
27 以色列人又從瑪拿西半支派的地業中將巴珊的哥蘭,就是誤殺人的逃城和屬城的郊野,給了利未支派革順的子孫;又給他們比‧施提拉和屬城的郊野,共兩座城;
Mula sa kalahating lipi ni Manases, hanggang sa angkan ng Gerson, ito ang ibang mga angkan ng Levita, at ibinigay nila ang Golan sa Basan kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya, kasama ang Beestera at ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod lahat.
28 又從以薩迦支派的地業中給了他們基善和屬城的郊野,大比拉和屬城的郊野,
Sa mga angkan ng Gerson ibinigay din nila ang Kision mula sa lipi ni Isacar, kasama ang mga lupang pastulan nito, Daberet kasama ang mga lupang pastulan nito,
29 耶末和屬城的郊野,隱‧干寧和屬城的郊野,共四座城;
Jarmut kasama ang mga lupang pastulan nito, at ang Engannim kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
30 又從亞設支派的地業中給了他們米沙勒和屬城的郊野,押頓和屬城的郊野,
Mula sa lipi ni Aser, ibinigay nila ang Misal kasama ang mga lupang pastulan nito, Abdon kasama ang mga lupang pastulan nito,
31 黑甲和屬城的郊野,利合和屬城的郊野,共四座城;
Helkat kasama ang mga lupang pastulan nito, at Rehob kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
32 又從拿弗他利支派的地業中將加利利的基低斯,就是誤殺人的逃城和屬城的郊野,給了他們;又給他們哈末‧多珥和屬城的郊野,加珥坦和屬城的郊野,共三座城。
Mula sa lipi ni Neftali, ibinigay nila sa mga angkan ng Gerson ang Kedes sa Galilea kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya; Hammotdor kasama ang mga lupang pastulan nito, at Kartan kasama ang mga lupang pastulan nito—tatlong lungsod lahat.
33 革順人按着宗族所得的城,共十三座,還有屬城的郊野。
Mayroong labintatlong lungsod lahat, mula sa mga angkan ng Gerson, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
34 其餘利未支派米拉利子孫,從西布倫支派的地業中所得的,就是約念和屬城的郊野,加珥他和屬城的郊野,
Sa natirang mga Levita— ang mga angkan ni Merari—ay ibinigay mula sa lipi ni Zebulon: Jokneam kasama ang mga lupang pastulan nito, Karta kasama ang mga lupang pastulan nito,
35 丁拿和屬城的郊野,拿哈拉和屬城的郊野,共四座城;
Dimna kasama ang mga lupang pastulan nito, at Nahalal kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
36 又從呂便支派的地業中給了他們比悉和屬城的郊野,雅雜和屬城的郊野,
Ibinigay sa mga angkan ni Merari mula sa lipi ni Ruben: Bezer kasama ang mga lupang pastulan nito, Jahaz kasama ang mga lupang pastulan nito,
37 基底莫和屬城的郊野,米法押和屬城的郊野,共四座城;
Kedemot kasama ang mga lupang pastulan nito, at Mepaat kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod.
38 又從迦得支派的地業中,將基列的拉末,就是誤殺人的逃城和屬城的郊野,給了他們;又給他們瑪哈念和屬城的郊野,
Mula sa lipi ni Gad ibinigay sa kanila ang Ramot sa Galaad kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya—at Mahanaim kasama ang mga lupang pastulan nito.
39 希實本和屬城的郊野,雅謝和屬城的郊野,共四座城。
Ibinigay din sa mga angkan ni Merari ang Hesbon kasama ang mga lupang pastulan nito, at Jazer kasama ang mga lupang pastulan nito. Apat na lungsod itong lahat.
40 其餘利未支派的人,就是米拉利的子孫,按着宗族拈鬮所得的,共十二座城。
Lahat ng mga ito ang mga lungsod na may maraming angkan ni Merari, na mula sa lipi ni Levi—labindalawang lungsod lahat ang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng mga palabunutan.
41 利未人在以色列人的地業中所得的城,共四十八座,並有屬城的郊野。
Ang mga lungsod ng mga Levita na kinuha sa gitna ng lupaing inangkin ng bayan ng Israel ay apatnapu't walong lungsod, kasama ang kanilang mga lupang pastulan.
42 這些城四圍都有屬城的郊野,城城都是如此。
Mayroong nakapaligid na mga lupang pastulan ang bawat siyudad na ito. Ganito sa lahat ng mga lungsod na ito.
43 這樣,耶和華將從前向他們列祖起誓所應許的全地賜給以色列人,他們就得了為業,住在其中。
Kaya ibinigay ni Yahweh sa Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno. Inangkin ito ng mga Israelita at nanirahan doon.
44 耶和華照着向他們列祖起誓所應許的一切話,使他們四境平安;他們一切仇敵中,沒有一人在他們面前站立得住。耶和華把一切仇敵都交在他們手中。
Pagkatapos binigyan sila ni Yahweh ng pahinga sa bawat dako, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno. Walang isa sa kanilang kaaway ang maaaring tumalo sa kanila. Ibinigay ni Yahweh ang lahat ng kanilang kaaway sa kanilang mga kamay.
45 耶和華應許賜福給以色列家的話一句也沒有落空,都應驗了。
Walang isang bagay sa lahat ng mga mabuting pangako na sinabi ni Yahweh sa bahay ng Israel ang hindi nagkatotoo. Natupad ang lahat ng ito.

< 約書亞記 21 >