< 約伯記 6 >
Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi,
2 惟願我的煩惱稱一稱, 我一切的災害放在天平裏;
Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama.
Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla.
4 因全能者的箭射入我身; 其毒,我的靈喝盡了; 上帝的驚嚇擺陣攻擊我。
Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.
Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain?
Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog?
Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin.
Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi!
Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako!
10 我因沒有違棄那聖者的言語, 就仍以此為安慰, 在不止息的痛苦中還可踴躍。
Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal.
11 我有甚麼氣力使我等候? 我有甚麼結局使我忍耐?
Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?
12 我的氣力豈是石頭的氣力? 我的肉身豈是銅的呢?
Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso?
13 在我豈不是毫無幫助嗎? 智慧豈不是從我心中趕出淨盡嗎?
Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin?
14 那將要灰心、離棄全能者、 不敬畏上帝的人, 他的朋友當以慈愛待他。
Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat.
15 我的弟兄詭詐,好像溪水, 又像溪水流乾的河道。
Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago;
Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve:
17 天氣漸暖就隨時消化, 日頭炎熱便從原處乾涸。
Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako.
18 結伴的客旅離棄大道, 順河偏行,到荒野之地死亡。
Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala.
Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba.
Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig.
Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.
22 我豈說:請你們供給我, 從你們的財物中送禮物給我?
Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari?
23 豈說:拯救我脫離敵人的手嗎? 救贖我脫離強暴人的手嗎?
O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati?
24 請你們教導我,我便不作聲; 使我明白在何事上有錯。
Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan.
25 正直的言語力量何其大! 但你們責備是責備甚麼呢?
Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo?
26 絕望人的講論既然如風, 你們還想要駁正言語嗎?
Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.
Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan.
Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap.
29 請你們轉意,不要不公; 請再轉意,我的事有理。
Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid.
30 我的舌上豈有不義嗎? 我的口裏豈不辨奸惡嗎?
May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?