< 約伯記 14 >

1 人為婦人所生, 日子短少,多有患難;
Taong ipinanganak ng babae ay sa kaunting araw, at lipos ng kabagabagan.
2 出來如花,又被割下, 飛去如影,不能存留。
Siya'y umuusli na gaya ng bulaklak, at nalalagas: siya rin nama'y tumatakas na gaya ng anino, at hindi namamalagi.
3 這樣的人你豈睜眼看他嗎? 又叫我來受審嗎?
At iyo bang idinidilat ang iyong mga mata sa isang gaya nito, at ipinagsasama mo ako upang hatulan mo?
4 誰能使潔淨之物出於污穢之中呢? 無論誰也不能!
Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.
5 人的日子既然限定, 他的月數在你那裏, 你也派定他的界限,使他不能越過,
Yayamang ang kaniyang mga kaarawan ay nangapasiyahan, ang bilang ng kaniyang mga buwan ay talastas mo, at iyong hinanggahan ang kaniyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
6 便求你轉眼不看他,使他得歇息, 直等他像雇工人完畢他的日子。
Ilayo mo sa kaniya ang iyong paningin, upang siya'y makapagpahinga, hanggang sa maganap niya, na gaya ng isang magpapaupa, ang kaniyang araw.
7 樹若被砍下, 還可指望發芽, 嫩枝生長不息;
Sapagka't may pagasa sa isang punong kahoy, na kung ito'y putulin, ay sisibol uli, at ang sariwang sanga niyaon ay hindi maglilikat.
8 其根雖然衰老在地裏, 幹也死在土中,
Bagaman ang kaniyang ugat ay tumanda sa lupa, at ang puno niyao'y mamatay sa lupa;
9 及至得了水氣,還要發芽, 又長枝條,像新栽的樹一樣。
Gayon ma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol, at magsasanga na gaya ng pananim.
10 但人死亡而消滅; 他氣絕,竟在何處呢?
Nguni't ang tao ay namamatay at natutunaw; Oo, ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan nandoon siya?
11 海中的水絕盡, 江河消散乾涸。
Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat, at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12 人也是如此,躺下不再起來, 等到天沒有了,仍不得復醒, 也不得從睡中喚醒。
Gayon ang tao ay nabubuwal at hindi na bumabangon: hanggang sa ang langit ay mawala, sila'y hindi magsisibangon, ni mangagigising man sa kanilang pagkakatulog.
13 惟願你把我藏在陰間, 存於隱密處,等你的忿怒過去; 願你為我定了日期,記念我。 (Sheol h7585)
Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako! (Sheol h7585)
14 人若死了豈能再活呢? 我只要在我一切爭戰的日子, 等我被釋放的時候來到。
Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya? Lahat ng araw ng aking pakikipagbaka ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang pagbabago.
15 你呼叫,我便回答; 你手所做的,你必羨慕。
Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo: ikaw ay magtataglay ng nasa sa gawa ng iyong mga kamay.
16 但如今你數點我的腳步, 豈不窺察我的罪過嗎?
Nguni't ngayo'y binibilang mo ang aking mga hakbang: hindi mo ba pinapansin ang aking kasalanan?
17 我的過犯被你封在囊中, 也縫嚴了我的罪孽。
Ang aking pagsalangsang ay natatatakan sa isang supot, at iyong inilalapat ang aking kasamaan.
18 山崩變為無有; 磐石挪開原處。
At tunay na ang bundok na natitibag, ay nawawala, at ang bato ay napababago mula sa kinaroroonan niyaon;
19 水流消磨石頭, 所流溢的洗去地上的塵土; 你也照樣滅絕人的指望。
Inuukit ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha niyaon ang alabok ng lupa: sa gayon iyong sinisira ang pagasa ng tao.
20 你攻擊人常常得勝,使他去世; 你改變他的容貌,叫他往而不回。
Ikaw ay nananaig kailan man laban sa kaniya at siya'y pumapanaw; iyong pinapagbabago ang kaniyang mukha, at iyong pinayayaon siya.
21 他兒子得尊榮,他也不知道, 降為卑,他也不覺得。
Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; at sila'y ibinababa, nguni't hindi niya nahahalata sila.
22 但知身上疼痛, 心中悲哀。
Nguni't ang kaniyang laman sa kaniya ay masakit, at ang kaniyang kaluluwa sa loob niya ay namamanglaw.

< 約伯記 14 >