< 約伯記 13 >

1 這一切,我眼都見過; 我耳都聽過,而且明白。
Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
2 你們所知道的,我也知道, 並非不及你們。
Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo.
3 我真要對全能者說話; 我願與上帝理論。
Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios.
4 你們是編造謊言的, 都是無用的醫生。
Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
5 惟願你們全然不作聲; 這就算為你們的智慧!
Mano nawa ay magsitahimik kayong lahat! At magiging inyong karunungan.
6 請你們聽我的辯論, 留心聽我口中的分訴。
Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran, at inyong dinggin ang mga pagsasanggalang ng aking mga labi.
7 你們要為上帝說不義的話嗎? 為他說詭詐的言語嗎?
Kayo ba'y mangagsasalita ng kalikuan dahil sa Dios, at mangungusap ng karayaan dahil sa kaniya?
8 你們要為上帝徇情嗎? 要為他爭論嗎?
Inyo bang lilingapin ang kaniyang pagka Dios? Inyo bang ipakikipagtalo ang Dios?
9 他查出你們來,這豈是好嗎? 人欺哄人,你們也要照樣欺哄他嗎?
Mabuti ba na kayo'y siyasatin niya? O kung paanong dinadaya ang isang tao ay inyo bang dadayain siya?
10 你們若暗中徇情, 他必要責備你們。
Walang pagsalang sasawayin niya kayo, kung lihim na kayo'y tatangi ng pagkatao.
11 他的尊榮豈不叫你們懼怕嗎? 他的驚嚇豈不臨到你們嗎?
Hindi ba kayo tatakutin ng kaniyang karilagan, at ang gulat sa kaniya ay sasa inyo?
12 你們以為可記念的箴言是爐灰的箴言; 你們以為可靠的堅壘是淤泥的堅壘。
Ang inyong mga alaalang sabi ay kawikaang abo, ang inyong mga pagsasanggalang ay mga pagsasanggalang na putik.
13 你們不要作聲,任憑我吧! 讓我說話,無論如何我都承當。
Magsitahimik kayo, bayaan ninyo ako, na ako'y makapagsalita, at paratingin sa akin ang darating.
14 我何必把我的肉掛在牙上, 將我的命放在手中。
Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman, at aking ilalagay ang aking buhay sa aking kamay?
15 他必殺我;我雖無指望, 然而我在他面前還要辯明我所行的。
Bagaman ako'y patayin niya, akin ding hihintayin siya: gayon ma'y aking aalalayan ang aking mga lakad sa harap niya.
16 這要成為我的拯救, 因為不虔誠的人不得到他面前。
Ito man ay magiging aking kaligtasan; sapagka't ang isang di banal ay hindi makahaharap sa kaniya.
17 你們要細聽我的言語, 使我所辯論的入你們的耳中。
Pakinggan ninyong masikap ang aking pananalita, at ang aking pahayag ay sumainyong mga pakinig.
18 我已陳明我的案, 知道自己有義。
Narito, ngayon, aking inayos ang aking usap; talastas ko na ako'y matuwid.
19 有誰與我爭論, 我就情願緘默不言,氣絕而亡。
Sino ang makikipagtalo sa akin? Sapagka't ngayo'y tatahimik ako at malalagot ang aking hininga.
20 惟有兩件不要向我施行, 我就不躲開你的面:
Dalawang bagay lamang ang huwag mong gawin sa akin, kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21 就是把你的手縮回,遠離我身; 又不使你的驚惶威嚇我。
Iurong mo ng malayo ang iyong kamay sa akin; at huwag akong takutin ng pangingilabot sa iyo.
22 這樣,你呼叫,我就回答; 或是讓我說話,你回答我。
Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot; o papagsalitain mo ako, at sumagot ka sa akin.
23 我的罪孽和罪過有多少呢? 求你叫我知道我的過犯與罪愆。
Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan? Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 你為何掩面、 拿我當仇敵呢?
Bakit ikinukubli mo ang iyong mukha, at inaari mo akong iyong kaaway?
25 你要驚動被風吹的葉子嗎? 要追趕枯乾的碎稭嗎?
Iyo bang pangingilabutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin? At iyo bang hahabulin ang dayaming tuyo?
26 你按罪狀刑罰我, 又使我擔當幼年的罪孽;
Sapagka't ikaw ay sumusulat ng mga mabigat na bagay laban sa akin, at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan:
27 也把我的腳上了木狗, 並窺察我一切的道路, 為我的腳掌劃定界限。
Iyo ring inilalagay ang aking mga paa sa pangawan, at pinupuna mo ang lahat kong landas: ikaw ay gumuguhit ng isang guhit sa palibot ng mga talampakan ng aking mga paa:
28 我已經像滅絕的爛物, 像蟲蛀的衣裳。
Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw, na parang damit na kinain ng tanga.

< 約伯記 13 >