< 耶利米書 4 >
1 耶和華說:以色列啊, 你若回來歸向我, 若從我眼前除掉你可憎的偶像, 你就不被遷移。
Ito ang pahayag ni Yahweh. “Kung babalik ka Israel, dapat lamang na sa akin ka bumalik. Kung inalis mo ang mga kasuklam-suklam na bagay sa aking harapan at hindi na lilihis muli sa akin
2 你必憑誠實、公平、公義, 指着永生的耶和華起誓; 列國必因耶和華稱自己為有福, 也必因他誇耀。
at kung ipapangako mo, 'Namumuhay si Yahweh sa katotohanan, katarungan at katuwiran,' hihilingin ng mga bansa ang aking pagpapala at pupurihin nila ako.
3 耶和華對猶大和耶路撒冷人如此說: 要開墾你們的荒地, 不要撒種在荊棘中。
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh sa bawat tao sa Juda at Jerusalem, 'Bungkalin ninyo ang sarili ninyong lupain at huwag kayong maghasik sa mga matitinik.
4 猶大人和耶路撒冷的居民哪, 你們當自行割禮,歸耶和華, 將心裏的污穢除掉; 恐怕我的忿怒因你們的惡行發作, 如火着起, 甚至無人能以熄滅!
Maging tuli kay Yahweh at alisin ninyo ang kasamaang bumabalot sa inyong puso, mga kalalakihan ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem, kung hindi, lalabas ang aking galit gaya ng apoy at sunog na walang sinumang makapapatay nito. Mangyayari ito dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
5 你們當傳揚在猶大, 宣告在耶路撒冷說: 你們當在國中吹角,高聲呼叫說: 你們當聚集! 我們好進入堅固城!
Ibalita sa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem. Sabihin ninyo, “Hipan ang trumpeta sa lupain.” Ihayag ninyo, 'Magtipun-tipon. Pumunta tayo sa matitibay na mga lungsod.”
6 應當向錫安豎立大旗。 要逃避,不要遲延, 因我必使災禍與大毀滅從北方來到。
Itaas ang bandilang panghudyat at ituro ito sa Zion at tumakbo para sa kaligtasan! Huwag kayong manatili sapagkat magdudulot ako ng sakuna mula sa hilaga at isang malaking pagkawasak.
7 有獅子從密林中上來, 是毀壞列國的。 牠已經動身出離本處, 要使你的地荒涼, 使你的城邑變為荒場無人居住。
Isang leon ang paparating mula sa kasukalan at naghahanda na ang wawasak ng mga bansa. Iiwan niya ang kaniyang lugar upang magdala ng matinding takot sa inyong lupain, upang wasakin ang inyong mga lungsod kung saan walang sinuman ang maninirahan.
8 因此,你們當腰束麻布,大聲哀號, 因為耶和華的烈怒沒有向我們轉消。
Dahil dito, magsuot kayo ng damit panluksa, magsipanaghoy at magsitangis. Sapagkat hindi nawala ang matinding poot ni Yahweh sa atin.
9 耶和華說:「到那時,君王和首領的心都要消滅;祭司都要驚奇,先知都要詫異。」
Ito ang pahayag ni Yahweh. At mangyayari ito sa araw na iyon, na ang puso ng hari at ng kaniyang mga opisyal ay mamamatay. Manlulumo ang mga pari at manginginig sa takot ang mga propeta.'”
10 我說:「哀哉!主耶和華啊,你真是大大地欺哄這百姓和耶路撒冷,說:『你們必得平安。』其實刀劍害及性命了。」
Kaya sinabi ko, 'Oh! Panginoong Yahweh. Tunay nga na nilinlang mo ng lubusan ang mga taong ito at ang Jerusalem sa pagsasabi, 'Magkakaroon kayo ng kapayapaan.' Ngunit nag-aaklas ang mga espada laban sa kanilang mga buhay.
11 那時,必有話對這百姓和耶路撒冷說:「有一陣熱風從曠野淨光的高處向我的眾民颳來,不是為簸揚,也不是為揚淨。
Sa oras na iyon, sasabihin ito sa mga tao at sa Jerusalem, “Isang nag-aapoy na hangin mula sa mga kapatagan sa disyerto ang darating sa anak na babae ng aking mga tao. Hindi ito ang magtatahip o maglilinis sa kanila.
12 必有一陣更大的風從這些地方為我颳來;現在我又必發出判語,攻擊他們。」
Isang hangin na mas malakas pa dito ang darating sa aking utos, at ngayon ay hahatulan ko sila.
13 看哪,仇敵必如雲上來; 他的戰車如旋風, 他的馬匹比鷹更快。 我們有禍了! 我們敗落了!
Tingnan ninyo, lumulusob siya katulad ng mga ulap at ang kaniyang mga karwahe ay gaya ng isang bagyo. Ang kaniyang mga kabayo ay mas mabilis pa kaysa sa mga agila. Kaawa-awa tayo sapagkat mawawasak tayo!
14 耶路撒冷啊,你當洗去心中的惡, 使你可以得救。 惡念存在你心裏要到幾時呢?
Linisin mo ang iyong puso mula sa kasamaan, Jerusalem, upang ikaw ay maaaring maligtas. Gaano katagal mong iisipin ng malalim ang tungkol sa kung paano magkasala?
Sapagkat ang isang tinig ay nagdadala ng mga balita mula sa Dan at narinig ang paparating na sakuna mula sa kabundukan ng Efraim.
16 你們當傳給列國, 報告攻擊耶路撒冷的事說: 有探望的人從遠方來到, 向猶大的城邑大聲吶喊。
Hayaang isipin ng mga bansa ang tungkol dito. Tingnan ninyo, ipahayag ninyo sa Jerusalem na paparating ang mga mananakop sa malayong lupain upang sumigaw ng pakikidigma laban sa mga lungsod ng Juda.
17 他們周圍攻擊耶路撒冷, 好像看守田園的, 因為她背叛了我。 這是耶和華說的。
Magiging tulad sila ng mga kalalakihang tagapagbantay na nakapalibot sa sinasakang bukid, sapagkat naghihimagsik siya laban sa akin.
18 你的行動,你的作為,招惹這事; 這是你罪惡的結果, 實在是苦, 是害及你心了!
At ang iyong mga pag-uugali at mga gawain ang gumawa ng mga bagay na ito sa iyo. Ito ang magiging kaparusahan mo. Magiging katakot-takot ito! Tatagos ito sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ang pahayag ni Yahweh.
19 我的肺腑啊,我的肺腑啊,我心疼痛! 我心在我裏面煩躁不安。 我不能靜默不言, 因為我已經聽見角聲和打仗的喊聲。
Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimik sapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyat ng labanan.
20 毀壞的信息連絡不絕, 因為全地荒廢。 我的帳棚忽然毀壞; 我的幔子頃刻破裂。
Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.
Gaano katagal kong makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?
22 耶和華說:我的百姓愚頑,不認識我; 他們是愚昧無知的兒女, 有智慧行惡,沒有知識行善。
Sapagkat ang kahangalan ng aking mga tao ay hindi nila ako kilala. Mga hangal silang tao at wala silang pang-unawa. Mahusay sila sa paggawa ng kasamaan ngunit hindi nila alam ang gumawa ng kabutihan.
23 先知說:我觀看地, 不料,地是空虛混沌; 我觀看天,天也無光。
Nakita ko ang lupain at tingnan mo! Wala itong hugis at walang laman. Sapagkat walang liwanag sa kalangitan.
24 我觀看大山,不料,盡都震動, 小山也都搖來搖去。
Tiningnan ko ang mga kabundukan. Masdan, nanginginig sila at nayayanig ang lahat ng mga burol.
Tumingin ako. Masdan, wala ni isa man at nagsitakas ang lahat ng ibon sa kalangitan.
26 我觀看,不料,肥田變為荒地; 一切城邑在耶和華面前, 因他的烈怒都被拆毀。
Tumingin ako. Masdan, ang mga halamanan ay naging isang ilang at ang lahat ng mga lungsod ay pinabagsak sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kaniyang matinding poot.”
27 耶和華如此說:全地必然荒涼, 我卻不毀滅淨盡。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang lahat ng lupain ay mawawasak, ngunit hindi ko sila lubos na sisirain.
28 因此,地要悲哀, 在上的天也必黑暗; 因為我言已出,我意已定, 必不後悔,也不轉意不做。
Sa kadahilanang ito, magdadalamhati ang lupain at ang kalangitan sa itaas ay magdidilim. Sapagkat inihayag ko ang aking mga layunin, hindi ko ito babawiin, hindi ko tatalikuran ang pagpapatupad ng mga ito.
29 各城的人因馬兵和弓箭手的響聲就都逃跑, 進入密林,爬上磐石; 各城被撇下, 無人住在其中。
Ang bawat lungsod ay tatakas mula sa ingay ng mga mangangabayo at mamamana, tatakbo sila sa kagubatan. Bawat lungsod ay aakyat sa mga mabatong lugar. Mapapabayaan ang mga lungsod, sapagkat walang sinuman ang maninirahan dito.
30 你淒涼的時候要怎樣行呢? 你雖穿上朱紅衣服, 佩戴黃金裝飾, 用顏料修飾眼目, 這樣標緻是枉然的! 戀愛你的藐視你, 並且尋索你的性命。
Ngayong nawasak ka na, ano ang gagawin mo? Bagaman nakasuot ka ng mapulang damit, nakagayak ng gintong alahas at pinalalaki ng pintang pampaganda ang iyong mga mata, itinakwil ka na ng mga kalalakihang nagnasa sa iyo. Sa halip, sinusubukan ka nilang patayin.
31 我聽見有聲音,彷彿婦人產難的聲音, 好像生頭胎疼痛的聲音, 是錫安女子的聲音; 她喘着氣、挓挲手, 說:我有禍了! 在殺人的跟前,我的心發昏了。
Kaya narinig ko ang ingay ng pagdadalamhati, pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay ng anak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina ako dahil sa mga mamamatay-taong ito.'”