< 以賽亞書 34 >
1 列國啊,要近前來聽! 眾民哪,要側耳而聽! 地和其上所充滿的, 世界和其中一切所出的都應當聽!
Lumapit kayo, kayong mga bansa, at makinig; bigyang-pansin, kayong bayan! Ang lupa at lahat ng pumupuno rito ay dapat makinig, ang mundo, at lahat ng mga bagay na nanggagaling mula rito.
2 因為耶和華向萬國發忿恨, 向他們的全軍發烈怒, 將他們滅盡,交出他們受殺戮。
Dahil si Yahweh ay galit sa lahat ng mga bansa, at galit na galit laban sa lahat ng kanilang mga hukbo; sila ay lubos niyang winasak, ibinigay niya sila para katayin.
3 被殺的必然拋棄, 屍首臭氣上騰; 諸山被他們的血融化。
Ang mga pinatay nila ay maiiwang hindi nakalibing; ang masangsang na amoy ng kanilang mga bangkay ay nasa lahat ng dako, at ang mga bundok ay mabababad ng kanilang dugo.
4 天上的萬象都要消沒; 天被捲起,好像書卷。 其上的萬象要殘敗, 像葡萄樹的葉子殘敗, 又像無花果樹的葉子殘敗一樣。
Lahat ng bituin sa kalawakan ay maglalaho, at ang kalawakan ay ibabalumbon gaya ng isang balumbon ng kasulatan; at lahat ng kanilang mga bituin ay maglalaho, gaya ng dahon na nalalagas mula sa patay na puno ng ubas, at gaya ng labis na hinog ng mga igos mula sa puno ng igos.
5 因為我的刀在天上已經喝足; 這刀必臨到以東和我所咒詛的民, 要施行審判。
Sa oras na mabusog ang aking espada sa langit mula sa pag-inom; pagmasadan ninyo, bababa ito sa Edom, sa bayan na ibinukod ko para wasakin.
6 耶和華的刀滿了血, 用脂油和羊羔、公山羊的血, 並公綿羊腰子的脂油滋潤的; 因為耶和華在波斯拉有獻祭的事, 在以東地大行殺戮。
Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at nababalutan ng taba, may tumutulong dugo ng mga batang tupa at mga kambing, nababalutan ng taba ang mga lamang-loob ng mga lalaking tupa. Dahil si Yahweh ay may isang handog sa Bosra at may isang malaking katayan sa lupain ng Edom.
7 野牛、牛犢,和公牛要一同下來。 他們的地喝醉了血; 他們的塵土因脂油肥潤。
Ang mababangis na baka ay kakatayin kasama nila, at ang mga batang toro na kasama ang mas nakatatanda. Ang kanilang lupain ay magiging lango sa dugo, at ang kanilang alikabok ay pinataba ng katabaan.
8 因耶和華有報仇之日, 為錫安的爭辯有報應之年。
Dahil ito ay magiging araw ng paghihiganti para kay Yahweh at taon kung saan maghihiganti siya laban sa kanila para sa kapakanan ng Sion.
9 以東的河水要變為石油, 塵埃要變為硫磺; 地土成為燒着的石油,
Ang mga batis ng Edom ay mapapalitan ng alkitran, ang kaniyang alikabok ay asupre, at kaniyang lupain ay magiging sunog na alkitran.
10 晝夜總不熄滅, 煙氣永遠上騰, 必世世代代成為荒廢, 永永遠遠無人經過。
Masusunog ito sa gabi at araw; ang usok nito ay tataas magpakailanman; mula sa bawat salinlahi ito ay magiging isang tambakan ng basura; walang sinuman ang makararaan dito magpakailanman pa man.
11 鵜鶘、箭豬卻要得為業; 貓頭鷹、烏鴉要住在其間。 耶和華必將空虛的準繩, 混沌的線鉈,拉在其上。
Pero ang mga mailap na ibon at hayop ay maninirahan doon; ang kuwago at ang uwak ay gagawa ng kanilang pugad dito. Iuunat niya sa ibabaw nito ang hangganan ng pagkawasak at ang panukat ng pagkasira.
12 以東人要召貴冑來治國; 那裏卻無一個, 首領也都歸於無有。
Ang kaniyang mga maharlika ay mawawalan ng matatawag na kaharian, at ang lahat ng kaniyang mga prinsipe ay mababalewala.
13 以東的宮殿要長荊棘; 保障要長蒺藜和刺草; 要作野狗的住處, 鴕鳥的居所。
Ang mga tinik ay lubos na lalaki sa kaniyang mga palasyo, kulitis at mga dawag sa kaniyang tanggulan. Magiging tahanan ito ng mga asong-gala, ang lugar para sa mga ostrich.
14 曠野的走獸要和豺狼相遇; 野山羊要與伴偶對叫。 夜間的怪物必在那裏棲身, 自找安歇之處。
Ang mga mabangis na hayop at ang mga asong-gubat ay magtatagpo doon, at ang mabangis na mga kambing ay nagsigawan sa isat-isa. Ang mga panggabing hayop ay mamamalagi doon at maghahanap para sa kanila ng isang lugar na mapapahingahan.
15 箭蛇要在那裏做窩, 下蛋,菢蛋,生子, 聚子在其影下; 鷂鷹各與伴偶聚集在那裏。
Ang mga kuwago ay gagawa ng mga pugad, mangingitlog at pipisain ang kanilang mga itlog, pipisain at pangangalagaan ang kanilang inakay. Oo, magtitipon doon ang mga lawin, bawat isa ay may kapareha.
16 你們要查考宣讀耶和華的書。 這都無一缺少, 無一沒有伴偶; 因為我的口已經吩咐, 他的靈將牠們聚集。
Maghanap kayo mula sa balumbon ng kasulatan ni Yahweh; wala isa man sa mga ito ang mawawala. Walang magkukulang ng kapareha; dahil inutos ito ng kaniyang bibig, at sila ay tinipon ng kaniyang espiritu.
17 他也為牠們拈鬮, 又親手用準繩給牠們分地; 牠們必永得為業, 世世代代住在其間。
Nagpalabunutan siya para sa kanilang nasasakupan, at sinukat ito ng kaniyang kamay para sa kanila sa pamamagitan ng isang tali. Aangkinin nila ito magpakailanman, mula sa bawat salinlahi sila ay maninirahan doon.