< 以賽亞書 10 >
1 禍哉!那些設立不義之律例的 和記錄奸詐之判語的,
Anong kapighatian ang nakalaan sa mga gumagawa nang hindi makatuwirang mga batas at hindi patas na mga tuntunin.
2 為要屈枉窮乏人, 奪去我民中困苦人的理, 以寡婦當作擄物, 以孤兒當作掠物。
Pinagkaitan nila ng katarungan ang mga nangangailangan, ninakawan ng karapatan ang naghihirap kong bayan, ninanakawan ang mga balo, at binibiktima ang mga ulila sa ama!
3 到降罰的日子,有災禍從遠方臨到, 那時,你們怎樣行呢? 你們向誰逃奔求救呢? 你們的榮耀存留何處呢?
Ano ang gagawin mo sa araw ng paghuhukom kapag dumating na ang pagkawasak mula sa malayo? Kanino ka tatakbo para magkubli at ilalagak ang iyong kayamanan?
4 他們只得屈身在被擄的人以下, 仆倒在被殺的人以下。 雖然如此,耶和華的怒氣還未轉消; 他的手仍伸不縮。
Walang matitira, gagapang ka kasama ng mga bihag, o babagsak kasama ng mga napaslang. Sa lahat ng mga ito, hindi pa humuhupa ang galit ni Yahweh, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
Anong kapighatian ang nakalaan sa mga taga-Asiria, ang pamalo ng aking galit, ang pamalo ng aking poot!
6 我要打發他攻擊褻瀆的國民, 吩咐他攻擊我所惱怒的百姓, 搶財為擄物,奪貨為掠物, 將他們踐踏,像街上的泥土一樣。
Ipapadala ko siya laban sa isang mayabang na bansa at laban sa mga taong pasan ang nag-uumapaw kong poot. Inutusan ko siyang samsamin ang mga kayamanan, para kunin ang biktima, at para apakan sila tulad ng mga putik sa mga lansangan.
7 然而,他不是這樣的意思; 他心也不這樣打算。 他心裏倒想毀滅, 剪除不少的國。
Pero hindi ito ang kaniyang intensyon, o hindi niya inisip ang ganitong pamamaraan. Nasa kaniyang puso ang wasakin ang maraming bansa.
Dahil sinabi niya, “Hindi ba lahat ng aking mga prinsipe ay mga hari?
9 迦勒挪豈不像迦基米施嗎? 哈馬豈不像亞珥拔嗎? 撒馬利亞豈不像大馬士革嗎?
Hindi ba tulad ng Calno ang Carquemis? Hindi ba ang Hamat ay tulad ng Arpad? Hindi ba ang Samaria ay tulad ng Damasco?
10 我手已經搆到有偶像的國; 這些國雕刻的偶像 過於耶路撒冷和撒馬利亞的偶像。
Gaya ng pagsakop ko sa mga paganong kaharian, na ang mga inukit na rebulto ay mas malaki kaysa sa Jerusalem at Samaria,
11 我怎樣待撒馬利亞和其中的偶像, 豈不照樣待耶路撒冷和其中的偶像嗎?
tulad ng ginawa ko sa Samaria at sa mga walang kwenta niyang diyus-diyosan, hindi ko rin ba ito gagawin sa Jerusalem at sa kaniyang mga diyus-diyosan?”
12 主在錫安山和耶路撒冷成就他一切工作的時候,主說:「我必罰亞述王自大的心和他高傲眼目的榮耀。」
Kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, siya ay magsasabi ng “paparusahan ko ang mga kayabangan na sinabi ng hari ng Asiria at kaniyang mapagmataas na hitsura.
13 因為他說: 我所成就的事是靠我手的能力 和我的智慧, 我本有聰明。 我挪移列國的地界, 搶奪他們所積蓄的財寶; 並且我像勇士,使坐寶座的降為卑。
Dahil sinabi niya, “Sa pamamagitan ng aking lakas at katalinuhan kaya ko ito nagawa, at tinanggal ko ang mga hangganan ng mga tao. Ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at tulad ng isang makapangyarihang tao winasak ko silang mga nakaupo sa mga trono.
14 我的手搆到列國的財寶, 好像人搆到鳥窩; 我也得了全地, 好像人拾起所棄的雀蛋。 沒有動翅膀的; 沒有張嘴的,也沒有鳴叫的。
Kinuha ng aking kamay, na tila mula sa isang pugad, ang kayamanan ng mga bansa, na parang kumukuha lang ng mga naiwang itlog, ganoon ko kinamkam ang buong mundo. Walang nagpagaspas ng kanilang pakpak o nagbukas sa kanilang bibig para humuni.”
15 斧豈可向用斧砍木的自誇呢? 鋸豈可向用鋸的自大呢? 好比棍掄起那舉棍的, 好比杖舉起那非木的人。
Makakapagmayabang ba ang palakol sa taong gumagamit nito? Pupurihin ba ng lagari ang kaniyang sarili nang higit pa kaysa sa mamumutol na gumagamit nito? O kaya naman kaya bang iangat ng pamalo ang namamalo o ang pamalo ba ay kayang buhatin ang bumubuhat sa kaniya?
16 因此,主-萬軍之耶和華 必使亞述王的肥壯人變為瘦弱, 在他的榮華之下必有火着起, 如同焚燒一樣。
Kaya magpapadala ng pagkagutom ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa kaniyang mga magigiting na mandirigma, at sa silong ng kaniyang kaluwalhatian ay may nagniningas na apoy.
17 以色列的光必如火; 他的聖者必如火焰。 在一日之間,將亞述王的荊棘 和蒺藜焚燒淨盡;
Ang liwanag ng Israel ay magiging isang apoy, at ang kaniyang Banal ay alab; tutupukin niya ang mga damo at mga tinik sa loob lang ng isang araw.
18 又將他樹林和肥田的榮耀全然燒盡, 好像拿軍旗的昏過去一樣。
Tutupukin ni Yahweh ang kaluwalhatian ng kaniyang kagubatan at ang kaniyang masaganang lupain, ang parehong kaluluwa at katawan, ito ay magiging tulad ng isang lalaking may sakit na unti-unting nawawalan ng buhay.
19 他林中剩下的樹必稀少, 就是孩子也能寫其數。
Ang mga maiiwan na bahagi ng mga puno sa kaniyang kagubatan ay kakaunti lamang, na kaya itong bilangin ng isang bata.
20 到那日,以色列所剩下的和雅各家所逃脫的,不再倚靠那擊打他們的,卻要誠實倚靠耶和華-以色列的聖者。
Sa araw na iyon, ang mga naiwan sa Israel, ang pamilya ni Jacob na nakatakas, ay hindi na patuloy aasa sa sumakop sa kanila, bagkus kay Yahweh na sila aasa, Ang Banal ng Israel.
21 所剩下的,就是雅各家所剩下的,必歸回全能的上帝。
May mga naiwan kay Jacob ang babalik kay Yahweh.
22 以色列啊,你的百姓雖多如海沙,惟有剩下的歸回。原來滅絕的事已定,必有公義施行,如水漲溢。
Kahit na ang iyong mamamayan, Israel, ay kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan, kakaunti lamang mula sa kanila ang babalik. Ang pagkawasak ay naitalaga na, ayon sa hinihingi ng nag-uumapaw na katuwiran.
23 因為主-萬軍之耶和華在全地之中必成就所定規的結局。
Dahil ipapatupad na ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo, ang hatol na wasakin ang lupain.
24 所以,主-萬軍之耶和華如此說:「住錫安我的百姓啊,亞述王雖然用棍擊打你,又照埃及的樣子舉杖攻擊你,你卻不要怕他。
Kaya sinabi ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo, “Ang aking bayan na nakatira sa Sion ay hindi natatakot sa mga taga-Asiria. Hahampasin niya kayo ng kaniyang pamalo, at papaluin ng kaniyang tungkod, na tulad ng ginawa sa mga taga-Ehipto.
25 因為還有一點點時候,向你們發的忿恨就要完畢,我的怒氣要向他發作,使他滅亡。
Huwag kayong matakot sa kaniya, dahil sa konting sandali na lang ang aking galit sa inyo ay matatapos na, at itutuon ko naman sa kaniya ang aking galit na wawasak sa kaniya.”
26 萬軍之耶和華要興起鞭來攻擊他,好像在俄立磐石那裏殺戮米甸人一樣。耶和華的杖要向海伸出,把杖舉起,像在埃及一樣。
At hahampasin sila ni Yahweh ng mga hukbo ng latigo, tulad nang pagtalo niya sa Midian sa bato ng Oreb. Itataas niya ang kaniyang pamalo sa ibabaw ng dagat tulad nang ginawa niya sa Ehipto.
27 到那日,亞述王的重擔必離開你的肩頭;他的軛必離開你的頸項;那軛也必因肥壯的緣故撐斷。」
Sa araw na iyon, ang mga pabigat ay aalisin sa inyong balikat at ang pamatok ay tatanggalin mula sa inyong mga leeg, at sisirain ang mga pamatok dahil malayo na ang inyong mga leeg mula rito.
28 亞述王來到亞葉, 經過米磯崙, 在密抹安放輜重。
Tinahak ng mga kalaban ang Migron at dumating sa Aiat, at inilagak ang kanilang mga kagamitan sa Micmas.
29 他們過了隘口, 在迦巴住宿。 拉瑪人戰兢; 掃羅的基比亞人逃跑。
Tinawid nila ang lambak at gumawa ng kuta sa Geba. Nanginig sa takot ang Ramah at ang Gibea ni Saul ay tumakas.
30 迦琳的居民哪,要高聲呼喊! 萊煞人哪,須聽! 哀哉!困苦的亞拿突啊。
Sumigaw kayo nang malakas, mga dalaga ng Galim! Makinig kayo, Laisa! Kayong mga kaawa-awang Anatot!
Tumatakas ang Madmenah, at ang mga nananahan sa Gebim ay naghanap ng mapagkakanlungan.
32 當那日,亞述王要在挪伯歇兵, 向錫安女子的山- 就是耶路撒冷的山-掄手攻他。
Ngayong araw mismo, titigil siya sa Nob at iuumang ang kaniyang kamao sa bundok ng anak ng Sion, sa bulubundukin ng Jerusalem.
33 看哪,主-萬軍之耶和華 以驚嚇削去樹枝; 長高的必被砍下, 高大的必被伐倒。
Masdan, puputulin ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo ang mga sanga ng puno sa isang kasindak-sindak na pagbagsak; ang mga matataas na puno ay puputulin, at ang mga matatayog ay babagsak.
34 稠密的樹林,他要用鐵器砍下; 黎巴嫩的樹木必被大能者伐倒。
puputulin niya ang kasukalan ng kagubatan gamit ang palakol, at ang tanyag na Lebanon ay babagsak.