< 創世記 42 >

1 雅各見埃及有糧,就對兒子們說:「你們為甚麼彼此觀望呢?
Ngayon, napagalaman ni Jacob na may butil sa Ehipto. Sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, “Bakit kayo nakatingin sa isa't isa?”
2 我聽見埃及有糧,你們可以下去,從那裏為我們糴些來,使我們可以存活,不至於死。」
Sinabi niya, “Tingnan niyo ito, narinig kong mayroong butil sa Ehipto. Bumaba kayo doon at bumili para sa atin mula doon para tayo ay mabuhay at hindi mamatay.”
3 於是,約瑟的十個哥哥都下埃及糴糧去了。
Ang sampung lalaking kapatid ni Jose ay bumaba para bumili ng butil mula sa Ehipto.
4 但約瑟的兄弟便雅憫,雅各沒有打發他和哥哥們同去,因為雅各說:「恐怕他遭害。」
Ngunit si Benjamin, na kapatid ni Jose, ay hindi ipinasama ni Jacob sa kaniyang mga lalaking kapatid, dahil sinabi niya, “Baka may kapahamakang maaaring mangyari sa kanya.”
5 來糴糧的人中有以色列的兒子們,因為迦南地也有饑荒。
Ang mga lalaking anak ni Israel ay dumating para bumili kasama ng mga dumating, dahil ang taggutom ay nasa lupain ng Canaan.
6 當時治理埃及地的是約瑟;糶糧給那地眾民的就是他。約瑟的哥哥們來了,臉伏於地,向他下拜。
Ngayon si Jose ang gobernador sa buong lupain. Siya ang nagbebenta sa lahat ng tao sa lupain. Dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose at nagpatirapa sila sa kanyang harapan.
7 約瑟看見他哥哥們,就認得他們,卻裝作生人,向他們說些嚴厲話,問他們說:「你們從哪裏來?」他們說:「我們從迦南地來糴糧。」
Nakita ni Jose ang kanyang mga lalaking kapatid at nakilala niya ang mga ito, ngunit nagpanggap siya sa kanila at nagsalita ng marahas sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Saan kayo nanggaling?” Sinabi nila, “Mula po sa lupain ng Canaan para bumili ng pagkain.”
8 約瑟認得他哥哥們,他們卻不認得他。
Nakilala ni Jose ang kanyang mga lalaking kapatid ngunit siya ay hindi nila nakilala.
9 約瑟想起從前所做的那兩個夢,就對他們說:「你們是奸細,來窺探這地的虛實。」
Naalala ni Jose ang mga naging panaginip niya patungkol sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Kayo ay mga ispiya. Dumayo kayo para tingnan ang mga bahagi ng lupain na hindi nababantayan.”
10 他們對他說:「我主啊,不是的。僕人們是糴糧來的。
Sinabi nila sa kanya, “Hindi po, aking panginoon. Ang inyong mga lingkod ay dumating para bumili ng pagkain.
11 我們都是一個人的兒子,是誠實人;僕人們並不是奸細。」
Kaming lahat ay mga lalaking anak ng iisang tao. Kami ay tapat na mga lalaki. Ang mga lingkod po ninyo ay hindi mga ispiya.”
12 約瑟說:「不然,你們必是窺探這地的虛實來的。」
Sinabi niya sa kanila, “Hindi, kayo ay dumating para tingnan ang mga hindi nababantayang mga bahagi ng lupain.
13 他們說:「僕人們本是弟兄十二人,是迦南地一個人的兒子,頂小的現今在我們的父親那裏,有一個沒有了。」
Sinabi nila, “Kami na iyong mga lingkod ay labindalawang magkakapatid na lalaki, mga anak ng isang tao sa lupain ng Canaan. Makikita ninyo, ang bunso ngayong araw ay kapiling ng aming ama, at isang kapatid na lalaki ay hindi na nabubuhay.”
14 約瑟說:「我才說你們是奸細,這話實在不錯。
Sinabi ni Jose sa kanila. “Iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo; kayo'y mga ispiya.
15 我指着法老的性命起誓,若是你們的小兄弟不到這裏來,你們就不得出這地方,從此就可以把你們證驗出來了。
Sa pamamagitan nito kayo ay masusubok. Sa pamamagitan ng buhay ni Paraon, hindi kayo aalis dito, maliban na lang kung pupunta rito ang bunso ninyong kapatid na lalaki
16 須要打發你們中間一個人去,把你們的兄弟帶來。至於你們,都要囚在這裏,好證驗你們的話真不真,若不真,我指着法老的性命起誓,你們一定是奸細。」
Ipadala ninyo ang isa sa inyo at hayaan ninyong kunin niya ang inyong kapatid. Mananatili kayo sa kulungan, upang masubukan ang inyong mga salita, kung mayroon bang katotohanan sa inyo, o sa buhay ni Paraon tiyak na mga ispiya kayo.”
17 於是約瑟把他們都下在監裏三天。
Silang lahat ay isinailalim niya sa pagkakabilanggo sa loob ng tatlong araw.
18 到第三天,約瑟對他們說:「我是敬畏上帝的;你們照我的話行就可以存活。
Sinabi sa kanila ni Jose sa ikatlong araw. “Gawin ninyo ito at mabuhay, dahil takot ako sa Diyos.
19 你們如果是誠實人,可以留你們中間的一個人囚在監裏,但你們可以帶着糧食回去,救你們家裏的饑荒。
Kung kayo ay mga lalaking tapat, hayaan ang isa sa inyong mga lalaking kapatid na makulong sa bilangguang ito, ngunit pumunta kayo, magdala kayo ng butil para sa taggutom ng inyong mga tahanan.
20 把你們的小兄弟帶到我這裏來,如此,你們的話便有證據,你們也不至於死。」他們就照樣而行。
Dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid na lalaki sa akin para ang inyong salita ay mapatunayan at hindi kayo mamamatay.” Kaya ginawa nga nila ito.
21 他們彼此說:「我們在兄弟身上實在有罪。他哀求我們的時候,我們見他心裏的愁苦,卻不肯聽,所以這場苦難臨到我們身上。」
Sinabi nila sa isa't-isa, “Tayo ay tunay na nagkasala tungkol sa ating lalaking kapatid dahil nakita natin ang paghihinagpis ng kanyang kaluluwa nang siya ay magmakaawa sa atin at hindi tayo nakinig. Dahil doon ang kabalisahan ay dinaranas natin.”
22 呂便說:「我豈不是對你們說過,不可傷害那孩子嗎?只是你們不肯聽,所以流他血的罪向我們追討。」
Sinagot sila ni Reuben, “Hindi ba sinabi ko sa inyo, 'Huwag magkasala laban sa bata,' ngunit hindi kayo nakinig? Tingnan ninyo ngayon, ang kanyang dugo ay hinihingi sa atin.”
23 他們不知道約瑟聽得出來,因為在他們中間用通事傳話。
Hindi nila alam na naiintindihan sila ni Jose, dahil may isang tagapagsalin na namamagitan sa kanila.
24 約瑟轉身退去,哭了一場,又回來對他們說話,就從他們中間挑出西緬來,在他們眼前把他捆綁。
Siya ay tumalikod sa kanila at nanangis. Bumalik siya at nagsalita sa kanila. Kinuha niya si Simeon mula sa piling nila at iginapos siya habang sila ay nakatingin.
25 約瑟吩咐人把糧食裝滿他們的器具,把各人的銀子歸還在各人的口袋裏,又給他們路上用的食物,人就照他的話辦了。
Pagkatapos ay inutusan ni Jose ang kanyang mga lingkod na punuin ng butil ang mga bayong ng kaniyang mga kapatid, at ilagay ang pera ng bawat lalaki pabalik sa kanilang mga sako, at bigyan sila ng mga kakailanganin para sa paglalakbay. Ginawa ito para sa kanila.
26 他們就把糧食馱在驢上,離開那裏去了。
Pinasanan ng mga magkakapatid ng butil ang kanilang mga asno at sila'y umalis na roon.
27 到了住宿的地方,他們中間有一個人打開口袋,要拿料餵驢,才看見自己的銀子仍在口袋裏,
Habang ang isa sa kanila ay nagbubukas ng kanyang sako para ipakain sa kanyang asno sa isang lugar-panuluyan, nakita niya ang kanyang pera. At narito, nasa bukana ito ng kanyang sako.
28 就對弟兄們說:「我的銀子歸還了,看哪,仍在我口袋裏!」他們就提心吊膽,戰戰兢兢地彼此說:「這是上帝向我們做甚麼呢?」
Sinabi niya sa kanyang mga lalaking kapatid, “Ang aking salapi ay naibalik sa akin. Tingnan ninyo itong nasa aking sako.” At ang kanilang mga puso ay nangabagabag at ang lahat ay nanginig. Sinabi nila, “Ano itong ginawa sa atin ng Diyos?”
29 他們來到迦南地、他們的父親雅各那裏,將所遭遇的事都告訴他,說:
Pumunta sila kay Jacob, na kanilang ama sa lupain ng Canaan at sinabi nila ang lahat ng nangyari sa kanila. Sinabi nila,
30 「那地的主對我們說嚴厲的話,把我們當作窺探那地的奸細。
“Ang lalaking panginoon ng lupain ay marahas na nagsalita sa amin at inisip niyang kami ay mga tiktik sa lupain.
31 我們對他說:『我們是誠實人,並不是奸細。
Sinabi namin sa kanya, 'Kami po ay mga lalaking tapat. Hindi po kami mga tikitk.
32 我們本是弟兄十二人,都是一個父親的兒子,有一個沒有了,頂小的如今同我們的父親在迦南地。』
Kami po ay labindalawang magkakapatid, mga lalaking anak ng aming ama. Ang isa ay hindi na po nabubuhay, at ang bunso ay kapiling ng aming ama ngayong araw sa lupain ng Canaan.'
33 那地的主對我們說:『若要我知道你們是誠實人,可以留下你們中間的一個人在我這裏,你們可以帶着糧食回去,救你們家裏的饑荒。
Sinabi sa amin ng lalaking panginoon ng lupain, 'Sa pamamagitan nito malalaman ko na kayo ay mga lalaking tapat. Iwan ninyo sa akin ang isa sa inyong kapatid na lalaki, kumuha kayo ng butil para sa tag-gutom sa inyong mga tahanan, at humayo na kayo sa inyong daan.
34 把你們的小兄弟帶到我這裏來,我便知道你們不是奸細,乃是誠實人。這樣,我就把你們的弟兄交給你們,你們也可以在這地做買賣。』」
Dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid sa akin. Pagkatapos nito ay malalaman ko na hindi nga kayo mga tiktik, ngunit mga taong tapat. Pagkatapos ay papalayain ko ang inyong lalaking kapatid, at maaari na kayong mangalakal sa lupain.”
35 後來他們倒口袋,不料,各人的銀包都在口袋裏;他們和父親看見銀包就都害怕。
Dumating ang panahon habang inaalis nila ang laman ng kanilang mga sako, at narito nga, ang mga lalagyan ng pilak ng bawat isa ay nasa kanilang sako. Nang makita nila at ng kanilang ama ang mga lalagyan ng pilak, sila ay natakot.
36 他們的父親雅各對他們說:「你們使我喪失我的兒子:約瑟沒有了,西緬也沒有了,你們又要將便雅憫帶去;這些事都歸到我身上了。」
Sinabi sa kanila ni Jacob na kanilang ama sa, “Inialis ninyo sa akin ang aking mga anak. Hindi na nabubuhay si Jose, si Simeon ay wala na, at kukunin pa ninyo si Benjamin palayo. Lahat ng ito ay laban sa akin.”
37 呂便對他父親說:「我若不帶他回來交給你,你可以殺我的兩個兒子。只管把他交在我手裏,我必帶他回來交給你。」
Si Reuben ay nagsalita sa kanyang ama, na nagsasabing. “Maaari mong patayin ang dalawa kong anak kung hindi ko maibalik sa iyo si Benjamin. Ilagay mo siya sa aking mga kamay, at muli ko siyang dadalhin sa iyo.”
38 雅各說:「我的兒子不可與你們一同下去;他哥哥死了,只剩下他,他若在你們所行的路上遭害,那便是你們使我白髮蒼蒼、悲悲慘慘地下陰間去了。」 (Sheol h7585)
Sinabi ni Jacob, “Ang aking anak ay hindi pupunta pababa kasama ninyo. Dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na at siya na lamang ang mag-isang naiwan. Kapag may kapahamakang nangyari sa kanya sa daan kung saan kayo pupunta, tuluyan mo nang ibababa ang pagka-abo ng aking buhok kasama ng kalungkutan sa sheol.” (Sheol h7585)

< 創世記 42 >