< 以西結書 48 >
1 眾支派按名所得之地記在下面:從北頭,由希特倫往哈馬口,到大馬士革地界上的哈薩‧以難。北邊靠着哈馬地(各支派的地都有東西的邊界),是但的一分。
Ito ang mga pangalan ng mga tribo. Ang tribo ng Dan ay makakatanggap ng isang bahagi ng lupain: ang hangganan nito ay aabot sa tabi ng hangganan sa hilaga ng Israel papunta sa Hethlon at Lebo Hamat. Ang hangganan nito ay aabot hanggang sa Hazar-enan at sa mga hangganan ng Damasco hanggang sa hilaga at hanggang sa Hamat. Ang hangganan ng Dan ay aabot mula sa timog hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
Isang bahagi ng lupain sa timog ng hangganan ng Dan ang magiging lupain ng Aser na aabot mula sa silangan hanggang sa kanluran.
Sa timog ng hangganan ng Aser ay magiging isang bahagi ng Neftali mula sa silangang bahagi hanggang sa kanlurang bahagi.
4 挨着拿弗他利的地界,從東到西,是瑪拿西的一分。
Ang hangganan ng timog ng Neftali ang magiging isang bahagi ng Manases na mula sa silangang bahagi hanggang sa kanlurang bahagi.
Sa timog ng hangganan ng Manases mula sa dakong silangang hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng Efraim.
Sa timog ng hangganan ng Efraim mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng Ruben.
Sa tabi ng hangganan ni Ruben mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng Juda.
8 挨着猶大的地界,從東到西,必有你們所當獻的供地,寬二萬五千肘。從東界到西界,長短與各分之地相同,聖地當在其中。
Ang handog na lupain na inyong gagawin ay sa tabi ng hangganan ng Juda at pinalawak mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran at magiging dalawampu't-limang libong siko ang lawak. Tumutugma ang haba nito sa isang bahagi ng tribo mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran at ang templo ang magiging gitna nito.
9 你們獻與耶和華的供地要長二萬五千肘,寬一萬肘。
Itong lupain na ihahandog ninyo kay Yahweh ay dalawampu't-limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang luwang.
10 這聖供地要歸與祭司,北長二萬五千肘,西寬一萬肘,東寬一萬肘,南長二萬五千肘。耶和華的聖地當在其中。
Ito ang mga nakatakda para sa bahaging ito ng banal na lupain: magkakaroon ng lupain ang mga pari na maitatalaga sa kanila na may sukat na dalwampu't-limang libong siko ang luwang sa dakong hilaga, sampung libong siko ang luwang sa dakong kanluran, sampung libong siko ang luwang sa dakong silangan at dalawampu't-limang libong siko ang haba sa dakong timog na nasa gitna nito ang banal na lugar ni Yahweh.
11 這地要歸與撒督的子孫中成為聖的祭司,就是那守我所吩咐的。當以色列人走迷的時候,他們不像那些利未人走迷了。
Ito dapat ang para sa mga tao na inilaan kay Yahweh: ang mga pari sa lahi ni Zadok na matapat na naglingkod sa akin na hindi naligaw nang naligaw ang mga tao ng Israel, gaya ng ginawa ng mga Levita.
12 這要歸與他們為供地,是全地中至聖的。供地挨着利未人的地界。
Ang handog para sa kanila ay magiging isang bahagi nitong pinakabanal na lupain na palalawakin hanggang sa hangganan ng mga Levita.
13 利未人所得的地要長二萬五千肘,寬一萬肘,與祭司的地界相等,都長二萬五千肘,寬一萬肘。
Ang lupain ng mga Levita sa tabi ng hangganan kasama ang lupain ng mga pari ay magiging dalawampu't-limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang lawak. Ang kabuuang haba ng dalawang sukat ng lupain ay magiging dalawampu't-limang libong siko at dalawampung libong siko ang lawak.
14 這地不可賣,不可換,初熟之物也不可歸與別人,因為是歸耶和華為聖的。
Hindi nila ito dapat ibenta o ipagpalit, wala sa unang mga bunga ng lupain ng Israel ang dapat maihiwalay mula sa mga sukat nito, sapagkat lahat ng ito ay banal kay Yahweh.
15 這二萬五千肘前面所剩下五千肘寬之地要作俗用,作為造城蓋房郊野之地。城要在當中。
Ang natitirang lupain na limang-libong siko ang lawak at dalawampu't limang libong siko ang haba ay para sa karaniwang kagamitan ng lungsod, mga tahanan at ang pastulan. Ang lungsod ang nasa gitna nito.
16 城的尺寸乃是如此:北面四千五百肘,南面四千五百肘,東面四千五百肘,西面四千五百肘。
Ito ang magiging mga sukat ng lungsod: ang dakong hilaga ay magiging 4, 500 siko ang haba, ang dakong timog ay magiging 4, 500 siko ang haba, ang dakong silangan ay magiging 4, 500 siko ang haba at ang dakong kanluran ay magiging 4, 500 siko ang haba.
17 城必有郊野,向北二百五十肘,向南二百五十肘,向東二百五十肘,向西二百五十肘。
Magkakaroon ng pastulan para sa lungsod sa dakong hilaga, na may 250 siko ang lalim, sa timog na may 250 siko ang lalim, sa silangan na may 250 siko ang lalim at sa kanluran na may 250 siko ang lalim.
18 靠着聖供地的餘地,東長一萬肘,西長一萬肘,要與聖供地相等;其中的土產要作城內工人的食物。
Pahahabain ng sampung libong siko sa silangan at sampung libong siko sa kanluran ang natitirang sukat ng banal na handog. Pahahabain ito sa tabi ng hangganan ng banal na handog at ang bunga nito ang magiging pagkain para sa mga nagtatrabaho sa lungsod.
19 所有以色列支派中,在城內做工的,都要耕種這地。
Sasakahin ang lupaing iyon ng mga tao na kabilang sa buong tribo ng Israel, mga tao na siyang nagtatrabaho sa lungsod.
20 你們所獻的聖供地連歸城之地,是四方的:長二萬五千肘,寬二萬五千肘。
Lahat ng handog na lupain ay may sukat na dalawampu't limang libong siko ang haba at dalawampu'tlimang libong siko ang luwang. Sa paraang ito gagawin ninyong isang lupain ang handog na banal, gayun din ang lupaing para sa lungsod.
21 聖供地連歸城之地,兩邊的餘地要歸與王。供地東邊,南北二萬五千肘,東至東界,西邊南北二萬五千肘,西至西界,與各分之地相同,都要歸王。聖供地和殿的聖地要在其中,
Ang natitirang lupain sa magkabilang bahagi ng banal na handog at ang bahagi ng lungsod ay para sa prinsipe. Ang sukat ng lupain ng prinsipe sa silangan ay aabot ng dalawampu't-limang libong siko mula sa hangganan ng banal na handog hanggang sa silanganing hangganan at ang kaniyang sukat sa kanluran ay palalawakin ng dalawampu't-limang libong siko hanggang sa kanluraning hangganan. Sa gitna nito ay ang banal na handog at ang banal na lugar ng templo.
22 並且利未人之地,與歸城之地的東西兩邊延長之地(這兩地在王地中間),就是在猶大和便雅憫兩界中間,要歸與王。
Ang lupain na palalawakin mula sa pag-aari ng mga Levita at ang bahagi ng lungsod sa gitna nito ay para sa prinsipe. Ito ay sa pagitan ng hangganan ng Juda at hangganan ng Benjamin. Para sa prinsipe ang lupaing ito.
Para sa mga natitirang tribo, aabot ang kanilang mga bahagi mula dakong silangan hanggang sa dakong kanluran. Makakatanggap ang Benjamin ng isang bahagi.
Sa timog ng hangganan ng Benjamin na aabot mula sa dakong silangan hanggang sa kanluran ang magiging isang bahaging lupain ng Simeon.
Sa timog ng hangganan ng Simeon na aabot sa dakong silangan hanggang sa kanluran ang magiging isang bahagi ng lupain ng Issachar.
26 挨着以薩迦的地界,從東到西,是西布倫的一分。
Sa timog ng hangganan ng Issachar na aabot mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran ang magiging isang bahagi ng lupain ng Zebulun.
Sa timog ng hangganan ng Zebulun na aabot mula sa dakong silangan hanggang sa kanluran ang magiging isang bahagi ng lupain ng Gad.
28 迦得地的南界是從他瑪到米利巴‧加低斯的水,延到埃及小河,直到大海。
Ang katimugang hangganan ng Gad ay aabot mula sa Tamar hanggang sa mga katubigan ng Meribat-cadesh at mas malayo sa batis ng Egipto at sa Malaking Dagat.
29 這就是你們要拈鬮分給以色列支派為業之地,乃是他們各支派所得之分。這是主耶和華說的。
Magpapalabunutan kayo para sa lupaing ito at ito ang magiging mana ng mga tribo ng Israel. Ito ang kanilang mga magiging bahagi. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
Ito ang magiging mga labasan mula sa lungsod: sa gawing hilaga na may sukat na 4, 500 siko ang haba
31 城的各門要按以色列支派的名字。北面有三門,一為呂便門,一為猶大門,一為利未門;
ang tatlong tarangkahan na nakapangalan sa mga tribo ng Israel: isang tarangkahan para kay Ruben, isang tarangkahan para kay Juda at isang tarangkahan para kay Levi.
32 東面四千五百肘,有三門,一為約瑟門,一為便雅憫門,一為但門;
May tatlong tarangkahan sa gawing silangan na may sukat na 4, 500 siko ang haba: isang tarangkahan para kay Jose, isang tarangkahan para kay Benjamin at isang tarangkahan para kay Dan.
33 南面四千五百肘,有三門,一為西緬門,一為以薩迦門,一為西布倫門;
May tatlong tarangkahan sa gawing silangan na may sukat na 4, 500 siko ang haba: isang tarangkahan para kay Simeon, isang tarangkahan para kay Issachar at isang tarangkahan para kay Zebulon.
34 西面四千五百肘,有三門,一為迦得門,一為亞設門,一為拿弗他利門。
May tatlong tarangkahan sa gawing kanluran na may sukat na 4, 500 siko ang haba: isang tarangkahan para kay Gad, isang tarangkahan para kay Asher at isang tarangkahan para kay Nephtali.
35 城四圍共一萬八千肘。從此以後,這城的名字必稱為「耶和華的所在」。
Ang lawak ng palibot ng lungsod ay labing-walong libong siko at mula sa araw na iyon, ang magiging pangalan ng lungsod ay “Naroon si Yahweh.”