< 出埃及記 28 >
1 「你要從以色列人中,使你的哥哥亞倫和他的兒子拿答、亞比戶、以利亞撒、以他瑪一同就近你,給我供祭司的職分。
Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
Dapat kang gumawa ng kasuotan para kay Aaron, na iyong kapatid, na inihandog para sa akin. Ang kasuotang ito ay magiging kaniyang karangalan at kagandahan.
3 又要吩咐一切心中有智慧的,就是我用智慧的靈所充滿的,給亞倫做衣服,使他分別為聖,可以給我供祭司的職分。
Dapat mong sabihin sa lahat ng mga tao nang may katalinuhan sa puso, pinuno ko sila ng espiritu ng karunungan, para makagawa sila ng mga kasuotan ni Aaron para itakda siyang nakahiwalay para maglingkod sa akin bilang pari.
4 所要做的就是胸牌、以弗得、外袍、雜色的內袍、冠冕、腰帶,使你哥哥亞倫和他兒子穿這聖服,可以給我供祭司的職分。
Ang mga kasuotan na dapat nilang gawin ay isang baluti, isang efod, isang balabal, isang kasuotang gawa sa habi, isang turbante at isang sintas. Dapat nilang gawin ang mga kasuotang ito para ihandog sa akin. Ito ay para sa iyong kapatid na si Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para maaari silang maglingkod sa akin bilang mga pari.
Dapat gumamit ang mga manggagawang lalaki ng pinong lino na ginto, asul, lilak at matingkad na pula.
6 「他們要拿金線和藍色、紫色、朱紅色線,並撚的細麻,用巧匠的手工做以弗得。
Dapat silang gumawa ng efod na ginto, asul, lilak at matingkad na pulang lana, at ng pinulupot na pinong lino. Dapat gawa ito ng isang bihasang manggagawang lalaki.
Dapat mayroon itong dalawang pirasong pambalikat na nakakabit sa itaas ng dalawang sulok.
8 其上巧工織的帶子,要和以弗得一樣的做法,用以束上,與以弗得接連一塊,要用金線和藍色、紫色、朱紅色線,並撚的細麻做成。
Ang makinis na habing sinturon ay dapat kagaya ng efod; dapat gawa ito sa isang piraso kasama ng efod, na gawa sa nakapilipit na pinong lino na ginto, asul, lilak, at matingkad na pula.
Dapat kang kumuha ng dalawang batong oniks at iukit dito ang mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel.
10 六個名字在這塊寶石上,六個名字在那塊寶石上,都照他們生來的次序。
Anim sa kanilang mga pangalan ay dapat nasa isang bato, at ang anim na pangalan dapat ay nasa ibang bato, ayon sa kanilang kapanganakan.
11 要用刻寶石的手工,彷彿刻圖書,按着以色列兒子的名字,刻這兩塊寶石,要鑲在金槽上。
Sa pamamagitan ng gawa ng mang-uukit ng bato, kagaya ng pag-ukit sa isang selyo, dapat mong ipaukit ang dalawang bato kasama ng mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel. Dapat mong ilagay ang mga bato sa lalagyang ginto.
12 要將這兩塊寶石安在以弗得的兩條肩帶上,為以色列人做紀念石。亞倫要在兩肩上擔他們的名字,在耶和華面前作為紀念。
Dapat mong ilagay ang dalawang bato sa mga pirasong pambalikat ng efod, para maging mga bato para magpapaalala kay Yahweh sa mga anak na lalaki ni Israel. Si Aaron ang magdadala ng kanilang mga pangalan sa harap ni Yahweh sa kaniyang dalawang balikat bilang isang paalala sa kaniya.
Dapat kang gumawa ng mga lalagyang ginto
14 又拿精金,用擰工彷彿擰繩子,做兩條鍊子,把這擰成的鍊子搭在二槽上。」
at dalawang mga tinirintas na kadena sa purong ginto kagaya ng mga tali, at dapat mong ikabit ang mga kadena sa mga lalagyan.
15 「你要用巧匠的手工做一個決斷的胸牌。要和以弗得一樣的做法:用金線和藍色、紫色、朱紅色線,並撚的細麻做成。
Dapat kang gumawa ng isang baluti para sa paggawa ng desisyon, ang gawa ng isang bihasang manggagawang lalaki, gaya ng pagkakagawa ng efod. Gawin ito sa ginto, sa asul, lilak, at matingkad na pulang lana, at sa pinong lino.
16 這胸牌要四方的,疊為兩層,長一虎口,寬一虎口。
Ito ay parisukat. Dapat mong tiklupin ng doble ang baluti. Dapat isang dangkal ang haba at isang dangkal ang lapad nito.
17 要在上面鑲寶石四行:第一行是紅寶石、紅璧璽、紅玉;
Dapat mong ilagay ito sa apat na hanay ng mahalagang mga bato. Ang unang hanay ay dapat may isang rubi, isang topaz, at isang karbungko.
Ang ikalawang hanay ay dapat may isang esmeralda, isang sapiro, at isang dyamante.
Ang pangatlong hanay ay dapat may isang hasinto, isang agata, at isang amatista.
20 第四行是水蒼玉、紅瑪瑙、碧玉。這都要鑲在金槽中。
Ang pang-apat na hanay ay dapat may isang berilo, isang oniks, at isang haspe. Dapat nakakabit ito sa mga lalagyang ginto.
21 這些寶石都要按着以色列十二個兒子的名字,彷彿刻圖書,刻十二個支派的名字。
Dapat ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, bawat pangalan na magkakasunod-sunod. Dapat katulad sila sa nakaukit ng isang selyong singsing, bawat pangalan ay tumatayo bilang isa sa mga labindalawang lipi.
Dapat kang gumawa sa baluti ng mga kadena kagaya ng mga tali, tinirintas na gawa sa purong ginto.
Dapat kang gumawa ng dalawang singsing na ginto para sa baluti at kailangang ikabit ang mga ito sa dalawang dulo ng baluti.
24 要把那兩條擰成的金鍊子,穿過胸牌兩頭的環子。
Dapat mong ikabit ang dalawang kadenang ginto sa dalawang kanto ng baluti.
25 又要把鍊子的那兩頭接在兩槽上,安在以弗得前面肩帶上。
Dapat ikabit mo ang kabilang dulo ng dalawang kadenang tinirintas sa dalawang lalagyan. Pagkatapos dapat ikabit mo ang mga ito sa dalawang pambalikat sa harap ng efod.
26 要做兩個金環,安在胸牌的兩頭,在以弗得裏面的邊上。
Dapat kang gumawa ng dalawang singsing na ginto, at dapat ilagay mo ang mga ito sa kabila ng dalawang kanto ng baluti, sa dulo ito bago sa panloob na hangganan.
27 又要做兩個金環,安在以弗得前面兩條肩帶的下邊,挨近相接之處,在以弗得巧工織的帶子以上。
Dapat kang gumawa ng dalawa pang singsing na ginto, at dapat mong ikabit ito sa ilalim ng dalawang pambalikat sa harap ng efod, malapit ito sa pinagtahian sa itaas ng pinong habing sintas sa baywang ng efod.
28 要用藍細帶子把胸牌的環子與以弗得的環子繫住,使胸牌貼在以弗得巧工織的帶子上,不可與以弗得離縫。
Dapat talian ang baluti sa bawat mga singsing nito patungo sa mga singsing ng epod sa pamamagitan ng isang asul na tali, para ito ay maikabit sa itaas lamang ng habing sinturon sa baywang ng efod. Para hindi na matanggal ang baluti mula sa efod.
29 亞倫進聖所的時候,要將決斷胸牌,就是刻着以色列兒子名字的,帶在胸前,在耶和華面前常作紀念。
Kapag si Aaron ay papasok sa banal na lugar, dapat dalhin niya ang mga pangalan ng mga labindalawang anak na lalaki ni Israel sa baluti para gumawa ng mga desisyon sa kaniyang puso. Magsisilbi ito bilang isang palagiang paalala kay Yahweh.
30 又要將烏陵和土明放在決斷的胸牌裏;亞倫進到耶和華面前的時候,要帶在胸前,在耶和華面前常將以色列人的決斷牌帶在胸前。」
Dapat ang Urim at Tummim ay ilagay sa baluti para sa paggawa ng mga desisyon. Ang mga ito ay dapat nasa dibdib ni Aaron kapag siya ay pupunta sa harap ni Yahweh, dapat palaging dala ni Aaron sa kaniyang dibdib ang paggawa ng mga desisyon para sa mga Israelita sa harap ni Yahweh.
Dapat kang gumawa ng balabal ng epod na lahat ay galing sa telang lilak.
32 袍上要為頭留一領口,口的周圍織出領邊來,彷彿鎧甲的領口,免得破裂。
Dapat mayroon itong isang bukasan sa gitna para sa ulo. Dapat habiin ang gilid ng bukasan paikot para hindi ito mapunit. Dapat gawa ito ng isang manghahabi.
33 袍子周圍底邊上要用藍色、紫色、朱紅色線做石榴。在袍子周圍的石榴中間要有金鈴鐺:
Sa dulo ng laylayan, dapat kang gumawa ng mga granada na asul, lilak, at matingkad na pulang tali sa lahat ng palibot. Mga gintong kampanilya ay dapat paikot sa pagitan nila.
34 一個金鈴鐺一個石榴,一個金鈴鐺一個石榴,在袍子周圍的底邊上。
Dapat mayroong isang gintong kampanilya at isang granada, isang gintong kampanilya at isang granada na magkakasunod-sunod sa palibot ng laylayan ng balabal.
35 亞倫供職的時候要穿這袍子。他進聖所到耶和華面前,以及出來的時候,袍上的響聲必被聽見,使他不至於死亡。
Dapat isuot ni Aaron ang balabal kapag maglilingkod siya, para marinig ang tunog nito kapag papasok siya sa banal na lugar sa harap ni Yahweh at kapag aalis siya. Nang sa gayon, hindi siya mamamatay.
36 「你要用精金做一面牌,在上面按刻圖書之法刻着『歸耶和華為聖』。
Dapat kang gumawa ng plato sa purong gintong at iukit dito, katulad ng nakaukit sa isang selyo, HANDOG KAY YAHWEH.
Dapat mong ikabit ang plato na ito sa isang asul na tali patungo sa harap ng turbante.
38 這牌必在亞倫的額上,亞倫要擔當干犯聖物條例的罪孽;這聖物是以色列人在一切的聖禮物上所分別為聖的。這牌要常在他的額上,使他們可以在耶和華面前蒙悅納。
Dapat nasa noo ito ni Aaron; dapat palaging siyang magdadala ng anumang pagkakasala na nakakabit sa pag-aalay ng banal na mga regalo ng mga Israelita na handog kay Yahweh. Dapat ang turbante ay palaging nasa noo niya para tanggapin ni Yahweh ang kanilang mga regalo.
39 要用雜色細麻線織內袍,用細麻布做冠冕,又用繡花的手工做腰帶。
Dapat kang gumawa ng kasuotang gawa sa pinong lino, at dapat kang gumawa ng isang turbante na pinong lino. Dapat ka ring gumawa ng isang sintas, na gawa ng isang taga-burda.
40 「你要為亞倫的兒子做內袍、腰帶、裹頭巾,為榮耀,為華美。
Para sa mga anak na lalaki ni Aaron gumawa ka ng mga kasuotan, mga sintas, at mga bandana, para sa kanilang karangalan at kagandahan.
41 要把這些給你的哥哥亞倫和他的兒子穿戴,又要膏他們,將他們分別為聖,好給我供祭司的職分。
Dapat mong damitan si Aaron na iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak na lalaki na kasama niya. Dapat mo silang buhusan ng langis, italaga sila, at ihandog sila sa akin, para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
42 要給他們做細麻布褲子,遮掩下體;褲子當從腰達到大腿。
Dapat mo silang igawa ng mga linong salawal para matakpan ang kanilang mga pribadong parte, salawal para takpan sila mula sa baywang hanggang sa mga hita.
43 亞倫和他兒子進入會幕,或就近壇,在聖所供職的時候必穿上,免得擔罪而死。這要為亞倫和他的後裔作永遠的定例。」
Dapat isuot ito ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki kapag papasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lalapit sila sa altar para maglingkod sa banal na lugar. Dapat nila itong gawin para hindi sila magdala ng pagkakasala at mamatay. Mananatili itong isang alituntunin para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan kasunod niya.