< 以斯帖記 1 >

1 亞哈隨魯作王,從印度直到古實,統管一百二十七省。
Sa mga araw ni Assuero (ito ang Assuero na naghari mula India hanggang sa Ethiopia, mahigit 127 lalawigan),
2 亞哈隨魯王在書珊城的宮登基;
sa mga araw na iyon naupo si Haring Assuero sa kanyang maharlikang trono sa kuta ng Susa.
3 在位第三年,為他一切首領臣僕設擺筵席,有波斯和米底亞的權貴,就是各省的貴冑與首領,在他面前。
Sa ikatlong taon ng kanyang paghahari, nagbigay siya ng isang pista sa lahat ng kanyang mga opisyal at kanyang mga lingkod. Ang hukbo ng Persia at Media, ang magigiting na mga lalaki, ang mga gobernador ng mga lalawigan ay nasa kanyang harapan.
4 他把他榮耀之國的豐富和他美好威嚴的尊貴給他們看了許多日,就是一百八十日。
Ipinakita niya ang yaman ng karangyaan ng kanyang kaharian at ang dangal ng kaluwalhatian ng kanyang kadakilaan nang maraming araw, sa loob ng 180 araw.
5 這日子滿了,又為所有住書珊城的大小人民在御園的院子裏設擺筵席七日。
Nang natapos ang mga araw na ito, nagbigay ang hari ng pista na tumagal ng pitong araw. Ito ay para sa lahat ng tao sa palasyo ng Susa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakahamak. Idinaos ito sa bulwagan ng hardin ng palasyo ng hari.
6 有白色、綠色、藍色的帳子,用細麻繩、紫色繩從銀環內繫在白玉石柱上;有金銀的床榻擺在紅、白、黃、黑玉石的鋪石地上。
Ang bulwagan ng hardin ay pinalamutian ng mga kurtina na kulay puti ang tela at kulay-ube, na may mga tali ng pinong lino at kulay-ube, ibinitin sa sabitang pilak mula sa mga haliging marmol. May mga sopang ginto at pilak na nasa bangketang may dibuhong palamuti na yari sa batong kristal, marmol, ina ng perlas, at mga batong panlatag na may kulay.
7 用金器皿賜酒,器皿各有不同。御酒甚多,足顯王的厚意。
Ang mga inumin ay inihain sa mga gintong tasa. Di-pangkaraniwan ang bawat tasa, at maraming maharlikang alak na dumating dahil sa pagiging mapagbigay ng hari.
8 喝酒有例,不准勉強人,因王吩咐宮裏的一切臣宰,讓人各隨己意。
Ang inuman ay isinagawa alinsunod sa kautusang, “Dapat walang pilitan.” Nagbigay ng mga utos ang hari sa lahat ng mga tauhan ng kanyang palasyo na gawin para sa kanila ang anumang naisin ng bawat panauhin.
9 王后瓦實提在亞哈隨魯王的宮內也為婦女設擺筵席。
Pati si Reyna Vashti ay nagbigay ng pista para sa mga kababihan sa maharlikang palasyo ni Haring Assuero.
10 第七日,亞哈隨魯王飲酒,心中快樂,就吩咐在他面前侍立的七個太監米戶幔、比斯他、哈波拿、比革他、亞拔他、西達、甲迦,
Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya),
11 請王后瓦實提頭戴王后的冠冕到王面前,使各等臣民看她的美貌,因為她容貌甚美。
na dalahin si Reyna Vashti sa harap niya dala ang kanyang maharlikang korona. Gusto niyang ipakita sa mga tao at mga opisyal ang kanyang kagandahan, sapagkat ang mga katangian niya ay napakaganda.
12 王后瓦實提卻不肯遵太監所傳的王命而來,所以王甚發怒,心如火燒。
Ngunit tumangging sumunod si Reyna Vashti sa salita ng hari na ipinadala sa kanya ng mga opisyal. Pagkatapos labis na nagalit ang hari; nag-alab ang matinding galit sa kalooban niya.
13 那時,在王左右常見王面、國中坐高位的,有波斯和米底亞的七個大臣,就是甲示拿、示達、押瑪他、他施斯、米力、瑪西拿、米母干,都是達時務的明哲人。按王的常規,辦事必先詢問知例明法的人。王問他們說:
Kaya sumangguni ang hari sa mga lalaking kilalang matalino, na nakakaintindi sa mga panahon (dahil ito ang pamamaraan ng hari sa lahat ng mga bihasa sa batas at paghahatol).
Ngayon ang mga taong malapit sa kanya ay sina Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena at Memucan, pitong prinsipe ng Persia at Media. May paraan sila ng paglapit sa hari, at may pinakamataas na mga katungkulan sa loob ng kaharian.
15 「王后瓦實提不遵太監所傳的王命,照例應當怎樣辦理呢?」
“Alinsunod sa batas, ano ang gagawin kay Reyna Vashti dahil hindi niya sinunod ang utos ni Haring Assuero, na dinala sa kanya ng mga opisyal?”
16 米母干在王和眾首領面前回答說:「王后瓦實提這事,不但得罪王,並且有害於王各省的臣民;
Sinabi ni Memucan sa harap ng hari at ng mga opisyal, “Hindi lamang laban sa Hari nakagawa ng mali si Reyna Vashti, kundi pati na rin sa lahat ng mga opisyal at lahat ng taong nasa loob ng lahat ng lalawigan ni Haring Assuero.
17 因為王后這事必傳到眾婦人的耳中,說:『亞哈隨魯王吩咐王后瓦實提到王面前,她卻不來』,她們就藐視自己的丈夫。
Dahil ang paksa ng reyna ay malalaman ng lahat ng kababaihan. Magdudulot ito sa kanila na ituring nang may paghamak ang kanilang mga asawa. Sasabihin nilang, 'Inutusan ni Haring Assuero si Vashti ang reyna na pumunta sa kanyang harapan, ngunit tumanggi siya.'
18 今日波斯和米底亞的眾夫人聽見王后這事,必向王的大臣照樣行;從此必大開藐視和忿怒之端。
Bago pa matapos ang mismong araw na ito ang mararangal na mga babae ng Persia at Media na nakarinig sa paksa ng reyna ay magsasabi ng parehong bagay sa lahat ng mga opisyal ng hari. Magkakaroon ng matinding paghamak at galit.
19 王若以為美,就降旨寫在波斯和米底亞人的例中,永不更改,不准瓦實提再到王面前,將她王后的位分賜給比她還好的人。
Kung ito ay makalulugod sa hari, hayaang isang maharlikang kautusan ang palabasin mula sa kanya, at hayaan itong maisulat sa mga batas ng mga Persiano at ng mga Medeo, na hindi na maaaring pawalang-bisa, upang si Vashti ay hindi na muling makapunta sa harap niya. Hayaan ang hari na ibigay ang kanyang kalagayan bilang reyna sa ibang higit na mabuti kaysa kanya.
20 所降的旨意傳遍通國(國度本來廣大),所有的婦人,無論丈夫貴賤都必尊敬他。」
Nang maihayag na ang utos ng hari sa lahat ng kabuuang lawak ng kaharian, lahat ng asawa ay pararangalan ang kanilang mga asawa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakamaliit ang kahalagahan.”
21 王和眾首領都以米母干的話為美,王就照這話去行,
Ang hari at kanyang mga marangal na kalalakihan ay nasiyahan sa kanyang payo, at ginawa ng hari ang panukala ni Memucan.
22 發詔書,用各省的文字、各族的方言通知各省,使為丈夫的在家中作主,各說本地的方言。
Nagpadala siya ng mga liham sa lahat ng maharlikang lalawigan, sa bawat lalawigan sa sarili nitong pagsulat, at sa bawat tao sa kanilang sariling wika. Iniutos niya na ang bawat lalaki ay dapat maging amo ng kanyang sariling sambahayan. Ang utos na ito ay ibinigay sa wika ng bawat tao sa imperyo.

< 以斯帖記 1 >