< 使徒行傳 8 >

1 從這日起,耶路撒冷的教會大遭逼迫,除了使徒以外,門徒都分散在猶太和撒馬利亞各處。
Si Saulo ay may kinalaman sa kaniyang pagka matay. Kaya nagsimula sa araw na iyon ang malaking pag-uusig laban sa iglesia sa Jerusalem; at ang lahat ng mga mananampalataya ay nagsikalat sa lahat ng rehiyon ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.
2 有虔誠的人把司提反埋葬了,為他捶胸大哭。
Mga lalaking may takot sa Diyos ang naglibing kay Esteban at nagkaroon ng matinding pagdadalamhati para sa kaniya.
3 掃羅卻殘害教會,進各人的家,拉着男女下在監裏。
Ngunit pininsala ng matindi ni Saulo ang iglesia; pumupunta siya sa bawat bahay upang kaladkarin ang mga lalaki at babae at inilagay sila sa kulungan.
4 那些分散的人往各處去傳道。
Gayon pa man, ang mga mananampalataya na nagsikalat ay nagpatuloy na mangaral ng salita ng Diyos.
5 腓利下撒馬利亞城去,宣講基督。
Si Felipe ay pumunta pababa sa lungsod ng Samaria at ipinahayag si Cristo sa kanila.
6 眾人聽見了,又看見腓利所行的神蹟,就同心合意地聽從他的話。
Nang mapakinggan at makita ng maraming tao ang mga palatandaan na ginawa ni Felipe, nakinig sila ng mabuti sa kaniyang sinabi.
7 因為有許多人被污鬼附着,那些鬼大聲呼叫,從他們身上出來;還有許多癱瘓的、瘸腿的,都得了醫治。
Dahil ang karamihan sa kanila ay nagtataglay ng maruruming espiritu habang sumisigaw ng malakas; at gumaling ang maraming lumpo at mga paralitiko.
8 在那城裏,就大有歡喜。
At nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod.
9 有一個人,名叫西門,向來在那城裏行邪術,妄自尊大,使撒馬利亞的百姓驚奇;
Ngunit mayroong isang lalaki sa lungsod na ang pangalan ay Simon na gumagawa na noon pang una ng pangkukulam; ginagamit niya ito upang mamangha ang mga tao sa Samaria upang angkinin na siya ay mahalagang tao.
10 無論大小都聽從他,說:「這人就是那稱為上帝的大能者。」
Binigyang pansin siya ng lahat ng mga Samaritano, mula sa pinaka mababa hanggang sa pinaka dakila, at kanilang sinabi. “Ang taong ito ay ang kapangyarihan ng Diyos na tinatawag na Dakila.”
11 他們聽從他,因他久用邪術,使他們驚奇。
Nakinig sila sa kaniya dahil labis niya silang pinamangha sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kaniyang pangkukulam.
12 及至他們信了腓利所傳上帝國的福音和耶穌基督的名,連男帶女就受了洗。
Ngunit nang paniwalaan nila ang ipinangaral ni Felipe tungkol sa ebanghelyo na tungkol sa kaharian ng Diyos, at ang pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, kapwa mga lalaki at babae.
13 西門自己也信了;既受了洗,就常與腓利在一處,看見他所行的神蹟和大異能,就甚驚奇。
At si Simon mismo ay naniwala: pagkatapos niyang mabautismuhan, nagpatuloy siyang kasama ni Felipe; nang makita niya ang mga tanda at mga makapangyarihang gawa, siya ay namangha.
14 使徒在耶路撒冷聽見撒馬利亞人領受了上帝的道,就打發彼得、約翰往他們那裏去。
Ngayon nang marinig ng mga apostol sa Jerusalem na ang mga taga-Samaria ay tinanggap ang salita ng Diyos, sinugo nila sina Pedro at Juan.
15 兩個人到了,就為他們禱告,要叫他們受聖靈。
Nang sila ay dumating, nanalangin sila para sa kanila na tanggapin ang Banal na Espiritu.
16 因為聖靈還沒有降在他們一個人身上,他們只奉主耶穌的名受了洗。
Sapagkat ng mga panahong iyon hindi pa dumating ang Banal na Espiritu sa sinuman sa kanila. Nabaustimuhan lamang sila sa pangalan ng Panginoon.
17 於是使徒按手在他們頭上,他們就受了聖靈。
Pagkatapos ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila, at tinanggap nila ang Banal na Espiritu.
18 西門看見使徒按手,便有聖靈賜下,就拿錢給使徒,
Ngayon nang makita ni Simon na naipagkaloob ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ng mga apostol sa kanila, inalok niya sila ng pera.
19 說:「把這權柄也給我,叫我手按着誰,誰就可以受聖靈。」
Sinabi niya,” Ibigay mo rin sa akin ang kapangyarihang ito upang sinumang patungan ng aking mga kamay ay tatanggap ng Banal na Espiritu.”
20 彼得說:「你的銀子和你一同滅亡吧!因你想上帝的恩賜是可以用錢買的。
Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Masawi ka sana kasama ng iyong pilak, sapagkat iniisip mong makakamit mo ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng pera.
21 你在這道上無分無關;因為在上帝面前,你的心不正。
Wala kang kabahagi o karapatan sa bagay na ito, dahil ang iyong puso ay hindi tama sa Diyos.
22 你當懊悔你這罪惡,祈求主,或者你心裏的意念可得赦免。
Samakatuwid magsisi ka sa iyong mga kasamaan, at manalangin sa Panginoon, upang ikaw ay patawarin sa kung ano ang iyong hinahangad.
23 我看出你正在苦膽之中,被罪惡捆綁。」
Sapagakat nakikita ko na ikaw ay nasa lason ng kapaitan at naka gapos sa kasalanan.”
24 西門說:「願你們為我求主,叫你們所說的,沒有一樣臨到我身上。」
Sumagot si Simon at sinabi, “Ipanalangin mo ako sa Panginoon na hindi mangyari sa akin ang mga bagay na iyong sinabi.”
25 使徒既證明主道,而且傳講,就回耶路撒冷去,一路在撒馬利亞好些村莊傳揚福音。
Nang si Pedro at Juan ay nagpatotoo at nagpahayag ng salita ng Panginoon, sila ay bumalik sa Jerusalem; habang nasa daan, nangaral sila ng ebanghelyo sa maraming nayon ng mga Samaritano.
26 有主的一個使者對腓利說:「起來!向南走,往那從耶路撒冷下迦薩的路上去。」那路是曠野。
Ngayon ang anghel ng Panginoon ay nangusap kay Felipe at sinabi, “Tumayo ka at pumunta sa bahaging timog sa daang pababa mula sa Jerusalem papuntang Gaza.”( Ang daang ito ay nasa disyerto).
27 腓利就起身去了,不料,有一個衣索匹亞人,是個有大權的太監,在衣索匹亞女王甘大基的手下總管銀庫,他上耶路撒冷禮拜去了。
Siya ay tumayo at umalis. May isang lalaking mula Ethiopia, isang eunoko na may dakilang kapangyarihan mula kay Candace, na reyna ng mga Etiope. Siya ang namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan. Siya ay pumunta sa Jerusalem upang sumamba.
28 現在回來,在車上坐着,念先知以賽亞的書。
Siya ay bumalik at nakaupo sa kaniyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni propeta Isaias.
29 聖靈對腓利說:「你去!貼近那車走。」
Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Umakyat ka at sabayan mo ang karwahe.”
30 腓利就跑到太監那裏,聽見他念先知以賽亞的書,便問他說:「你所念的,你明白嗎?」
Kaya patakbong lumapit si Felipe, at narinig niyang binabasa ang aklat ni propeta Isaias, at sinabi, “Naiintindihan mo ba ang iyong binabasa?”
31 他說:「沒有人指教我,怎能明白呢?」於是請腓利上車,與他同坐。
Sumagot ang taga-Ethiopia, “Paano ko maiintindihan, maliban kung may magtuturo sa akin?” Nakiusap siya kay Felipe na umakyat sa karwahe at umupo sa tabi niya.
32 他所念的那段經,說: 他像羊被牽到宰殺之地, 又像羊羔在剪毛的人手下無聲; 他也是這樣不開口。
Ito ang bahagi ng kasulatan na binabasa ng taga Ethopia, “Siya ay tulad ng tupa na dinala sa bahay katayan; at tulad ng isang kordero sa harap ng manggugupit na tahimik, hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig:
33 他卑微的時候, 人不按公義審判他; 誰能述說他的世代? 因為他的生命從地上奪去。
Sa kaniyang kahihiyan kinuha sa kaniya ang katarungan: sino ang magpapahayag sa kaniyang salinlahi? sapagkat ang kaniyang buhay ay kinuha mula sa mundong ito.”
34 太監對腓利說:「請問,先知說這話是指着誰?是指着自己呢?是指着別人呢?」
Kaya nagtanongang eunoko kay Felipe, at sinabi, “Nakikiusap ako sa iyo sino ang tinutukoy ng propeta? ang kaniyang sarili ba mismo o ibang tao?”
35 腓利就開口從這經上起,對他傳講耶穌。
Nagsimulang magsalita si Felipe; Nagsimula siya sa kasulatan ni Isaias upang ipangaral si Jesus sa kaniya.
36 二人正往前走,到了有水的地方,太監說:「看哪,這裏有水,我受洗有甚麼妨礙呢?」
Habang nagpapatuloy sila sa daan, napunta sila sa ilang bahagi ng tubig; at sinabi ng eunoko, “Tingnan mo, may tubig dito, ano pa ang puwedeng makahadlang sa akin upang ma bautismuhan?”
Sinabi ni Felipe,” kung nananampalataya ka ng buong puso, ikaw ay mag pabautismo. Ang taga Ethopia ay sumagot,” Naniniwala ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos.”
38 於是吩咐車站住,腓利和太監二人同下水裏去,腓利就給他施洗。
Kaya inutusan ng taga Ethopia na tumigil ang karwahe. Bumaba sila sa tubig, si Felipe at ang eunoko at binautismuhan siya ni Felipe.
39 從水裏上來,主的靈把腓利提了去,太監也不再見他了,就歡歡喜喜地走路。
Nang umahon sila sa tubig, kinuha ng Espiritu ng Panginoon si Felipe at hindi na siya nakita ng eunuko; at siya ay umalis ng may kagalakan.
40 後來有人在亞鎖都遇見腓利;他走遍那地方,在各城宣傳福音,直到凱撒利亞。
Ngunit si Felipe ay lumitaw sa Azoto. Siya ay dumaan sa rehiyong iyon at ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng lungsod, hanggang sa makarating siya sa Ceasaria.

< 使徒行傳 8 >