< 撒母耳記下 9 >

1 大衛問說:「掃羅家還有剩下的人沒有?我要因約拿單的緣故向他施恩。」
At sinabi ni David, May nalalabi pa ba sa sangbahayan ni Saul, upang aking mapagpakitaan ng kagandahang loob dahil kay Jonathan?
2 掃羅家有一個僕人,名叫洗巴,有人叫他來見大衛,王問他說:「你是洗巴嗎?」回答說:「僕人是。」
At may isang lingkod sa sangbahayan ni Saul na nagngangalang Siba, at kanilang tinawag siya sa harap ni David; at sinabi ng hari sa kaniya, Ikaw ba'y si Siba? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod nga.
3 王說:「掃羅家還有人沒有?我要照上帝的慈愛恩待他。」洗巴對王說:「還有約拿單的一個兒子,是瘸腿的。」
At sinabi ng hari, wala na ba kayang natitira sa sangbahayan ni Saul, upang aking mapagpakitaan siya ng kagandahang loob ng Dios? At sinabi ni Siba sa hari, Si Jonathan ay may isang anak pa, na pilay ang kaniyang mga paa.
4 王說:「他在哪裏?」洗巴對王說:「他在羅‧底巴,亞米利的兒子瑪吉家裏。」
At sinabi ng hari sa kaniya, Saan nandoon siya? At sinabi ni Siba sa hari, Narito, siya'y nasa bahay ni Machir na anak ni Amiel, sa Lo-debar.
5 於是大衛王打發人去,從羅‧底巴亞米利的兒子瑪吉家裏召了他來。
Nang magkagayo'y nagsugo ang haring si David at ipinakuha siya sa bahay ni Machir na anak ni Amiel mula sa Lo-debar.
6 掃羅的孫子、約拿單的兒子米非波設來見大衛,伏地叩拜。大衛說:「米非波設!」米非波設說:「僕人在此。」
At si Mephiboseth, na anak ni Jonathan, na anak ni Saul, ay naparoon kay David, at nagpatirapa sa kaniyang harap, at nagbigay galang. At sinabi ni David, Mephiboseth. At siya'y sumagot: Narito, ang iyong lingkod!
7 大衛說:「你不要懼怕,我必因你父親約拿單的緣故施恩與你,將你祖父掃羅的一切田地都歸還你;你也可以常與我同席吃飯。」
At sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot: sapagka't aking tunay na pagpapakitaan ka ng kagandahang loob dahil kay Jonathan na iyong ama, at aking isasauli ang buong lupa ni Saul na iyong ama, sa iyo; at ikaw ay parating kakain ng pagkain sa aking dulang.
8 米非波設又叩拜,說:「僕人算甚麼,不過如死狗一般,竟蒙王這樣眷顧!」
At siya'y nagbigay galang at nagsabi, Ano ang iyong lingkod upang iyong lingapin akong isang asong patay?
9 王召了掃羅的僕人洗巴來,對他說:「我已將屬掃羅和他的一切家產都賜給你主人的兒子了。
Nang magkagayo'y tinawag ng hari si Siba na lingkod ni Saul, at sinabi sa kaniya, Lahat ng nauukol kay Saul at sa buong kaniyang sangbahayan ay aking ibinigay sa anak ng iyong panginoon.
10 你和你的眾子、僕人要為你主人的兒子米非波設耕種田地,把所產的拿來供他食用;他卻要常與我同席吃飯。」洗巴有十五個兒子,二十個僕人。
At iyong bubukirin ang lupain para sa kaniya, ninyo ng iyong mga anak, at ng iyong mga bataan at iyong dadalhin dito ang mga bunga, upang ang anak ng iyong panginoon ay magkaroon ng tinapay na makakain: nguni't si Mephiboseth na anak ng iyong panginoon ay kakain ng tinapay kailan man sa aking dulang. Si Siba nga ay may labing limang anak at dalawang pung bataan.
11 洗巴對王說:「凡我主我王吩咐僕人的,僕人都必遵行。」王又說:「米非波設必與我同席吃飯,如王的兒子一樣。」
Nang magkagayo'y sinabi ni Siba sa hari, Ayon sa lahat na iniutos ng aking panginoon na hari sa kaniyang lingkod, ay gayon gagawin ng iyong lingkod. Tungkol kay Mephiboseth, sinabi ng hari, Siya'y kakain sa aking dulang na gaya ng isa sa mga anak ng hari.
12 米非波設有一個小兒子,名叫米迦。凡住在洗巴家裏的人都作了米非波設的僕人。
At si Mephiboseth ay may isang anak na binata, na ang pangalan ay Micha. At lahat na nagsisitahan sa bahay ni Siba ay mga bataan ni Mephiboseth.
13 於是米非波設住在耶路撒冷,常與王同席吃飯。他兩腿都是瘸的。
Gayon tumahan si Mephiboseth sa Jerusalem: sapagka't siya'y kumaing palagi sa dulang ng hari. At siya'y pilay sa kaniyang dalawang paa.

< 撒母耳記下 9 >