< 撒母耳記下 24 >
1 耶和華又向以色列人發怒,就激動大衛,使他吩咐人去數點以色列人和猶大人。
Muling sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at pinakilos niya si David laban sa kanila sa pagsasabi, “Bilangin ang Israel hanggang Juda”. Pagkatapos sinabi ni David “Sige, bilangin ang Israel at Juda.”
2 大衛就吩咐跟隨他的元帥約押說:「你去走遍以色列眾支派,從但直到別是巴,數點百姓,我好知道他們的數目。」
Sinabi ng hari kay Joab na pinuno ng hukbo na kasama niya, “Puntahan ang lahat ng mga lipi ng Israel, mula Dan hanggang Beer-seba at bilangin ang lahat ng mga tao, para malaman ko ang buong bilang ng mga kalalakihang akma para sa digmaan.”
3 約押對王說:「無論百姓多少,願耶和華-你的上帝再加增百倍,使我主我王親眼得見。我主我王何必喜悅行這事呢?」
Sinabi ni Joab sa hari, “Paramihin nawa ni Yahweh ang bilang ng mga tao ng sandaang ulit at makita nawa'y makita nga mga mata nag aking panginoon ang hari ang katuparan. Pero bakit kaya ito ang nais ng aking hari?”
4 但王的命令勝過約押和眾軍長。約押和眾軍長就從王面前出去,數點以色列的百姓。
Gayunman, tapos na ang salita ng hari laban kay Joab at laban sa mga pinuno ng hukbo. Kaya umalis si Joab at ang mga pinuno mula sa harapan ng hari para bilangin ang mga tao ng Israel.
5 他們過了約旦河,在迦得谷中、城的右邊亞羅珥安營,與雅謝相對,
Tumawid sila ng Jordan at nagkampo malapit sa Aroer, timog sa lungsod sa lambak. Pagkatapos dumaan sila sa Gad patungong Jazer.
6 又到了基列和他停‧合示地,又到了但‧雅安,繞到西頓,
Dumating sila sa Galaad at sa lupain ng Tatim Hodsi, pagkatapos sa Dan Jaan at paikot papuntang Sidon.
7 來到泰爾的保障,並希未人和迦南人的各城,又到猶大南方的別是巴。
Narating nila ang tanggulan ng Tiro at ang lahat ng lungsod ng mga Hivita at mga Cananeo. Pagkatapos lumabas sila ng Negev sa Juda sa Beer-seba.
8 他們走遍全地,過了九個月零二十天,就回到耶路撒冷。
Nang malagpasan sa buong lupain, bumalik sila sa Jerusalem matapos nilang malibot ang buong lupain pagkalipas ng siyam na buwan at dalawampung araw.
9 約押將百姓的總數奏告於王:以色列拿刀的勇士有八十萬;猶大有五十萬。
Pagkatapos inulat ni Joab sa hari ang kabuuan ng bilang ng mga lalaking nakikipaglaban. Sa Israel, mayroong 800, 000 na matatapang na kalalakihang bumunot ng espada at ang mga tauhan sa Juda, 500, 000 kalalakihan.
10 大衛數點百姓以後,就心中自責,禱告耶和華說:「我行這事大有罪了。耶和華啊,求你除掉僕人的罪孽,因我所行的甚是愚昧。」
Pagkatapos nagdalamhati ang puso ni David matapos niyang bilangin ang mga kalalakihan. Kaya sinabi niya kay Yahweh, “Nagkasala ako nang matindi sa paggawa nito. Ngayon, Yahweh, alisin mo ang pagkakasala ng iyong lingkod, sapagkat kumilos ako nang may labis na kahangalan.”
11 大衛早晨起來,耶和華的話臨到先知迦得,就是大衛的先見,說:
Nang bumangon si David kinaumagahan, ang salita ni Yahweh ay dumating kay propetang Gad na tagahatid ng pangitain ni David na nagsasabing,
12 「你去告訴大衛,說耶和華如此說:『我有三樣災,隨你選擇一樣,我好降與你。』」
“Sabihan si David: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Bibigyan kita ng tatlong pagpipilian, pumili ka ng isa sa mga iyon.”'”
13 於是迦得來見大衛,對他說:「你願意國中有七年的饑荒呢?是在你敵人面前逃跑,被追趕三個月呢?是在你國中有三日的瘟疫呢?現在你要揣摩思想,我好回覆那差我來的。」
Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kaniya, “Tatlong taon ba na taggutom ang darating sa iyo sa iyong lupain? O tatakas ka ng tatlong buwan mula sa iyong mga kaaway habang hinahabol ka nila? O magkakaroon ng salot sa iyong lupain sa loob ng tatlong araw? Pag-isipan mo ngayon anong sagot ang ibabalik sa kaniya na nagpadala sa akin.”
14 大衛對迦得說:「我甚為難!我願落在耶和華的手裏,因為他有豐盛的憐憫。我不願落在人的手裏。」
Pagkatapos sinabi ni David kay Gad, “Hirap na hirap ang aking kalooban. Hayaang mahulog tayo sa kamay ni Yahweh kaysa mahulog sa mga kamay ng mga tao, napakadakila ng kaniyang mga mahabaging gawa.”
15 於是,耶和華降瘟疫與以色列人,自早晨到所定的時候;從但直到別是巴,民間死了七萬人。
Kaya nagpadala si Yahweh ng salot mula umaga hanggang sa taning na oras, at pitumpung libong tao ang namatay mula Dan hanggang Beer-seba.
16 天使向耶路撒冷伸手要滅城的時候,耶和華後悔,就不降這災了,吩咐滅民的天使說:「夠了!住手吧!」那時耶和華的使者在耶布斯人亞勞拿的禾場那裏。
Nang inabot ng anghel ang kaniyang kamay sa dako ng Jerusalem para wasakin ito, nagbago ang ang isip ni Yahweh tungkol sa kapahamakan, at sinabi sa anghel na pumupuksa sa mga tao, “Tama na! Iatras mo ngayon ang iyong kamay.” Nakatayo noon ang anghel ni Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.
17 大衛看見滅民的天使,就禱告耶和華說:「我犯了罪,行了惡;但這群羊做了甚麼呢?願你的手攻擊我和我的父家。」
At nakipag-usap si David kay Yahweh nang makita niya ang anghel na sumugod sa mga tao at sinabing, “Nagkasala ako” at “labis akong nagkamali. Pero itong mga tupa, ano ang kanilang nagawa? Pakiusap, hayaang ako at ang sambahayan ng aking ama ang parusahan ng inyong kamay!”
18 當日,迦得來見大衛,對他說:「你上去,在耶布斯人亞勞拿的禾場上為耶和華築一座壇。」
Pagkatapos pumunta si Gad nang araw na iyon kay David at sinabi sa kaniya, “Umakyat ka at gumawa ng altar para kay Yahweh sa giikan ni Arauna na Jebuseo.”
Kaya umakyat si David gaya ng itinagubilin ni Gad na gawin niya, gaya ng inutos ni Yahweh.
20 亞勞拿觀看,見王和他臣僕前來,就迎接出去,臉伏於地,向王下拜,
Tumingin sa labas si Arauna at nakitang papalapit na ang hari at ang kaniyang mga lingkod. Kaya lumabas si Arauna at yumukod sa hari na ang kaniyang mukha ay nasa lupa.
21 說:「我主我王為何來到僕人這裏呢?」大衛說:「我要買你這禾場,為耶和華築一座壇,使民間的瘟疫止住。」
Pagkatapos sinabi ni Arauna, “Bakit narito ang aking panginoon ang hari sa aking harapan, na kaniyang lingkod?” Sumagot si David, “Para bilhin ang iyong giikan, para makagawa ako ng altar para kay Yahweh, para maalis ang salot mula sa mga tao.”
22 亞勞拿對大衛說:「我主我王,你喜悅用甚麼,就拿去獻祭。看哪,這裏有牛可以作燔祭,有打糧的器具和套牛的軛可以當柴燒。
Sinabi ni Arauna kay David, “Kunin mo ito bilang sa iyo, aking panginoon ang hari. Gawin mo rito kung ano ang tama sa iyong paningin. Tingnan mo, narito ang mga lalaking baka para sa sinunog na handog at mga kareta ng giikan at mga pamatok ng lalaking baka para panggatong.
23 王啊,這一切,我亞勞拿都奉給你」;又對王說:「願耶和華-你的上帝悅納你。」
Ako, si Arauna, ibibigay ang lahat ng ito sa iyo, aking hari.” Pagkatapos sinabi niya sa hari, “Tanggapin ka nawa ni Yahweh na iyong Diyos.”
24 王對亞勞拿說:「不然。我必要按着價值向你買;我不肯用白得之物作燔祭獻給耶和華-我的上帝。」大衛就用五十舍客勒銀子買了那禾場與牛。
Sinabi ng hari kay Arauna, “Hindi, pinipilit kong bilhin ito sa halaga nito. Hindi ako mag-aalay ng sinunog na handog kay Yahweh na walang halaga sa akin.” Kaya binili ni David ang giikan at lalaking baka sa halagang limampung piraso ng pilak.
25 大衛在那裏為耶和華築了一座壇,獻燔祭和平安祭。如此,耶和華垂聽國民所求的,瘟疫在以色列人中就止住了。
Gumawa roon ng altar si David para kay Yahweh at naghandog doon ng mga sinunog na handog at mga handog ng pagtitipon-tipon. Kaya nasiyahan si Yahweh para sa lupain at nahinto ang salot sa Israel.