< 歷代志下 24 >

1 約阿施登基的時候年七歲,在耶路撒冷作王四十年。他母親名叫西比亞,是別是巴人。
Pitong taong gulang si Joas nang magsimulang maghari; naghari siya ng apatnapung taon sa Jerusalem. Sibias ang pangalan ng kaniyang ina na taga-Beer-seba.
2 祭司耶何耶大在世的時候,約阿施行耶和華眼中看為正的事。
Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh sa lahat ng araw ni Joiada na pari.
3 耶何耶大為他娶了兩個妻,並且生兒養女。
Ikinuha siya ni Joiada ng dalawang asawa at naging ama siya ng mga anak na lalaki at mga babae.
4 此後,約阿施有意重修耶和華的殿,
At nangyari pagkatapos nito, na si Joas ay nagpasya na muling itayo ang tahanan ni Yahweh.
5 便召聚眾祭司和利未人,吩咐他們說:「你們要往猶大各城去,使以色列眾人捐納銀子,每年可以修理你們上帝的殿;你們要急速辦理這事。」只是利未人不急速辦理。
Tinipon niya ang mga pari at mga Levita at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo taun-taon sa mga lungsod ng Juda at kolektahin ang pera mula sa lahat ng Israelita upang isaayos ang tahanan ng inyong Diyos. Tiyakin ninyo na masimulan ninyo kaagad.” Noong una, walang ginawa ang mga Levita.
6 王召了大祭司耶何耶大來,對他說:「從前耶和華的僕人摩西,為法櫃的帳幕與以色列會眾所定的捐項,你為何不叫利未人照這例從猶大和耶路撒冷帶來作殿的費用呢?」(
Kaya ipinatawag ng hari si Joiada, ang pinakapunong pari, at sinabi sa kaniya, “Bakit hindi mo inatasan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang buwis na ipinataw ni Moises, ang lingkod ni Yahweh, at ng kapulungan ng Israel, para sa tolda ng tipanan?”
7 因為那惡婦亞她利雅的眾子曾拆毀上帝的殿,又用耶和華殿中分別為聖的物供奉巴力。)
Sapagkat giniba ng mga anak ni Atalia, na masamang babae, ang tahanan ng Diyos at ibinigay sa mga Baal ang lahat ng kagamitan na inilaan sa tahanan ni Yahweh.
8 於是王下令,眾人做了一櫃,放在耶和華殿的門外,
Kaya nag-utos ang hari, at gumawa sila ng isang kaban at inilagay ito sa labas sa may pasukan sa tahanan ni Yahweh.
9 又通告猶大和耶路撒冷的百姓,要將上帝僕人摩西在曠野所吩咐以色列人的捐項給耶和華送來。
At gumawa sila ng proklamasyon sa buong Juda at Jerusalem, para sa mga tao upang dalhin kay Yahweh ang buwis na ipinataw ni Moises na lingkod ng Diyos sa Israel sa ilang.
10 眾首領和百姓都歡歡喜喜地將銀子送來,投入櫃中,直到捐完。
Nagalak ang lahat ng pinuno at lahat ng tao at dinala ang pera at inilagay sa kaban, hanggang sa napuno nila ito.
11 利未人見銀子多了,就把櫃抬到王所派的司事面前;王的書記和大祭司的屬員來將櫃倒空,仍放在原處。日日都是這樣,積蓄的銀子甚多。
At nangyari na sa tuwing dinadala ng mga Levita ang kaban sa mga opisyal ng hari, at sa tuwing nakikita nila na maaraming perang nasa loob nito, darating ang mga eskriba ng hari at ang opisyal ng pinakapunong hari, aalisin nila ang laman ng kaban at dadalhin nila at ibabalik sa kinalalagyan nito. Ginagawa nila ito araw-araw, at nakakalikom sila ng malaking halaga ng pera.
12 王與耶何耶大將銀子交給耶和華殿裏辦事的人,他們就雇了石匠、木匠重修耶和華的殿,又雇了鐵匠、銅匠修理耶和華的殿。
Ibinigay ng hari at ni Joiada ang pera sa mga gumawa ng gawaing paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Umupa ang mga lalaking ito ng mga kantero at mga karpintero upang ibalik sa dating kalagayan ang tahanan ni Yahweh, at maging ang mga gumagawa gamit ang bakal at tanso.
13 工人操作,漸漸修成,將上帝殿修造得與從前一樣,而且甚是堅固。
Kaya nagtrabaho ang mga manggagawa, at umusad ang gawaing pag-aayos sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; itinayo nila ang tahanan ng Diyos sa dati nitong disenyo at pinatibay ito.
14 工程完了,他們就把其餘的銀子拿到王與耶何耶大面前,用以製造耶和華殿供奉所用的器皿和調羹,並金銀的器皿。 耶何耶大在世的時候,眾人常在耶和華殿裏獻燔祭。
Nang kanilang matapos, dinala nila ang natirang pera sa hari at kay Joiada. Ang perang ito ay ginamit sa paggawa ng muwebles para sa bahay ni Yahweh, mga kasangkapan sa paglilingkod at paghahandog, mga sandok at mga kasangkapang ginto at pilak. Patuloy silang nag-alay ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ni Joiada.
15 耶何耶大年紀老邁,日子滿足而死。死的時候年一百三十歲,
Tumanda si Joiada at napuspos ng mga araw, at siya ay namatay. Siya ay 130 taong gulang nang siya mamatay.
16 葬在大衛城列王的墳墓裏;因為他在以色列人中行善,又事奉上帝,修理上帝的殿。
Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David kasama ng mga hari, dahil mabuti ang ginawa niya sa Israel, sa Diyos, at sa tahanan ng Diyos.
17 耶何耶大死後,猶大的眾首領來朝拜王;王就聽從他們。
Ngayon pagkatapos ng kamatayan ni Joiada, nagpunta ang mga pinuno ng Juda at pinarangalan ang hari. At nakinig sa kanila ang hari.
18 他們離棄耶和華-他們列祖上帝的殿,去事奉亞舍拉和偶像;因他們這罪,就有忿怒臨到猶大和耶路撒冷。
Pinabayaan nila ang tahanan ni Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sinamba ang mga diyos na Ashera at ang mga diyus-diyosan. Dumating ang galit ng Diyos sa Juda at Jerusalem dahil sa kanilang maling gawain.
19 但上帝仍遣先知到他們那裏,引導他們歸向耶和華。這先知警戒他們,他們卻不肯聽。
Gayunman, nagpadala siya ng mga propeta sa kanila upang muli silang ibalik sa kaniya, kay Yahweh. Nagpatotoo ang mga propeta laban sa mga tao, ngunit ayaw nilang makinig.
20 那時,上帝的靈感動祭司耶何耶大的兒子撒迦利亞,他就站在上面對民說:「上帝如此說:你們為何干犯耶和華的誡命,以致不得亨通呢?因為你們離棄耶和華,所以他也離棄你們。」
Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'”
21 眾民同心謀害撒迦利亞,就照王的吩咐,在耶和華殿的院內用石頭打死他。
Ngunit nagsabuwatan sila laban sa kaniya at sa utos ng hari, siya ay binato nila ng mga bato sa patyo ng tahanan ni Yahweh.
22 這樣,約阿施王不想念撒迦利亞的父親耶何耶大向自己所施的恩,殺了他的兒子。撒迦利亞臨死的時候說:「願耶和華鑒察伸冤!」
Sa paraang ito, pinagsawalang-bahala ni haring Joas ang kabaitan na ginawa sa kaniya ni Joiada, ang ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya ang anak ni Joiada. Nang si Zacarias ay naghihingalo, kaniyang sinabi, “Makita nawa ito ni Yahweh at papanagutin ka.”
23 滿了一年,亞蘭的軍兵上來攻擊約阿施,來到猶大和耶路撒冷,殺了民中的眾首領,將所掠的財貨送到大馬士革王那裏。
At nangyari, sa katapusan ng taon na ang hukbo ng Aram ay dumating laban kay Joas. Pumunta sila sa Juda at Jerusalem, pinatay nila lahat ng mga pinuno ng mga tao at ipinadala ang lahat ng kanilang ninakaw sa hari ng Damasco.
24 亞蘭的軍兵雖來了一小隊,耶和華卻將大隊的軍兵交在他們手裏,是因猶大人離棄耶和華-他們列祖的上帝,所以藉亞蘭人懲罰約阿施。
Pumunta ang hukbo ng mga Arameo na may munting bilang, ngunit ibinigay sa kanila ni Yahweh ang katagumpayan laban sa isang nakapalaking hukbo dahil tinalikuran ng taga-Juda si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa paraang ito, ang mga Arameo ang nagdala ng hatol kay Joas.
25 亞蘭人離開約阿施的時候,他患重病;臣僕背叛他,要報祭司耶何耶大兒子流血之仇,殺他在床上,葬他在大衛城,只是不葬在列王的墳墓裏。
Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
26 背叛他的是亞捫婦人示米押的兒子撒拔和摩押婦人示米利的兒子約薩拔。
Ito ang mga taong nagsabuwatan laban sa kaniya, si Sabad na anak ni Simeat na Ammonita at si Jehosabad na anak ni Simrit na Maobita.
27 至於他的眾子和他所受的警戒,並他重修上帝殿的事,都寫在列王的傳上。他兒子亞瑪謝接續他作王。
Ngayon ang kasaysayan tungkol sa kaniyang mga anak, ang mahalagang mga propesiya na sinabi tungkol sa kaniya, at ang muling pagtatayo ng tahanan ng Diyos, tingnan, nakasulat ang mga ito sa Ang Paliwanag sa Aklat ng mga Hari. At si Amazias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.

< 歷代志下 24 >