< 歷代志上 5 >
1 以色列的長子原是呂便;因他污穢了父親的床,他長子的名分就歸了約瑟。只是按家譜他不算長子。
At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.
2 猶大勝過一切弟兄,君王也是從他而出;長子的名分卻歸約瑟。
Sapagka't si Juda'y nanaig sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniya nanggaling ang pangulo; nguni't ang pagkapanganay ay kay Jose: )
3 以色列長子呂便的兒子是哈諾、法路、希斯倫、迦米。
Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel: si Enoch, at si Phallu, at si Esron, at si Charmi.
4 約珥的兒子是示瑪雅;示瑪雅的兒子是歌革;歌革的兒子是示每;
Ang mga anak ni Joel: si Semaias na kaniyang anak, si Gog na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak,
5 示每的兒子是米迦;米迦的兒子是利亞雅;利亞雅的兒子是巴力;
Si Micha na kaniyang anak, si Recaia na kaniyang anak, si Baal na kaniyang anak,
6 巴力的兒子是備拉。這備拉作呂便支派的首領,被亞述王提革拉‧毗列色擄去。
Si Beera na kaniyang anak, na dinalang bihag ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria: siya'y prinsipe ng mga Rubenita.
7 他的弟兄照着宗族,按着家譜作族長的是耶利、撒迦利雅、比拉。
At ang kaniyang mga kapatid ayon sa kanilang mga angkan nang bilangin sa talaan ng kanilang mga lahi; ang pinuno'y si Jeiel, at si Zacharias,
8 比拉是亞撒的兒子;亞撒是示瑪的兒子;示瑪是約珥的兒子;約珥所住的地方是從亞羅珥直到尼波和巴力‧免,
At si Bela, na anak ni Azaz, na anak ni Sema, na anak ni Joel, na tumatahan sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon:
9 又向東延到幼發拉底河這邊的曠野,因為他們在基列地牲畜增多。
At sa dakong silanganan ay tumahan hanggang sa pasukan sa ilang na mula sa ilog Eufrates, sapagka't ang kanilang mga hayop ay dumami sa lupain ng Galaad.
10 掃羅年間,他們與夏甲人爭戰,夏甲人倒在他們手下,他們就在基列東邊的全地,住在夏甲人的帳棚裏。
At sa mga kaarawan ni Saul ay nakipagdigma sila sa mga Hagreo, na nangahulog sa kanilang kamay; at sila'y nagsitahan sa kanilang mga tolda sa buong lupaing silanganan ng Galaad.
11 迦得的子孫在呂便對面,住在巴珊地,延到撒迦。
At ang mga anak ni Gad ay nagsitahan sa tapat nila, sa lupain ng Basan hanggang sa Salca:
12 他們中間有作族長的約珥,有作副族長的沙番,還有雅乃和住在巴珊的沙法。
Si Joel ang pinuno, at si Sepham ang ikalawa, at si Janai, at si Saphat sa Basan:
13 他們族弟兄是米迦勒、米書蘭、示巴、約賴、雅干、細亞、希伯,共七人。
At ang kanilang mga kapatid sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: si Michael, at si Mesullam, at si Seba, at si Jorai, si Jachan, at si Zia, at si Heber, pito.
14 這都是亞比孩的兒子。亞比孩是戶利的兒子;戶利是耶羅亞的兒子;耶羅亞是基列的兒子;基列是米迦勒的兒子;米迦勒是耶示篩的兒子;耶示篩是耶哈多的兒子;耶哈多是布斯的兒子。
Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Galaad, na anak ni Michael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz;
15 還有古尼的孫子、押比疊的兒子亞希。這都是作族長的。
Si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, na pinuno sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
16 他們住在基列與巴珊和巴珊的鄉村,並沙崙的郊野,直到四圍的交界。
At sila'y nagsitahan sa Galaad sa Basan, at sa kaniyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Saron, na kasinglayo ng kanilang mga hangganan.
17 這些人在猶大王約坦並在以色列王耶羅波安年間,都載入家譜。
Ang lahat ng mga ito'y nangasulat sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga kaarawan ni Jotham na hari sa Juda, at sa mga kaarawan ni Jeroboam na hari sa Israel.
18 呂便人、迦得人,和瑪拿西半支派的人,能拿盾牌和刀劍、拉弓射箭、出征善戰的勇士共有四萬四千七百六十名。
Ang mga anak ni Ruben, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak, at makapagpapahilagpos ng busog, at bihasa sa pakikipagdigma, ay apat na pu't apat na libo, at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma.
19 他們與夏甲人、伊突人、拿非施人、挪答人爭戰。
At sila'y nakipagdigma sa mga Hagreo, kay Jethur, at kay Naphis, at kay Nodab.
20 他們得了上帝的幫助,夏甲人和跟隨夏甲的人都交在他們手中;因為他們在陣上呼求上帝,倚賴上帝,上帝就應允他們。
At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
21 他們擄掠了夏甲人的牲畜,有駱駝五萬,羊二十五萬,驢二千;又有人十萬。
At kanilang dinala ang kanilang mga hayop; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo, at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo, at sa mga asno ay dalawang libo, at sa mga lalake ay isang daang libo.
22 敵人被殺仆倒的甚多,因為這爭戰是出乎上帝。他們就住在敵人的地上,直到被擄的時候。
Sapagka't maraming nangapatay na nangabuwal, sapagka't ang pagdidigma ay sa Dios. At sila'y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag.
23 瑪拿西半支派的人住在那地。從巴珊延到巴力‧黑們、示尼珥與黑門山。
At ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay tumahan sa lupain: sila'y nagsidami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon at sa Senir at sa bundok ng Hermon.
24 他們的族長是以弗、以示、以列、亞斯列、耶利米、何達威雅、雅疊,都是大能的勇士,是有名的人,也是作族長的。
At ang mga ito ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa makatuwid baga'y si Epher, at si Isi, at si Eliel, at si Azriel, at si Jeremias, at si Odavia, at si Jadiel, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga bantog na lalake, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
25 他們得罪了他們列祖的上帝,隨從那地之民的神行邪淫;這民就是上帝在他們面前所除滅的。
At sila'y nagsisuway laban sa Dios ng kanilang mga magulang, at yumaong sumamba sa mga dios ng mga bayan ng lupain, na nilipol ng Dios sa harap nila.
26 故此,以色列的上帝激動亞述王普勒和亞述王提革拉‧毗列色的心,他們就把呂便人、迦得人、瑪拿西半支派的人擄到哈臘、哈博、哈拉與歌散河邊,直到今日還在那裏。
At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.