< 撒迦利亚书 14 >

1 耶和华的日子临近,你的财物必被抢掠,在你中间分散。
Masdan ninyo! Darating ang araw para kay Yahweh na hahatiin ang iyong sinamsam sa inyong kalagitnaan!
2 因为我必聚集万国与耶路撒冷争战,城必被攻取,房屋被抢夺,妇女被玷污,城中的民一半被掳去;剩下的民仍在城中,不致剪除。
Sapagkat titipunin ko ang bawat bansa laban sa Jerusalem para sa isang labanan, at masasakop ang lungsod! Sasamsamin ang mga tahanan at gagawan ng karahasan ang mga kababaihan. Bibihagin ang kalahati ng lungsod, ngunit ang mga matitirang tao ay hindi pupuksain mula sa lungsod.
3 那时,耶和华必出去与那些国争战,好像从前争战一样。
Ngunit lalabas si Yahweh at magtataguyod ng digmaan laban sa mga bansang iyon gaya nang pagtataguyod niya ng digmaan sa panahon ng labanan.
4 那日,他的脚必站在耶路撒冷前面朝东的橄榄山上。这山必从中间分裂,自东至西成为极大的谷。山的一半向北挪移,一半向南挪移。
Sa araw na iyon, tatayo ang kaniyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo, na nasa tabi ng Jerusalem sa silangan. Ang Bundok ng mga Olibo ay mahahati sa pagitan ng silangan at ng kanluran sa pamamagitan ng isang napakalaking lambak, at kalahati ng bundok ay maililipat sa dakong hilaga at ang kalahati sa dakong timog.
5 你们要从我山的谷中逃跑,因为山谷必延到亚萨。你们逃跑,必如犹大王乌西雅年间的人逃避大地震一样。耶和华—我的 神必降临,有一切圣者同来。
At kayo ay magsisitakas pababa sa lambak sa pagitan ng mga kabundukan ni Yahweh, sapagkat ang lambak sa pagitan ng mga bundok na iyon ay aabot hanggang sa Azal. Tatakas kayo gaya ng pagtakas ninyo mula sa lindol sa panahon ni Uzias, hari ng Juda. Pagkatapos, darating si Yahweh na aking Diyos, at kasama niya ang lahat ng mga banal.
6 那日,必没有光,三光必退缩。
Mangyayari ito sa araw na iyon na hindi na magkakaroon ng liwanag, ngunit wala nang lamig o ni tubig na namumuo sa lamig.
7 那日,必是耶和华所知道的,不是白昼,也不是黑夜,到了晚上才有光明。
Sa araw na iyon, ang araw na si Yahweh lamang ang nakakaalam, hindi na magkakaroon ng umaga o gabi, sapagkat magiging maliwanag sa oras ng gabi.
8 那日,必有活水从耶路撒冷出来,一半往东海流,一半往西海流;冬夏都是如此。
At mangyayari din sa araw na iyon na ang umaagos na tubig ay dadaloy mula sa Jerusalem. Dadaloy ang kalahati ng tubig sa dagat sa silangan, at dadaloy ang kalahati sa dagat sa kanluran, tag-araw man o taglamig.
9 耶和华必作全地的王。那日耶和华必为独一无二的,他的名也是独一无二的。
Si Yahweh ang magiging hari sa buong mundo. Sa araw na iyon, naroon si Yahweh, ang nag-iisang Diyos, at ang kaniyang pangalan lamang.
10 全地,从迦巴直到耶路撒冷南方的临门,要变为亚拉巴。耶路撒冷必仍居高位,就是从便雅悯门到第一门之处,又到角门,并从哈楠业楼,直到王的酒榨。
Magiging katulad ng Araba ang lahat ng lupain, mula Geba hanggang Rimmon sa timog ng Jerusalem. At patuloy na maitataas ang Jerusalem; mamumuhay siya sa kaniyang sariling lugar, mula sa Tarangkahan ng Benjamin hanggang sa dating kinaroroonan ng unang tarangkahan—na ngayon ay Tarangkahan sa Sulok, at mula sa tore ng Hananel hanggang sa mga pisaan ng ubas ng hari.
11 人必住在其中,不再有咒诅。耶路撒冷人必安然居住。
Maninirahan sa Jerusalem ang mga tao, at hindi na magkakaroon ng lubusang pagkawasak mula sa Diyos laban sa kanila; Mamumuhay ng ligtas ang Jerusalem.
12 耶和华用灾殃攻击那与耶路撒冷争战的列国人,必是这样:他们两脚站立的时候,肉必消没,眼在眶中干瘪,舌在口中溃烂。
Ito ang magiging salot na gagamitin ni Yahweh upang lusubin ang lahat ng tao na nakipagdigma laban sa Jerusalem, mabubulok ang kanilang laman kahit na nakatayo sila sa kanilang mga paa. Mabubulok ang kanilang mga mata sa mga ukit nito, at mabubulok ang kanilang mga dila sa loob ng kanilang mga bibig.
13 那日,耶和华必使他们大大扰乱。他们各人彼此揪住,举手攻击。
Mangyayari ito sa araw na iyon na ang lubhang pagkatakot na magmumula sa Diyos ay darating sa kanila. Susunggaban ng bawat tao ang kamay ng kaniyang kapwa; bawat kamay ay laban sa kaniyang kapwa.
14 犹大也必在耶路撒冷争战。那时四围各国的财物,就是许多金银衣服,必被收聚。
Makikipaglaban din ang Juda sa Jerusalem. Titipunin nila ang lahat ng kayamanan ng mga karatig bansa— ginto, pilak, at mga magagandang kasuotan na talagang sagana.
15 那临到马匹、骡子、骆驼、驴,和营中一切牲畜的灾殃是与那灾殃一般。
Magkakaroon din ng salot ang mga kabayo at ang mga mola, ang mga kamelyo at mga asno, at ang bawat hayop na naroon sa mga kampamentong iyon; dadanasin din ng mga ito ang parehong salot.
16 所有来攻击耶路撒冷列国中剩下的人,必年年上来敬拜大君王—万军之耶和华,并守住棚节。
At mangyayari na lahat ng mananatili sa mga bansang iyon na nakipaglaban sa Jerusalem ay aakyat taun-taon upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo, at upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
17 地上万族中,凡不上耶路撒冷敬拜大君王—万军之耶和华的,必无雨降在他们的地上。
At mangyayari na kung hindi aakyat sa Jerusalem ang sinuman mula sa lahat ng bansa sa mundo upang sumamba sa hari, kay Yahweh ng mga hukbo, hindi magbibigay ng ulan si Yahweh sa kanila.
18 埃及族若不上来,雨也不降在他们的地上;凡不上来守住棚节的列国人,耶和华也必用这灾攻击他们。
At kung ang bansa ng Egipto ay hindi aakyat, hindi sila magkakaroon ng ulan. Isang salot na magmumula kay Yahweh ang lulusob sa mga bansang hindi aakyat upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
19 这就是埃及的刑罚和那不上来守住棚节之列国的刑罚。
Ito ang magiging parusa sa Egipto at ang parusa sa bawat bansa na hindi aakyat upang ipagdiwang ang Pista ng mga Tolda.
20 当那日,马的铃铛上必有“归耶和华为圣”的这句话。耶和华殿内的锅必如祭坛前的碗一样。
Ngunit sa araw na iyon, sasabihin ng mga kampanilya ng mga kabayo, “Naitalaga kay Yahweh,” at ang mga palanggana sa tahanan ng Diyos ay magiging tulad ng mangkok sa harap ng altar.
21 凡耶路撒冷和犹大的锅都必归万军之耶和华为圣。凡献祭的都必来取这锅,煮肉在其中。当那日,在万军之耶和华的殿中必不再有迦南人。
Sapagkat itatalaga kay Yahweh ng mga hukbo ang bawat palayok sa Jerusalem at Juda, at ang bawat isa na magdadala ng alay ay kakain at magpapakulo sa mga ito. Hindi na magkakaroon ng mangangalakal sa tahanan ni Yahweh ng mga hukbo sa araw na iyon.

< 撒迦利亚书 14 >