< 诗篇 41 >
1 大卫的诗,交与伶长。 眷顾贫穷的有福了! 他遭难的日子,耶和华必搭救他。
Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.
2 耶和华必保全他,使他存活; 他必在地上享福。 求你不要把他交给仇敌,遂其所愿。
Pananatilihin siya, at iingatan siyang buhay ng Panginoon, at siya'y pagpapalain sa ibabaw ng lupa; at huwag mong ibigay siya sa kalooban ng kaniyang mga kaaway.
3 他病重在榻,耶和华必扶持他; 他在病中,你必给他铺床。
Aalalayan siya ng Panginoon sa hiligan ng panghihina: iyong inaayos ang buo niyang higaan sa kaniyang pagkakasakit.
4 我曾说:耶和华啊,求你怜恤我,医治我! 因为我得罪了你。
Aking sinabi, Oh Panginoon, maawa ka sa akin: pagalingin mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y nagkasala laban sa iyo.
5 我的仇敌用恶言议论我说: 他几时死,他的名才灭亡呢?
Ang aking mga kaaway ay nangagsasalita ng kasamaan laban sa akin, na nangagsasabi, kailan siya mamamatay, at mapapawi ang kaniyang pangalan?
6 他来看我就说假话; 他心存奸恶,走到外边才说出来。
At kung siya'y pumaritong tingnang ako siya'y nagsasalita ng walang kabuluhan; ang kaniyang puso ay nagpipisan ng kasamaan sa kaniyang sarili; pagka siya'y lumabas, isinasaysay niya.
7 一切恨我的,都交头接耳地议论我; 他们设计要害我。
Yaong lahat na nangagtatanim sa akin ay nangagbubulong-bulungan laban sa akin: laban sa akin ay nagsisikatha ng panghamak.
8 他们说:有怪病贴在他身上; 他已躺卧,必不能再起来。
Isang masamang sakit, wika nila, ay kumapit na madali sa kaniya; at ngayon siyang nahihiga ay hindi na babangon pa.
9 连我知己的朋友, 我所倚靠、吃过我饭的也用脚踢我。
Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
10 耶和华啊,求你怜恤我, 使我起来,好报复他们!
Nguni't ikaw, Oh Panginoon, maawa ka sa akin, at ibangon mo ako, upang aking magantihan (sila)
11 因我的仇敌不得向我夸胜, 我从此便知道你喜爱我。
Sa pamamagitan nito ay natatalastas ko na nalulugod ka sa akin, sapagka't ang aking kaaway ay hindi nagtatagumpay sa akin.
12 你因我纯正就扶持我, 使我永远站在你的面前。
At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako sa aking pagtatapat, at inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailan man.
13 耶和华—以色列的 神是应当称颂的, 从亘古直到永远。阿们!阿们!
Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula at hanggang sa walang hanggan. Siya nawa, at Siya nawa.