< 民数记 36 >
1 约瑟的后裔,玛拿西的孙子,玛吉的儿子基列,他子孙中的诸族长来到摩西和作首领的以色列人族长面前,说:
Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang ninuno sa angkan na itinatag ni Galaad na anak ni Maquir na anak ni Manases—ang mga pinuno ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Jose ay lumapit at nagasalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga pinunong pangulo ng mga pamilya ng mga ninuno ng mga tao ng Israel.
2 “耶和华曾吩咐我主拈阄分地给以色列人为业,我主也受了耶和华的吩咐将我们兄弟西罗非哈的产业分给他的众女儿。
Sinabi nila, “Inutusan ka ni Yahweh, aming amo, na bigyan mo ng kabahagi ng lupa ang mga tao ng Israel sa pamamagitan ng palabunutan. Inutusan ka ni Yahweh na ibigay ang kabahagi ng kapatid naming si Zelofehad sa kaniyang mga anak na babae.
3 她们若嫁以色列别支派的人,就必将我们祖宗所遗留的产业加在她们丈夫支派的产业中。这样,我们拈阄所得的产业就要减少了。
Subalit kung mag-aasawa ang kaniyang mga anak na babae ng mga lalaki sa ibang tribu ng mga tao ng Israel, aalisin ang kabahagi ng lupa nila mula sa kabahagi ng aming mga ninuno. Idaragdag ito sa kabahagi ng mga tribu na sinalihan nila. Sa ganitong usapin, aalisin ito sa itinakdang kabahagi ng aming mana.
4 到了以色列人的禧年,这女儿的产业就必加在她们丈夫支派的产业上。这样,我们祖宗支派的产业就减少了。”
Sa pagkakataong iyon, kapag dumating ang Paglaya ng mga tao ng Israel, ang kabahagi nila ay masasama sa kabahagi ng tribung sinalihan nila. Sa ganitong paraan, ibabawas ang kabahagi nila mula sa kabahagi ng tribu ng aming mga ninuno.”
5 摩西照耶和华的话吩咐以色列人说:“约瑟支派的人说得有理。
Kaya nagbigay si Moises ng isang utos sa mga tao ng Israel, ayon sa salita ni Yahweh. Sinabi niya, “Tama ang sinabi ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Jose.
6 论到西罗非哈的众女儿,耶和华这样吩咐说:她们可以随意嫁人,只是要嫁同宗支派的人。
Ito ang inuutos ni Yahweh patungkol sa mga anak na babae ni Zelofehad. Sinabi niya, 'Hayaan silang magpakasal sa sinumang inaakala nilang pinakamabuti, subalit dapat lamang silang magpakasal sa loob ng lipi ng kanilang ama.'
7 这样,以色列人的产业就不从这支派归到那支派,因为以色列人要各守各祖宗支派的产业。
Walang kabahagi ng mga tao ng Israel ang dapat lumipat mula sa isang tribu tungo sa iba. Dapat magpatuloy ang bawat isa sa mga tao ng Israel sa kabahagi ng tribu ng kaniyang mga ninuno.
8 凡在以色列支派中得了产业的女子必作同宗支派人的妻,好叫以色列人各自承受他祖宗的产业。
Bawat babae sa mga tao ng Israel na nagmamay-ari ng kabahagi sa kaniyang tribu ay dapat mag-asawa mula sa angkang nabibilang sa tribu ng kaniyang ama. Ito ay upang bawat isa sa mga tao ng Israel ay magmay-ari ng pamana mula sa mga ninuno niya.
9 这样,他们的产业就不从这支派归到那支派,因为以色列支派的人要各守各的产业。”
Walang kabahagi ang dapat magpalipat-lipat mula sa isang tribu tungo sa iba. Bawat isa sa mga tribu ng mga tao ng Israel ay dapat panatilihin ang kaniyang sariling mana.”
10 耶和华怎样吩咐摩西,西罗非哈的众女儿就怎样行。
Kaya ginawa ng mga anak na babae ni Zelofehad ang gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
11 西罗非哈的女儿玛拉、得撒、曷拉、密迦、挪阿都嫁了他们伯叔的儿子。
Sina Mahla, Tirza, Hogla, Milca, at Noe, mga anak na babae ni Zelopfehad ay nag-asawa ng mga kaapu-apuhan ni Manases.
12 她们嫁入约瑟儿子、玛拿西子孙的族中;她们的产业仍留在同宗支派中。
Nagsipag-asawa sila sa mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Manases na anak ni Jose. Sa ganitong paraan, mananatili ang mga mana nila sa tribu na nabibilang sa angkan ng kanilang ama.
13 这是耶和华在摩押平原—约旦河边、耶利哥对面—借着摩西所吩咐以色列人的命令典章。
Ito ang mga utos at kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa mga tao ng Israel sa kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.