< 民数记 2 >
Muling nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron. Kaniyang sinabi,
2 “以色列人要各归自己的纛下,在本族的旗号那里,对着会幕的四围安营。
“Ang bawat kaapu-apuhan ng mga Israelita ay dapat magkampo sa palibot ng bandila ng kaniyang armadong grupong nabibilang sa hukbo at sa palibot ng pinakamaliit na watawat na palatandaan sa kaniyang tribu. Ang kanilang mga kampo ay dapat nakaharap sa tolda ng pagpupulong.
3 在东边,向日出之地,照着军队安营的是犹大营的纛。有亚米拿达的儿子拿顺作犹大人的首领。
Dapat magkampo ang mga lalaking nabibilang sa kampo ni Juda kasama ang kanilang armadong grupo sa palibot ng bandila ni Juda, sa silangan ng tolda ng pagpupulong, kung saan sumisikat ang araw. Si Naason na anak ni Amminadab ang dapat mamuno sa hukbo ni Juda.
Ang hukbo ni Juda ay may 74, 600 na kalalakihan.
5 挨着他安营的是以萨迦支派。有苏押的儿子拿坦业作以萨迦人的首领。
Dapat magkampo ang tribu ni Isacar kasunod ni Juda. Si Nethanael na anak ni Zuar ang dapat mamuno sa hukbo ni Isacar.
Ang hukbo ni Isacar ay may 54, 400 na kalalakihan.
7 又有西布伦支派。希伦的儿子以利押作西布伦人的首领。
Dapat magkampo ang tribu ni Zebulon kasunod ng kampo ni Isacar. Si Eliab na anak ni Helon ang dapat mamuno sa hukbo ni Zebulun.
Ang hukbo ni Zebulon ay may 57, 400 na kalalakihan.
9 凡属犹大营、按着军队被数的,共有十八万六千四百名,要作第一队往前行。
Ang lahat ng hukbong nagkampo kasama si Juda ay 186, 400 na kalalakihan. Sila ang dapat maunang lumabas mula sa kampo.
10 “在南边,按着军队是吕便营的纛。有示丢珥的儿子以利蓿作吕便人的首领。
Dapat magkampo ang mga hubo sa katimugang bahagi sa palibot ng bandila ni Ruben. Si Elizur na anak ni Shedeur ang dapat mamuno sa hukbo ni Ruben.
Ang hukbo ni Ruben ay may 46, 500 na kalalakihan.
12 挨着他安营的是西缅支派。苏利沙代的儿子示路蔑作西缅人的首领。
Dapat magkampo ang tribu ni Simeon kasunod ni Ruben. Si Selumiel na anak ni Zurisaddai ang dapat mamuno sa hukbo ni Simeon.
Ang hukbo ni Simeon ay may 59, 300 na kalalakihan.
14 又有迦得支派。丢珥的儿子以利雅萨作迦得人的首领。
Sumunod ang tribu ni Gad. Si Eliasaf na anak ni Deuel ang dapat mamuno sa hukbo ni Gad.
Ang hukbo ni Gad ay may 45, 650 na kalalakihan.
16 凡属吕便营、按着军队被数的,共有十五万一千四百五十名,要作第二队往前行。
Ang lahat ng mga hukbong dapat magkampong kasama ni Ruben ay may bilang na 151, 450 na kalalakihan. Sila ang dapat pangalawang lumabas mula sa kampo.
17 “随后,会幕要往前行,有利未营在诸营中间。他们怎样安营就怎样往前行,各按本位,各归本纛。
Susunod, dapat lumabas mula sa kampo ang tolda ng pagpupulong kasama ng mga Levita sa gitna ng lahat ng kampo. Dapat lalabas sila mula sa kampo sa parehong pagkakaayos gaya ng kanilang pagpasok sa loob ng kampo. Ang bawat lalaki ay dapat nasa kaniyang kinalalagyan, sa tabi ng kaniyang bandila.
18 “在西边,按着军队是以法莲营的纛。亚米忽的儿子以利沙玛作以法莲人的首领。
Dapat magkampo ang hukbo ng Efraim sa dakong kanluran ng tolda ng pagpupulong. Si Elishama na anak ni Ammiud ang dapat mamuno sa hukbo ng Efraim.
Ang hukbo ng Efraim ay may 40, 500 na kalalakihan.
20 挨着他的是玛拿西支派。比大蓿的儿子迦玛列作玛拿西人的首领。
Dapat ang tribu ni Manases ang magkampong kasunod ng Efraim. Si Gamaliel na anak ni Pedasur ang dapat mamuno sa hukbo ni Manases.
Ang hukbo ng Manases ay may 32, 200 na kalalakihan.
22 又有便雅悯支派。基多尼的儿子亚比但作便雅悯人的首领。
Susunod ang tribu ni Benjamin. Si Abidan na anak ni Gideon ang dapat mamuno sa hukbo ni Benjamin.
Ang hukbo ni Manases ay may 35, 400 na kalalakihan.
24 凡属以法莲营、按着军队被数的,共有十万零八千一百名,要作第三队往前行。
Lahat ng mga hukbong nagkampong kasama ni Efraim ay may bilang na 108, 100 na kalalakihan. Sila ang pangatlong dapat lumabas mula sa kampo.
25 “在北边,按着军队是但营的纛。亚米沙代的儿子亚希以谢作但人的首领。
Dapat magkampo ang hukbo ni Dan sa palibot ng kaniyang bandila sa dakong hilaga ng tabernakulo. Si Ahieser na anak ni Ammisaddai ang dapat mamuno sa mga kaapu-apuhan ni Dan.
Ang hukbo ni Dan ay may 62, 700 na kalalakihan.
27 挨着他安营的是亚设支派。俄兰的儿子帕结作亚设人的首领。
Dapat magkampo ang tribu ni Aser kasunod ni Dan. Si Pagiel na anak ni Okran ang dapat mamuno sa mga kaapu-apuhan ni Aser.
Ang hukbo ni Aser ay may 41, 500 na kalalakihan.
29 又有拿弗他利支派。以南的儿子亚希拉作拿弗他利人的首领。
Ang sumunod ay ang tribu ni Neftali. Si Ahira na anak ni Enan ang dapat mamuno sa mga kaapu-apuhan ni Neftali.
Ang hukbo ni Neftali ay may 53, 400 na kalalakihan.
31 凡但营被数的,共有十五万七千六百名,要归本纛作末队往前行。”
Lahat ng mga hukbong nagkampong kasama ni Dan ay may bilang na 157, 600 na kalalakihan. Sila ang dapat mahuling lumabas mula sa kanilangkampo kasama ang kanilang bandila.”
32 这些以色列人,照他们的宗族,按他们的军队,在诸营中被数的,共有六十万零三千五百五十名。
Naibilang nina Moises at Aaron ayon sa mga angkan ng kanilang ninuno ang 603, 550 na kalalakihan sa mga hukbo ng mga Israelita.
33 惟独利未人没有数在以色列人中,是照耶和华所吩咐摩西的。
Ngunit hindi naibilang nina Moises at Aaron ang mga Levita sa mga tao ng Israel. Ito ay ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.
34 以色列人就这样行,各人照他们的家室、宗族归于本纛,安营起行,都是照耶和华所吩咐摩西的。
Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng bagay na ipinag-utos ni Yahweh kay Moises. Nagkampo sila sa tabi ng kanilang mga bandila. Lumabas sila mula sa kampo ayon sa kanilang mga angkan, batay sa pagkakasunod ng mga angkan nga kanilang mga ninuno.