< 路加福音 12 >

1 这时,有几万人聚集,甚至彼此践踏。耶稣开讲,先对门徒说:“你们要防备法利赛人的酵,就是假冒为善。
Samantala, nang ang libu-libong mga tao ay nagkatipon-tipon, na halos ang bawat isa ay nagkakatapak-tapakan, sinimulan muna niyang sabihin sa kaniyang mga alagad, “Mag-ingat sa lebadura ng mga Pariseo, na ang pagkukunwari.
2 掩盖的事没有不露出来的;隐藏的事没有不被人知道的。
Ngunit walang nakatago ang hindi maisisiwalat, at walang lihim ang hindi malalaman.
3 因此,你们在暗中所说的,将要在明处被人听见;在内室附耳所说的,将要在房上被人宣扬。”
Kaya kung anuman ang inyong nasabi sa kadiliman ay maririnig sa liwanag, at anuman ang inyong ibinulong sa pinakaloob ng mga silid ay maihahayag sa ibabaw ng mga bubong.
4 “我的朋友,我对你们说,那杀身体以后不能再做什么的,不要怕他们。
Sinasabi ko sa inyo aking mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan, at pagkatapos iyon, ay wala na silang magagawa.
5 我要指示你们当怕的是谁:当怕那杀了以后又有权柄丢在地狱里的。我实在告诉你们,正要怕他。 (Geenna g1067)
Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya. (Geenna g1067)
6 五个麻雀不是卖二分银子吗?但在 神面前,一个也不忘记;
Hindi ba ang limang mga maya ay ipinagbibili sa dalawang maliit na barya? Ganun pa man, wala ni isa sa kanila ang nalilimutan sa paningin ng Diyos.
7 就是你们的头发,也都被数过了。不要惧怕,你们比许多麻雀还贵重!”
Ngunit kahit ang mga buhok ninyo sa ulo ay bilang na lahat. Huwag matakot. Higit kayong mas mahalaga kaysa sa maraming maya.
8 “我又告诉你们,凡在人面前认我的,人子在 神的使者面前也必认他;
Sinasabi ko sa inyo, ang bawat taong kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, kikilalanin din siya ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos,
9 在人面前不认我的,人子在 神的使者面前也必不认他。
ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10 凡说话干犯人子的,还可得赦免;惟独亵渎圣灵的,总不得赦免。
Ang bawat taong magsasabi ng salita laban sa Anak ng Tao, ito ay patatawarin, ngunit ang lumapastangan sa Banal na Espiritu, ay hindi patatawarin.
11 人带你们到会堂,并官府和有权柄的人面前,不要思虑怎么分诉,说什么话;
Kung kayo ay dinala nila sa harap ng mga sinagoga, ng mga pinuno, at mga may kapangyarihan, huwag kayong matakot kung paano kayo magsasalita upang ipagtanggol ang inyong sarili, o kung ano ang inyong sasabihin,
12 因为正在那时候,圣灵要指教你们当说的话。”
dahil ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon kung ano ang dapat ninyong sabihin.
13 众人中有一个人对耶稣说:“夫子!请你吩咐我的兄长和我分开家业。”
At isang lalaki mula sa napakaraming tao ang nagsabi sa kaniya, “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na paghatian na namin ang mana”,
14 耶稣说:“你这个人!谁立我作你们断事的官,给你们分家业呢?”
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginoo, sino ang naglagay sa akin upang maging hukom o tagapamagitan ninyo?”
15 于是对众人说:“你们要谨慎自守,免去一切的贪心,因为人的生命不在乎家道丰富。”
At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”
16 就用比喻对他们说:“有一个财主田产丰盛;
Pagkatapos, nagsabi sa kanila si Jesus ng isang talinghaga, na nagsasabi, “Ang bukid ng isang mayamang tao ay umani ng masagana,
17 自己心里思想说:‘我的出产没有地方收藏,怎么办呢?’
at nangatwiran sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Ano ang aking gagawin, dahil wala na akong paglagyan ng aking mga ani?'
18 又说:‘我要这么办:要把我的仓房拆了,另盖更大的,在那里好收藏我一切的粮食和财物,
Sinabi niya, 'Ito ang aking gagawin. Gigibain ko ang aking mga kamalig at tatayuan ko ng mas malalaki at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at iba pang mga ari-arian.
19 然后要对我的灵魂说:灵魂哪,你有许多财物积存,可作多年的费用,只管安安逸逸地吃喝快乐吧!’
Sasabihin ko sa aking kaluluwa, “Kaluluwa, marami kang mga ari-arian na naitago sa maraming taon. Magpahinga ng mabuti, kumain, uminom, at magpakasaya.'”
20 神却对他说:‘无知的人哪,今夜必要你的灵魂;你所预备的要归谁呢?’
Ngunit sinabi ng Diyos sa kaniya, 'Hangal na tao, ang iyong kaluluwa ay kukunin ngayong gabi, at ang mga bagay na iyong inihanda, kanino mapupunta ang mga ito?
21 凡为自己积财,在 神面前却不富足的,也是这样。”
Ganyan ang isang tao na nag-iipon ng kayamanan para sa kaniyang sarili at hindi mayaman para sa Diyos.”
22 耶稣又对门徒说:“所以我告诉你们,不要为生命忧虑吃什么,为身体忧虑穿什么;
Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kaya sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabahala tungkol sa inyong buhay—kung ano ang inyong kakainin, o tungkol sa inyong katawan—kung ano ang inyong susuotin.
23 因为生命胜于饮食,身体胜于衣裳。
Sapagkat ang buhay ay mas higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay mas higit kaysa sa mga damit.
24 你想乌鸦,也不种也不收,又没有仓又没有库, 神尚且养活它。你们比飞鸟是何等地贵重呢!
Isipin ninyo ang mga uwak, hindi sila naghahasik o umaani. Wala silang bodega o kamalig, ngunit sila ay pinapakain ng Diyos. Gaano na lamang kayo kahalaga kaysa sa mga ibon!
25 你们哪一个能用思虑使寿数多加一刻呢?
At sino sa inyo ang sa pag-aalala ay makapagdaragdag ng kahit isang kubit sa haba ng kaniyang buhay?
26 这最小的事,你们尚且不能做,为什么还忧虑其余的事呢?
Kung gayon na hindi ninyo magawa ang kahit pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababahala sa ibang mga bagay?
27 你想百合花怎么长起来;它也不劳苦,也不纺线。然而我告诉你们,就是所罗门极荣华的时候,他所穿戴的,还不如这花一朵呢!
Isipin ninyo ang mga liryo—kung paano sila lumalaki. Sila ay hindi nagtatrabaho o ni nagsusulid man lang. Gayon pa man, sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa lahat ng kaniyang kaluwalhatian ay hindi nakapagdamit na tulad ng isa sa mga ito.
28 你们这小信的人哪,野地里的草今天还在,明天就丢在炉里, 神还给它这样的妆饰,何况你们呢!
Kung dinamitan nga ng Diyos ang damo sa bukid, na nananatili ngayon, at bukas ay itatapon sa pugon, gaano pa kayo na kaniyang dadamitan, O kayong mga maliit ang pananampalataya!
29 你们不要求吃什么,喝什么,也不要挂心;
Huwag hanapin kung ano ang inyong kakainin, at kung ano ang inyong iinumin, at huwag kayong mabahala.
30 这都是外邦人所求的。你们必须用这些东西,你们的父是知道的。
Dahil ang mga bagay na ito ang hinahanap ng lahat ng mga bansa sa mundo, at alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito.
31 你们只要求他的国,这些东西就必加给你们了。
Ngunit hanapin ang kaniyang kaharian, at ang lahat ng bagay na ito ay maidadagdag sa inyo.
32 你们这小群,不要惧怕,因为你们的父乐意把国赐给你们。
Huwag matakot, maliit na kawan, dahil ang inyong Ama ay lubos na nalulugod na ibigay sa inyo ang kaharian.
33 你们要变卖所有的周济人,为自己预备永不坏的钱囊,用不尽的财宝在天上,就是贼不能近、虫不能蛀的地方。
Ipagbili ang inyong mga ari-arian at ibigay ito sa mahihirap. Gumawa kayo ng inyong mga sariling mga pitaka na hindi nasisira—mga kayamanan sa kalangitan na hindi nawawala, na hindi nilalapitan ng magnanakaw, at hindi sinisira ng tanga.
34 因为,你们的财宝在哪里,你们的心也在那里。”
Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.
35 “你们腰里要束上带,灯也要点着,
Isuksok ninyo ang inyong mahabang damit sa inyong sinturon, at panatilihing nag-aapoy ang inyong mga ilawan,
36 自己好像仆人等候主人从婚姻的筵席上回来。他来到,叩门,就立刻给他开门。
at maging katulad kayo ng mga taong naghihintay sa kanilang amo na bumalik mula sa kasalan, upang kung siya ay bumalik at kumatok, agad nilang bubuksan ang pinto para sa kaniya.
37 主人来了,看见仆人警醒,那仆人就有福了。我实在告诉你们,主人必叫他们坐席,自己束上带,进前伺候他们。
Pinagpala ang mga lingkod na iyon, na masusumpungan ng amo na nagbabantay sa kaniyang pagbabalik. Totoo, sinasabi ko sa inyo na isusuksok niya ang mahaba niyang damit sa kaniyang sinturon, pauupuin sila para sa pagkain, at lalapit at pagsisilbihan sila.
38 或是二更天来,或是三更天来,看见仆人这样,那仆人就有福了。
Kung ang amo ay dadating sa pangalawang pagbantay sa gabi o kahit sa pangatlong pagbantay at nakita silang handa, pinagpala ang mga lingkod na iyon.
39 家主若知道贼什么时候来,就必警醒,不容贼挖透房屋,这是你们所知道的。
Dagdag pa nito alamin ninyo ito, na kung alam ng amo ang oras ng pagdating ng magnanakaw, hindi niya hahayaang mapasok ang kaniyang tahanan.
40 你们也要预备;因为你们想不到的时候,人子就来了。”
Maging handa din, dahil hindi niyo alam ang oras ng pagdating ng Anak ng Tao.”
41 彼得说:“主啊,这比喻是为我们说的呢?还是为众人呢?”
Sinabi ni Pedro, “Panginoon, sa amin mo lamang ba sinasabi ang talinghagang ito o para rin sa lahat?”
42 主说:“谁是那忠心有见识的管家,主人派他管理家里的人,按时分粮给他们呢?
Sinabi ng Panginoon, “Sino ngayon ang tapat at matalinong tagapamahala na itatakda ng kaniyang panginoon para sa ibang lingkod upang ibigay sa kanila ang kanilang bahagi ng pagkain sa tamang panahon?
43 主人来到,看见仆人这样行,那仆人就有福了。
Pinagpala ang lingkod na iyon, na masusumpungan ng kaniyang panginoon na gumagawa niyan sa kaniyang pagdating.
44 我实在告诉你们,主人要派他管理一切所有的。
Totoong sinasabi ko sa inyo na siya ay gagawing tagapamahala sa lahat ng kaniyang ari-arian.
45 那仆人若心里说:‘我的主人必来得迟’,就动手打仆人和使女,并且吃喝醉酒;
Ngunit kung sinasabi ng lingkod na iyon sa kaniyang puso, “Matatagalan pa ang pagbabalik ng aking panginoon,' at sinimulan niyang bugbugin ang mga lalaki at babaeng lingkod, at kakain at iinom, at malalasing,
46 在他想不到的日子,不知道的时辰,那仆人的主人要来,重重地处治他,定他和不忠心的人同罪。
ang panginoon ng lingkod na iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya ay pagpipira-pirasuhin at magtatalaga siya ng lugar para sa kaniya kasama ang mga hindi tapat.
47 仆人知道主人的意思,却不预备,又不顺他的意思行,那仆人必多受责打;
Ang lingkod na iyon, na alam ang kalooban ng kaniyang panginoon at hindi naging handa o ginawa ang ayon sa kaniyang kalooban, ay mabubugbog nang madami.
48 惟有那不知道的,做了当受责打的事,必少受责打;因为多给谁,就向谁多取;多托谁,就向谁多要。”
Ngunit ang hindi nakakaalam, at gumawa ng mga bagay na karapat-dapat sa pagbugbog, ay mabubugbog nang kaunti. Ang lahat ng binigyan ng marami, marami din ang hihingiin sa kaniya, at ang pinagkatiwalaan ng marami, marami ang hihingiin nila sa kaniya.
49 “我来要把火丢在地上,倘若已经着起来,不也是我所愿意的吗?
Pumarito ako upang magbaba ng apoy sa mundo, at ninanais ko na ito ay magningas.
50 我有当受的洗还没有成就,我是何等地迫切呢?
Ngunit mayroon akong bautismo na kailangang danasin, at labis akong namimighati hanggang sa ito ay matapos!
51 你们以为我来,是叫地上太平吗?我告诉你们,不是,乃是叫人纷争。
Iniisip ba ninyo na ako ay naparito upang magdala ng kapayapaan sa mundo? Hindi, sinasabi ko sa inyo, sa halip ay pagkabaha-bahagi.
52 从今以后,一家五个人将要纷争:三个人和两个人相争,两个人和三个人相争;
Dahil mula ngayon may lima sa isang tahanan na magkakabaha-bahagi—tatlong tao laban sa dalawa at dalawang tao laban sa tatlo.
53 父亲和儿子相争, 儿子和父亲相争; 母亲和女儿相争, 女儿和母亲相争; 婆婆和媳妇相争, 媳妇和婆婆相争。”
Sila ay magkakabaha-bahagi, ama laban sa anak na lalaki at anak na lalaki laban sa ama; ina laban sa anak na babae at anak na babae laban sa ina; ang biyenan na babae laban sa manugang na babae at manugang na babae laban sa biyenan na babae.
54 耶稣又对众人说:“你们看见西边起了云彩,就说:‘要下一阵雨’;果然就有。
Sinasabi din ni Jesus sa napakaraming tao, “Kung nakikita ninyong namumuo ang ulap sa kanluran, agad ninyong sinasabi, 'May ulan na paparating', at gayon ang nangyayari.
55 起了南风,就说:‘将要燥热’;也就有了。
At kung iihip ang hangin sa timog, sinasabi ninyo, 'Magkakaroon ng matinding init,' at ito ay nangyayari.
56 假冒为善的人哪,你们知道分辨天地的气色,怎么不知道分辨这时候呢?”
Mga mapagkunwari, alam ninyo kung paano ipakahulugan ang anyo ng mundo at kalangitan, ngunit paanong hindi ninyo alam bigyang-kahulugan ang kasalukuyang panahon?
57 “你们又为何不自己审量什么是合理的呢?
Bakit hindi ninyo hatulan kung ano ang tama para sa inyong mga sarili?
58 你同告你的对头去见官,还在路上,务要尽力地和他了结;恐怕他拉你到官面前,官交付差役,差役把你下在监里。
Sapagkat kung ikaw ay pupunta sa harapan ng hukom kasama ang iyong kaaway, sa daan ay sikapin mong ayusin ang hindi pagkakaintindihan sa kaniya upang hindi ka niya kaladkarin sa hukom, upang hindi ka dalhin ng hukom sa opisyal at hindi ka ilagay ng opisyal sa bilangguan.
59 我告诉你,若有半文钱没有还清,你断不能从那里出来。”
Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalaya mula doon hanggang mabayaran mo ang kahuli-hulihang salapi.”

< 路加福音 12 >