< 利未记 16 >

1 亚伦的两个儿子近到耶和华面前死了。死了之后,耶和华晓谕摩西说:
Nakipagusap si Yahweh kay Moises—pagkatapos ito ng kamatayan ng dalawang anak na lalaki ni Aaron, kung saan lumapit sila kay Yahweh at namatay.
2 “要告诉你哥哥亚伦,不可随时进圣所的幔子内、到柜上的施恩座前,免得他死亡,因为我要从云中显现在施恩座上。
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kausapin mo si Aaron na iyong kapatid at sabihin na huwag siyang pumunta kahit anong oras patungo sa loob ng pinakabanal na lugar sa loob ng kurtina, sa harapan ng takip na luklukan ng awa na nasa kaban. Kapag ginawa niya, mamamatay siya, sapagkat magpapakita ako sa ulap sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa.
3 亚伦进圣所,要带一只公牛犊为赎罪祭,一只公绵羊为燔祭。
Kaya ganito dapat pumunta si Aaron sa loob ng pinakabanal na lugar. Dapat siyang pumasok na may isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
4 要穿上细麻布圣内袍,把细麻布裤子穿在身上,腰束细麻布带子,头戴细麻布冠冕;这都是圣服。他要用水洗身,然后穿戴。
Dapat siyang magsuot ng banal na linong tunika, at dapat siyang magsuot ng linong mga damit pangloob sa kanyang sarili, at dapat siyang magsuot ng linong sintas sa baywang at linong turbante. Ito ay mga banal na damit. Dapat niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig at damitan ang kanyang sarili ng mga damit na ito.
5 要从以色列会众取两只公山羊为赎罪祭,一只公绵羊为燔祭。
Dapat siyang kumuha mula sa kapulungan ng mga tao ng Israel ng dalawang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
6 “亚伦要把赎罪祭的公牛奉上,为自己和本家赎罪;
Sa gayon ay dapat ipakita ni Aaron ang toro bilang handog para sa kasalanan, kung saan maging para sa kanya, sa pambayad ng kasalanan para sa kanya at sa kaniyang pamilya.
7 也要把两只公山羊安置在会幕门口、耶和华面前,
Pagkatapos ay dapat niyang kunin ang dalawang kambing at ilagay sila sa harapan ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
8 为那两只羊拈阄,一阄归与耶和华,一阄归与阿撒泻勒。
Pagkatapos ay dapat magpalabunutan si Aaron para sa dalawang kambing, ang isang mabubunot para kay Yahweh, at ang ibang mabubunot ay para sa hantungan ng sisi.
9 亚伦要把那拈阄归与耶和华的羊献为赎罪祭,
Dapat iharap ni Aaron ang kambing kung saan nahulog ang palabunutan para kay Yahweh, at ihandog ang kambing bilang isang handog para sa kasalanan.
10 但那拈阄归与阿撒泻勒的羊要活着安置在耶和华面前,用以赎罪,打发人送到旷野去,归与阿撒泻勒。
Subalit ang kambing na kung saan tumapat ang palabunutan ay dapat dalhing buhay kay Yahweh, upang gawing pambayad sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpapadala nito palayo bilang isang hantungan ng sisi patungong ilang.
11 “亚伦要把赎罪祭的公牛牵来宰了,为自己和本家赎罪;
Kung ganoon dapat iharap ni Aaron ang toro para sa handog para sa kasalanan, na kung alin ay magiging para sa kanyang sarili. Dapat siyang gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, kung gayon dapat niyang patayin ang toro bilang isang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili.
12 拿香炉,从耶和华面前的坛上盛满火炭,又拿一捧捣细的香料,都带入幔子内,
Dapat kumuha si Aaron ng isang sensaryo na puno ng mga uling na may apoy mula sa altar sa harapan ni Yahweh, na puno ng giniling na pinong-pinong mabangong insenso ang mga kamay niya, at dadalhin ang mga bagay na ito sa loob ng kurtina.
13 在耶和华面前,把香放在火上,使香的烟云遮掩法柜上的施恩座,免得他死亡;
Dapat niyang ilagay doon ang insenso sa ibabaw ng apoy sa harapan ni Yahweh upang maaaring tumakip ang ulap mula sa insenso sa luklukan ng awa sa ibabaw ng tipan ng mga batas. Dapat niya itong gawin upang hindi siya mamatay.
14 也要取些公牛的血,用指头弹在施恩座的东面,又在施恩座的前面弹血七次。
Pagkatapos dapat siyang kumuha ng konting dugo ng toro at iwisik ito gamit ang kanyang daliri sa harapan ng takip ng luklukan ng awa. Dapat niyang iwisik ang konting dugo gamit ang kanyang daliri ng pitong beses sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
15 “随后他要宰那为百姓作赎罪祭的公山羊,把羊的血带入幔子内,弹在施恩座的上面和前面,好像弹公牛的血一样。
Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
16 他因以色列人诸般的污秽、过犯,就是他们一切的罪愆,当这样在圣所行赎罪之礼,并因会幕在他们污秽之中,也要照样而行。
Dapat gumawa siya ng pambayad kasalanan para sa banal na lugar dahil sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel, at dahil sa kanilang paghihimagsik at lahat ng kanilang mga kasalanan. Dapat din niyang gawin ito para sa tolda ng pagpupulong, kung saan namumuhay si Yahweh sa kanilang kalagitnaan, sa harap ng kanilang maruruming mga gawain.
17 他进圣所赎罪的时候,会幕里不可有人,直等到他为自己和本家并以色列全会众赎了罪出来。
Walang sinuman ang dapat nasa loob ng tolda ng pagpupulong kapag papasok si Aaron upang gumawa ng pambayad kasalanan sa pinakabanal na lugar, at hanggang sa lumabas siya at matapos ang paggawa ng pambayad kasalanan sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya, at para sa lahat ng kapulungan ng Israel.
18 他出来,要到耶和华面前的坛那里,在坛上行赎罪之礼,又要取些公牛的血和公山羊的血,抹在坛上四角的周围;
Dapat siyang lumabas sa altar na nasa harapan ni Yahweh at gawin ang pambayad kasalanan para dito, at dapat siyang kumuha ng kaunting dugo ng toro at kaunting dugo ng kambing at ilagay ito sa mga sungay ng altar sa lahat ng palibot.
19 也要用指头把血弹在坛上七次,洁净了坛,从坛上除掉以色列人诸般的污秽,使坛成圣。”
Dapat niyang wisikan ng kaunting dugo ang ibabaw nito gamit ang kanyang daliri ng pitong beses upang malinisan ito at maialay ito kay Yahweh, palayo mula sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel.
20 “亚伦为圣所和会幕并坛献完了赎罪祭,就要把那只活着的公山羊奉上。
Kapag natapos na niya ang pagbabayad kasalanan para sa pinakabanal na lugar, ang tolda ng pagpupulong, ang altar, dapat niyang ipakita ang buhay na kambing.
21 两手按在羊头上,承认以色列人诸般的罪孽过犯,就是他们一切的罪愆,把这罪都归在羊的头上,借着所派之人的手,送到旷野去。
Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
22 要把这羊放在旷野,这羊要担当他们一切的罪孽,带到无人之地。
Dapat dalhing mag-isa ng kambing ang kasalanan ng mga tao patungo sa isang liblib na lugar. Doon sa ilang, dapat pakawalan ng tao ang kambing.
23 “亚伦要进会幕,把他进圣所时所穿的细麻布衣服脱下,放在那里,
Pagkatapos ay dapat bumalik si Aaron sa tolda ng pagpupulong at hubarin ang linong mga damit na kanyang isinuot bago pumunta sa pinaka banal na lugar, at kailangan niyang iwanan ang mga damit na iyon doon.
24 又要在圣处用水洗身,穿上衣服,出来,把自己的燔祭和百姓的燔祭献上,为自己和百姓赎罪。
Kailangan niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig sa isang banal na lugar, at magbihis ng kanyang pangkaraniwang kasuotan; pagkatapos ay kailangan niyang lumabas at ialay ang kanyang handog na susunugin at ang handog na susunugin para sa mga tao, at sa ganitong paraan ay makagawa ng pambayad kasalanan sa kanyang sarili at para sa mga tao.
25 赎罪祭牲的脂油要在坛上焚烧。
Dapat niyang sunugin ang taba ng handog ng kasalanan sa altar.
26 那放羊归与阿撒泻勒的人要洗衣服,用水洗身,然后进营。
Ang lalaking nagpalaya sa kambing na pakakawalan ay kailangang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon, maaari na siyang bumalik sa kampo.
27 作赎罪祭的公牛和公山羊的血既带入圣所赎罪,这牛羊就要搬到营外,将皮、肉、粪用火焚烧。
Ang toro para sa handog sa kasalanan at ang kambing para sa handog ng kasalanan, na ang dugo nito ay dinala sa loob para gawing pambayad kasalanan sa banal na lugar, ay dapat dalhin sa labas ng kampo. Doon kailangan nilang sunugin ang kanilang mga balat, laman, at dumi nito.
28 焚烧的人要洗衣服,用水洗身,然后进营。”
Kailangang labhan ng taong nagsunog ng mga bahaging iyon ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon; maaari na siyang bumalik sa kampo.
29 “每逢七月初十日,你们要刻苦己心,无论是本地人,是寄居在你们中间的外人,什么工都不可做;这要作你们永远的定例。
Palaging magiging isang tuntunin ito para sa inyo na sa ikapitong buwan, sa ikasampung araw ng buwan, dapat niyong magpakumbaba at walang gagawing trabaho, maski isang katutubo o isang dayuhan na namumuhay sa inyo.
30 因在这日要为你们赎罪,使你们洁净。你们要在耶和华面前得以洁净,脱尽一切的罪愆。
Dahil ang araw na ito ang pambayad kasalanan na gagawin para sa inyo, para kayo ay malinisan mula sa lahat ng inyong mga kasalanan nang sa gayon kayo ay maging malinis sa harapan ni Yahweh.
31 这日你们要守为圣安息日,要刻苦己心;这为永远的定例。
Ito ay isang dakilang Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at kailangan ninyong magpakumbaba sa inyong mga sarili at walang gagawing trabaho. Ito ay palaging magiging isang tuntunin sa inyo.
32 那受膏、接续他父亲承接圣职的祭司要穿上细麻布的圣衣,行赎罪之礼。
Ang punong pari, ang isang papahiran at itatalagang maging punong pari sa lugar ng kanyang ama, ay kailangang gawin ang pambayad kasalanan nito at isusuot ang linong mga damit, iyon ay, ang banal na mga damit.
33 他要在至圣所和会幕与坛行赎罪之礼,并要为众祭司和会众的百姓赎罪。
Kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa pinaka banal na lugar; kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa tolda ng pagpupulong at para sa altar, at kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa mga pari at para sa lahat ng mga tao ng kapulungan.
34 这要作你们永远的定例—就是因以色列人一切的罪,要一年一次为他们赎罪。” 于是,亚伦照耶和华所吩咐摩西的行了。
Ito ay palaging magiging isang tuntunin para sa inyo, para gawing pambayad kasalanan para sa mga tao ng Israel ng dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, isang beses sa bawat taon.” At ginawa ito gaya ng utos ni Yahweh kay Moises.

< 利未记 16 >