< 利未记 14 >

1 耶和华晓谕摩西说:“
Nakipag-usap si Yahweh kay Moises, nagsasabing,
2 长大麻风得洁净的日子,其例乃是这样:要带他去见祭司;
“Ito ang magiging batas para sa may sakit na tao sa araw ng kanyang paglilinis. Dapat siyang dalhin sa pari.
3 祭司要出到营外察看,若见他的大麻风痊愈了,
Lalabas ang pari sa kampo para suriin ang isang tao para makita kung ang nakakahawang sakit sa balat ay gumaling.
4 就要吩咐人为那求洁净的拿两只洁净的活鸟和香柏木、朱红色线,并牛膝草来。
Pagkatapos ay iuutos ng pari sa taong lilinisin na dapat kumuha ng dalawang buhay na ibon, kahoy na cedar, matingkad na pulang sinulid, at isopo.
5 祭司要吩咐用瓦器盛活水,把一只鸟宰在上面。
Uutusan siya ng pari na patayin ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng tubig-tabang na nasa isang palayok.
6 至于那只活鸟,祭司要把它和香柏木、朱红色线并牛膝草一同蘸于宰在活水上的鸟血中,
Pagkatapos ay kukunin ng pari ang buhay na ibon at ang kahoy na cedar, at ang matingkad na pulang sinulid at ang isopo, at kanyang isasawsaw ang lahat ng mga bagay na ito, kasama ang buhay na ibon, sa dugo ng ibon na pinatay sa ibabaw ng tubig-tabang.
7 用以在那长大麻风求洁净的人身上洒七次,就定他为洁净,又把活鸟放在田野里。
Pagkatapos ay iwiwisik ng pari ang tubig na ito nang pitong beses sa taong lilinisin mula sa sakit, at pagkatapos ay ihahayag ng pari na siya ay maging malinis. Pagkatapos ay pakakawalan ng pari ang buhay na ibon sa mga lantad na kabukiran.
8 求洁净的人当洗衣服,剃去毛发,用水洗澡,就洁净了;然后可以进营,只是要在自己的帐棚外居住七天。
Ang taong nilinis ay lalabhan ang kanyang mga damit, aahitin lahat ng kanyang buhok, at paliliguan ang kanyang sarili sa tubig, at pagkatapos siya ay magiging malinis. Pagkatapos ay kailangan niyang pumasaok sa loob ng kampo, pero siya ay titira sa labas ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw.
9 第七天,再把头上所有的头发与胡须、眉毛,并全身的毛,都剃了;又要洗衣服,用水洗身,就洁净了。
Sa ikapitong araw kailangan niya ring ahitin ang kanyang balbas at mga kilay. Kailangan niyang ahitan ang lahat ng kanyang buhok, at kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig; sa gayon magiging malinis siya.
10 “第八天,他要取两只没有残疾的公羊羔和一只没有残疾、一岁的母羊羔,又要把调油的细面伊法十分之三为素祭,并油一罗革,一同取来。
Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang lalaking tupa na walang kapintasan, isang babaeng tupa na isang taon na walang kapintasan at tatlong ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis.
11 行洁净之礼的祭司要将那求洁净的人和这些东西安置在会幕门口、耶和华面前。
Ang pari na naglinis sa kanya ay patatayuin ang taong lilinisin, kasama ng mga bagay na iyon, sa harap ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
12 祭司要取一只公羊羔献为赎愆祭,和那一罗革油一同作摇祭,在耶和华面前摇一摇;
Kukunin ng pari ang isa sa mga lalaking tupa at iaalay ito bilang isang paghahandog sa pagkakasala, kasama ang lalagyan na may langis; itataas niya ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
13 把公羊羔宰于圣地,就是宰赎罪祭牲和燔祭牲之地。赎愆祭要归祭司,与赎罪祭一样,是至圣的。
Dapat niyang patayin ang lalaking tupa sa lugar na kung saan nila pinatay ang handog para sa kasalanan at ang mga handog na susunugin, sa lugar ng tabernakulo, sapagkat ang handog para sa kasalanan ay pag-aari ng pari, pati na ang handog para sa kasalanan, dahil ito ay pinakabanal.
14 祭司要取些赎愆祭牲的血,抹在求洁净人的右耳垂上和右手的大拇指上,并右脚的大拇指上。
Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa alay ng pagkakasala at ilalagay ito sa dulo ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa.
15 祭司要从那一罗革油中取些倒在自己的左手掌里,
Pagkatapos ay kukuha ang pari ng langis mula sa sisidlan na may langis at ibubuhos ito sa palad ng kanyang kaliwang kamay,
16 把右手的一个指头蘸在左手的油里,在耶和华面前用指头弹七次。
at isasawsaw ang kanyang kanang daliri sa langis na nasa kanyang kaliwang kamay, at iwiwisik ang kaunting langis gamit ang kanyang daliri ng pitong ulit sa harap ni Yahweh.
17 将手里所剩的油抹在那求洁净人的右耳垂上和右手的大拇指上,并右脚的大拇指上,就是抹在赎愆祭牲的血上。
Ilalagay ng pari ang natitirang mga langis sa kanyang kamay sa dulo ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa. Kailangan niyang ilagay ang langis na ito sa ibabaw ng dugo na mula sa handog na pambayad ng kasalanan.
18 祭司手里所剩的油要抹在那求洁净人的头上,在耶和华面前为他赎罪。
At sa natitirang langis na nasa kamay ng pari, ilalagay niya ito sa ulo ng tao na lilinisin, at gagawa ang pari ng pambayad kasalanan sa kanya sa harap ni Yahweh.
19 祭司要献赎罪祭,为那本不洁净、求洁净的人赎罪;然后要宰燔祭牲,
Pagkatapos ihahandog ng pari ang handog para sa kasalanan at gagawa ng pambayad kasalanan para sa kanya na lilinisin dahil sa kanyang karumihan, at pagkatapos papatayin niya ang handog na susunugin.
20 把燔祭和素祭献在坛上,为他赎罪,他就洁净了。
Pagkatapos ihahandog ng pari ang handog na susunugin at ang handog na pagkaing butil sa altar. Gagawa ang pari ng pambayad kasalanan para sa tao, at pagkatapos magiging malinis siya.
21 “他若贫穷不能预备够数,就要取一只公羊羔作赎愆祭,可以摇一摇,为他赎罪;也要把调油的细面伊法十分之一为素祭,和油一罗革一同取来;
Gayunman, kung ang tao ay mahirap at walang kakayahang makakuha ng mga alay na ito, maaari siyang kumuha ng isang lalaking tupa bilang isang alay sa pagkakasala para itataas at iaalay kay Yahweh upang gawing kabayaran sa kanyang sarili, at isang ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis,
22 又照他的力量取两只斑鸠或是两只雏鸽,一只作赎罪祭,一只作燔祭。
kasama ng dalawang kalapati, at dalawang mga batang kalapati, na kaya niyang kunin; ang isang ibon ay maging isang handog para sa kasalanan at ang isa ay isang handog ng susunugin.
23 第八天,要为洁净,把这些带到会幕门口、耶和华面前,交给祭司。
Sa ikawalong araw kailangan niyang dalhin ang mga ito para sa kanyang paglilinis sa pari, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, sa harap ni Yahweh.
24 祭司要把赎愆祭的羊羔和那一罗革油一同作摇祭,在耶和华面前摇一摇。
Pagkatapos kukunin ng pari ang tupa para sa pag-aalay ng pagkakasala at sisidlan na may langis, at itataas niya ang mga ito bilang isang handog kay Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
25 要宰了赎愆祭的羊羔,取些赎愆祭牲的血,抹在那求洁净人的右耳垂上和右手的大拇指上,并右脚的大拇指上。
Papatayin niya ang tupa para sa handog na pambayad ng kasalanan, at kukuha siya ng kaunting dugo sa pag-aalay ng pagkakasala at ilalagay ito sa dulo ng kanang tainga ng isang lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa.
26 祭司要把些油倒在自己的左手掌里,
Pagkatapos magbubuhos ang pari ng kaunting langis sa palad ng kanyang kaliwang kamay,
27 把左手里的油,在耶和华面前,用右手的一个指头弹七次,
at kanyang iwiwisik gamit ang kanyang kanang kamay ang kaunting langis na nasa kanyang kaliwang kamay ng pitong beses sa harap ni Yahweh.
28 又把手里的油抹些在那求洁净人的右耳垂上和右手的大拇指上,并右脚的大拇指上,就是抹赎愆祭之血的原处。
Pagkatapos maglalagay ang pari ng kaunting langis na nasa kanyang kamay doon sa dulo ng tainga ng isang lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa, parehong mga lugar kung saan niya inilagay ang dugo ng alay ng pagkakasala.
29 祭司手里所剩的油要抹在那求洁净人的头上,在耶和华面前为他赎罪。
Ilalagay niya ang natitirang langis na nasa kanyang kamay sa ulo ng taong lilinisin, para gumawa ng pambayad kasalanan para sa kanya sa harapan ni Yahweh.
30 那人又要照他的力量献上一只斑鸠或是一只雏鸽,
Dapat niyang ihandog ang isa sa mga kalapati o mga batu-bato, na nakayang kunin ng tao—
31 就是他所能办的,一只为赎罪祭,一只为燔祭,与素祭一同献上;祭司要在耶和华面前为他赎罪。
isa bilang isang handog para sa kasalanan at ang isa ay bilang isang handog na pambayad ng kasalanan, kasama ng handog na pagkaing butil. Pagkatapos gagawa ng pambayad kasalanan ang pari para sa isang lilinisin sa harap ni Yahweh.
32 这是那有大麻风灾病的人、不能将关乎得洁净之物预备够数的条例。”
Ito ang batas para sa isang tao na kung saan ay mayroong nakakahawang sakit sa balat, siyang hindi makayanan ang mga pamantayan sa paghahandog para sa kanyang paglilinis.”
33 耶和华晓谕摩西、亚伦说:
Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at kay Aaron, nagsasabing,
34 “你们到了我赐给你们为业的迦南地,我若使你们所得为业之地的房屋中有大麻风的灾病,
“Nang nagpunta kayo sa lupain ng Canaan kung saan ibinigay ko sa inyo bilang isang pag-aari, at kung maglalagay ako ng amag na kakalat sa isang bahay sa lupain ng inyong pag-aari,
35 房主就要去告诉祭司说:‘据我看,房屋中似乎有灾病。’
sa gayon ang nagmamay-ari ng bahay ay kailangang pumunta at sabihin sa pari. Dapat niyang sabihin, 'Tila mayroon isang bagay na katulad ng amag sa aking bahay.'
36 祭司还没有进去察看灾病以前,就要吩咐人把房子腾空,免得房子里所有的都成了不洁净;然后祭司要进去察看房子。
Sa gayon ay iuutos ng pari na lisanin nila ang bahay bago siya pumasok upang makita ang katunayan ng amag, upang walang anumang bagay sa bahay ang magiging marumi. Pagkatapos kailangan pumasok ng pari upang makita ang bahay.
37 他要察看那灾病,灾病若在房子的墙上有发绿或发红的凹斑纹,现象洼于墙,
Kailangan niyang suriin ang amag upang makita kung ito ay nasa mga pader ng bahay, at upang makita kung ito ay lumalabas na maberde o mamula-mula sa mga lubak sa mga ibabaw ng pader.
38 祭司就要出到房门外,把房子封锁七天。
Kung ang bahay ay mayroong amag, lalabas ng bahay ang pari at sasarhan ang pinto ng bahay sa loob ng pitong araw.
39 第七天,祭司要再去察看,灾病若在房子的墙上发散,
Pagkatapos babalik uli ang pari sa ikapitong araw at susuriin ito para makita kung kumalat ang amag sa mga dingding ng bahay.
40 就要吩咐人把那有灾病的石头挖出来,扔在城外不洁净之处;
Kung mayroon ito, iuutos ng pari na tatanggalin nila ang mga bato na kung saan nakita ang amag at itapon ang mga ito sa isang maruming lugar sa labas ng lungsod.
41 也要叫人刮房内的四围,所刮掉的灰泥要倒在城外不洁净之处;
Iuutos niya na dapat kukuskusin lahat ng mga dingding na nasa loob ng bahay, at kailangan nilang kunin ang nahawaang gamit na kinuskos palabas ng lungsod at itambak ito sa maruming lugar.
42 又要用别的石头代替那挖出来的石头,要另用灰泥墁房子。
Kailangan nilang kunin ang ibang mga bato at ilagay ang mga ito sa lugar ng mga bato na tinanggal, at dapat silang gumamit ng bagong luad upang tapalan ang bahay.
43 “他挖出石头,刮了房子,墁了以后,灾病若在房子里又发现,
Kung bumalik ulit ang amag at kumalat sa bahay na kung saan tinanggal ang mga bato at kinuskos ang mga dingding at pagkatapos muling tinapalan,
44 祭司就要进去察看,灾病若在房子里发散,这就是房内蚕食的大麻风,是不洁净。
kung gayon ang pari ay kailangan pumasok at suriin ang bahay upang makita kung ang amag ay kumalat sa bahay. Kung mayroon ito, kung gayon ito ay mapaminsalang amag, at ang bahay ay marumi.
45 他就要拆毁房子,把石头、木头、灰泥都搬到城外不洁净之处。
Dapat gibain ang bahay. Ang mga bato, troso, at lahat ng mga panapal ng bahay ay kailangan dalhin palabas ng lungsod papunta sa maruming lugar.
46 在房子封锁的时候,进去的人必不洁净到晚上;
Bilang karagdagan, sinumang pupunta sa bahay sa panahong sinarhan ito ay magiging marumi hanggang gabi.
47 在房子里躺着的必洗衣服;在房子里吃饭的也必洗衣服。
Sinuman ang matutulog sa bahay ay kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, ang sinuman ang kumain sa bahay ay kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit.
48 “房子墁了以后,祭司若进去察看,见灾病在房内没有发散,就要定房子为洁净,因为灾病已经消除。
Kung papasok ang pari sa bahay upang suriin ito para makita kung ang amag ay kumalat sa bahay matapos tapalan ang bahay, pagkatapos, kung ang amag ay nawala, ihahayag niya na ang bahay ay malinis.
49 要为洁净房子取两只鸟和香柏木、朱红色线并牛膝草,
Pagkatapos ang pari ay dapat kumuha ng dalawang ibon upang linisan ang bahay, at kahoy na cedar, at matingkad na pulang sinulid, at isopo.
50 用瓦器盛活水,把一只鸟宰在上面,
Papatayin niya ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng tubig-tabang sa isang palayok.
51 把香柏木、牛膝草、朱红色线,并那活鸟,都蘸在被宰的鸟血中与活水中,用以洒房子七次。
Kukunin niya ang kahoy na cedar, ang hisopo, ang matingkad na pulang sinulid, at ang buhay na ibon, at isasawsaw ang mga ito sa dugo ng pinatay na ibon, patungo sa tubig-tabang, at wiwisikan ang bahay ng pitong beses.
52 要用鸟血、活水、活鸟、香柏木、牛膝草,并朱红色线,洁净那房子。
Lilinisin niya ang bahay sa pamamagitan ng dugo ng ibon at ng tubig-tabang, kasama ng buhay na ibon, kahoy na cedar, ang isopo, at ang matingkad na pulang sinulid.
53 但要把活鸟放在城外田野里。这样洁净房子,房子就洁净了。”
Pero hahayaan niya ang buhay na ibon na lumabas ng lungsod papunta sa mga lantad na bukirin. Sa ganitong paraan kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa bahay, at ito ay magiging malinis.
54 这是为各类大麻风的灾病和头疥,
Ito ang batas sa lahat ng uri ng nakakahawang sakit sa balat at mga bagay na nagdudulot ng ganoong sakit, at para sa isang pangangati,
55 并衣服与房子的大麻风,
at para sa amag sa damit at sa loob ng isang bahay,
56 以及疖子、癣、火斑所立的条例,
para sa pamamaga, para sa isang pantal, at para sa isang makintab na batik,
57 指明何时为洁净,何时为不洁净。这是大麻风的条例。
upang malaman kapag alin man sa mga ito ay marumi o kapag ito ay malinis. Ito ang batas para sa mga nakakahawang sakit sa balat at amag.”

< 利未记 14 >