< 约伯记 4 >

1 提幔人以利法回答说:
Sumagot si Elifaz ang Temaneo at sinabing,
2 人若想与你说话,你就厌烦吗? 但谁能忍住不说呢?
“Kung sakaling may kumausap sa iyo, malulungkot ka ba? Pero sino ba ang makakapigil sa kaniyang sarili para magsalita?
3 你素来教导许多的人, 又坚固软弱的手。
Tingnan mo nga naman, nagturo ka sa marami, pinalakas mo ang mga nanghihinang kamay.
4 你的言语曾扶助那将要跌倒的人; 你又使软弱的膝稳固。
Inalalayan ng iyong salita ang mga nahuhulog, at ang mga nanlalambot na tuhod ay pinatigas mo.
5 但现在祸患临到你,你就昏迷, 挨近你,你便惊惶。
Pero ngayong ikaw naman ang may kaguluhan, nanghihina ka; ikaw ay dinapuan ng kaguluhan, at ikaw ay naguluhan.
6 你的倚靠不是在你敬畏 神吗? 你的盼望不是在你行事纯正吗?
Hindi ba dapat ang takot mo sa Diyos ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob? Hindi ba ang integridad mo sa iyong mga ginagawa ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa?
7 请你追想:无辜的人有谁灭亡? 正直的人在何处剪除?
Parang awa mo na, isipin mo itong mabuti: may inosente bang naghirap? O kaya may matuwid bang pinalayas?
8 按我所见,耕罪孽、种毒害的人 都照样收割。
Ayon sa aking natunghayan, siyang nagbungkal ng kasalanan, at nagtanim ng kaguluhan, ay umani rin nito.
9 神一出气,他们就灭亡; 神一发怒,他们就消没。
Sila ay mamamatay sa pamamagitan ng hininga ng Diyos; sa pagsabog ng kaniyang galit sila ay matutupok.
10 狮子的吼叫和猛狮的声音尽都止息; 少壮狮子的牙齿也都敲掉。
Ang atungal ng mga leon, ang tinig ng mabangis na leon, maging ang pangil ng mga batang leon—ang lahat ay nabasag.
11 老狮子因绝食而死; 母狮之子也都离散。
Ang matandang leon ay namatay dahil sa kawalan ng mga biktima; ang mga batang leon ng inahin ay nagkalat saan mang lugar.
12 我暗暗地得了默示; 我耳朵也听其细微的声音。
Subalit ngayon, may lihim na dumating sa akin, may bumulong sa aking tainga tungkol dito.
13 在思念夜中、异象之间, 世人沉睡的时候,
Sa mga kahulugan ng mga pangitain sa gabi, habang ang mga tao ay natutulog nang mahimbing.
14 恐惧、战兢临到我身, 使我百骨打战。
Matinding takot ang siyang lumukob sa akin, at sa aking mga buto ay nanginig.
15 有灵从我面前经过, 我身上的毫毛直立。
Pagkatapos isang espiritu ang dumaan sa aking harapan, at ang mga balahibo ko ay nagsipagtayuan.
16 那灵停住, 我却不能辨其形状; 有影像在我眼前。 我在静默中听见有声音说:
Ang espiritu ay tumigil at tumayo, pero di ko maaninag ang kaniyang anyo. Isang anyo ang nasa aking harapan, tahimik ang paligid at may bigla akong narinig,
17 必死的人岂能比 神公义吗? 人岂能比造他的主洁净吗?
“Ang isang mortal na tao ba ay mas matuwid kaysa sa Diyos? Mas dalisay ba ang tao kaysa sa kaniyang Manlilikha?
18 主不信靠他的臣仆, 并且指他的使者为愚昧;
Tingnan mo, kung hindi pinagkakatiwalaan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod, at pinaparatangan ang kaniyang mga anghel nang kahangalan,
19 何况那住在土房、根基在尘土里、 被蠹虫所毁坏的人呢?
ano pa kaya silang mga nakatira sa mga bahay na gawa sa putik, at ang mga pundasyon ay nasa buhangin, na mas marupok sa mga kulisap na madaling durugin?
20 早晚之间,就被毁灭, 永归无有,无人理会。
Sa pagitan ng umaga at gabi sila ay winasak; naglaho na sila magpakailanman nang walang nakakapansin sa kanila.
21 他帐棚的绳索岂不从中抽出来呢? 他死,且是无智慧而死。
Hindi ba nabunot ang tali ng kanilang mga tolda? Namatay sila, namatay sila nang walang karunungan.

< 约伯记 4 >