< 约伯记 39 >

1 山岩间的野山羊几时生产,你知道吗? 母鹿下犊之期,你能察定吗?
Alam mo ba kung anong panahon ipinapanganak ng ligaw na kambing sa mga bato ang kaniyang anak? Kaya mo bang pagmasdan ang mga usa habang ipinapanganak nila ang mga batang usa?
2 它们怀胎的月数,你能数算吗? 它们几时生产,你能晓得吗?
Kaya mo bang bilangin ang mga buwan na sila ay nagbubuntis? Alam mo ba ang panahon na kanilang dinadala ang kanilang mga anak?
3 它们屈身,将子生下, 就除掉疼痛。
Yumuyukod sila at pinapanganak ang kanilang anak, at pagkatapos winawakasan nila ang kanilang mga sakit sa panganganak.
4 这子渐渐肥壮,在荒野长大, 去而不回。
Ang kanilang mga anak ay lumalakas at lumalaki sa mga damuhan; lumalabas sila at hindi na bumabalik muli.
5 谁放野驴出去自由? 谁解开快驴的绳索?
Sino ang nagpalaya sa ligaw na asno? Sino ang nagkalag sa mga gapos ng mabilis na asno,
6 我使旷野作它的住处, 使咸地当它的居所。
na ang tahanan ay ginawa ko sa Araba, ang kaniyang bahay sa asin na lupain?
7 它嗤笑城内的喧嚷, 不听赶牲口的喝声。
Tumatawa siya nang may panghahamak sa mga ingay sa lungsod; hindi niya naririnig ang mga sigaw ng kutsero.
8 遍山是它的草场; 它寻找各样青绿之物。
Gumagala siya sa mga bundok bilang kaniyang pastulan; doon siya humahanap ng mga luntiang halaman para kainin.
9 野牛岂肯服事你? 岂肯住在你的槽旁?
Masaya bang maglilingkod sa iyo ang mabangis na toro? Pahihintulutan niya bang manatili sa iyong sabsaban?
10 你岂能用套绳将野牛笼在犁沟之间? 它岂肯随你耙山谷之地?
Gamit ang lubid, kaya mo bang pasunurin ang mabangis na toro para mag-araro ng mga tudling? Susuyurin niya ba ang mga lambak para sa iyo?
11 岂可因它的力大就倚靠它? 岂可把你的工交给它做吗?
Magtitiwala ka ba sa kaniya dahil kahanga-hanga ang kaniyang lakas? Iiwan mo ba sa kaniya para gawin ang iyong tungkulin?
12 岂可信靠它把你的粮食运到家, 又收聚你禾场上的谷吗?
Aasahan mo ba siyang dadalhin sa bahay ang iyong butil na titipunin para sa iyong giikan?
13 鸵鸟的翅膀欢然搧展, 岂是显慈爱的翎毛和羽毛吗?
Ang mga pakpak ng ostrich ay nagmamalaking pumapagaspas, pero sila ba ang mga pakpak at balahibo ng pag-ibig?
14 因它把蛋留在地上, 在尘土中使得温暖;
Dahil iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupa, at hinahayaan niyang malimliman sila sa alikabok;
15 却想不到被脚踹碎, 或被野兽践踏。
nalilimutan niyang maaari silang madurog ng paa o maapakan ng isang mabangis na hayop.
16 它忍心待雏,似乎不是自己的; 虽然徒受劳苦,也不为雏惧怕;
Magaspang ang kaniyang pakikitungo sa kanila na parang sila ay hindi kaniya; hindi siya natatakot na ang kaniyang hirap ay mawalan ng kabuluhan,
17 因为 神使它没有智慧, 也未将悟性赐给它。
dahil pinagkaitan siya ng Diyos ng karunungan at hindi siya binigyan ng anumang pang-unawa.
18 它几时挺身展开翅膀, 就嗤笑马和骑马的人。
Kapag mabilis siyang tumatakbo, tumatawa siya sa panlilibak sa kabayo at sa sakay nito.
19 马的大力是你所赐的吗? 它颈项上挓挲的鬃是你给它披上的吗?
Binigyan mo ba ng lakas ang kabayo? Dinamitan mo ba ang leeg niya ng kaniyang malambot na buhok?
20 是你叫它跳跃像蝗虫吗? 它喷气之威使人惊惶。
Napatalon mo na ba siya na parang balang? Ang katanyagan ng kaniyang pagsinghal ay nakakatakot.
21 它在谷中刨地,自喜其力; 它出去迎接佩带兵器的人。
Yumayabag siya sa kapangyarihan at nagagalak sa kaniyang kalakasan; tumatakbo siya nang mabilis para salubungin ang mga sandata.
22 它嗤笑可怕的事并不惊惶, 也不因刀剑退回。
Kinukutya niya ang takot at hindi nasisiraan ng loob; hindi siya umaatras sa espada.
23 箭袋和发亮的枪, 并短枪在它身上铮铮有声。
Ang suksukan ng mga palaso ay kumakalampag sa kaniyang tagiliran, kasama ang kumikintab na sibat at dyabelin.
24 它发猛烈的怒气将地吞下; 一听角声就不耐站立。
Nilulunok niya ang lupa nang may bagsik at matinding galit; sa tunog ng trumpeta, hindi siya makatayo sa isang lugar.
25 角每发声,它说呵哈; 它从远处闻着战气, 又听见军长大发雷声和兵丁呐喊。
Tuwing tutunog ang trumpeta, sinasabi niyang, 'Aha!' Naaamoy niya ang labanan sa malayo— ang dumadagundong na mga sigaw ng mga kumander at mga hiyawan.
26 鹰雀飞翔,展开翅膀一直向南, 岂是借你的智慧吗?
Sa pamamagitan ba ng karunungan mo nakakalipad ang lawin, na inuunat niya ang kaniyang mga pakpak papuntang timog?
27 大鹰上腾在高处搭窝, 岂是听你的吩咐吗?
Sa mga utos mo ba umaakyat ang agila at gumagawa ng kaniyang pugad sa matataas na lugar?
28 它住在山岩, 以山峰和坚固之所为家,
Naninirahan siya sa mga bangin at ginagawa ang kaniyang tahanan sa mga tuktok ng mga bangin, isang matibay na tanggulan.
29 从那里窥看食物, 眼睛远远观望。
Mula roon naghahanap siya ng mga biktima; nakikita sila ng kaniyang mga mata mula sa malayo.
30 它的雏也咂血; 被杀的人在哪里,它也在那里。
Ang kaniyang anak ay umiinom din ng dugo; kung nasaan ang mga taong pinatay, naroon siya.”

< 约伯记 39 >