< 耶利米书 27 >
1 犹大王约西亚的儿子约雅敬登基的时候,有这话从耶和华临到耶利米说:
Sa pasimula ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Yahweh.
2 “耶和华对我如此说:你做绳索与轭,加在自己的颈项上,
Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, “Gumawa ka ng mga tanikala at pamatok para sa iyong sarili. Ilagay mo ang mga ito sa iyong leeg.
3 借那些来到耶路撒冷见犹大王西底家的使臣之手,把绳索与轭送到以东王、摩押王、亚扪王、泰尔王、西顿王那里,
At ipadala mo ang mga ito sa hari ng Edom, sa hari ng Moab, sa hari ng mga Amonita, sa hari ng Tiro, at sa hari ng Sidon. Ipadala mo ang mga ito sa pamamagitan ng mga kamay ng mga sugo ng hari na pumunta sa Jerusalem kay Zedekias na hari ng Juda.
4 且嘱咐使臣,传与他们的主人说,万军之耶和华—以色列的 神如此说:
Magbigay ka ng mga utos sa kanila para sa kanilang mga panginoon at sabihin, 'Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ganito ang dapat ninyong sabihin sa inyong mga panginoon,
5 我用大能和伸出来的膀臂,创造大地和地上的人民、牲畜。我看给谁相宜,就把地给谁。
“Ako mismo ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at ng aking nakataas na braso. Ginawa ko rin ang mga tao at mga hayop sa lupa at ibibigay ko ito sa sinumang nararapat sa aking paningin.
6 现在我将这些地都交给我仆人巴比伦王尼布甲尼撒的手,我也将田野的走兽给他使用。
Kaya ngayon, ako mismo ang magbibigay ng lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia, na aking lingkod. Gayundin, ibinibigay ko sa kaniya ang mga bagay na nabubuhay sa mga parang upang maglingkod sa kaniya.
7 列国都必服事他和他的儿孙,直到他本国遭报的日期来到。那时,多国和大君王要使他作他们的奴仆。
Sapagkat maglilingkod sa kaniya ang lahat ng mga bansa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga apo hanggang sa dumating ang panahon na magwakas ang kaniyang lupain. At maraming bansa at mga makapangyarihang hari ang tatalo sa kaniya.
8 “无论哪一邦哪一国,不肯服事这巴比伦王尼布甲尼撒,也不把颈项放在巴比伦王的轭下,我必用刀剑、饥荒、瘟疫刑罚那邦,直到我借巴比伦王的手将他们毁灭。这是耶和华说的。
Kaya ang bansa at kahariang hindi maglilingkod kay Nebucadnezar, na hari ng Babilonia at hindi maglalagay ng kaniyang leeg sa pamatok ng hari ng Babilonia, parurusahan ko ang bansang iyon sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot hanggang sa mawasak ko sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
9 至于你们,不可听从你们的先知和占卜的、圆梦的、观兆的,以及行邪术的;他们告诉你们说:‘你们不致服事巴比伦王。’
At kayo! Itigil na ninyo ang pakikinig sa inyong mga propeta, sa inyong mga manghuhula, sa mga nagpapaliwanag ng inyong mga panaginip at sa mga salamangkero na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia.'
10 他们向你们说假预言,要叫你们迁移,远离本地,以致我将你们赶出去,使你们灭亡。
Sapagkat nagpapahayag sila ng panlilinlang sa inyo upang sa gayon maipatapon kayo sa malayo mula sa inyong mga lupain, sapagkat ipatatapon ko kayo at kayo ay mamamatay.
11 但哪一邦肯把颈项放在巴比伦王的轭下服事他,我必使那邦仍在本地存留,得以耕种居住。这是耶和华说的。”
Ngunit ang bansa na naglalagay ng leeg nito sa pamatok ng hari ng Babilonia at maglilingkod sa kaniya, pahihintulutan kong magpahinga sa lupain nito at ihahanda nila ito at gagawa ng kanilang mga tahanan dito. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'”
12 我就照这一切的话对犹大王西底家说:“要把你们的颈项放在巴比伦王的轭下,服事他和他的百姓,便得存活。
Kaya sinabi ko kay Zedekias na hari ng Juda at ibinigay ko sa kaniya ang mensaheng ito, “Ilagay ninyo sa inyong mga leeg ang pamatok ng hari ng Babilonia at paglingkuran siya at ang kaniyang mga tao at mabubuhay kayo.
13 你和你的百姓为何要因刀剑、饥荒、瘟疫死亡,正如耶和华论到不服事巴比伦王的那国说的话呢?
Bakit kayo mamamatay, kayo at ang inyong mga tao sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot, gaya ng ipinahayag ko tungkol sa bansa na tumanggi na paglingkuran ang hari ng Babilonia?
14 不可听那些先知对你们所说的话;他们说:‘你们不致服事巴比伦王’,其实他们向你们说假预言。
Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propeta na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia,' sapagkat mga kasinungalingan ang ipinapahayag nila sa inyo.
15 耶和华说:‘我并没有打发他们,他们却托我的名说假预言,好使我将你们和向你们说预言的那些先知赶出去,一同灭亡。’”
'Sapagkat hindi ko sila isinugo dahil nagpapahayag sila ng panlilinlang sa aking pangalan upang ipatapon ko kayo at mamamatay, kayo at ang mga propeta na nagpapahayag sa inyo. Ito ang pahayag ni Yahweh.'”
16 我又对祭司和这众民说:“耶和华如此说:你们不可听那先知对你们所说的预言。他们说:‘耶和华殿中的器皿快要从巴比伦带回来’;其实他们向你们说假预言。
Ipinahayag ko ito sa mga pari at sa lahat ng tao at sinabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propetang nagpapahayag sa inyo at sinasabi, 'Tingnan ninyo! Ang mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh ay ibinabalik ngayon mula sa Babilonia!' Nagpapahayag sila ng mga kasinungalingan sa inyo.
17 不可听从他们,只管服事巴比伦王便得存活。这城何致变为荒场呢?
Huwag kayong makinig sa kanila. Dapat ninyong paglingkuran ang hari ng Babilonia at mabuhay. Bakit kailangang maging isang lungsod ng pagkawasak ang lungsod na ito?
18 他们若果是先知,有耶和华的话临到他们,让他们祈求万军之耶和华,使那在耶和华殿中和犹大王宫内,并耶路撒冷剩下的器皿,不被带到巴比伦去。(
Kung mga propeta sila at totoo na dumating ang salita ni Yahweh sa kanila, hayaan mong magmakaawa sila kay Yahweh ng mga hukbo na huwag ipadala sa Babilonia ang mga bagay na nananatili sa kaniyang tahanan, ang tahanan ng hari ng Juda at Jerusalem.
19 因为万军之耶和华论到柱子、铜海、盆座,并剩在这城里的器皿,
Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo ay nagpapahayag tungkol sa mga haligi, sa ipunan ng tubig at sa pundasyon at sa iba pang mga bagay na nananatili sa lungsod na ito,
20 就是巴比伦王尼布甲尼撒掳掠犹大王约雅敬的儿子耶哥尼雅,和犹大、耶路撒冷一切贵胄的时候所没有掠去的器皿。)
ang mga bagay na hindi kinuha ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, nang dinala niya sa pagkabihag si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda mula sa Jerusalem patungo sa Babilonia kasama ang lahat ng mga maharlika ng Juda at Jerusalem.
21 论到那在耶和华殿中和犹大王宫内,并耶路撒冷剩下的器皿,万军之耶和华—以色列的 神如此说:
Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga bagay na nananatili sa tahanan ni Yahweh, ang tahanan ng hari ng Juda at Jerusalem,
22 必被带到巴比伦存在那里,直到我眷顾以色列人的日子。那时,我必将这器皿带回来,交还此地。这是耶和华说的。”
'Dadalhin ang mga ito sa Babilonia at mananatili doon hanggang sa dumating ang araw na aking itinakda para sa mga ito at dadalhin ko ang mga ito at ibabalik sa lugar na ito.'” Ito ang pahayag ni Yahweh.