< 耶利米书 25 >
1 犹大王约西亚的儿子约雅敬第四年,就是巴比伦王尼布甲尼撒的元年,耶和华论犹大众民的话临到耶利米。
Ito ang salitang dumating kay Jeremias tungkol sa lahat ng mga tao ng Juda. Dumating ito sa ikaapat na taon ni Jehoaikim na anak ni Josias, hari ng Juda. Iyon ang unang taon ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia.
2 先知耶利米就将这话对犹大众人和耶路撒冷的一切居民说:
Ipinahayag ito ni Jeremias na propeta sa lahat ng taga-Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem.
3 “从犹大王亚们的儿子约西亚十三年直到今日,这二十三年之内,常有耶和华的话临到我;我也对你们传说,就是从早起来传说,只是你们没有听从。
Sinabi niya, “Sa dalawampu't tatlong taon, mula sa ikalabing-tatlong taon ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda hanggang sa araw na ito, dumating ang mga salita ni Yahweh sa akin. Ipinapahayag ko ang mga ito sa inyo. Masigasig kong ipinapahayag ang mga ito, ngunit hindi kayo nakinig.
4 耶和华也从早起来,差遣他的仆人众先知到你们这里来(只是你们没有听从,也没有侧耳而听),
Isinugo ni Yahweh ang lahat ng kaniyang mga lingkod na mga propeta sa inyo. Masigasig silang humayo, ngunit hindi kayo nakinig o nagbigay-pansin.
5 说:‘你们各人当回头,离开恶道和所作的恶,便可居住耶和华古时所赐给你们和你们列祖之地,直到永远。
Sinabi ng mga propetang ito, 'Hayaan ninyong tumalikod ang bawat tao mula sa kaniyang masasamang gawa at ang katiwalian na kanilang mga kinagawian at bumalik sa lupain na ibinigay ni Yahweh noong unang panahon sa inyong mga ninuno at sa inyo, bilang isang permanenteng kaloob.
6 不可随从别神事奉敬拜,以你们手所做的惹我发怒;这样,我就不加害与你们。
Kaya huwag kayong lumakad sa ibang diyos upang sambahin sila o yumukod sa kanila, at huwag ninyo silang udyukan sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang gawan nila kayo ng ikakasakit ninyo.'
7 然而你们没有听从我,竟以手所做的惹我发怒,陷害自己。这是耶和华说的。’”
Ngunit hindi kayo nakinig sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—kaya inudyukan ninyo ako sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang saktan ko kayo.
8 所以万军之耶和华如此说:“因为你们没有听从我的话,
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo, 'Dahil hindi kayo nakinig sa aking mga salita,
9 我必召北方的众族和我仆人巴比伦王尼布甲尼撒来攻击这地和这地的居民,并四围一切的国民。我要将他们尽行灭绝,以致他们令人惊骇、嗤笑,并且永久荒凉。这是耶和华说的。
tingnan ninyo, magpapadala ako ng isang utos na tipunin ang lahat ng mga tao sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh—kasama ni Nebucadnezar na aking lingkod, ang hari ng Babilonia, at dalhin sila laban sa lupaing ito at ang bawat naninirahan dito, at laban sa lahat ng mga bansa na nakapalibot sa inyo. Sapagkat inihiwalay ko sila para sa pagkasira. Gagawin ko silang isang katatakutan, sila ang paksa ng mga panunutsot, at walang hanggang pagkawasak.
10 我又要使欢喜和快乐的声音,新郎和新妇的声音,推磨的声音和灯的亮光,从他们中间止息。
Ang mga tunog ng kagalakan at pagdiriwang—ang mga tinig ng ikakasal na lalake at babae, ang tunog ng mga batong gilingan at ang liwanag ng mga ilawan—pahihintulutan kong mawala ang lahat ng mga bagay na ito mula sa mga bansang ito.
11 这全地必然荒凉,令人惊骇。这些国民要服事巴比伦王七十年。
Pagkatapos mawawasak ang lahat ng lupaing ito at magiging isang katatakutan, at maglilingkod sa hari ng Babilonia ang mga bansang ito ng pitumpung taon.
12 七十年满了以后,我必刑罚巴比伦王和那国民,并迦勒底人之地,因他们的罪孽使那地永远荒凉。这是耶和华说的。
At mangyayari ang mga ito kapag nabuo na ang pitumpung taon, na aking parurusahan ang hari ng Babilonia at ang bansang iyon, ang lupain ng mga Caldeo— Ito ang pahayag ni Yahweh—dahil sa kanilang mga kasalanan at gagawin ito ng walang katapusang pagkawasak.
13 我也必使我向那地所说的话,就是记在这书上的话,是耶利米向这些国民说的预言,都临到那地。
Pagkatapos dadalhin ko laban sa lupaing iyon ang lahat ng mga salita na aking sinabi, at lahat ng mga bagay na isinulat sa aklat na ito na inihula ni Jeremias laban sa lahat ng mga bansa.
14 因为有多国和大君王必使迦勒底人作奴仆;我也必照他们的行为,按他们手所做的报应他们。”
Sapagkat marami rin sa ibang bansa at mga dakilang hari ang gagawing mga alipin mula sa mga bansang ito. Pagbabayarin ko sila sa kanilang mga gawa at sa mga ginawa ng kanilang mga kamay.”
15 耶和华—以色列的 神对我如此说:“你从我手中接这杯忿怒的酒,使我所差遣你去的各国的民喝。
Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Kunin mo ang saro ng alak ng matinding galit sa aking mga kamay at painumin mo ang lahat ng mga bansa kung saan kita isusugo.
16 他们喝了就要东倒西歪,并要发狂,因我使刀剑临到他们中间。”
Sapagkat iinom sila at pagkatapos madarapa at tatakbo ng may kabaliwan bago ang espada na aking isusugo sa kanila.”
17 我就从耶和华的手中接了这杯,给耶和华所差遣我去的各国的民喝,
Kaya kinuha ko ang saro mula sa kamay ni Yahweh, at pinainom ko ang lahat ng mga bansa kung saan ako isinugo ni Yaweh—
18 就是耶路撒冷和犹大的城邑,并耶路撒冷的君王与首领,使这城邑荒凉,令人惊骇、嗤笑、咒诅,正如今日一样。
Jerusalem, ang mga lungsod ng Juda at ang kaniyang mga hari at mga opisyal—na gawin silang pagkawasak at isang bagay na nakakatakot, at isang paksa para sa panunutsut at pagsusumpa, nanatili silang gayon hanggang ngayon.
19 又有埃及王法老和他的臣仆、首领,以及他的众民,
Kinakailangang inumin din ito ng ibang bansa: Si Faraon na hari ng Egipto at ang kaniyang mga alipin; ang kaniyang mga opisyal at ang lahat ng kaniyang mga tao;
20 并杂族的人民和乌斯地的诸王,与非利士地的诸王(亚实基伦、迦萨、以革伦,以及亚实突剩下的人);
ang lahat ng mga tao na may ibat-ibang lahi at lahat ng mga hari sa lupain ng Uz; ang lahat ng mga hari sa lupain ng Filisteo—Ascalon, Gaza, Ekron, at ang mga natira sa Asdod;
Edom at Moab at lahat ng mga tao sa Ammon;
ang mga hari ng Tiro at Sidon; ang mga hari sa mga baybayin sa kabilang bahagi ng dagat;
Dedan, Tema, at Buz kasama ang lahat ng mga nagputol ng buhok sa mga gilid ng kanilang mga ulo.
Kinakailangang inumin din ito ng mga taong ito: ang lahat ng mga hari sa Arabia at sa lahat ng mga hari ng mga tao na may ibat-ibang mga lahi na naninirahan sa ilang;
lahat ng mga hari ng Zimri, lahat ng mga hari ng Elam, at lahat ng mga hari ng Media;
26 北方远近的诸王,以及天下地上的万国喝了,以后示沙克王也要喝。
lahat ng mga hari sa hilaga, lahat ng malalapit at mga malalayo—bawat isang kasama ng kaniyang kapatid at lahat ng mga kaharian ng mundo na nasa ibabaw ng lupa. Sa wakas, ang hari ng Babilonia ay iinom pagkatapos ng lahat.
27 “你要对他们说:‘万军之耶和华—以色列的 神如此说:你们要喝,且要喝醉,要呕吐,且要跌倒,不得再起来,都因我使刀剑临到你们中间。’
Sinabi ni Yahweh sa akin, “Ngayon kinakailangan mong sabihin sa kanila, 'Si Yahweh na pinuno ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, sinasabi niya ito: Uminom kayo at malasing, pagkatapos ay sumuka, bumagsak, at huwag babangon bago ang espada na ipadadala ko sa inyo.'
28 “他们若不肯从你手接这杯喝,你就要对他们说:‘万军之耶和华如此说:你们一定要喝!
At mangyayari ito kung tatanggi silang kunin ang saro mula sa iyong mga kamay upang inumin, sasabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo: Kinakailangan ninyo itong inumin.
29 我既从称为我名下的城起首施行灾祸,你们能尽免刑罚吗?你们必不能免,因为我要命刀剑临到地上一切的居民。这是万军之耶和华说的。’
Sapagkat tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lungsod na tatawag sa aking pangalan, at dapat ba na hindi kayo kasama sa kaparusahan? Hindi kayo magiging malaya, sapagkat tatawag ako ng isang espada laban sa lahat ng naninirahan sa lupain! —Ito ang pahayag ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo.'
30 “所以你要向他们预言这一切的话,攻击他们,说: 耶和华必从高天吼叫, 从圣所发声, 向自己的羊群大声吼叫; 他要向地上一切的居民呐喊, 像踹葡萄的一样。
Kaya ikaw mismo, Jeremias, ay dapat magpropesiya sa kanila ng mga salitang ito. Kinakailangan mong sabihin sa kanila, 'Dumagundong ang tinig ni Yahweh mula sa itaas at inilalakas niya ang kaniyang tinig mula sa nilaan niyang lugar na pinananahanan. Dumagundong siya mula sa lugar na kaniyang pinananahanan; sumisigaw siya laban sa lahat ng naninirahan sa lupain, gaya ng mga taong umaawit kapag sila ay magsisiyapak sa mga ubas.
31 必有响声达到地极, 因为耶和华与列国相争; 凡有血气的,他必审问; 至于恶人,他必交给刀剑。 这是耶和华说的。
Isang ingay ang dumating sa dulo ng lupain, sapagkat ang isang hindi pagkakasundo kay Yahweh ay magdadala ng isang pagsasakdal laban sa mga bansa. Mangangasiwa siya ng katarungan sa lahat ng laman. Ipapasakamay niya ang mga masasama sa espada—Ito ang pahayag ni Yahweh.'
32 万军之耶和华如此说: 看哪,必有灾祸从这国发到那国, 并有大暴风从地极刮起。
Ito ang sinabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo, 'Tingnan ninyo, lalabas ang sakuna mula sa bansa patungo sa bansa, at isang napakalakas na bagyo ang pasimula mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo.
33 “到那日,从地这边直到地那边都有耶和华所杀戮的。必无人哀哭,不得收殓,不得葬埋,必在地上成为粪土。
Pagkatapos, silang mga napatay ni Yahweh ng araw na iyon ay madaragdagan mula sa dulo ng mundo hanggang sa kabilang dulo; hindi sila pagluluksaan, titipunin, o ililibing. Magiging tulad sila ng mga dumi sa lupa.
34 牧人哪,你们当哀号,呼喊; 群众的头目啊,你们要滚在灰中; 因为你们被杀戮分散的日子足足来到。 你们要跌碎,好像美器打碎一样。
Tumangis kayo, mga pastol, at sumigaw para humingi ng tulong! Gumulong sa lupa, kayo na mga kamahalan sa mga kawan. Sapagkat ang inyong mga araw ay kakatayin at ang paghihiwalay ay darating. Babagsak kayong gaya ng mga piniling tupang lalaki.
Ang kanlungan ng mga pastol ay nawala. Walang makakatakas para sa kamahalan sa mga kawan.
36 听啊,有牧人呼喊, 有群众头目哀号的声音, 因为耶和华使他们的草场变为荒场。
May pagkabalisang mga panaghoy ng mga pastol at ang pagtangis ng kamahalan sa kawan, sapagkat wawasakin ni Yahweh ang kanilang mga pastulan.
37 耶和华发出猛烈的怒气, 平安的羊圈就都寂静无声。
Kaya ang mapayapang pastulan ay mawawasak sapagkat labis ang galit ni Yahweh.
38 他离了隐密处像狮子一样, 他们的地,因刀剑凶猛的欺压, 又因他猛烈的怒气都成为可惊骇的。”
Tulad ng isang batang leon, na iniwan niya ang kaniyang yungib, dahil ang kanilang mga lupain ay magiging isang katatakutan dahil sa kaniyang mapang-aping galit, dahil sa kaniyang matinding galit.”