< 耶利米书 22 >

1 耶和华如此说:“你下到犹大王的宫中,在那里说这话,
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Bumaba ka sa tahanan ng hari ng Juda at ipahayag mo ang salitang ito doon.
2 说:‘坐大卫宝座的犹大王啊,你和你的臣仆,并进入城门的百姓,都当听耶和华的话。
Sabihin mo, 'Hari ng Juda, ikaw na nakaupo sa trono ni David, makinig ka sa salita ni Yahweh. At makinig, kayo na mga lingkod niya, at kayo na kaniyang mamamayan na pumasok dito sa mga tarangkahan.
3 耶和华如此说:你们要施行公平和公义,拯救被抢夺的脱离欺压人的手,不可亏负寄居的和孤儿寡妇,不可以强暴待他们,在这地方也不可流无辜人的血。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Maging makatarungan at makatuwiran, at sinuman ang ninakawan—iligtas siya sa kamay ng mang-aapi sa kaniya. Huwag apihin ang mga dayuhan sa inyong bayan, o anumang ulila o balo. Huwag gagawa ng karahasan o magbubuhos ng dugo ng walang kasalanan sa lugar na ito.
4 你们若认真行这事,就必有坐大卫宝座的君王和他的臣仆百姓,或坐车或骑马,从这城的各门进入。
Sapagkat kung talagang gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ang mga haring umupo sa trono ni David ay papasok sa mga tarangkahan ng tahanan niya na nakasakay ng karwahe at mga kabayo. Siya, ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga tao!
5 你们若不听这些话,耶和华说:我指着自己起誓,这城必变为荒场。’
Ngunit kung hindi kayo makikinig sa mga salitang ito mula sa akin na inihayag ko—ito ang pahayag ni Yahweh—kung gayon ang maharlikang palasyong ito ay masisira.'”
6 耶和华论到犹大王的家如此说: 我看你如基列, 如黎巴嫩顶; 然而,我必使你变为旷野, 为无人居住的城邑。
Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa palasyo ng hari ng Juda, 'Para sa akin, ikaw ay gaya ng Gilead, o gaya ng tuktok ng bundok ng Lebanon. Ngunit gagawin kitang isang ilang, mga lungsod na walang mga naninirahan.
7 我要预备行毁灭的人, 各拿器械攻击你; 他们要砍下你佳美的香柏树, 扔在火中。
Dahil may itinalaga akong mga tagapagwasak upang pumunta laban sa inyo! Mga kalalakihan na may dalang sandata at puputulin ang inyong mga piling puno ng sedar at ilalaglag ang mga ito sa apoy.
8 “许多国的民要经过这城,各人对邻舍说:‘耶和华为何向这大城如此行呢?’
Pagkatapos maraming bansa ang dadaan sa lungsod na ito. Bawat taong daraan ay sasabihin sa kaniyang kasunod, “Bakit kaya nagawa ni Yahweh ang ganito sa dakilang lungsod na ito?”
9 他们必回答说:‘是因离弃了耶和华—他们 神的约,事奉敬拜别神。’”
At sumagot ang isa, “Dahil pinabayaan nila ang kasunduan nila kay Yahweh na kanilang Diyos at yumukod sa ibang mga diyos at sumamba sa kanila.”
10 不要为死人哭号; 不要为他悲伤, 却要为离家出外的人大大哭号; 因为他不得再回来, 也不得再见他的本国。
Huwag iyakan ang namatay. Huwag siyang ipagluksa. Ngunit tiyak na tatangisan ninyo ang sinuman na bibihagin, dahil hindi na siya kailanman makakabalik upang makitang muli ang lupain kung saan siya ipinanganak.'
11 因为耶和华论到从这地方出去的犹大王约西亚的儿子沙龙,就是接续他父亲约西亚作王的,这样说:“他必不得再回到这里来,
Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoahaz na anak ni Josias na hari ng Juda, na naglingkod bilang hari sa halip na si Josias na kaniyang ama, 'Umalis siya mula sa lugar na ito at hindi na babalik.
12 却要死在被掳去的地方,必不得再见这地。”
Doon siya mamamatay sa lugar kung saan nila siya binihag, at hindi niya kailanman makikitang muli ang lupain na ito.'
13 那行不义盖房、行不公造楼、 白白使用人的手工不给工价的有祸了!
Aba sa sinuman na magpapatayo ng kaniyang tahanan sa paraan na hindi makatuwiran at ang kaniyang mga silid sa itaas na hindi makatarungan; sapagkat pinagawa niya sa ibang manggagawa, ngunit hindi niya sila binayaran.
14 他说:我要为自己盖广大的房、宽敞的楼, 为自己开窗户。 这楼房的护墙板是香柏木的, 楼房是丹色油漆的。
Aba sa sinuman na magsasabi, 'Magpapatayo ako ng sarili kong tahanan na napakataas at maluluwang na mga silid sa itaas, at malalaki ang pinagawang mga bintana para sa kaniyang sarili at mga dingding na may sedar, at pininturahan lahat ito ng pula.'
15 难道你作王是在乎造香柏木楼房争胜吗? 你的父亲岂不是也吃也喝、 也施行公平和公义吗? 那时他得了福乐。
Ito ba ang magpapakita na ikaw ay mabuting hari, kaya gusto mong magkaroon ng sedar na mga dingding? Hindi ba kumain at uminom din ang iyong ama, ngunit gumawa siya ng makatarungan at makatuwiran? Kaya mabuti ang mga bagay na nangyari sa kaniya.
16 他为困苦和穷乏人伸冤, 那时就得了福乐。 认识我不在乎此吗? 这是耶和华说的。
Ang paghuhukom niya ay panig sa mga mahihirap at mga nangangailangan. At maayos ang lahat noon. Hindi ba ito ang kahulugan ng pagkilala sa akin? —Ito ang pinahayag ni Yahweh.
17 惟有你的眼和你的心专顾贪婪, 流无辜人的血, 行欺压和强暴。
Ngunit walang laman ang inyong mga mata at puso maliban ang pag-aalala sa hindi makatarungan na kikitain ninyo at pagbuhos sa mga dugo ng walang kasalanan, at sa paggawa ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mga iba.
18 所以,耶和华论到犹大王约西亚的儿子约雅敬如此说: 人必不为他举哀说: 哀哉!我的哥哥; 或说:哀哉!我的姐姐; 也不为他举哀说: 哀哉!我的主; 或说:哀哉!我主的荣华。
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda: Hindi nila siya tatangisan ng 'Aba, ang aking kapatid na lalaki!' o 'Aba, ang aking kapatid na babae!' At hindi sila tatangis ng “Aba, panginoon!' o 'Aba, kamahalan!'
19 他被埋葬,好像埋驴一样, 要拉出去扔在耶路撒冷的城门之外。
Maililibing siya tulad ng paglibing ng isang patay na asno, kakaladkarin palayo at ihahagis sa kabila ng mga tarangkahan ng Jerusalem.
20 你要上黎巴嫩哀号, 在巴珊扬声, 从亚巴琳哀号, 因为你所亲爱的都毁灭了。
Umakyat ka sa mga bundok ng Lebanon at sumigaw. Lakasan mong sumigaw sa Bashan. Sumigaw mula sa mga bundok ng Abarim, dahil lilipulin ang lahat ng iyong mga kaibigan.
21 你兴盛的时候,我对你说话; 你却说:我不听。 你自幼年以来总是这样, 不听从我的话。
Kinausap kita noong panahon na ikaw ay ligtas, ngunit ang sinabi mo, 'Hindi ako makikinig.' Ito ang dati mong kaugalian mula pa ng kabataan mo, dahil hindi ka nakinig sa aking tinig.
22 你的牧人要被风吞吃, 你所亲爱的必被掳去; 那时你必因你一切的恶抱愧蒙羞。
Ang hangin ang siyang aakay palayo sa lahat ng iyong mga pastol, at ang mga kaibigan mo ay mapupunta sa pagkabihag. Pagkatapos ay tiyak na mapapahiya at hahamakin ka dahil sa mga masasama ninyong gawa.
23 你这住黎巴嫩、在香柏树上搭窝的, 有痛苦临到你, 好像疼痛临到产难的妇人, 那时你何等可怜!
Ikaw na hari, kayo na nakatira sa Tahanan sa Kagubatan ng Lebanon, kayo na nagpupugad sa mga sedar, paano ninyo matitiis kapag darating sa inyo ang pagpapahirap na gaya ng sakit ng panganganak.”
24 耶和华说:“犹大王约雅敬的儿子哥尼雅,虽是我右手上带印的戒指,我凭我的永生起誓,也必将你从其上摘下来,
Dahil buhay ako—ito ang pahayag ni Yahweh— kahit na ikaw, Jehoiakin na anak ni Jehoiakim, hari ng Juda, ay ang singsing na pantatak na nasa aking kanang kamay, sisirain kita.
25 并且我必将你交给寻索你命的人和你所惧怕的人手中,就是巴比伦王尼布甲尼撒和迦勒底人的手中。
Dahil ibinigay na kita sa mga kamay ng mga naghahangad sa buhay mo at sa mga dati mong kinatatakutan, ang kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at ang mga Caldeo.
26 我也必将你和生你的母亲赶到别国,并不是你们生的地方;你们必死在那里,
Itatapon kita at ang iyong ina na nagsilang sa iyo, sa ibang lupain na hindi ka doon ipinanganak. Doon ka mamamatay.
27 但心中甚想归回之地,必不得归回。”
At tungkol sa bansang ito kung saan nila gustong bumalik, hindi na sila makababalik dito.
28 哥尼雅这人是被轻看、破坏的器皿吗? 是无人喜爱的器皿吗? 他和他的后裔为何被赶到不认识之地呢?
Ito ba ay hamak at basag na sisidlan? Ito bang lalaking si Jehoiakin ay isang palayok na walang magkakagusto? Bakit kailangan siyang itapon palabas at ang kaniyang mga kaapu-apuhan, at ibuhos sila sa lupaing hindi nila alam?
29 地啊,地啊,地啊,当听耶和华的话!
O Lupa, Lupa, Lupa! Pakinggan mo ang salita ni Yahweh!
30 耶和华如此说: 要写明这人算为无子, 是平生不得亨通的; 因为他后裔中再无一人得亨通, 能坐在大卫的宝座上治理犹大。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Isulat ang tungkol sa lalaking ito na si Jehoiakin: Siya ay mawawalan ng anak. Hindi siya naging masagana sa kaniyang panahon, at wala sa kaniyang mga angkan ang magtatagumpay o kailanman ay hindi makauupo sa trono ni David at maghari sa buong Juda.”'

< 耶利米书 22 >