< 以赛亚书 9 >
1 但那受过痛苦的必不再见幽暗。 从前 神使西布伦地和拿弗他利地被藐视,末后却使这沿海的路,约旦河外,外邦人的加利利地得着荣耀。
Mapapawi ang lungkot ng siyang nasa pagdadalamhati. Sa nakaraang panahon, pinahiya niya ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali, pero sa darating na panahon ay gagawin niya itong maluwalhati, ang landas tungo sa dagat, ang malayong dako mula sa Jordan, ang Galilea ng mga bansa.
2 在黑暗中行走的百姓看见了大光; 住在死荫之地的人有光照耀他们。
Ang mga taong naglalakad sa dilim ay nakakita ng isang dakilang liwanag; silang mga naninirahan sa lambak ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.
3 你使这国民繁多, 加增他们的喜乐; 他们在你面前欢喜, 好像收割的欢喜, 像人分掳物那样的快乐。
Pinarami mo ang bansa, dinagdagan mo ang kanilang kagalakan; nagagalak sila sa iyo gaya nang sa anihan, gaya ng mga kalalakihan kapag pinaghahatian na nila ang nasamsam sa labanan.
4 因为他们所负的重轭 和肩头上的杖, 并欺压他们人的棍, 你都已经折断, 好像在米甸的日子一样。
Dahil ang pasan niyang pamatok, ang kahoy sa kaniyang balikat, ang pamalo ng kaniyang mang-aapi, ay iyong sinira na gaya noong araw sa Midian.
5 战士在乱杀之间所穿戴的盔甲, 并那滚在血中的衣服, 都必作为可烧的, 当作火柴。
Sapagkat ang mga bota ay lumalakad sa kaguluhan, ang damit na nababad sa dugo ay susunugin, bilang pandingas sa apoy.
6 因有一婴孩为我们而生; 有一子赐给我们。 政权必担在他的肩头上; 他名称为“奇妙策士、全能的 神、永在的父、和平的君”。
Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
7 他的政权与平安必加增无穷。 他必在大卫的宝座上治理他的国, 以公平公义使国坚定稳固, 从今直到永远。 万军之耶和华的热心必成就这事。
Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Nagpadala ng mensahe ang Panginoon laban kay Jacob, at ito ay naipataw sa Israel.
9 这众百姓,就是以法莲 和撒马利亚的居民,都要知道; 他们凭骄傲自大的心说:
Malalaman ng lahat, maging ng Efraim at ng mga taga-Samaria, na nagmamayabang at nagmamataas sa puso nang sinabi nila,
10 砖墙塌了,我们却要凿石头建筑; 桑树砍了,我们却要换香柏树。
“Nagiba ang mga laryo, pero bubuuin namin muli sa pamamagitan ng inukit na bato; naputol ang mga sikamore, pero magtatanim kami ng mga sedar pamalit sa kanila.”
11 因此,耶和华要高举利汛的敌人 来攻击以色列, 并要激动以色列的仇敌。
Kaya lalabanan siya ni Yahweh, si Rezin, ang kaniyang kalaban, at hihimukin ang kaniyang mga kalabang
12 东有亚兰人,西有非利士人; 他们张口要吞吃以色列。 虽然如此,耶和华的怒气还未转消; 他的手仍伸不缩。
mga Arameo sa silangan, at ang mga Filisteo sa kanluran. Lalapain nila ang Israel nang may nakabukang bibig. Dahil sa kanyang galit hindi hihinto si Yahweh, at nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
13 这百姓还没有归向击打他们的主, 也没有寻求万军之耶和华。
Pero hindi babalik ang mga tao sa humampas sa kanila, ni hahanapin si Yahweh ng mga hukbo.
14 因此,耶和华一日之间 必从以色列中剪除头与尾, 棕枝与芦苇—
Kaya puputulin ni Yahweh mula sa Israel ang ulo at ang buntot, ang sanga ng palma at tangkay, sa loob lang ng isang araw.
15 长老和尊贵人就是头, 以谎言教人的先知就是尾。
Ang mga pinuno at ang mga mayayaman ay ang ulo; at ang propetang nagtuturo ng kasinungalingan ay ang buntot.
16 因为,引导这百姓的使他们走错了路; 被引导的都必败亡。
Inililigaw sila ng mga taong nangunguna sa kanila, at ang mga sumunod ay nilamon.
17 所以,主必不喜悦他们的少年人, 也不怜恤他们的孤儿寡妇; 因为,各人是亵渎的,是行恶的, 并且各人的口都说愚妄的话。 虽然如此,耶和华的怒气还未转消; 他的手仍伸不缩。
Kaya hindi magsasaya ang Diyos sa kanilang mga kabataang lalaki, o kaya magkakaroon ng awa sa mga naulila sa ama at mga balo, dahil ang karamihan ay walang Diyos at masasama, at ang bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan. Dahil sa lahat ng mga ito, ang kaniyang galit ay hindi huhupa, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.
18 邪恶像火焚烧, 烧灭荆棘和蒺藜, 在稠密的树林中着起来, 就成为烟柱,旋转上腾。
Ang kasamaan ay tumutupok na parang apoy, inuubos nito ang mga damo at mga tinik; at sinusunog pa nito maging ang kasukalan ng kagubatan, na umaangat ang usok na parang haligi.
19 因万军之耶和华的烈怒,地都烧遍; 百姓成为火柴; 无人怜爱弟兄。
Sa pamamagitan ng nag-uumapaw na galit ni Yahweh ng mga hukbo ang lupain ay nasunog at ang mga tao ay tulad ng langis para sa apoy. Walang patatakasin sa kaniyang mga kapatid.
20 有人右边抢夺,仍受饥饿, 左边吞吃,仍不饱足; 各人吃自己膀臂上的肉。
Hihiwa sila ng laman sa kanilang kanang kamay pero magugutom pa rin sila; kakainin nila ang laman ng kanilang kaliwang kamay pero hindi sila mabubusog.
21 玛拿西吞吃以法莲; 以法莲吞吃玛拿西, 又一同攻击犹大。 虽然如此,耶和华的怒气还未转消; 他的手仍伸不缩。
Ang bawat isa ay kakainin ang kanilang sariling kamay. Lalapain ng Manases ang Efraim, at ang Efraim ang Manases at ang dalawa ay lulusob sa Juda. Sa lahat ng mga ito ang galit ni Yahweh ay hindi huhupa, pero nakataas pa rin ang kaniyang kamay para humampas.