< 以赛亚书 51 >

1 你们这追求公义、 寻求耶和华的,当听我言! 你们要追想被凿而出的磐石, 被挖而出的岩穴。
Makinig kayo sa akin, kayong mga naghahabol ng katuwiran, kayong naghahanap kay Yahweh: tingnan ninyo ang bato kung saan kayo tinapyas at sa tibagan ng bato kung saan kayo tinibag.
2 要追想你们的祖宗亚伯拉罕 和生养你们的撒拉; 因为亚伯拉罕独自一人的时候, 我选召他,赐福与他, 使他人数增多。
Tingnan ninyo si Abraham, ang inyong ama, at si Sara, na nagpanganak sa inyo; dahil nang siya ay mag-isa, tinawag ko siya. Pinagpala ko siya at pinarami.
3 耶和华已经安慰锡安 和锡安一切的荒场, 使旷野像伊甸, 使沙漠像耶和华的园囿; 在其中必有欢喜、快乐、感谢, 和歌唱的声音。
Oo, aaliwin ni Yahweh ang Sion; aaliwin niya ang kaniyang mga napabayaang lugar; ang kaniyang ilang ay ginawa niyang parang Eden, at ang kaniyang mga disyerto sa tabi ng lambak ng Ilog Jordan na parang hardin ni Yahweh; kagalakan at kaligayahan ay matatagpuan sa kaniya, pasasalamat, at ang tunog ng pag-awit.
4 我的百姓啊,要向我留心; 我的国民哪,要向我侧耳; 因为训诲必从我而出; 我必坚定我的公理为万民之光。
Pansinin ninyo ako, aking bayan; at makinig kayo sa akin, aking bayan! Dahil maglalabas ako ng kautusan, at gagawin kong ilaw ang aking katarungan para sa mga bansa.
5 我的公义临近; 我的救恩发出。 我的膀臂要审判万民; 海岛都要等候我,倚赖我的膀臂。
Ang aking katuwiran ay malapit na; lalabas ang aking kaligtasan, at hahatulan ng aking bisig ang mga bansa; hihintayin ako ng mga baybayin; sabik nilang hihintayin ang aking bisig.
6 你们要向天举目, 观看下地; 因为天必像烟云消散, 地必如衣服渐渐旧了; 其上的居民也要如此死亡。 惟有我的救恩永远长存; 我的公义也不废掉。
Itaas ninyo ang inyong mga mata sa himpapawid, at tingnan ninyo ang lupa sa ibaba, dahil maglalaho ang kalangitan tulad ng usok, masisira ang mundo tulad ng damit, at mamamatay ang mga naninirahan dito na parang mga langaw. Pero ang aking kaligtasan ay magpapatuloy magpakailanman, at ang aking katuwiran ay hindi titigil na kumilos.
7 知道公义、将我训诲存在心中的民, 要听我言! 不要怕人的辱骂, 也不要因人的毁谤惊惶。
Makinig kayo sa akin, kayong nakakaalam ng tama, kayong mga taong may batas ko sa inyong puso: Huwag ninyong katakutan ang mga insulto ng mga tao, maging ang mapanghinaan ng loob dahil sa kanilang abuso.
8 因为蛀虫必咬他们,好像咬衣服; 虫子必咬他们,如同咬羊绒。 惟有我的公义永远长存, 我的救恩直到万代。
Dahil kakainin sila ng gamu-gamo tulad ng damit, at kakainin sila ng bulate tulad ng lana; pero ang aking katuwiran ay magpakailanman, at ang aking kaligtasan sa lahat ng salinlahi.”
9 耶和华的膀臂啊,兴起!兴起! 以能力为衣穿上, 像古时的年日、上古的世代兴起一样。 从前砍碎拉哈伯、 刺透大鱼的,不是你吗?
Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
10 使海与深渊的水干涸、 使海的深处变为赎民经过之路的, 不是你吗?
Hindi ba ikaw ang nagpatuyo ng dagat, ang tubig ng kailaliman, at ginawang daanan ang kailaliman ng dagat para makadaan ang mga iniligtas?
11 耶和华救赎的民必归回, 歌唱来到锡安; 永乐必归到他们的头上。 他们必得着欢喜快乐; 忧愁叹息尽都逃避。
Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.
12 惟有我,是安慰你们的。 你是谁,竟怕那必死的人? 怕那要变如草的世人?
“Ako, Ako, ang siyang umaaliw sa inyo. Bakit kayo natatakot sa mga tao, na mamamatay, ang mga anak ng tao, na ginawa tulad ng damo?
13 却忘记铺张诸天、立定地基、 创造你的耶和华? 又因欺压者图谋毁灭要发的暴怒, 整天害怕, 其实那欺压者的暴怒在哪里呢?
Bakit ninyo nakalimutan si Yahweh na inyong Manlilikha, na umunat ng kalangitan at naglatag ng mga pundasyon ng mundo? Kayo ay nasa patuloy na pangamba araw-araw dahil sa nag-aalab na galit ng mang-aapi kapag nagpasya siyang magwasak. Nasaan ang galit ng mang-aapi?
14 被掳去的快得释放, 必不死而下坑; 他的食物也不致缺乏。
Ang isang nakayuko, magmamadali si Yahweh na pakawalan; hindi siya mamamatay at pupunta sa hukay, maging ang mawalan ng tinapay.
15 我是耶和华—你的 神— 搅动大海,使海中的波浪匉訇— 万军之耶和华是我的名。
Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos, na ginagambala ang dagat, para dumagundong ang mga alon—Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
16 我将我的话传给你, 用我的手影遮蔽你, 为要栽定诸天,立定地基, 又对锡安说:你是我的百姓。
Nilagay ko ang aking mga salita sa inyong bibig, at tinakpan ko kayo ng anino ng aking kamay, para matanim ko ang kalangitan, mailatag ang mga pundasyon ng mundo, at sabihin sa Sion, 'Kayo ang aking bayan.'”
17 耶路撒冷啊,兴起! 兴起!站起来! 你从耶和华手中喝了他忿怒之杯, 喝了那使人东倒西歪的爵,以致喝尽。
Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, Jerusalem, ikaw na ininom ang mangkok ng galit ni Yahweh mula sa kaniyang kamay; ikaw na ininom ang mangkok, ang mangkok ng pagsuray, at inubos mo ito.
18 她所生育的诸子中,没有一个引导她的; 她所养大的诸子中,没有一个搀扶她的。
Wala sa lahat ng mga anak niya ang gagabay sa kaniya; wala sa lahat ng mga anak niyang pinalaki ang kukuha sa kaniyang kamay.
19 荒凉、毁灭、饥荒、刀兵, 这几样临到你, 谁为你举哀? 我如何能安慰你呢?
Nangyari sa iyo ang dalawang kaguluhan na ito—sino ang makikidalamhati sa iyo? —pangungulila at pagkawasak, at ang taggutom at ang espada. Sino ang aaliw sa iyo?
20 你的众子发昏, 在各市口上躺卧, 好像黄羊在网罗之中, 都满了耶和华的忿怒 —你 神的斥责。
Nahimatay ang mga anak mo; nakahiga sila sa bawat sulok ng lansangan, tulad ng antilope sa lambat; puno sila ng galit ni Yahweh, ang pagsaway ng iyong Diyos.
21 因此,你这困苦却非因酒而醉的, 要听我言。
Pero ngayon pakinggan mo ito, ikaw na inapi at lasing, pero hindi lasing sa alak:
22 你的主耶和华— 就是为他百姓辨屈的 神如此说: 看哪,我已将那使人东倒西歪的杯, 就是我忿怒的爵, 从你手中接过来; 你必不致再喝。
Ang iyong Panginoong si Yahweh, na iyong Diyos, na nakikiusap para sa kapakanan ng kaniyang bayan, ay sinasabi ito, “Tingnan mo, kinuha ko ang kopa ng pagsuray mula sa iyong kamay—ang kopa ng tasa ng aking galit—para hindi mo na ito iinumin muli.
23 我必将这杯递在苦待你的人手中; 他们曾对你说:你屈身, 由我们践踏过去吧! 你便以背为地, 好像街市,任人经过。
Ilalagay ko ito sa kamay ng mga nagpapahirap sa iyo, silang sinabi sa iyo, 'Mahiga ka, para malakaran ka namin'; ginawa mong tulad ng lupa ang likod mo at tulad ng lansangan para malakaran nila.”

< 以赛亚书 51 >