< 以赛亚书 30 >
1 耶和华说: 祸哉!这悖逆的儿女。 他们同谋,却不由于我, 结盟,却不由于我的灵, 以致罪上加罪;
“Kaawa-awa ang mga suwail na anak,” ito ang pahayag ni Yahweh. “Gumagawa sila ng mga plano, pero hindi mula sa akin; gumagawa sila ng mga alyansa sa mga ibang bansa, pero hindi sila ginabayan ng aking Espiritu, kaya nagdadagdag sila ng kasalanan sa kasalanan.
2 起身下埃及去,并没有求问我; 要靠法老的力量加添自己的力量, 并投在埃及的荫下。
Pumunta sila sa Ehipto, pero hindi hiningi ang aking direksyon. Naghahanap sila ng proteksyon mula sa Faraon at kumubli sa anino ng Ehipto.
3 所以,法老的力量必作你们的羞辱; 投在埃及的荫下,要为你们的惭愧。
Kaya nga ang proteksyon ni Faraon ay magiging kahihiyan ninyo, at ang kublihan sa lilim ng Ehipto, ay inyong kahihiyan,
kahit na nasa Zoan ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga mensahero ay dumating sa Hanes.
5 他们必因那不利于他们的民蒙羞。 那民并非帮助,也非利益, 只作羞耻凌辱。
Mapapahiya silang lahat dahil sa bayan na hindi sila matulungan, na hindi tulong o saklolo, kundi kahihiyan, at isa pang kadungisan.
6 论南方牲畜的默示: 他们把财物驮在驴驹的脊背上, 将宝物驮在骆驼的肉鞍上, 经过艰难困苦之地, 就是公狮、母狮、蝮蛇、火焰的飞龙之地, 往那不利于他们的民那里去。
Isang pagpapahayag tungkol sa mga halimaw ng Negev: Sa iba't ibang dako ng lupain ng kaguluhan at panganib, ng babaeng leon at ng lalaking leon, ang ulupong at ang umaapoy na dragon, ikinakarga nila ang kanilang mga kayamanan sa likod ng mga asno, at ang kanilang yaman sa mga umbok ng mga kamelyo, patungo sa isang grupo ng mga tao na hindi sila matutulungan.
7 埃及的帮助是徒然无益的; 所以我称她为“坐而不动的拉哈伯”。
Dahil ang tulong ng Ehipto ay walang halaga; kaya nga tinawag ko siyang Rahab, na walang ginagawa.
8 现今你去, 在他们面前将这话刻在版上, 写在书上, 以便传留后世,直到永永远远。
Ngayon humayo kayo, isulat ninyo sa kasama sila sa isang bato, at itala ito sa isang balumbon, para mapanatili ito para sa darating na panahon bilang isang katibayan.
9 因为他们是悖逆的百姓、说谎的儿女, 不肯听从耶和华训诲的儿女。
Dahil ang mga ito ay mga suwail na bayan, mga sinungaling na bata, mga bata na hindi nakikinig sa tagubilin ni Yahweh.
10 他们对先见说:不要望见不吉利的事, 对先知说:不要向我们讲正直的话; 要向我们说柔和的话, 言虚幻的事。
Sinasabi nila sa mga manghuhula, “Huwag kayong manghula”, at sa mga propeta, “Huwag kayong magpahayag sa amin ng tuwirang katotohanan; magsabi kayo sa amin ng mga bagay na magandang pakinggan; magpahayag ng mga panlilinlang;
11 你们要离弃正道,偏离直路, 不要在我们面前再提说以色列的圣者。
lumiko mula sa daan; lumiko mula sa landas; alisin Ang Diyos na Banal ng Israel mula sa aming harapan.”
12 所以,以色列的圣者如此说: 因为你们藐视这训诲的话, 倚赖欺压和乖僻,以此为可靠的,
Kaya nga sinasabi ng Diyos na Banal ng Israel, “Dahil tinatanggihan ninyo ang salitang ito at nagtitiwala kayo sa pang-aapi at panlilinlang at umaasa dito,
13 故此,这罪孽在你们身上, 好像将要破裂凸出来的高墙, 顷刻之间忽然坍塌;
kaya ang kasalanang ito ay magiging sa inyo tulad ng isang sirang bahagi na handa nang bumagsak, tulad ng isang umbok sa isang mataas na pader na kung saan ang kanyang pagbagsak ay mangyayari nang biglaan, sa isang saglit.
14 要被打碎,好像把窑匠的瓦器打碎, 毫不顾惜, 甚至碎块中找不到一片可用以从炉内取火, 从池中舀水。
Babasagin niya ito na parang ang sisidlan ng isang magpapalayok na nabasag; hindi niya ititira ito, kung kaya't walang matatagpuan sa mga piraso nito ng isang matalas na piraso na maaaring gamitin para kayurin ang apoy mula sa apuyan, o salukin ang tubig mula sa malaking imbakan ng tubig.
15 主耶和华—以色列的圣者曾如此说: 你们得救在乎归回安息; 你们得力在乎平静安稳; 你们竟自不肯。
Dahil ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, Ang Banal ng Israel, “Sa panunumbalik at pagpapahinga kayo ay maliligtas; sa katahimikan at sa pagtitiwala ang inyong magiging kalakasan. Pero hindi kayo pumapayag.
16 你们却说:不然,我们要骑马奔走。 所以你们必然奔走; 又说:我们要骑飞快的牲口。 所以追赶你们的,也必飞快。
Sinabi ninyo, 'Hindi, dahil tatakas kami sakay ng mga kabayo,' kaya tatakas nga kayo; at, ' Sasakay kami sa matutulin na mga kabayo,' kaya ang mga hahabol sa inyo ay magiging matulin.
17 一人叱喝,必令千人逃跑; 五人叱喝,你们都必逃跑; 以致剩下的,好像山顶的旗杆, 冈上的大旗。
Isang libo ang tatakas sa banta ng isa; sa banta ng lima tatakas kayo hanggang ang mga nalalabi sa inyo ay magiging tulad ng isang poste ng bandila sa tuktok ng isang bundok, o tulad ng isang bandila sa isang burol.”
18 耶和华必然等候,要施恩给你们; 必然兴起,好怜悯你们。 因为耶和华是公平的 神; 凡等候他的都是有福的!
Gayunman naghihintay si Yahweh na maging mapagbigay-biyaya sa inyo. Kaya nga siya ay itataas, handa na bigyan kayo ng awa. Dahil si Yahweh ay isang Diyos ng katarungan; pinagpala ang lahat na naghihintay sa kanya.
19 百姓必在锡安、在耶路撒冷居住;你不再哭泣。主必因你哀求的声音施恩给你;他听见的时候就必应允你。
Dahil isang pangkat ng mga tao ang maninirahan sa Sion, sa Jerusalem, at hindi na kayo iiyak. Tiyak na magbibigay-biyaya siya sa inyo sa tunog ng inyong pag-iyak. Kapag narinig niya ito, sasagot siya sa inyo.
20 主虽然以艰难给你当饼,以困苦给你当水,你的教师却不再隐藏;你眼必看见你的教师。
Kahit na binibigyan kayo ni Yahweh ng tinapay ng kahirapan at tubig ng kalungkutan, kahit gayon, hindi na itatago ng inyong guro ang kanyang sarili, pero makikita ninyo ang inyong guro sa sarili ninyong mga mata.
21 你或向左或向右,你必听见后边有声音说:“这是正路,要行在其间。”
Maririnig ng inyong mga tainga ang salita sa inyong likuran na nagsasabing, “Ito ang daan, lakaran ninyo ito,” kapag lumiko kayo sa kanan o kapag lumiko kayo sa kaliwa.
22 你雕刻偶像所包的银子和铸造偶像所镀的金子,你要玷污,要抛弃,好像污秽之物,对偶像说:“去吧!”
Lalapastanganin ninyo ang inyong mga inukit na imahe na nababalutan ng pilak at ang inyong mga pigurang hinulma sa ginto. Itatapon ninyo ang mga iyon tulad ng isang pasador. Sasabihin ninyo sa kanila, “Umalis kayo dito.”
23 你将种子撒在地里,主必降雨在其上,并使地所出的粮肥美丰盛。到那时,你的牲畜必在宽阔的草场吃草。
Ibibigay niya ang ulan para sa inyong binhi kapag maghahasik kayo sa lupa, at tinapay na masagana mula sa lupa. At magiging masagana ang mga pananim. Sa araw na iyon, ang inyong mga baka ay manginginain ng damo sa mga malawak na mga pastulan.
24 耕地的牛和驴驹必吃加盐的料;这料是用木杴和杈子扬净的。
Ang mga baka at mga asno, na nag-aararo ng lupa, ay kakain ng tinimplahang pagkain na tinahip ng isang pala at isang pangkalaykay.
25 在大行杀戮的日子,高台倒塌的时候,各高山冈陵必有川流河涌。
Sa bawat mataas na bundok at sa bawat mataas na burol, magkakaroon ng mga umaagos na batis at mga sapa ng mga tubig, sa araw ng walang habas na pagpatay sa panahon na bumabagsak ang mga tore.
26 当耶和华缠裹他百姓的损处,医治他民鞭伤的日子,月光必像日光,日光必加七倍,像七日的光一样。
Ang liwanag ng buwan ay magiging tulad ng liwanag ng araw, at ang liwanag ng araw ay magiging pitong beses na mas maliwanag, tulad ng liwanag ng araw ng pitong araw. Bibigkisin ni Yahweh ang pagkabali ng kanyang bayan at pagagalingin ang mga sugat ng kanyang panunugat sa kanila.
27 看哪,耶和华的名从远方来, 怒气烧起,密烟上腾。 他的嘴唇满有忿恨; 他的舌头像吞灭的火。
Masdan ninyo, ang pangalan ni Yahweh ay dumarating mula sa malayong lugar, lumiliyab sa kanyang galit at nasa makapal na usok. Ang kanyang labi ay puno ng matinding galit, at ang kanyang dila ay tulad ng isang lumalamon na apoy.
28 他的气如涨溢的河水,直涨到颈项, 要用毁灭的筛箩筛净列国, 并且在众民的口中必有使人错行的嚼环。
Ang kanyang hininga ay tulad ng isang umaapaw na malakas na agos na umaabot pataas sa gitna ng leeg, para salain ang mga bansa ng salaan ng pagkawasak. Ang kanyang hininga ay isang kabisada sa mga panga ng mga tao para dulutin silang magpagala-gala.
29 你们必唱歌,像守圣节的夜间一样,并且心中喜乐,像人吹笛,上耶和华的山,到以色列的磐石那里。
Magkakaroon kayo ng awitin sa gabi kapag ipinagdiriwang ang isang banal na pista, at kagalakan ng puso, kapag ang isa ay pumunta dala ang isang plauta sa bundok ni Yahweh, sa Bato ng Israel.
30 耶和华必使人听他威严的声音,又显他降罚的膀臂和他怒中的忿恨,并吞灭的火焰与霹雷、暴风、冰雹。
Ipaparinig ni Yahweh ang karangyaan ng kanyang tinig at ipapakita ang galaw ng kanyang bisig nang may silakbo ng galit at mga liyab ng apoy, kasama ng bagyo na may malakas na hangin, ulan kasama ng unos, at mga yelo.
31 亚述人必因耶和华的声音惊惶;耶和华必用杖击打他。
Dahil, sa tinig ni Yahweh, mawawasak ang Asiria; sila ay hahampasin niya ng baston.
32 耶和华必将命定的杖加在他身上;每打一下,人必击鼓弹琴。打杖的时候,耶和华必抡起手来,与他交战。
At bawat paghampas ng inilaang pamalo na ipapatama ni Yahweh sa kanila ay sasamahan ng musika ng mga tamburin at mga alpa habang sila ay ginigiyera at nilalabanan niya.
33 原来陀斐特又深又宽,早已为王预备好了;其中堆的是火与许多木柴。耶和华的气如一股硫磺火使他着起来。
Dahil may isang lugar ng pagsusunugan ang matagal nang inihanda. Tunay nga, ito ay inihanda para sa hari, at ginawa ito ng Diyos na malalim at malawak. Handa na ang salansanan na may apoy at maraming kahoy. Sisindihan ito ng hininga ni Yahweh, na tulad ng isang batis ng asupre.