< 何西阿书 10 >
1 以色列是茂盛的葡萄树,结果繁多。 果子越多,就越增添祭坛; 地土越肥美,就越造美丽的柱像。
Ang Israel ay isang malagong puno ng ubas na namumunga. Habang dumarami ang kaniyang bunga, mas dumarami ang mga altar na kaniyang itinatayo. Habang namumunga ng marami ang kaniyang lupain, pinapabuti niya ang kaniyang mga banal na haligi.
2 他们心怀二意, 现今要定为有罪。 耶和华必拆毁他们的祭坛, 毁坏他们的柱像。
Mapanlinlang ang kanilang puso; kinakailangan nila ngayong pasanin ang kanilang kasalanan. Bubuwagin ni Yahweh ang kanilang mga altar; at wawasakin niya ang kanilang mga banal na haligi.
3 他们必说:我们没有王, 因为我们不敬畏耶和华。 王能为我们做什么呢?
Sapagkat sasabihin nila ngayon, “Wala kaming hari, sapagkat hindi kami natatakot kay Yahweh. At sa isang hari—ano ang magagawa niya para sa atin?”
4 他们为立约说谎言,起假誓; 因此,灾罚如苦菜滋生在田间的犁沟中。
Nagsalita sila ng mga salitang walang kabuluhan at gumagawa ng mga kasunduan sa pamamagitan ng pagsumpa ng hindi totoo. Kaya lumitaw ang katarungan tulad ng mga nakakalasong damo sa mga tudling ng isang bukid.
5 撒马利亚的居民必因伯·亚文的牛犊惊恐; 崇拜牛犊的民和喜爱牛犊的祭司 都必因荣耀离开它,为它悲哀。
Matatakot ang mga naninirahan sa Samaria dahil sa mga guya ng Beth-aven. Ipinagluksa sila ng mga tao nito, gaya ng ginawa ng mga paring sumasamba sa mga diyus-diyosan na nagalak sa kanila at sa kanilang kaluwalhatian, ngunit wala na sila roon.
6 人必将牛犊带到亚述当作礼物, 献给耶雷布王。 以法莲必蒙羞; 以色列必因自己的计谋惭愧。
Dadalhin sila tungo sa Asiria bilang isang kaloob para sa dakilang hari. Malalagay sa kahihiyan ang Efraim, at mapapahiya ang Israel dahil sa pagsunod sa mga payo ng mga diyus-diyosan.
7 至于撒马利亚,她的王必灭没, 如水面的沫子一样。
Wawasakin ang hari ng Samaria, tulad ng isang maliit na piraso ng kahoy na nasa ibabaw ng tubig.
8 伯·亚文的邱坛— 就是以色列取罪的地方必被毁灭; 荆棘和蒺藜必长在他们的祭坛上。 他们必对大山说:遮盖我们! 对小山说:倒在我们身上!
Ang mga dambana ng kasamaan—ang kasalanan ng Israel—ay mawawasak. Tutubo ang mga tinik at mga dawag sa kanilang mga altar. Sasabihin ng mga tao sa mga bundok, “Takpan ninyo kami!” at sa mga burol, “Bumagsak kayo sa amin!”
9 以色列啊, 你从基比亚的日子以来时常犯罪。 你们的先人曾站在那里, 现今住基比亚的人 以为攻击罪孽之辈的战事临不到自己。
“Israel, nagkasala ka mula pa noong mga araw ng Gibea; nanatili ka roon. Hindi ba nalampasan ng digmaan ang mga gumagawa ng kasamaan sa Gibea?
10 我必随意惩罚他们。 他们为两样的罪所缠; 列邦的民必聚集攻击他们。
Kung nanaisin ko ito, itutuwid ko sila. Magtitipun-tipon ang lahat ng mga bansa laban sa kanila at gagapusin sila dahil sa kanilang dalawahang kasamaan.
11 以法莲是驯良的母牛犊,喜爱踹谷, 我却将轭加在它肥美的颈项上, 我要使以法莲拉套。 犹大必耕田; 雅各必耙地。
Naturuang isang dumalagang baka si Efraim na kinagigiliwang mag-giik ng butil, kaya maglalagay ako ng isang pamatok sa kaniyang magandang leeg. Lalagyan ko ng pamatok ang Efraim; mag-aararo ang Juda; si Jacob mismo ang hihila sa pangsuyod.
12 你们要为自己栽种公义, 就能收割慈爱。 现今正是寻求耶和华的时候; 你们要开垦荒地,等他临到, 使公义如雨降在你们身上。
Magtanim ng katuwiran para sa inyong sarili, at anihin ang bunga ng matapat na kasunduan. Bungkalin ninyo ang hindi pa naaararong lupa, sapagkat panahon na upang hanapin si Yahweh, hanggang sa siya ay dumating at magpa-ulan ng katuwiran sa inyo.
13 你们耕种的是奸恶, 收割的是罪孽, 吃的是谎话的果子。 因你倚靠自己的行为, 仰赖勇士众多,
Nag-araro kayo ng kasamaan; umani kayo ng kawalan ng katarungan. Kinain ninyo ang bunga ng pandaraya dahil nagtiwala kayo sa inyong mga plano at sa inyong maraming mga kawal.
14 所以在这民中必有哄嚷之声, 你一切的保障必被拆毁, 就如沙勒幔在争战的日子拆毁伯·亚比勒, 将其中的母子一同摔死。
Kaya isang ingay ng digmaan ang babangon sa gitna ng inyong mga tao, at ang lahat ng inyong matitibay na mga lungsod ay mawawasak. Magiging tulad ito sa pagwasak ni Salman sa Beth-arbel sa araw ng labanan, nang ang mga ina ay ginutay-gutay ng pira-piraso kasama ng kanilang mga anak.
15 因他们的大恶, 伯特利必使你们遭遇如此。 到了黎明,以色列的王必全然灭绝。
Kaya mangyayari din ito sa inyo, Bethel, dahil sa napakalaki mong kasamaan. Tiyak na mamamatay ang hari ng Israel sa pagsapit ng bukang-liwayway.”