< 创世记 6 >
At nangyari na nang nagsimulang dumami ang sangkatauhan sa mundo at ang mga anak na babae ay isinilang sa kanila,
2 神的儿子们看见人的女子美貌,就随意挑选,娶来为妻。
na nakita ng mga anak na lalaki ng Diyos na kaakit-akit ang mga anak na babae ng sangkatauhan. Kumuha sila ng mga asawa para sa kanilang sarili, kahit sino sa kanila na mapili nila.
3 耶和华说:“人既属乎血气,我的灵就不永远住在他里面;然而他的日子还可到一百二十年。”
Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.”
4 那时候有伟人在地上,后来 神的儿子们和人的女子们交合生子;那就是上古英武有名的人。
Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
5 耶和华见人在地上罪恶很大,终日所思想的尽都是恶,
Nakita ni Yahweh ang labis na kasamaan ng sangkatauhan sa mundo, at ang bawat pagkahilig ng kanilang puso ay patuloy na kasamaan lamang.
Nalungkot si Yahweh na ginawa niya ang sangkatauhan sa mundo, at ito ay nagdulot ng dalamhati sa kanyang puso.
7 耶和华说:“我要将所造的人和走兽,并昆虫,以及空中的飞鸟,都从地上除灭,因为我造他们后悔了。”
Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.”
Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh.
9 挪亚的后代记在下面。挪亚是个义人,在当时的世代是个完全人。挪亚与 神同行。
Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe. Matuwid, at walang kapintasan si Noe sa gitna ng mga tao sa kanyang kapanahunan. Lumakad si Noe kasama ng Diyos.
Naging ama siya ng tatlong mga anak na lalaki: Sem, Ham at Jafet.
Ang mundo ay masama sa harapan ng Diyos, at ito'y puno ng karahasan.
12 神观看世界,见是败坏了;凡有血气的人在地上都败坏了行为。
Nakita ng Diyos ang mundo; masdan, ito ay masama, dahil lahat ng laman ay pinasama ang kanilang gawi sa ibabaw ng mundo.
13 神就对挪亚说:“凡有血气的人,他的尽头已经来到我面前;因为地上满了他们的强暴,我要把他们和地一并毁灭。
Sinabi ng Diyos kay Noe, “Nakikita kong panahon na upang bigyang wakas ang lahat ng laman, sapagkat napuno na ng karahasan ang mundo sa pamamagitan nila. Katunayan, wawasakin ko sila kasama ng mundo.
14 你要用歌斐木造一只方舟,分一间一间地造,里外抹上松香。
Gumawa ka para sa iyong sarili ng arka mula sa kahoy ng saypres. Gumawa ka ng mga silid sa arka, takpan mo ito ng aspalto sa loob at labas.
15 方舟的造法乃是这样:要长三百肘,宽五十肘,高三十肘。
Ganito mo ito gagawin: tatlong daang kubit ang haba ng arka, limampung kubit ang luwag nito, at tatlumpung kubit ang taas nito.
16 方舟上边要留透光处,高一肘。方舟的门要开在旁边。方舟要分上、中、下三层。
Gumawa ka ng bubong para sa arka, at tapusin mo ito sa isang kubit mula sa itaas ng tagiliran. Maglagay ka ng pinto sa gilid ng arka at gumawa ka ng ilalim, pangalawa, at pangatlong palapag.
17 看哪,我要使洪水泛滥在地上,毁灭天下;凡地上有血肉、有气息的活物,无一不死。
Makinig ka, malapit ko nang ipadala ang baha ng mga tubig sa mundo, upang lipulin ang lahat ng laman na may hininga ng buhay dito mula sa silong ng langit. Lahat ng bagay na nasa mundo ay mamamatay.
18 我却要与你立约;你同你的妻,与儿子儿妇,都要进入方舟。
Subalit itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Papasok ka sa arka, ikaw, at ang iyong mga anak na lalaki, iyong asawa at mga asawa ng iyong mga anak.
19 凡有血肉的活物,每样两个,一公一母,你要带进方舟,好在你那里保全生命。
Mula sa bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman, dalawa ng bawat uri ang dapat mong dalhin sa arka, upang mananatili silang buhay kasama mo, kapwa lalaki at babae.
20 飞鸟各从其类,牲畜各从其类,地上的昆虫各从其类,每样两个,要到你那里,好保全生命。
Mga ibon ayon sa kanilang uri, at ang mga malalaking hayop ayon sa kanilang uri, bawat gumagapang na bagay sa lupa ayon sa kanyang uri, dalawa ng bawat uri ay pupunta sa iyo, upang panatilihin silang buhay.
21 你要拿各样食物积蓄起来,好作你和它们的食物。”
Tipunin mo para sa sarili mo ang bawat uri ng pagkaing makakain at itabi ito, para maging pagkain para sa iyo at sa kanila.”
22 挪亚就这样行。凡 神所吩咐的,他都照样行了。
Kaya ginawa ito ni Noe. Ginawa niya ito, ayon sa lahat ng inutos ng Diyos.