< 创世记 5 >

1 亚当的后代记在下面。(当 神造人的日子,是照着自己的样式造的,
Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Adan. Sa araw na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, ginawa niya sila ayon sa kanyang wangis.
2 并且造男造女。在他们被造的日子, 神赐福给他们,称他们为“人”。)
Nilikha niya silang lalaki at babae. Pinagpala niya sila at pinangalanan silang sangkatauhan nang sila ay likhain.
3 亚当活到一百三十岁,生了一个儿子,形象样式和自己相似,就给他起名叫塞特。
Nang nabuhay si Adan ng 130 taon, siya ay naging ama ng isang anak na lalaki na ayon sa kanyang sariling wangis, sunod sa kanyang larawan, at pinangalanan niya itong Set.
4 亚当生塞特之后,又在世八百年,并且生儿养女。
Pagkatapos na si Adan ay naging ama ni Set, nabuhay siya ng walondaang taon. Siya ay naging ama ng higit na marami pang mga anak na lalaki at mga anak babae.
5 亚当共活了九百三十岁就死了。
Nabuhay si Adan ng 930 taon, at pagkatapos siya ay namatay.
6 塞特活到一百零五岁,生了以挪士。
Nang nabuhay si Set ng 105 taon, siya ay naging ama ni Enos.
7 塞特生以挪士之后,又活了八百零七年,并且生儿养女。
Pagkatapos na siya ay naging ama ni Enos, nabuhay siya ng 807 taon at naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
8 塞特共活了九百一十二岁就死了。
Nabuhay si Set ng 912 taon, at pagkatapos siya ay namatay.
9 以挪士活到九十岁,生了该南。
Nang nabuhay si Enos ng siyamnapung taon, naging ama siya ni Kenan.
10 以挪士生该南之后,又活了八百一十五年,并且生儿养女。
Pagkatapos na siya ay naging ama ni Kenan, si Enos ay nabuhay ng 815 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
11 以挪士共活了九百零五岁就死了。
Nabuhay si Enos ng 905 taon, at pagkatapos siya ay namatay.
12 该南活到七十岁,生了玛勒列。
Nang nabuhay si Kenan ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Mahalalel.
13 该南生玛勒列之后,又活了八百四十年,并且生儿养女。
Pagkatapos na siya ay naging ama ni Mahalalel, nabuhay si Kenan ng 840 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
14 该南共活了九百一十岁就死了。
Nabuhay si Kenan ng 910 taon at pagkatapos siya ay namatay.
15 玛勒列活到六十五岁,生了雅列。
Nang nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Jared.
16 玛勒列生雅列之后,又活了八百三十年,并且生儿养女。
Pagkatapos na siya ay naging ama ni Jared, nabuhay si Mahalalel ng 830 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
17 玛勒列共活了八百九十五岁就死了。
Nabuhay si Mahalalel ng 895 taon at pagkatapos siya ay namatay.
18 雅列活到一百六十二岁,生了以诺。
Nang nabuhay si Jared ng 162 taon, siya ay naging ama ni Enoc.
19 雅列生以诺之后,又活了八百年,并且生儿养女。
Pagkatapos niyang naging ama ni Enoc, nabuhay si Jared ng walong daang taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
20 雅列共活了九百六十二岁就死了。
Nabuhay si Jared ng 962 taon, at pagkatapos siya ay namatay.
21 以诺活到六十五岁,生了玛土撒拉。
Nang nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Metusalem.
22 以诺生玛土撒拉之后,与 神同行三百年,并且生儿养女。
Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa tatlong daang taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Metusalem. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
23 以诺共活了三百六十五岁。
Nabuhay si Enoc ng 365 taon.
24 以诺与 神同行, 神将他取去,他就不在世了。
Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos, at pagkatapos siya ay nawala, dahil kinuha siya ng Diyos.
25 玛土撒拉活到一百八十七岁,生了拉麦。
Nang nabuhay si Metusalem ng 187 taon, siya ay naging ama ni Lamec.
26 玛土撒拉生拉麦之后,又活了七百八十二年,并且生儿养女。
Pagkatapos na siya ay naging ama ni Lamec, nabuhay si Metusalem ng 782 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
27 玛土撒拉共活了九百六十九岁就死了。
Nabuhay si Metusalem ng 969 taon. Pagkatapos siya ay namatay.
28 拉麦活到一百八十二岁,生了一个儿子,
Nang nabuhay si Lamec ng 182 taon, siya ay naging ama ng isang lalaki.
29 给他起名叫挪亚,说:“这个儿子必为我们的操作和手中的劳苦安慰我们;这操作劳苦是因为耶和华咒诅地。”
Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.”
30 拉麦生挪亚之后,又活了五百九十五年,并且生儿养女。
Nabuhay si Lamec ng 595 taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Noe. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
31 拉麦共活了七百七十七岁就死了。
Nabuhay si Lamec ng 777 taon. Pagkatapos siya ay namatay.
32 挪亚五百岁生了闪、含、雅弗。
Matapos mabuhay ni Noe ng limandaang taon, siya ay naging ama nina Sem, Ham at Jafet.

< 创世记 5 >