< 创世记 48 >

1 这事以后,有人告诉约瑟说:“你的父亲病了。”他就带着两个儿子玛拿西和以法莲同去。
At nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, may nagsabi kay Jose, “Tingnan mo, maysakit ang iyong ama.” Kaya kinuha niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Manasses at Efraim.
2 有人告诉雅各说:“请看,你儿子约瑟到你这里来了。”以色列就勉强在床上坐起来。
Nang sinabihan si Jacob, “Tingnan mo, ang iyong anak na si Jose ay dumating para makita ka,” Nag-ipon ng lakas si Israel at umupo sa kanyang higaan.
3 雅各对约瑟说:“全能的 神曾在迦南地的路斯向我显现,赐福与我,
Sinabi ni Jacob kay Jose, “Nagpakita sa aking ang makapangyarihang Diyos sa Luz sa lupain ng Canaan. Binasbasan niya ako
4 对我说:‘我必使你生养众多,成为多民,又要把这地赐给你的后裔,永远为业。’
at sinabi sa akin, 'Tingnan mo, palalaguin kita, at pararamihin kita. Gagawin kitang kapulungan sa mga bansa. Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan bilang isang walang hanggang pag-aari.'
5 我未到埃及见你之先,你在埃及地所生的以法莲和玛拿西这两个儿子是我的,正如吕便和西缅是我的一样。
At ngayon ang dalawa mong anak na lalaki na ipinanganak sa iyo mula sa lupain ng Ehipto bago ako dumating dito, sila ay akin. Sina Efraim at Manasses ay magiging akin, tulad nina Ruben at Simeon na akin.
6 你在他们以后所生的就是你的,他们可以归于他们弟兄的名下得产业。
Ang susunod na mga anak mo pagkatapos nila ay magiging iyo; sila ay nakalista sa ilalim ng mga pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.
7 至于我,我从巴旦来的时候,拉结死在我眼前,在迦南地的路上,离以法他还有一段路程,我就把她葬在以法他的路上(以法他就是伯利恒)。”
Pero para sa akin, nang dumating ako mula sa Paddan, sa aking kalungkutan namatay si Raquel sa lupain ng Canaan sa daan nang ako ay pabalik, habang may kaunting kalayuan pa papunta sa Efrata. Inilibing ko siya roon sa daanan patungo sa Efrata (ito ay Bethlehem).”
8 以色列看见约瑟的两个儿子,就说:“这是谁?”
Nang nakita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, sinabi niya. “Kanino ang mga ito?”
9 约瑟对他父亲说:“这是 神在这里赐给我的儿子。”以色列说:“请你领他们到我跟前,我要给他们祝福。”
Sinabi ni Jose sa kanyang ama, “Sila ang mga anak kong lalaki, na ibinigay sa akin ng Diyos dito.” Sinabi ni Israel, “Dalhin mo sila sa akin para mabasbasan ko sila.”
10 以色列年纪老迈,眼睛昏花,不能看见。约瑟领他们到他跟前,他就和他们亲嘴,抱着他们。
Ngayon ang mga mata ni Israel ay malabo na dahil sa kanyang katandaan, kaya hindi na siya nakakakita. Kaya dinala sila ni Jose malapit sa kanya, at hinagkan sila at niyakap.
11 以色列对约瑟说:“我想不到得见你的面,不料, 神又使我得见你的儿子。”
Sinabi ni Israel kay Jose, “Hindi ko kailanman inasahang makikitang muli ang iyong mukha, pero ipinahintulot pa ng Diyos na makita ko ang iyong mga anak.”
12 约瑟把两个儿子从以色列两膝中领出来,自己就脸伏于地下拜。
Kinuha sila ni Jose mula sa pagitan ng mga tuhod ni Jacob, at saka yumuko na nakasayad ang mukha sa lupa.
13 随后,约瑟又拉着他们两个,以法莲在他的右手里,对着以色列的左手,玛拿西在他的左手里,对着以色列的右手,领他们到以色列的跟前。
Kapwa sila kinuha ni Jose, si Efraim sa kanyang kanang kamay sa may bandang kaliwang kamay ni Israel, at si Manasses sa kanyang kaliwang kamay sa may bandang kanang kamay ni Israel, at dinala sila malapit sa kanya.
14 以色列伸出右手来,按在以法莲的头上(以法莲乃是次子),又剪搭过左手来,按在玛拿西的头上(玛拿西原是长子)。
Inabot ni Israel ang kanyang kanang kamay at inilagay sa ulo ni Efraim, na siyang mas bata, at ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manasses. Pinagsalungat niya ang kanyang mga kamay, dahil si Manasses ang panganay.
15 他就给约瑟祝福说:“愿我祖亚伯拉罕和我父以撒所事奉的 神,就是一生牧养我直到今日的 神,
Binasbasan ni Israel si Jose, na nagsasabing, “And Diyos na kasama ng aking amang si Abraham at si Isaac, ang Diyos na nag-alaga sa akin sa araw na ito,
16 救赎我脱离一切患难的那使者,赐福与这两个童子。愿他们归在我的名下和我祖亚伯拉罕、我父以撒的名下。又愿他们在世界中生养众多。”
ang anghel na nagbantay sa akin mula sa lahat ng kapahamakan, nawa ay pagpalain niya ang mga kabataang ito. Nawa ang pangalan ko ay ipangalan sa kanila, at ang pangalan ng aking amang sina Abraham at Isaac. Nawa lumago sila at maging napakarami sa mundo.”
17 约瑟见他父亲把右手按在以法莲的头上,就不喜悦,便提起他父亲的手,要从以法莲头上挪到玛拿西的头上。
Nang nakita ni Jose ang kanyang ama na nilagay ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim, ikinasama niya ng loob ito. Kinuha niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat mula sa ulo ni Efraim sa ulo ni Manasses.
18 约瑟对他父亲说:“我父,不是这样。这本是长子,求你把右手按在他的头上。”
Sinabi ni Jose sa kanyang ama, “Hindi aking ama; ito po ang panganay. Ilagay mo ang iyong kanang kamay sa kanyang ulo.”
19 他父亲不从,说:“我知道,我儿,我知道。他也必成为一族,也必昌大。只是他的兄弟将来比他还大;他兄弟的后裔要成为多族。”
Tumanggi ang kanyang ama at nagsabi, “Alam ko, anak, alam ko, siya ay magiging isang lahi, at siya rin ay magiging dakilang mga lahi. Pero ang kanyang nakababatang kapatid ay magiging mas dakila pa kaysa sa kanya, at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging maraming mga bansa.”
20 当日就给他们祝福说:“以色列人要指着你们祝福说:‘愿 神使你如以法莲、玛拿西一样。’”于是立以法莲在玛拿西以上。
Binasbasan sila ni Israel sa araw na iyon sa mga salitang ito, “Ang mga mamamayan sa Israel ay magpapahayag ng pagpapala sa pamamagitan ng inyong mga pangalan na nagsasabing, 'Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses'.” Sa ganitong paraan, inuna ni Israel si Efraim bago si Manasses.
21 以色列又对约瑟说:“我要死了,但 神必与你们同在,领你们回到你们列祖之地。
Sinabi ni Israel kay Jose, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, pero kasama ninyo ang Diyos, at dadalhin kayo pabalik sa lupain ng inyong mga ama.
22 并且我从前用弓用刀从亚摩利人手下夺的那块地,我都赐给你,使你比众弟兄多得一分。”
Sa iyo, bilang isang nakahihigit sa iyong mga kapatid, ibibigay ko ang bundok na libis na nakuha ko mula sa Amoreo sa pamamagitan ng aking tabak at aking pana.”

< 创世记 48 >