< 创世记 21 >

1 耶和华按着先前的话眷顾撒拉,便照他所说的给撒拉成就。
At dumalaw ang Panginoon kay Sara, ayon sa sinabi niya, at ginawa ng Panginoon kay Sara ang ayon sa kaniyang sinalita.
2 当亚伯拉罕年老的时候,撒拉怀了孕;到 神所说的日期,就给亚伯拉罕生了一个儿子。
At si Sara ay naglihi at nagkaanak ng isang lalake kay Abraham sa kaniyang katandaan, sa tadhanang panahong sinabi ng Dios sa kaniya.
3 亚伯拉罕给撒拉所生的儿子起名叫以撒。
At tinawag na Isaac ni Abraham ang ngalan ng kaniyang anak na ipinanganak sa kaniya, na siyang ipinanganak ni Sara.
4 以撒生下来第八日,亚伯拉罕照着 神所吩咐的,给以撒行了割礼。
At tinuli ni Abraham si Isaac ng magkaroon ng walong araw gaya ng iniutos ng Dios sa kaniya.
5 他儿子以撒生的时候,亚伯拉罕年一百岁。
At si Abraham ay may isang daang taon, nang sa kaniya'y ipanganak si Isaac na kaniyang anak.
6 撒拉说:“神使我喜笑,凡听见的必与我一同喜笑”;
At sinabi ni Sara, Pinatawa ako ng Dios, sinomang makarinig ay makikitawa.
7 又说:“谁能预先对亚伯拉罕说‘撒拉要乳养婴孩’呢?因为在他年老的时候,我给他生了一个儿子。”
At sinabi niya, Sinong nakapagsabi kay Abraham na si Sara ay magpapasuso ng anak? sapagka't ako'y nagkaanak sa kaniya ng isang lalake sa kaniyang katandaan.
8 孩子渐长,就断了奶。以撒断奶的日子,亚伯拉罕设摆丰盛的筵席。
At lumaki ang sanggol, at inihiwalay sa suso; at nagpiging ng malaki si Abraham ng araw na ihiwalay sa suso si Isaac.
9 当时,撒拉看见埃及人夏甲给亚伯拉罕所生的儿子戏笑,
At nakita ni Sara ang anak ni Agar na taga Egipto, na ito'y nagkaanak kay Abraham, na tumutuya sa kaniya.
10 就对亚伯拉罕说:“你把这使女和她儿子赶出去!因为这使女的儿子不可与我的儿子以撒一同承受产业。”
Kaya't sinabi niya kay Abraham, Palayasin mo ang aliping ito at ang kaniyang anak: sapagka't hindi magmamana ang anak ng aliping ito na kahati ng aking anak, sa makatuwid baga'y ni Isaac.
11 亚伯拉罕因他儿子的缘故很忧愁。
At ang bagay na ito ay naging lubhang mabigat sa paningin ni Abraham dahil sa kaniyang anak.
12 神对亚伯拉罕说:“你不必为这童子和你的使女忧愁。凡撒拉对你说的话,你都该听从;因为从以撒生的,才要称为你的后裔。
At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.
13 至于使女的儿子,我也必使他的后裔成立一国,因为他是你所生的。”
At ang anak din naman ng alipin ay gagawin kong isang bansa, sapagka't siya'y anak mo.
14 亚伯拉罕清早起来,拿饼和一皮袋水,给了夏甲,搭在她的肩上,又把孩子交给她,打发她走。夏甲就走了,在别是巴的旷野走迷了路。
At nagbangong maaga sa kinaumagahan si Abraham, at kumuha ng tinapay at ng isang bangang balat ng tubig, at ibinigay kay Agar, na ipinatong sa kaniyang balikat, at ang bata at siya ay pinapagpaalam, at siya'y nagpaalam at naggala sa ilang ng Beerseba.
15 皮袋的水用尽了,夏甲就把孩子撇在小树底下,
At naubos ang tubig sa bangang balat, at kaniyang inilapag ang bata sa ilalim ng isa sa mabababang punong kahoy.
16 自己走开约有一箭之远,相对而坐,说:“我不忍见孩子死”,就相对而坐,放声大哭。
At yumaon at naupo sa tapat niya, na ang layo ay isang hilagpos ng pana; sapagka't sinabi niya, Huwag kong makita ang kamatayan ng bata. At naupo sa tapat, at naghihiyaw at umiyak.
17 神听见童子的声音; 神的使者从天上呼叫夏甲说:“夏甲,你为何这样呢?不要害怕, 神已经听见童子的声音了。
At narinig ng Dios ang tinig ng bata; at tinawag ng anghel ng Dios si Agar, mula sa langit, at sa kaniya'y sinabi, Naano ka Agar? Huwag kang matakot; sapagka't narinig ng Dios ang tinig ng bata sa kinalalagyan.
18 起来!把童子抱在怀中,我必使他的后裔成为大国。”
Magtindig ka, iyong itayo ang bata, at alalayan mo siya ng iyong kamay; sapagka't siya'y gagawin kong isang bansang malaki.
19 神使夏甲的眼睛明亮,她就看见一口水井,便去将皮袋盛满了水,给童子喝。
At idinilat ng Dios ang kaniyang mga mata, at siya'y nakakita ng isang balon ng tubig: at naparoon at pinuno ng tubig ang bangang balat, at pinainom ang bata.
20 神保佑童子,他就渐长,住在旷野,成了弓箭手。
At ang Dios ay sumabata, at siya'y lumaki; at tumahan sa ilang at naging mamamana.
21 他住在巴兰的旷野;他母亲从埃及地给他娶了一个妻子。
At nanahan siya sa ilang ng Paran: at ikinuha siya ng kaniyang ina ng asawa sa lupain ng Egipto.
22 当那时候,亚比米勒同他军长非各对亚伯拉罕说:“凡你所行的事都有 神的保佑。
At nangyari ng panahong yaon, na si Abimelech, at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo ay nagsalita kay Abraham, na nagsasabi, Sumasaiyo ang Dios sa lahat mong ginagawa:
23 我愿你如今在这里指着 神对我起誓,不要欺负我与我的儿子,并我的子孙。我怎样厚待了你,你也要照样厚待我与你所寄居这地的民。”
Ngayon nga'y ipanumpa mo sa akin dito alangalang sa Dios, na di ka maglililo sa akin, kahit sa aking anak, kahit sa anak ng aking anak; kundi ayon sa kagandahang loob na ipinakita ko sa iyo, ay gayon ang gagawin mo sa akin, at sa lupaing iyong pinakipamayanan.
24 亚伯拉罕说:“我情愿起誓。”
At sinabi ni Abraham, Susumpa ako.
25 从前,亚比米勒的仆人霸占了一口水井,亚伯拉罕为这事指责亚比米勒。
At pinagwikaan ni Abraham si Abimelech dahil sa isang balon ng tubig, na marahas na inalis sa kaniya ng mga bataan ni Abimelech.
26 亚比米勒说:“谁做这事,我不知道,你也没有告诉我,今日我才听见了。”
At sinabi ni Abimelech, Aywan, kung sinong gumawa ng bagay na ito: na di mo man sinabi sa akin, at hindi ko man nabalitaan kundi ngayon.
27 亚伯拉罕把羊和牛给了亚比米勒,二人就彼此立约。
At kumuha si Abraham ng mga tupa, at mga baka, at ibinigay kay Abimelech; at gumawa silang dalawa ng isang tipan.
28 亚伯拉罕把七只母羊羔另放在一处。
At ibinukod ni Abraham ang pitong korderong babae sa kawan.
29 亚比米勒问亚伯拉罕说:“你把这七只母羊羔另放在一处,是什么意思呢?”
At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong kahulugan nitong pitong korderong babae na iyong ibinukod?
30 他说:“你要从我手里受这七只母羊羔,作我挖这口井的证据。”
At kaniyang sinabi, Itong pitong korderong babae ay iyong kukunin sa aking kamay, upang sa akin ay maging patotoo na hinukay ko ang balong ito.
31 所以他给那地方起名叫别是巴,因为他们二人在那里起了誓。
Kaya't tinawag niya ang dakong yaong Beerseba; sapagka't doon sila kapuwa nanumpa.
32 他们在别是巴立了约,亚比米勒就同他军长非各起身回非利士地去了。
Sa gayo'y gumawa sila ng isang tipan sa Beerseba: at nagtindig si Abimelech, at si Ficol na kapitan ng kaniyang hukbo at nagsipagbalik sa lupain ng mga Filisteo.
33 亚伯拉罕在别是巴栽上一棵垂丝柳树,又在那里求告耶和华—永生 神的名。
At nagtanim si Abraham ng isang punong kahoy na tamaring sa Beerseba, at sinambitla doon ang pangalan ng Panginoong Dios na walang hanggan.
34 亚伯拉罕在非利士人的地寄居了多日。
At maraming araw na nakipamayan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo.

< 创世记 21 >