< 以斯拉记 4 >

1 犹大和便雅悯的敌人听说被掳归回的人为耶和华—以色列的 神建造殿宇,
Narinig ng mga kaaway ng Juda at Benjamin na ang templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel ay itinatayo ng mga taong galing sa pagkakatapon.
2 就去见所罗巴伯和以色列的族长,对他们说:“请容我们与你们一同建造;因为我们寻求你们的 神,与你们一样。自从亚述王以撒哈顿带我们上这地以来,我们常祭祀 神。”
Dahil dito, nilapitan nila si Zerubabel at ang mga pinuno ng bawat angkan. At sinabi sa kanila, “Hayaan ninyo kaming sumama sa pagtatayo ninyo dahil katulad ninyo, sinasaliksik din namin ang inyong Diyos at nag-aalay din kami sa kaniya mula sa panahon ni Esar-haddon, na hari ng Asiria, na siyang nagdala sa amin sa lugar na ito “
3 但所罗巴伯、耶书亚,和其余以色列的族长对他们说:“我们建造 神的殿与你们无干,我们自己为耶和华—以色列的 神协力建造,是照波斯王塞鲁士所吩咐的。”
Ngunit sinabi nina Zerubabel, Josue, at ng mga pinuno ng mga angkan, “kami dapat ang magtayo ng tahanan ng aming Diyos at hindi kayo, dahil kami ang magtatayo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, ayon sa iniutos ni Haring Ciro ng Persia.”
4 那地的民,就在犹大人建造的时候,使他们的手发软,扰乱他们;
Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo.
5 从波斯王塞鲁士年间,直到波斯王大流士登基的时候,贿买谋士,要败坏他们的谋算。
Sinuhulan din nila ang mga tagapayo para hadlangan ang kanilang mga plano. Ginawa nila ito sa buong panahon ni Ciro at hanggang sa paghahari ni Dario na hari ng Persia.
6 在亚哈随鲁才登基的时候,上本控告犹大和耶路撒冷的居民。
At sa simula ng paghahari ni Assuero sumulat sila ng paratang laban sa mga nakatira sa Juda at Jerusalem.
7 亚达薛西年间,比施兰、米特利达、他别,和他们的同党上本奏告波斯王亚达薛西。本章是用亚兰文字,亚兰方言。
Ito ay nangyari sa panahon ni Assuero na sumulat sina Bislam, Mitredat, Tabeel, at ang kanilang mga kasamahan kay Assuero. Ang liham ay nakasulat sa Aramaico at isinalin.
8 省长利宏、书记伸帅要控告耶路撒冷人,也上本奏告亚达薛西王。
Si Rehum na kumander at si Simsai na eskriba ang sumulat sa ganitong paraan kay Artaxerxes tungkol sa Jerusalem.
9 省长利宏、书记伸帅,和同党的底拿人、亚法萨提迦人、他毗拉人、亚法撒人、亚基卫人、巴比伦人、书珊迦人、底亥人、以拦人,
Pagkatapos, sumulat ng isang liham sina Rehum, Simsai at ang kanilang mga kasamahan, na mga hukom at ibang mga opisyal sa pamahalaan, mula sa Erec, Babilonia, at Susa sa Elam,
10 和尊大的亚斯那巴所迁移、安置在撒马利亚城,并大河西一带地方的人等,
at sinamahan sila ng mga taong pinilit pinatira sa Sarmaria ng dakila at marangal na si Asurbanipal, kasama ang iba pang nasa Lalawigan lampas ng Ilog.
11 上奏亚达薛西王说:“河西的臣民云云:
Ito ang kopya ng liham na kanilang ipinadala kay Artaxerxes: “Ito ang sinusulat ng iyong mga lingkod, ang mga tao sa ibayo ng ilog:
12 王该知道,从王那里上到我们这里的犹大人,已经到耶路撒冷重建这反叛恶劣的城,筑立根基,建造城墙。
Malaman nawa ng hari na ang mga Judiong nanggaling sa iyo ay pumunta sila laban sa atin sa Jerusalem para magtayo ng isang mapaghimagsik na lungsod. Natapos na nila ang mga pader at inayos na ang mga pundasyon.
13 如今王该知道,他们若建造这城,城墙完毕就不再与王进贡,交课,纳税,终久王必受亏损。
Ngayon malaman nawa ng hari na kung ang lungsod na ito ay naitayo at ang pader ay natapos, hindi sila magbibigay ng kahit na anong pagkilala at buwis, subalit pipinsalain nila ang mga hari.
14 我们既食御盐,不忍见王吃亏,因此奏告于王。
Siguradong dahil nakain namin ang asin ng palasyo, hindi ito naaangkop para sa amin na makita ang kahit na anong kahihiyan na mangyayari sa hari. Dahil dito kaya ipinababatid namin sa hari
15 请王考察先王的实录,必在其上查知这城是反叛的城,与列王和各省有害;自古以来,其中常有悖逆的事,因此这城曾被拆毁。
upang hanapin ang talaan ng iyong ama at para mapatunayan na ito ay isang mapaghimagsik na lungsod na pipinsala sa mga hari at sa mga lalawigan. Ito ay nagdulot ng maraming suliranin sa mga hari at sa mga lalawigan. Ito ay naging isang sentro para sa paghihimagsik noon pa man. Dahil sa kadahilanang ito, nawasak ang lungsod.
16 我们谨奏王知,这城若再建造,城墙完毕,河西之地王就无分了。”
Pinababatid namin sa hari na kung ang lungsod na ito at ang pader ay maitayo, wala nang matitira para sa iyo sa ibayo ng malaking ilog, ang Eufrates.”
17 那时王谕复省长利宏、书记伸帅,和他们的同党,就是住撒马利亚并河西一带地方的人,说:“愿你们平安云云。
Kaya ang hari ay nagpadala ng tugon kay Rehum at Simsai at sa kanilang mga kasamahan sa Samaria at ang iba pa sa ibayo ng Ilog: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.
18 你们所上的本,已经明读在我面前。
Ang liham na ipinadala ninyo sa akin ay naisalin at binasa sa akin.
19 我已命人考查,得知此城古来果然背叛列王,其中常有反叛悖逆的事。
Kaya nag-utos ako ng isang pagsisiyasat at natuklasan na sila ay naghimagsik at nag-alsa sa mga hari.
20 从前耶路撒冷也有大君王统管河西全地,人就给他们进贡,交课,纳税。
Ang mga makapangyarihang hari ay namuno sa Jerusalem at may kapangyarihan sa lahat ng bagay hanggang sa ibayo ng Ilog. Kinilala at nagbayad sila ng mga buwis sa kanila.
21 现在你们要出告示命这些人停工,使这城不得建造,等我降旨。
Ngayon, gumawa kayo ng isang utos para sa mga taong ito na ihinto at huwag itayo ang lungsod na ito hanggang ako ay makagawa ng isang utos.
22 你们当谨慎,不可迟延,为何容害加重,使王受亏损呢?”
Maging maingat na hindi ito makaligtaan. Bakit kailangang palakihin ang pinsala para saktan ang mga hari?”
23 亚达薛西王的上谕读在利宏和书记伸帅,并他们的同党面前,他们就急忙往耶路撒冷去见犹大人,用势力强迫他们停工。
Nang binasa ang utos ni Haring Artaxerxes sa harap nina Rehum, Simsai, at kanilang mga kasamahan, sila ay mabilis na lumabas sa Jerusalem at sapilitang pinahinto ang mga Judio sa pagtatayo.
24 于是,在耶路撒冷 神殿的工程就停止了,直停到波斯王大流士第二年。
Kaya ang paggawa sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem ay nahinto hanggang sa ikalawang taon ng paghahari ni Dario na hari ng Persia.

< 以斯拉记 4 >