< 以西结书 42 >

1 他带我出来向北,到外院,又带我进入圣屋;这圣屋一排顺着空地,一排与北边铺石地之屋相对。
Pagkatapos, dinala ako ng lalaki palabas patungo sa panlabas na patyo sa dakong hilaga at dinala niya ako sa mga silid sa harap ng panlabas na patyo at sa hilagang panlabas na pader.
2 这圣屋长一百肘,宽五十肘,有向北的门。
Sa tapat ng mga silid na iyon ay isandaang siko ang haba at limampung siko ang lawak.
3 对着内院那二十肘宽之空地,又对着外院的铺石地,在第三层楼上有楼廊对着楼廊。
Ang ilan sa mga silid na iyon ay nakaharap sa panloob na patyo at dalawampung siko ang layo mula sa santuwaryo. Mayroong tatlong palapag na mga silid, ang mga nasa itaas ay nakatanaw sa mga nasa ibaba at bukas sa mga ito na mayroong daanan. At ang ilan sa mga silid ay nakatanaw sa panlabas na patyo.
4 在圣屋前有一条夹道,宽十肘,长一百肘。房门都向北。
Sampung siko ang lawak at isandaang siko ang haba ng isang daanan na nasa harapan ng mga silid. Ang mga pinto ng mga silid ay nasa dakong hilaga.
5 圣屋因为楼廊占去些地方,所以上层比中下两层窄些。
Ngunit mas maliit ang mga pang-itaas na bulwagan, sapagkat kinuha ng mga daanan ang mas higit na espasyo nito kaysa sa ibaba at gitnang palapag ng gusali.
6 圣屋有三层,却无柱子,不像外院的屋子有柱子;所以上层比中下两层更窄。
Sapagkat tatlong palapag ang mga ito at wala itong mga haligi, hindi katulad ng mga patyo na may mga haligi. Kaya ang pang-itaas na palapag ay binawasan ang sukat kaysa sa pang-ibaba at gitnang palapag.
7 圣屋外,东边有墙,靠着外院,长五十肘。
At ang mga nasa labas na pader na nasa tabi ng mga silid patungo sa panlabas na patyo, ang patyo na nasa harap ng mga silid. Ang pader na iyon ay limampung siko ang haba.
8 靠着外院的圣屋长五十肘。殿北面的圣屋长一百肘。
Limampung siko ang haba ng mga silid ng panlabas na patyo at isandaang siko ang haba ng mga silid na nakaharap sa santuwaryo.
9 在圣屋以下,东头有进入之处,就是从外院进入之处。
Mayroong pasukan sa pinakaibabang mga silid mula sa dakong silangan na nagmumula sa panlabas na patyo.
10 向南在内院墙里有圣屋,一排与铺石地之屋相对,一排顺着空地。
Mayroon ding mga silid sa tabi ng pader ng panlabas na patyo sa dakong silangan ng panlabas na patyo, sa harap ng panloob na patyo ng santuwaryo.
11 这圣屋前的夹道与北边圣屋的夹道长宽一样;出入之处与北屋门的样式相同。
Ang daanan sa harap ng mga ito ay katulad ng haba at lapad ng nasa harap ng mga silid sa dakong hilaga. Magkapareho rin ang bilang ng mga pasukan ng mga ito.
12 正在墙前、夹道的东头,有门可以进入,与向南圣屋的门一样。
Sa dakong timog ay may mga pinto patungo sa mga silid na katulad ng mga nasa dakong hilaga. Ang daanan sa loob ay may pinto sa ulunan nito at ang daanan ay nakabukas patungo sa iba't ibang mga silid. Sa dakong silangan ay may pintuan sa daanan sa isang dulo.
13 他对我说:“顺着空地的南屋北屋,都是圣屋;亲近耶和华的祭司当在那里吃至圣的物,也当在那里放至圣的物,就是素祭、赎罪祭,和赎愆祭,因此处为圣。
Pagkatapos, sinabi sa akin ng lalaki, “Ang timog at hilagang mga silid na nasa harap ng panlabas na patyo ay mga banal na silid kung saan maaaring kainin ng mga paring nagtatrabaho na pinakamalapit kay Yahweh ang pinakabanal na pagkain. Ilalagay nila doon ang mga pinakabanal na bagay, ang handog na pagkain, ang handog para sa kasalanan at ang alay para sa pagkakasala, sapagkat ito ay banal na lugar.
14 祭司进去出了圣所的时候,不可直到外院,但要在圣屋放下他们供职的衣服,因为是圣衣;要穿上别的衣服才可以到属民的外院。”
Kapag pumasok doon ang mga pari, hindi sila dapat lumabas sa banal na lugar patungo sa panlabas na patyo nang hindi hinuhubad ang mga pansilbing kasuotan, yamang banal ang mga ito. Kaya dapat silang magsuot ng ibang mga damit bago lumapit sa mga tao.”
15 他量完了内殿,就带我出朝东的门,量院的四围。
Tinapos ng lalaki ang pagsusukat sa kaloob-looban ng bahay at inilabas ako sa tarangkahan na nakaharap sa silangan at sinukat ang lahat ng nakapalibot na lugar doon.
16 他用量度的竿量四围,量东面五百肘,
Sinukat niya ang silangang bahagi gamit ang panukat na patpat, limandaang siko gamit ang panukat na patpat.
17 用竿量北面五百肘,
Sinukat niya ang hilagang bahagi, limandaang siko gamit ang panukat na patpat.
18 用竿量南面五百肘,
Sinukat din niya ang katimugang bahagi, limandaang siko gamit ang panukat na patpat.
19 又转到西面,用竿量五百肘。
Tumalikod din siya at sinukat ang kanlurang bahagi, limandaang siko gamit ang panukat na patpat.
20 他量四面,四围有墙,长五百肘,宽五百肘,为要分别圣地与俗地。
Sinukat niya ito sa apat na panig, ang pader nito at ang lahat na nakapalibot dito ay may haba na limandaang siko at may lapad na limandaang siko upang ihiwalay ang banal at ang hindi banal.

< 以西结书 42 >