< 以斯帖记 3 >

1 这事以后,亚哈随鲁王抬举亚甲族哈米大他的儿子哈曼,使他高升,叫他的爵位超过与他同事的一切臣宰。
Pagkatapos ng mga bagay na ito, itinaas ni Haring Assuero ang tungkulin ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, at inilagay ang sentro ng kanyang kapangyarihan na mataas sa lahat ng opisyal na kasama niya.
2 在朝门的一切臣仆都跪拜哈曼,因为王如此吩咐;惟独末底改不跪不拜。
Lahat ng mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay palaging lumuluhod at nagpapatirapa kay Haman tulad ng inutos ng hari na gawin nila. Ngunit si Mordecai ay hindi lumuhod ni pinatirapa ang kanyang sarili.
3 在朝门的臣仆问末底改说:“你为何违背王的命令呢?”
Pagkatapos ang mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay sinabihan si Mordecai, “Bakit mo sinusuway ang utos ng hari?”
4 他们天天劝他,他还是不听,他们就告诉哈曼,要看末底改的事站得住站不住,因他已经告诉他们自己是犹大人。
Kinausap nila siya araw-araw, ngunit tumanggi siyang sundin ang kanilang kagustuhan. Kaya kinausap nila si Haman upang alamin kung ang usapin tungkol kay Mordecai ay mananatiling ganoon, sapagkat sinabi niya na siya ay isang Judio.
5 哈曼见末底改不跪不拜,他就怒气填胸。
Nang makita ni Haman na si Mordecai ay hindi lumuhod at yumuko sa kanya, napuno si Haman ng matinding galit.
6 他们已将末底改的本族告诉哈曼;他以为下手害末底改一人是小事,就要灭绝亚哈随鲁王通国所有的犹大人,就是末底改的本族。
May paghamak na inisip niya ang pagpatay lamang kay Mordecai, sapagkat sinabi ng mga lingkod ng hari kung sino ang lahi ni Mordecai. Gustong lipulin ni Haman lahat ng mga Judio, ang lahi ni Mordecai, na nasa buong kaharian ni Assuero.
7 亚哈随鲁王十二年正月,就是尼散月,人在哈曼面前,按日日月月掣普珥,就是掣签,要定何月何日为吉,择定了十二月,就是亚达月。
Sa unang buwan (iyon ay ang buwan ng Nisan), sa ikalabindalawang taon ni Haring Assuero, nagtapon sila ng Pur—iyon ay, nagpalabunutan sila—sa harapan ni Haman—palabunutan sa bawat araw matapos ang araw at buwan, upang pumili ng araw at buwan— hanggang mapili nila ang ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar).
8 哈曼对亚哈随鲁王说:“有一种民散居在王国各省的民中;他们的律例与万民的律例不同,也不守王的律例,所以容留他们与王无益。
Pagkatapos sinabi ni Haman kay Haring Assuero, “May isang lahing nagkalat at nakatira sa lahat ng lalawigan ng iyong kaharian. Ang kanilang mga batas ay iba mula sa ibang mga tao, at hindi nila sinusunod ang mga batas ng hari, kaya hindi nararapat para sa hari na hayaan silang manatili.
9 王若以为美,请下旨意灭绝他们;我就捐一万他连得银子交给掌管国帑的人,纳入王的府库。”
Kung mamarapatin ng hari, magbigay ng utos upang patayin sila, at maglalagay ako ng sampung libong talentong pilak sa kamay ng namamahala sa kalakalan ng hari, upang ilagay nila ito sa kabang-yaman ng hari.”
10 于是王从自己手上摘下戒指给犹大人的仇敌—亚甲族哈米大他的儿子哈曼。
Pagkatapos ay hinubad ng hari ang panselyong singsing sa kanyang kamay at ibinigay ito kay Haman na anak na lalaki ni Hammedatha ng Agageo, ang kaaway ng mga Judio.
11 王对哈曼说:“这银子仍赐给你,这民也交给你,你可以随意待他们。”
Sinabi ng hari kay Haman, “Sisiguraduhin kong maibalik ang pera sa iyo at sa iyong lahi. Magagawa mo anuman ang iyong naisin para dito.”
12 正月十三日,就召了王的书记来,照着哈曼一切所吩咐的,用各省的文字、各族的方言,奉亚哈随鲁王的名写旨意,传与总督和各省的省长,并各族的首领;又用王的戒指盖印,
Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.
13 交给驿卒传到王的各省,吩咐将犹大人,无论老少妇女孩子,在一日之间,十二月,就是亚达月十三日,全然剪除,杀戮灭绝,并夺他们的财为掠物。
Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
14 抄录这旨意,颁行各省,宣告各族,使他们预备等候那日。
Ang kopya ng liham ay ginawang batas sa bawat lalawigan. Sa bawat lalawigan ito ay ipinagbigay-alam sa lahat ng mga tao na dapat silang maghahanda para sa araw na ito.
15 驿卒奉王命急忙起行,旨意也传遍书珊城。王同哈曼坐下饮酒,书珊城的民却都慌乱。
Lumabas ang mga tagahatid at nagmadaling ipinamahagi ang kautusan ng hari. Ang batas ay ipinamahagi rin sa palasyo ng Susa. Ang hari at si Haman ay umupo upang uminom, ngunit ang siyudad ng Susa ay nasa kaguluhan.

< 以斯帖记 3 >