< 传道书 5 >

1 你到 神的殿要谨慎脚步;因为近前听,胜过愚昧人献祭,他们本不知道所做的是恶。
Ingatan ang inyong pag-uugali kapag kayo ay nasa tahanan ng Diyos. Magtungo doon para makinig. Mas mabuti ang pakikinig kaysa mga handog ng mga mangmang habang hindi nalalaman na ang kanilang ginagawa sa buhay ay masama.
2 你在 神面前不可冒失开口,也不可心急发言;因为 神在天上,你在地下,所以你的言语要寡少。
Huwag agad-agad magsasalita ang inyong bibig, at huwag hayaan ang inyong puso ay agad-agad maghain ng anumang bagay sa harapan ng Diyos. Ang Diyos ay nasa langit, ngunit ikaw ay nasa ibabaw ng mundo, kaya hayaang kakaunti ang iyong mga salita.
3 事务多,就令人做梦;言语多,就显出愚昧。
Kapag ikaw ay napakaraming ginagawa at iniintindi, ikaw ay maaaring magkaroon ng mga masamang panaginip. At habang dumadami ang iyong sinasabi, lalong dumadami ang mga kahangalang maaaring masasabi mo pa.
4 你向 神许愿,偿还不可迟延,因他不喜悦愚昧人,所以你许的愿应当偿还。
Kapag ikaw ay mamamanata sa Diyos, huwag patagalin ang pagtupad nito, dahil walang kasiyahan ang Diyos sa mga mangmang. Gawin ang iyong panata.
5 你许愿不还,不如不许。
Mas mainam pa na hindi magbigay ng isang panata kaysa magbigay ng isa na hindi mo naman matutupad.
6 不可任你的口使肉体犯罪,也不可在祭司面前说是错许了。为何使 神因你的声音发怒,败坏你手所做的呢?
Huwag hayaan ang inyong mga bibig ay magdulot ng kasalanan sa inyong katawan. Huwag ninyong sabihin sa tagapagbalita ng pari, “Ang panatang iyon ay isang pagkakamali.” Bakit ginagalit ang Diyos sa maling panata, hinahamon ang Diyos upang wasakin ang gawa ng iyong mga kamay?
7 多梦和多言,其中多有虚幻,你只要敬畏 神。
Kaya sa maraming mga panaginip, katulad ng maraming mga salita, ito ay walang kabuluhang parang singaw. Kaya matakot sa Diyos.
8 你若在一省之中见穷人受欺压,并夺去公义公平的事,不要因此诧异;因有一位高过居高位的鉴察,在他们以上还有更高的。
Kapag nakikita mong inaapi ang mahihirap at pinagnanakawan ng katarungan at wastong pagtrato sa iyong lalawigan, huwag magtaka na para bang walang nakaka-alam, dahil mayroong mga taong nasa kapangyarihan na nangangalaga sa kanilang nasasakupan at mayroon pang mas mataas sa kanila.
9 况且地的益处归众人,就是君王也受田地的供应。
Karagdagan pa, ang ani ng lupain ay para sa lahat, at nakikinabang ang hari mismo sa ani mula sa mga bukirin.
10 贪爱银子的,不因得银子知足;贪爱丰富的,也不因得利益知足。这也是虚空。
Sinumang nagmamahal sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak, at sinuman ang nagmamahal sa yaman ay maghahangad pa nang marami. Ito din ay parang singaw.
11 货物增添,吃的人也增添,物主得什么益处呢?不过眼看而已!
Habang nadaragdagan ang kasaganaan, gayon din naman ang mga taong nangangailangan nito. Anong pakinabang sa may-ari ng yaman ang mayroon ito kundi pagmasdan ito ng kaniyang mga mata?
12 劳碌的人不拘吃多吃少,睡得香甜;富足人的丰满却不容他睡觉。
Ang tulog ng isang manggagawa ay mahimbing, kahit kaunti ang kinain o napakarami, ngunit ang kayamanan ng taong mayaman ay hindi siya pinahihintulutang matulog nang mahimbing.
13 我见日光之下有一宗大祸患,就是财主积存资财,反害自己。
Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian.
14 因遭遇祸患,这些资财就消灭;那人若生了儿子,手里也一无所有。
Kapag nawala ng mayaman na tao ang kaniyang kayamanan dahil sa kamalasan, ang sarili niyang anak, na kaniyang inaruga ay walang naiwang anuman sa kaniyang mga kamay.
15 他怎样从母胎赤身而来,也必照样赤身而去;他所劳碌得来的,手中分毫不能带去。
Gaya ng isang taong ipinanganak nang hubad mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, gayon din hubad niyang iiwan ang buhay na ito. Walang madadala ang kaniyang kamay mula sa kaniyang paggawa.
16 他来的情形怎样,他去的情形也怎样。这也是一宗大祸患。他为风劳碌有什么益处呢?
Isa pang malubhang kasamaan ay kung paanong dumating ang isang tao, gayon din siya dapat umalis. Kaya anong pakinabang ang makukuha ng sinuman na gumagawa para sa hangin?
17 并且他终身在黑暗中吃喝,多有烦恼,又有病患呕气。
Sa kaniyang kapanahunan, kumakain siya kasama ang kadiliman at lubhang balisa sa kaniyang karamdaman at galit.
18 我所见为善为美的,就是人在 神赐他一生的日子吃喝,享受日光之下劳碌得来的好处,因为这是他的分。
Pagmasdan mo, ang nakita kong mabuti at karapat-dapat ay kumain at uminom at magsaya sa pakinabang mula sa lahat ng ating gawain, habang tayo ay gumagawa sa ilalim ng araw sa lahat ng mga araw nitong buhay na ibinigay ng Diyos sa atin. Dahil ito ang bahagi ng tao.
19 神赐人资财丰富,使他能以吃用,能取自己的分,在他劳碌中喜乐,这乃是 神的恩赐。
Ang sinumang pinagkalooban ng Diyos ng kayamanan, kasaganaan at ang kakayahang tanggapin ang kaniyang bahagi at magalak sa kaniyang gawain – ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
20 他不多思念自己一生的年日,因为 神应他的心使他喜乐。
Sapagkat hindi niya madalas inaalala ang mga araw ng kaniyang buhay, dahil ginagawa ng Diyos na siya ay maging abala sa mga bagay na nasisiyahan niyang gawin.

< 传道书 5 >