< 申命记 14 >
1 “你们是耶和华—你们 神的儿女。不可为死人用刀划身,也不可将额上剃光;
Kayo ang mga tao ni Yahweh na inyong Diyos. Huwag ninyong putulan ang inyong mga sarili, ni ahitan ang anumang bahagi ng inyong mukha para sa patay.
2 因为你归耶和华—你 神为圣洁的民,耶和华从地上的万民中拣选你特作自己的子民。”
Dahil kayo ang isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos, at pinili kayo ni Yahweh na maging mga tao para sa kaniyang sariling pag-aari, higit pa sa lahat ng mga tao na nasa ibabaw ng mundo.
Hindi ninyo dapat kainin ang anumang kasuklam-suklam na bagay.
Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: ang lalaking baka, ang tupa, at ang kambing,
ang usa, ang gasel, ang usang lalaki, ang mabangis na kambing, at aybeks, at ang antilope, at ang tupang bundok.
Maaari ninyong kainin ang anumang mga hayop na nakabahagi ang kuko, iyon ay, yung ang kuko na nahahati sa dalawa, at ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop.
7 但那些倒嚼或是分蹄之中不可吃的乃是骆驼、兔子、沙番—因为是倒嚼不分蹄,就与你们不洁净;
Gayon pa man, may ilang mga hayop na hindi ninyo dapat kainin na ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop o yaong mayroong kukong nahahati sa dalawa: ang kamelyo, ang kuneho, at ang kuneho sa batuhan; dahil ang mga ito ay ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop pero hindi hiwalay ang kuko, marumi sila para sa inyo.
8 猪—因为是分蹄却不倒嚼,就与你们不洁净。这些兽的肉,你们不可吃,死的也不可摸。
Marumi rin para sa inyo ang baboy dahil siya ay hiwalay ang kuko pero hindi ngumunguya ng nginuyang pagkain ng hayop; marumi siya para sa inyo. Huwag kainin ang karne ng baboy, at huwag hawakan ang kanilang mga bangkay.
Maaari ninyong kainin ang mga bagay na ito na nasa tubig: kahit anong may mga palikpik at mga kaliskis;
pero hindi dapat ninyong kainin ang mga walang palikpik at kaliskis; marumi sila para sa inyo.
Makakain ninyo ang lahat ng malilinis na mga ibon.
Pero ito ang mga ibon na hindi dapat ninyo kainin: ang agila, ang buwitre, ang ospri,
ang pulang halkon at itim na halkon, anumang uri ng palkon,
at ang ostrits, at ang gabing lawin, ang tagak, anumang uri ng lawin,
ang munting kuwago, ang malaking kuwago, ang puting kuwago,
ang pelikano, ang buwitreng carrion, ang maninisid-isda,
at ang tagak, anumang uri ng kanduro, ang hoopoe, at ang paniki.
Lahat ng may pakpak, kumukuyog na mga bagay ay marumi para sa inyo; hindi dapat sila kainin.
Maaari ninyong kainin ang lahat ng mga malinis na bagay na lumilipad.
21 “凡自死的,你们都不可吃,可以给你城里寄居的吃,或卖与外人吃,因为你是归耶和华—你 神为圣洁的民。 “不可用山羊羔母的奶煮山羊羔。”
Hindi ninyo dapat kainin ang anumang hayop na kusang namatay; maaari ninyo itong ibigay sa dayuhan na nasa inyong mga tarangkahan, na maaari niyang kainin ito; o maaari ninyo itong ipagbili sa isang dayuhan. Sapagka't kayo ay isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag ninyong pakuluan ang isang batang kambing sa gatas ng ina nito.
22 “你要把你撒种所产的,就是你田地每年所出的,十分取一分;
Dapat ninyong tiyakin ang ikapu sa lahat ng bunga ng inyong pinunla, na kung saan lalabas mula sa bukid taon taon.
23 又要把你的五谷、新酒、和油的十分之一,并牛群羊群中头生的,吃在耶和华—你 神面前,就是他所选择要立为他名的居所。这样,你可以学习时常敬畏耶和华—你的 神。
Dapat kayong kumain sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, sa lugar na kaniyang pipiliin na kaniyang maging santuwaryo, ang ikapu ng inyong butil, ng inyong bagong alak, at ng inyong langis, at ang unang anak ng inyong mga hayop at inyong kawan; nang matutunan ninyong palaging parangalan si Yahweh na inyong Diyos.
24 当耶和华—你 神赐福与你的时候,耶和华—你 神所选择要立为他名的地方若离你太远,那路也太长,使你不能把这物带到那里去,
Kung ang paglalakbay ay napakahaba para sa inyo na hindi na ninyo makayanan na dalhin ito, dahil ang lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos na kaniyang santuwaryo ay napakalayo mula sa inyo, pagkatapos, kapag pagpapalain na kayo ni Yahweh na inyong Diyos,
25 你就可以换成银子,将银子包起来,拿在手中,往耶和华—你 神所要选择的地方去。
ipagpapalit ninyo ang alay sa pera, itatali ang pera sa inyong kamay, at pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos.
26 你用这银子,随心所欲,或买牛羊,或买清酒浓酒,凡你心所想的都可以买;你和你的家属在耶和华—你 神的面前吃喝快乐。
Doon gagastusin ninyo ang pera para sa anumang ninais ninyo: para sa mga baka, o para sa tupa, o para sa alak, o para sa matapang na inumin, o para sa anumang nais ninyo; kakain ka doon sa harap ni Yahweh na inyong Diyos, at magsasaya kayo, kayo at ang inyong sambahayan.
27 “住在你城里的利未人,你不可丢弃他,因为他在你们中间无分无业。
Ang Levita na nasa loob ng inyong mga tarangkahan— huwag siyang kalimutan, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo.
28 每逢三年的末一年,你要将本年的土产十分之一都取出来,积存在你的城中。
Sa katapusan ng bawat tatlong taon ay ibibigay ninyo ang lahat na ikapu ng inyong bunga sa parehong taon, at iimbakin ninyo ito sa loob ng inyong mga tarangkahan;
29 在你城里无分无业的利未人,和你城里寄居的,并孤儿寡妇,都可以来,吃得饱足。这样,耶和华—你的 神必在你手里所办的一切事上赐福与你。”
at ang Levita, dahil wala silang bahagi ni pamana na nasa inyo, at ang dayuhan, at ang ulila, at ang balo na nasa loob ng inyong mga tarangkahan, pupunta at kakain at mabusog. Gawin ito para pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong kamay na inyong gagawin.