< 但以理书 6 >

1 大流士随心所愿,立一百二十个总督,治理通国。
Nalugod si Dario na magtalaga sa buong kaharian ng 120 na mga gobernador ng lalawigan na mamahala sa buong kaharian.
2 又在他们以上立总长三人(但以理在其中),使总督在他们三人面前回复事务,免得王受亏损。
Sa kanila ay may tatlong punong tagapamahala, at si Daniel ang isa sa kanila. Naitalaga ang mga punong tagapamahala upang pangasiwaan ang mga gobernador ng lalawigan, upang ang hari ay hindi makaranas pa ng kawalan.
3 因这但以理有美好的灵性,所以显然超乎其余的总长和总督,王又想立他治理通国。
Higit na natatangi si Daniel sa lahat ng mga punong tagapamahala at sa mga gobernador ng mga lalawigan dahil siya ay may natatanging espiritu. Binabalak ng hari na siya ay hiranging mamahala sa buong kaharian.
4 那时,总长和总督寻找但以理误国的把柄,为要参他;只是找不着他的错误过失,因他忠心办事,毫无错误过失。
Kaya ang ibang punong tagapamahala at ang mga gobernador ng lalawigan ay naghahanap ng mga kamalian sa trabaho ni Daniel sa kaharian, ngunit wala silang makitang katiwalian o kakulangan sa kaniyang trabaho dahil matapat siya. Walang pagkakamali o kapabayaang natagpuan sa kaniya.
5 那些人便说:“我们要找参这但以理的把柄,除非在他 神的律法中就寻不着。”
Kaya sinabi ng mga kalalakihang ito, “Wala tayong makitang anumang dahilan upang magreklamo laban sa Daniel na ito maliban lamang kung may makita tayong laban sa kaniya tungkol sa kautusan ng kaniyang Diyos.
6 于是,总长和总督纷纷聚集来见王,说:“愿大流士王万岁!
Kaya nagdala ng plano ang mga namamahala at mga gobernador sa harapan ng hari na. Sinabi nila sa kaniya, “Haring Dario, mabuhay ka nawa magpakailanman!
7 国中的总长、钦差、总督、谋士,和巡抚彼此商议,要立一条坚定的禁令,三十日内,不拘何人,若在王以外,或向神或向人求什么,就必扔在狮子坑中。
Lahat ng mga pinunong tagapamahala ng kaharian, ang mga gobernador ng mga rehiyon, at ang mga gobernador ng lalawigan, ang mga tagapayo, at ang mga gobernador ay sumangguni sa isa't-isa at nagpasya na ikaw, ang hari, ay kailangang maglabas ng isang batas at kailangan itong ipatupad, upang ang sinumang gumawa ng panalangin sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo, o hari, dapat maihagis ang taong iyon sa yungib ng mga leon.
8 王啊,现在求你立这禁令,加盖玉玺,使禁令决不更改;照米底亚和波斯人的例是不可更改的。”
Ngayon, o hari, magpalabas ka ng isang atas at lagdaan ang kasulatan upang sa gayon hindi na ito maaaring mabago, ayon sa mga batas na itinuturo ng mga Medo at Persia, sa gayon hindi ito mapawalang bisa.
9 于是大流士王立这禁令,加盖玉玺。
Kaya nilagdaan ni Haring Dario ang dokumento na gawing batas ang kautusan.
10 但以理知道这禁令盖了玉玺,就到自己家里(他楼上的窗户开向耶路撒冷),一日三次,双膝跪在他 神面前,祷告感谢,与素常一样。
Nang nalaman ni Daniel na nalagdaan na ang kasulatan na isina-batas, pumunta siya sa kaniyang bahay (ngayon ang kaniyang bintana sa itaas ay nakabukas sa dakong Jerusalem) at siya ay lumuhod, gaya ng ginagawa niya ng tatlong beses sa isang araw, at nanalangin at nagpapasalamat sa harapan ng kaniyang Diyos, gaya ng kaniyang dating ginagawa.
11 那些人就纷纷聚集,见但以理在他 神面前祈祷恳求。
At nakita ng mga kalalakihang ito na magkakasamang bumuo ng masamang balak si Daniel na humihiling at humahanap ng tulong mula sa Diyos.
12 他们便进到王前,提王的禁令,说:“王啊,三十日内不拘何人,若在王以外,或向神或向人求什么,必被扔在狮子坑中。王不是在这禁令上盖了玉玺吗?”王回答说:“实有这事,照米底亚和波斯人的例是不可更改的。”
Pagkatapos, sila ay lumapit sa hari at nagsalita sa kaniya tungkol sa kaniyang batas: “Hindi ba gumawa ka ng batas na sinumang gumawa ng kahilingan sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo hari ay dapat ihagis sa yungib ng mga leon?” Sumagot ang hari, “Naiayos na ang mga bagay na ito, ayon sa batas ng mga taga-Medo at mga taga-Persia; hindi na ito mapapawalang bisa.”
13 他们对王说:“王啊,那被掳之犹大人中的但以理不理你,也不遵你盖了玉玺的禁令,他竟一日三次祈祷。”
At, sumagot sila sa hari, “Ang taong si Daniel, na isa sa mga taong bihag mula sa Juda ay hindi nakinig sa iyo, o hari, o sa iyong batas na iyong nilagdaan. Nanalangin siya sa kaniyang Diyos ng tatlong beses sa isang araw.”
14 王听见这话,就甚愁烦,一心要救但以理,筹划解救他,直到日落的时候。
Nang marinig ito ng hari, labis siyang nabalisa at naghanap siya ng paraang iligtas si Daniel sa ganitong kapasyahan. Pinagsikapan niya hanggang sa paglubog ng araw na subukang iligtas si Daniel.
15 那些人就纷纷聚集来见王,说:“王啊,当知道米底亚人和波斯人有例,凡王所立的禁令和律例都不可更改。”
Pagkatapos, ang mga kalalakihang ito na nagbalak ng masama ay nagtipon kasama ang hari at sinabi sa kaniya, “Alam mo, o hari, nabatas ng Medo at Persia, na walang batas o kautusan na pinalabas ng hari ang maaaring mabago.”
16 王下令,人就把但以理带来,扔在狮子坑中。王对但以理说:“你所常事奉的 神,他必救你。”
At nagbigay ng utos ang hari, at dinala nila sa loob si Daniel at inihagis nila siya sa yungib ng mga leon. At sinabi ng hari kay Daniel, “Iligtas ka nawa ng iyong Diyos na patuloy mong pinaglilingkuran.”
17 有人搬石头放在坑口,王用自己的玺和大臣的印,封闭那坑,使惩办但以理的事毫无更改。
Dinala ang isang bato sa pasukan ng yungib, at tinatakan ito ng hari ng kaniyang singsing na pangtatak at kasama ng mga tatak ng singsing ng mga maharlika upang walang anumang mabago tungkol kay Daniel.
18 王回宫,终夜禁食,无人拿乐器到他面前,并且睡不着觉。
Pagkatapos, pumunta ang hari sa kaniyang palasyo at magdamag siyang nag-ayuno. Walang mang-aaliw na dinala sa harapan niya at hindi siya nakatulog.
19 次日黎明,王就起来,急忙往狮子坑那里去。
At nang madaling araw, bumangon ang hari at nagmamadaling nagtungo sa yungib ng mga leon.
20 临近坑边,哀声呼叫但以理,对但以理说:“永生 神的仆人但以理啊,你所常事奉的 神能救你脱离狮子吗?”
Habang siya ay papalapit sa yungib, tinawag niya si Daniel, na may tinig na puno ng pagdadalamhati. Sinabi niya kay Daniel, “Daniel, lingkod ng buhay na Diyos, nailigtas ka ba ng iyong Diyos na lagi mong pinaglilingkuran mula sa mga leon?”
21 但以理对王说:“愿王万岁!
Pagkatapos sinabi ni Daniel sa hari, “Hari, mabuhay ka magpakailanman!
22 我的 神差遣使者,封住狮子的口,叫狮子不伤我;因我在 神面前无辜,我在王面前也没有行过亏损的事。”
Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.”
23 王就甚喜乐,吩咐人将但以理从坑里系上来。于是但以理从坑里被系上来,身上毫无伤损,因为信靠他的 神。
Pagkatapos, ang hari ay masayang masaya. Nagbigay siya ng utos na kailangang ilabas sa yungib si Daniel. Kaya itinaas nila si Daniel palabas ng yungib. Walang nakitang sugat sa kaniya, dahil siya ay nagtiwala sa kaniyang Diyos.
24 王下令,人就把那些控告但以理的人,连他们的妻子儿女都带来,扔在狮子坑中。他们还没有到坑底,狮子就抓住他们,咬碎他们的骨头。
Nagbigay ng isang utos ang hari, na dalhin ang mga kalalakihang nagparatang kay Daniel at ihagis sila sa yungib ng mga leon, sila at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa. Bago sila sumayad sa sahig ay sinunggaban na sila ng mga leon at pinagbabali ang kanilang mga buto nang pira-piraso.
25 那时,大流士王传旨,晓谕住在全地各方、各国、各族的人说:“愿你们大享平安!
Pagkatapos, sumulat si Haring Dario sa lahat ng mga tao, mga bansa at mga wika na naninirahan sa buong mundo: “Sumagana nawa ang kapayapaan sa inyo.
26 现在我降旨晓谕我所统辖的全国人民,要在但以理的 神面前,战兢恐惧。 因为他是永远长存的活 神, 他的国永不败坏; 他的权柄永存无极!
Ipinag-uutos ko na sa lahat ng nasasakupan ng aking kaharian, ang manginig at matakot ang mga tao sa harap ng Diyos ni Daniel, sapagkat siya ay buhay na Diyos at nabubuhay magpakailanman at hindi nawawasak ang kaniyang kaharian; ang kaniyang kapangyarihan ay maging hanggang sa wakas.
27 他护庇人,搭救人, 在天上地下施行神迹奇事, 救了但以理脱离狮子的口。”
Iniingatan niya tayo at inililigtas at gumagawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa langit at sa lupa; iningatan niyang ligtas si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.”
28 如此,这但以理,当大流士王在位的时候和波斯王塞鲁士在位的时候,大享亨通。
Kaya sumagana ang Daniel na ito sa panahon ng paghahari ni Dario at sa panahon ng paghahari ni Ciro ang Persiano.

< 但以理书 6 >