< 撒母耳记下 2 >

1 此后,大卫问耶和华说:“我上犹大的一个城去可以吗?”耶和华说:“可以。”大卫说:“我上哪一个城去呢?”耶和华说:“上希伯 去。”
Pagkaraan nito nagtanong si David kay Yahweh at sinabi, “Pupunta ba ako sa isa sa mga lungsod sa Juda?” Sumagot si Yahweh sa kaniya, “Pumunta ka.” Sabi ni David, “Sa anong lungsod ako pupunta?” Sumagot si Yahweh, “Sa Hebron.”
2 于是大卫和他的两个妻—一个是耶斯列人亚希暖,一个是作过迦密人拿八妻的亚比该—都上那里去了。
Kaya umalis si David kasama ang kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam mula sa Jezreel, at Abigail mula sa Carmel, ang biyuda ni Nabal.
3 大卫也将跟随他的人和他们各人的眷属一同带上去,住在希伯 的城邑中。
Isinama ni David ang mga kalalakihan na kasama niya, na ang bawat isa ay isinama ang kanilang pamilya, sa mga lungsod ng Hebron, kung saan nagsimula silang manirahan.
4 犹大人来到希伯 ,在那里膏大卫作犹大家的王。 有人告诉大卫说:“葬埋扫罗的是基列·雅比人。”
Pagkatapos dumating ang mga kalalakihan mula sa Juda at hinirang si David na hari sa buong sambahayan ng Juda. Sinabi nila kay David, “Ang mga kalalakihan sa Jabes Galaad ang naglibing kay Saul.
5 大卫就差人去见基列·雅比人,对他们说:“你们厚待你们的主—扫罗,将他葬埋。愿耶和华赐福与你们!
Kaya nagpadala si David ng mga mensahero sa mga kalalakihan ng Jabes Galaad at sinabi sa kanila, “Kayo ay pinagpala ni Yahweh, dahil sa ipinakita ninyo na katapatan sa inyong panginoong si Saul at inilibing siya.
6 你们既行了这事,愿耶和华以慈爱诚实待你们,我也要为此厚待你们。
Ngayon nawa'y magpakita si Yahweh sa inyo ng tapat na kasunduan at katapatan. Magpapakita rin ako sa inyo nitong kabutihan dahil ginawa ninyo ang bagay na ito.
7 现在你们的主—扫罗死了,犹大家已经膏我作他们的王,所以你们要刚强奋勇。”
Kaya ngayon, hayaang maging malakas ang inyong mga kamay; maging matapang dahil si Saul na inyong panginoon ay namatay, at buong sambahayan ng Juda ay hinirang ako mag hari sa kanila.”
8 扫罗的元帅尼珥的儿子押尼珥,曾将扫罗的儿子伊施波设带过河,到玛哈念,
Pero si Abner anak na lalaki ni Ner, pinuno ng hukbo ni Saul, kinuha ang anak ni Saul na si Isobet at dinala siya sa Mahanaim;
9 立他作王,治理基列、亚书利、耶斯列、以法莲、便雅悯,和以色列众人。
ginawa niya si Isobet na hari sa buong Galaad, Asureo, Jezreel, Efraim, Benjamin, at sa buong Israel.
10 扫罗的儿子伊施波设登基的时候年四十岁,作以色列王二年;惟独犹大家归从大卫。
Si Isobet anak na lalaki ni Saul, ay apatnapung-taong gulang nang mag-umpisa siyang maghari sa buong Israel, at naghari siya ng dalawang taon. Peroo ang sambahayan ng Juda ay sumunod kay David.
11 大卫在希伯 作犹大家的王,共七年零六个月。
Ang panahon na si David ay naging hari sa Hebron sa buong sambahayan ni Juda ay pitong taon at anim na buwan.
12 尼珥的儿子押尼珥和扫罗的儿子伊施波设的仆人从玛哈念出来,往基遍去。
Si Abner anak na lalaki ni Ner, at ang mga lingkod ni Isobet anak na lalaki ni Saul, ay umalis mula sa Mahanaim patungo sa Gibeon.
13 洗鲁雅的儿子约押和大卫的仆人也出来,在基遍池旁与他们相遇;一班坐在池这边,一班坐在池那边。
Si Joab anak na lalaki ni Zeruias at ang mga lingkod ni David ay lumabas at nakipagkita sa kanila sa lawa ng Gibeon. Umupo sila doon, isang grupo sa isang panig ng lawa at ang iba sa kabilang panig.
14 押尼珥对约押说:“让少年人起来,在我们面前戏耍吧!”约押说:“可以。”
Sinabi ni Abner kay Joab, “Hayaan ang mga binata ay tumayo at makipaglaban sa ating harapan.” Pagkatapos sinabi ni Joab, “Hayaan silang tumayo.”
15 就按着定数起来:属扫罗儿子伊施波设的便雅悯人过去十二名,大卫的仆人也过去十二名,
Pagkatapos nagsitayuan ang mga binata at sama-samang nagtipon, labingdalawa para kay Benjamin at Isobet anak na lalaki ni Saul, at labingdalawa mula sa mga lingkod ni David.
16 彼此揪头,用刀刺肋,一同仆倒。所以,那地叫做希利甲·哈素林,就在基遍。
Sinunggaban ng bawat lalaki ang ulo ng kaniyang kaaway at sinaksak ang kaniyang espada sa gilid ng kaniyang kalaban, at pareho silang nagsibagsakan. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag sa Hebreo, “Helkat Hazzurim,” o “Bukid ng mga Espada,” na nasa Gibeon.
17 那日的战事凶猛,押尼珥和以色列人败在大卫的仆人面前。
Ang labanan ay masyadong marahas ng araw na iyon at si Abner at ang mga kalalakihan ng Israel ay natalo sa harapan ng mga lingkod ni David.
18 在那里有洗鲁雅的三个儿子:约押、亚比筛、亚撒黑。亚撒黑脚快如野鹿一般;
Ang tatlong anak na lalaki ni Zeruias ay naroon: Si Joab, at Abisai, at Asahel. Si Asahel ay napakabilis ng mga paa gaya ng isang gasel.
19 亚撒黑追赶押尼珥,直追赶他不偏左右。
Tinutugis ng malapitan ni Asahel si Abner at sinusundan siya na hindi lumilihis sa anumang dako.
20 押尼珥回头说:“你是亚撒黑吗?”回答说:“是。”
Lumingon si Abner sa kaniyang likuran, at sinabi, “Ikaw ba iyan Asahel?” Sumagot siya, “Ako nga ito.”
21 押尼珥对他说:“你或转向左转向右,拿住一个少年人,剥去他的战衣。”亚撒黑却不肯转开不追赶他。
Sinabi ni Abner sa kaniya, “Lumihis ka sa kanan o sa iyong kaliwa, at sunggaban mo ang isa sa binata at kunin ang kaniyang baluti.” Pero hindi lumihis si Asahel.
22 押尼珥又对亚撒黑说:“你转开不追赶我吧!我何必杀你呢?若杀你,有什么脸见你哥哥约押呢?”
Kaya sinabi ulit ni Abner kay Asahel, Tigilan mo na ang pagtugis sa akin. Bakit kita pababagsakin sa lupa? Anong mukhang ihaharap ko kay Joab, na iyong kapatid na lalaki?”
23 亚撒黑仍不肯转开。故此,押尼珥就用枪 刺入他的肚腹,甚至枪从背后透出,亚撒黑就在那里仆倒而死。众人赶到亚撒黑仆倒而死的地方,就都站住。
Pero tumangging lumihis si Asahel at sinaksak siya ni Abner sa katawan sa pamamagitan ng mapurol na dulo ng kaniyang sibat, kaya ang sibat ay tumagos sa kabilang gilid. Bumagsak si Asahel at namatay doon. Kaya ang sinuman ang dumating sa lugar kung saan bumagsak at namatay si Asahel, ay huminto at nanatiling nakatayo.
24 约押和亚比筛追赶押尼珥,日落的时候,到了通基遍旷野的路旁,基亚对面的亚玛山。
Pero tinugis ni Joab at Abisai si Abner. Nang palubog na ang araw, pumunta sila sa burol ng Amma, na malapit sa Giah sa pamamagitan ng daan patungo sa kagubatan ng Gibeon.
25 便雅悯人聚集,跟随押尼珥站在一个山顶上。
Nagtipon ang mga kalalakihan ni Benjamin ng sama-sama sa likuran ni Abner at tumayo sa itaas ng burol.
26 押尼珥呼叫约押说:“刀剑岂可永远杀人吗?你岂不知终久必有苦楚吗?你要等何时才叫百姓回去、不追赶弟兄呢?”
Pagkatapos tinawag ni Abner si Joab at sinabi, “Dapat bang magpatayan tayo habang buhay? Hindi mo ba alam lalo lang itong lulubha sa katapusan? Gaano katagal bago mo sasabihin sa iyong mga kalalakihan na tigilan na ang pagtugis sa inyong mga kapatid na lalaki?
27 约押说:“我指着永生的 神起誓:你若不说戏耍的那句话,今日早晨百姓就回去,不追赶弟兄了。”
Sumagot si Joab, “Hanggang sa nabubuhay ang Diyos, kung hindi mo sinabi iyan, ang aking mga tauhan ay patuloy na tutugisin ang kanilang mga kapatid na lalaki hanggang umaga!”
28 于是约押吹角,众民就站住,不再追赶以色列人,也不再打仗了。
Kaya pinatunog ni Joab ang trumpeta, at ang lahat ng kaniyang tauhan ay tumigil at hindi na tinugis kailanman ang Israel, ni hindi na sila naglaban kailanman.
29 押尼珥和跟随他的人整夜经过亚拉巴,过约旦河,走过毕伦,到了玛哈念。
Si Abner at ang kaniyang mga tauhan ay naglakbay nang buong magdamag patungong Araba. Tumawid sila sa Jordan, naglakad silang lahat ng sumunod na umaga, at pagkatapos nakarating sa Mahanaim.
30 约押追赶押尼珥回来,聚集众民,见大卫的仆人中缺少了十九个人和亚撒黑。
Bumalik si Joab galing sa pagtugis kay Abner. Tinipon niya ang lahat ng kaniyang tauhan, kung saan nawawala si Asahel at ang labing-siyam na mga sundalo ni David.
31 但大卫的仆人杀了便雅悯人和跟随押尼珥的人,共三百六十名。
Pero ang mga tauhan ni David ay nakapatay ng 360 tauhan ni Benjamin sa pamamagitan ni Abner.
32 众人将亚撒黑送到伯利恒,葬在他父亲的坟墓里。约押和跟随他的人走了一夜,天亮的时候到了希伯 。
Pagkatapos kinuha nila si Asahel at inilibing siya sa loob ng libingan ng kaniyang ama, na nasa Bethlehem. Naglakbay si Joab at ang kaniyang mga tauhan ng buong magdamag, at inabutan na sila ng maagang pagsikat ng araw sa Hebron.

< 撒母耳记下 2 >